Parang mga aninong mabilis na kumilos si Arlok at ang kanyang team. Sa isang iglap, sinunggaban nila ang naguguluhang mga tauhan ni Isabella. Si Arlok mismo ang bumuhat sa kapatid ni Kaylyn at mabilis itong inilayo sa gitna ng panganib, habang ang ibang security ay dinisarmahan si Mang Tacio na ngayon ay tulala na sa kanyang ginawa. "Isabella, tingnan mo ang ginawa mo!" bulyaw ni Ledger. Ang kanyang boses ay hindi lamang galit; ito ay may kasamang bagsik na tila yayanig sa buong dalampasigan. Seryoso siyang nakatitig sa babaeng ngayon ay namumutla na at nanginginig ang mga labi sa gulat. "Ginamit mo ang mga taong hindi mo kontrolado, at ngayon, tingnan mo ang dulo ng kahibangan mo. Muntik mo nang ikamatay ang sarili mong laro." Si Isabella ay hindi makapagsalita. Ang sunglasses na kanina

