Lumipas ang mga araw na naging mas abala pa si Ledger kaysa sa karaniwan. Sa pagkakataong ito, hindi mga board member o mga bilyong dolyar na kontrata ang kaniyang inaasikaso, kundi ang bawat detalye ng unang pagdiriwang para sa kaniyang magiging anak. Gusto niya ay perpekto ang lahat—mula sa pinakamaliit na dekorasyon hanggang sa listahan ng mga panauhin. Dahil ito ay isang eksklusibong pagtitipon ng pamilya, personal na tinawagan ni Ledger ang kaniyang mga pinsan upang masigurong bakante ang kanilang mga iskedyul. Una sa listahan ay si Chester Russo, ang kaniyang pinsan na isang sikat na International Model. Sa gitna ng abalang iskedyul nito sa mga fashion week sa Paris at Milan, hindi ito nag-atubiling kanselahin ang isang malaking shoot para lamang makadalo. "I wouldn't miss the chan

