Lumabas si Ledger sa kwarto nang dahan-dahan, sinisiguradong hindi masisira ang masayang tawanan ng pamilya sa loob. Pero pagkasara pa lang ng pinto, agad na bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Mrs. Jimenez. "Sir, we have a situation," bungad ng kanyang assistant, diretsong nakatingin sa kanya. "Ano 'yun? Hindi ba pwedeng bukas na lang?" tanong ni Ledger, medyo naiinis dahil ayaw niyang magambala ang oras niya kay Kaylyn. "Hindi po, Sir. Ito 'yung Annual Charity Gala sa Makati. Importante ang presensya niyo dahil nandoon ang lahat ng main investors natin. At Sir..." saglit na huminto si Mrs. Jimenez, tila nag-aalangan. "Naka-confirm na po na si Isabella ang magiging date niyo. It’s all over the press release. Ang pamilya niya ang nag-ayos nito." Agad na dumilim ang mukha ni Ledger

