Dahan-dahang inalalayan ni Kaylyn si Russo sa kanyang kama—ang kaisa-isang kama sa maliit niyang silid na amoy lavender at baby powder. Doon, sa ilalim ng kupas pero malinis na kumot, ang makapangyarihang CEO ay mukhang batang nawawala. Halos oras-oras siyang nagigising para palitan ang bimpo sa noo nito, tinitignan kung bumaba na ang lagnat na tila ayaw humupa. Dahil wala silang ibang pagkain na madaling ihanda, nagluto si Kaylyn ng Lucky Me noodles. Ang mainit na usok nito ay humalo sa amoy ng gamot sa loob ng kwarto. Pilit niyang ginising ang binata. "Russo... gising muna. Kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot," mahinang sabi ni Kaylyn. Dahan-dahang idinilat ni Russo ang kanyang mga mata. His eyes were glassy and bloodshot. Namumula ang kanyang buong mukha pati ang dulo ng

