Sinalubong agad si Kaylyn nina Geneva at Jaxon sa pintuan pa lang. Hindi na magkamayaw ang dalawa sa pagkukuwento habang si Russo ay nakatayo lang malapit sa hapag-kainan, tila isang batang naghihintay ng grade mula sa kanyang guro. "Ate! Akala ko ba house boy lang 'to? Daig pa si Superman sa palengke kanina!" bungad ni Jaxon na tumatawa. "Oo nga, Ate!" singit naman ni Geneva habang hinihila ang kamay ni Kaylyn papunta sa kusina. "Si Sir Ledger, nakipag-unahan sa mga kargador sa talipapa para lang makuha 'yung pinakamalaki! Muntik pa siyang masagagi ng tricycle pero dedma lang siya, yakap-yakap 'yung supot ng langka!" Bida ng kanyang kapatid sa kanya. Napatingin si Kaylyn kay Russo. Doon niya napansin ang hitsura nito—ang puting sando ay may mga talsik ng gata at mantsa ng putik sa ib

