Pagbaba ni Kaylyn sa terminal sa Cubao, hindi siya nag-aksaya ng panahon. Kahit pagod at hilahil ang katawan, tila may sariling buhay ang kaniyang mga paa. Nilakbay niya ang maingay at magulong lansangan ng Maynila hanggang sa makarating siya sa sakayan patungong Cavite. Doon naninirahan ang kaniyang Tita Luming, ang bunsong kapatid ng kaniyang ama—ang tanging tao na alam niyang makakapagbigay sa kaniya ng sagot o kahit man lang sandigan sa gitna ng unos na ito. Habang nasa byahe ang bus patungong Cavite, nakatingin lang si Kaylyn sa bintana, pinagmamasdan ang naglalakihang gusali na unti-unting napapalitan ng mga puno. Hinahaplos niya ang kaniyang tiyan. "Lolo mo ang pinag-uusapan natin, baby... kailangan nating malaman ang totoo," bulong niya sa kaniyang isip. ____ Samantala, sa loob

