Unti-unting gumagapang ang liwanag ng araw mula sa bintana, tumatama sa mukha ni Kaylyn na nagpasingkit sa kanyang mga mata. Masarap ang kanyang tulog—mahimbing at mainit. Pakiramdam niya ay may yakap siyang isang malaking unan na saktong-sakto sa kanyang laki. Humigpit pa ang yakap niya at isinubsob ang mukha sa unang iyon, ninanamnam ang amoy na pamilyar pero nakakalito. Amoy alak na hinaluan ng gamot, pero may hint din ng mamahaling sandalwood at musk. Dahan-dahang nagising ang diwa ni Kaylyn. Doon niya narealize na ang unang nayayakap niya ay tumitibok. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Ang unang bumungad sa kanya ay ang puting tela ng lumang t-shirt ng kanyang ama, pero ang dibdib na nasa loob nito ay masyadong malapad. Tumingala siya nang bahagya at halos mapatalon

