bc

Bente Kwatro

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
sweet
superpower
like
intro-logo
Blurb

Paano pa nga ba maibabalik sa dati ang lahat? Paano pa paghihilumin ang pusong nasaktan? Paano pa mabubura ang pagsisisi dahil sa ginawang pagkakamali?Isang pusong sugatan at puno ng pagsisisi ang narinig ng isang Engkantada na magbibigay ng pagkakataon upang bumalik siya sa nakaraan at paghilumin ang pusong kanyang sinaktan.Tunghayan ang kwento ng kawawang si Alexandra at kung paano siya tutulungan ng isang magandang Engkantada.

chap-preview
Free preview
Engkantada
"Thank you for coming to this special event! In case all of you didn't know, aside from celebrating Charm's birthday, it is indeed our first year anniversary! Thank you for celebrating with us! Cheers!" Napilitan akong itaas ang hawak-hawak kong kopita na may lamang red wine kagaya ng ginawa ng iba pang mga bisita. Napatingin ako sa aking relo at napabuga ng malalim na hininga. Hindi pa ba matatapos ang party na'to?! Durog na durog na ang puso ko. Napatingin ako sa stage kung saan magkaharap ang dalawang tao na ni sa hinagap hindi ko mapaniwalaang magkakagustuhan. Pakiramdam ko nga nananaginip lang ako. "Bakit mag-isa ka rito?" Saglit ko lang sinulyapan ang taong nagsalita saka ko muling ibinaling ang tingin sa stage. Dapat kasi ako ang nasa stage kasama nya. "Masama na bang mag-isa ngayon?" "Nagsasanay ka na ba?" Muli ko siyang binalingan at sinamaan ng tingin. Hindi ko alam kung ano ba ang talagang ibig sabihin ng pagiging matalik na kaibigan? Dahil ang taong nasa tabi ko ngayon ay ang itinuturing kong matalik na kaibigan pero bakit ang harsh nya sa akin? "Wala ako sa mood sa pang-aasar mo, Myra." "Pwede bang itulak kita sa pool na 'yan, Alex? Mukha kasing papanindigan mo na talaga ang pagiging tanga!" "Nakita mo bang ngumiti ng ganyan si Charm noong mga panahong ako ang karelasyon nya?" Itinuro ko ang babaeng nasa stage na nakangiti habang hawak-hawak sa kanyang kanang kamay ang kopita. Tapos nakapulupot naman sa bewang ng babaeng katabi nya ang kanyang kaliwang kamay. "Ikaw dapat iyong katabi nya, Alex!" Kung iniisip ni Myra na siya lang ang nanghihinayang at nagsisisi, well nagkakamali siya. Ininom ko ang laman ng aking kopita bago siya tinalikuran. Lahat sa party na ito ay nagpapamukha ng katangahan ko. "Don't you want to do something Alexandra?! Look at yourself?!" "Myra please, ano pa bang gusto mong gawin ko?!" Hindi ba napaka obvious naman na masaya na si Charm. Sa loob ng halos sampung taon, hindi ko na maalala kung kailan siya huling ngumiti ng ganyan, katulad ng pagngiti nya ngayon. Muli kong tiningnan ang stage kung saan eksakto namang pababa na siya habang inaalalayan siya ni Jin. Nagpunta ako sa may bar area at nagpasalin ulit ng wine sa aking kopita. Naupo ako sa stool na nakaharap sa bar stand at iniikot ito upang mapaharap ulit ako sa stage. May banda nang tumutugtog dito. Hinanap ko ng aking tingin ang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Nahigit ko ang aking hininga dahil sa gandang taglay nya. Pinatingkad ito ng kulay beige nyang damit. Nakalugay ang buhok nyang may katamtamang haba. Napakasimple lang ng ayos nya pero isa siya sa mga bisitang lutang ang kagandahang taglay. "Ganda 'no?" "Walang kupas!" Wala sa loob kong nasabi. Napangiti ako nang magtama ang aming mga mata. Pero mabilis din akong napapormal dahil may nakita akong kakaiba sa klase ng tingin niyang 'yon. Tang-ina Alex, wala kang kasing tanga! Halos sampung taon mo na siyang nakasama pinakawalan mo pa! Ngayon iba na nagmamay-ari ng puso nya! "Lasing ka na naman Alex!" Simula nang maghiwalay kami ni Charm hindi na niya ako tinawag na 'Alexa'. Ngumiti ako ng matamis saka mabilis na umiling. Kahit medyo umiikot na ang paligid ko aware pa rin naman ako sa nangyayari. "Charm hindi ako lasing! Ang ganda ganda mo pa nga sa paningin ko eh." Hinaplos ko ang kanyang malambot na pisngi na mabilis naman niyang pinalis. "Stop it!" Pasinghal niyang sabi. Nakataas ang kanyang kilay at hindi maikakaila sa kanyang mukha ang pagkairita. "Sa palala ka na, Alex!" "Charm, masaya ka ba kay Jin?" Ang mga salita na ilang buwan ko ng gustong itanong sa kanya. Kaya salamat kay tequilla dahil finally nagkaroon na ako ng lakas ng loob na ibulalas sa kanya. Looking at her, parang may pumipiga sa puso ko. Saan na ba napunta ang panahon? Ano na bang nangyari sa binuo naming 'kami'? "Hindi ko maintindihan bakit ako pa ang tinawagan ng secretary mo ng dis oras ng gabi!" Tumingin siya sa kanyang relo at napapalatak. "On the way na rin siguro si Myra." Dinukot niya ang cellphone sa kanyang bulsa nang maramdaman nya sigurong nagvibrate ito. "Hello..." Saglit lang niya akong sinulyapan saka lumayo. I smiled bitterly. Sa paglipas ng panahon lumalaki na ang distansya sa akin ni Charm. Unti-unti ng nawawala iyong pagkakataon kong maayos pa ang lahat. Bumalik siya sa pwesto ko matapos nyang makipag usap sa cellphone. "Alex, mauna na ako sa'yo. Papunta na rin daw naman si Myra eh." Nagkibit balikat lang ako at tipid na ngumiti. "Okay!" Muli kong sinalinan ang aking shot glass saka mabilis itong tinungga. Narinig ko pa ang pagbuga nya ng malalim na hininga. "Oh akala ko ba aalis ka na?" Hindi ko alam paano ko nagagawang makipag usap ng normal sa kanya sa kabila ng pagkirot ng puso ko. Ang babaeng pinangarap ko, naging akin na pero pinakawalan ko pa. Hindi ba ang tanga? "Masaya na ako kay Jin. At mas magiging masaya ako kapag nakita kong masaya ka na rin Alex. Let go of me so you can let go of yourself also. " Lumapit siya sa akin saka ako marahang hinalikan sa noo. "I have to go. Hintayin mo na lang si Myra." Tumalikod siya saka nag-umpisang humakbang palayo sa akin. Naikuyom ko ang aking palad at mariing ipinikit ang aking mga mata. Ang sakit-sakit na! Muli akong nagmulat at sinundan ang papalayo niyang bulto. "Charm! Charmaine!" Sapat na ang lakas ng boses ko para huminto siya at lingunin ako. Hindi ko na inisip kahit malakas ang music sa paligid at medyo nagkakagulo na ang ibang customer. "Mahal na mahal pa rin kita. Bumalik ka na please.." Nagulat pa ako dahil hindi ko namalayang may tumulo na palang luha mula sa aking mga mata. "I'm sorry." Muli niya akong tinalikuran at nagmamadaling naglakad palabas ng bar. Para naman akong natulos sa aking kinatatayuan habang tinatanaw siya palayo. Palayo sa lugar na ito. Palayo sa akin. Palayo sa buhay ko. "Alexandra mabuti naman at nakarating ka!" Nabalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang boses ni Jin. Nasa tabi niya si Charm na may tipid na ngiti sa kanyang labi. Kapag kaharap ko si Jin nakikita ko kung ano ang kulang sa sarili ko. Si Jin na may matatag na career bilang isang Engineer. Samantalang ako heto sinundan ko ang hilig ko sa pag iinom. Nagtayo ako ng sarili kong bar. Si Jin na seryoso sa future, samantalang ako heto hindi na nakaalis sa kasalukuyan at mukhang maiiwan pa sa nakaraan. Si Jin na proud at pinahahalagahan ang kung anumang meron sa kanila ni Charm, samantalang ako binalewala lang ang existence nya. "Ikaw pa ba naman ang hindian ko Jinella!" Tumayo ako saka ngumiti sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Binalingan ko naman ang babaeng katabi niya. "Happy birthday Charm!" Bati ko, saka mabilis ding humalik sa kanyang pisngi. "Salamat Alex." Tipid niyang sabi saka tumingin kay Myra na nasa tabi ko pa rin. "Bantayan mo iyang kasama mo, My, alam mo na." "Hon ano ka ba, pinapahiya mo naman si Alex. Alam na niya 'yan." Singit naman ni Jin at kumindat pa sa akin. Tipid lang akong ngumiti. "Wine lang naman ito." Itinaas ko pa ang hawak kong kopita. "Hindi ito nakakalasing." "I know right!" Sabat naman ni Myra na napapalatak pa. "Hon punta muna tayo kina Tita." Baling naman ni Jin kay Charm. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagyakap ng kamay nya sa bewang ni Charm. "Excuse us lang ha?" Ngiti pa ni Jin saka kami pinagsalitang tingnan ni Myra. "Sure! Sure! Alam ko kung gaano kayo kaabala sa pag-eestima ng mga bisita nyo." Sabi naman ni Myra. Lumapit si Charm kay Myra at nakipag beso. "Thank you sa pagpunta My ha? See you again." Binalingan naman nya ako at marahan lang tumango. "Halika na." Baling naman niya kay Jin at nagpaakay na papunta sa Tita na sinasabi ni Jin. Nakuyom ko ang aking palad. Ilang beses ko na bang nakita ang likod ni Charm na naglalakad palayo sa akin? Hindi ko na ata mabilang. At sa tuwing aalalahanin ko parang may patalim na sumasaksak sa puso ko. "Infairness kahit ayoko kay Jin para kay Charm, bagay rin naman sila. Don't you think so, Alex?" Sarcastic niyang sabi saka ako binalingan. "Wala naman ng mababago kahit sabihin kong hindi." Walang emosyong kong tugon. "Ikaw kailan ka magbabago?" "Myra would you stop that! Hindi na kasi nakakatuwa eh!" Kahit matalik ko siyang kaibigan hindi ko na napigilan ang singhalan siya. Kailangan pa ba niyang ipamukha sa akin ang katangahan ko? "Hihintayin mo pa bang maisipan nilang magpakasal bago ka gumawa ng paraan para bawiin siya?" Napailing-iling ako. "Hindi ko na maibabalik ang lahat Myra. Wala na akong magagawa." "Wala na ba talaga Alex?" "Derechohin mo na kaya ako Myra? Sumasakit lang ang ulo ko sa pagpapaikot mo ng usapan eh!" "Huwag mo ng dagdagan ang pagsisisi na nararamdaman mo ngayon. Kapag wala kang ginawa, tuluyan na siyang mawawala sa'yo!" "Wala na nga di ba?!" Pabagsak kong ibinaba ang kopita sa bar table at napahilamos. Muli akong umupo sa bar stool. "Hindi na ako ang mahal niya, Myra." Tuluyan ng bumagsak ang luhang kanina ko pa palang pinipigilan. Ang tindi ko, nakontrol ko ang emosyon ko sa harapan nila. Pero bakit ba sobrang sakit na? Tang ina kung maibabalik ko lang! Kung maibabalik ko lang talaga ang lahat. Hindi mangyayari na si Jin ang nakayakap sa kanya ngayon. Hindi mangyayari na ang ngiting iyon ay mawawala pa sa akin. Kung maibabalik ko lang! Kung maibabalik ko lang talaga! s**t! s**t! s**t! "Please, may hard drink ba kayo dyan?" Tumunghay ako para lang magulat dahil wala palang tao. Saan napunta yung waiter dito? Ang bilis naman niyang nawala. Lumingon ako sa aking paligid para lang magulat ulit dahil wala na ring katao-tao kahit isa. Pati si Myra na kausap ko lang kanina nawala. "Myra?" Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad lakad. Lasing na ba ako? Kinusot kusot ko ang aking mga mata. Baka namamalikmata lang ako. Pero sa pagmulat ko wala pa rin talagang tao. Maliwanag pa rin sa lugar pero wala talaga akong makita kahit isang tao. "Ay putang ina!" Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa aking pagbaling halos ilang pulgada na lang ang lapit ko sa isang babae na nakaputi at mahaba ang buhok. Napaatras ako bigla at nagtaasan ang aking balahibo. "Jusko bakit may white lady dito?!" Tumalikod ako sa kanya para lang muling magulat dahil nasa harapan ko ulit siya. Napasign of the cross ako at pumikit nang mariin. "Diyos ko hindi na po ako iinom kung ganito ang makikita ko! Diyos ko! Diyos ko patawarin mo na pa ako!" Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata pero nakaharap pa rin sa akin ang babaeng nakaputi. "S-Sino h-ho b-ba kayo? N-Naligaw b-ba kayo manang?" "Mukha na ba akong manang?!?!" Lalo pa niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napaatras na naman ako. Tuluyan ko nang iminulat ang aking mga mata at tinapik tapik ko pa ang magkabila kong pisngi. Nananaginip lang ako. Isa lang itong panaginip. Relax ka lang Alex. Maya-maya pa may gigising na sa'yo. Ang dami mo na kasing nainom kaya nalasing ka na. Kung ano ano tuloy ang nakikita mo. "Hindi ka nananaginip. At hindi ka rin lasing. Nakatatlong inom ka palang ng wine." "N-Nababasa n-nyo a-ang nasa isip ko?" Diyos ko mamamatay na ba ako? Huwag naman muna! "Hindi ka pa mamamatay." Lalong nanlaki ang aking mga mata at tuluyan ng napaatras. Muli akong nagpalinga-linga sa aking paligid ngunit wala talagang katao-tao. Saan na ba sila napunta? Sino ba ang white lady na ito? "Sa ganda kong ito mukha ba akong white lady?!" Napalunok ako at tinitigan siyang mabuti. Hindi naman siya mukhang multo. Maganda sana siya kaso sobrang puti ng mukha niya. Para siyang anghel. Kaya lang hindi bagay sa kanyang mukha ang boses nyang maliit. "Okay na sana iyong mukha akong anghel, pero iyong maliit na boses, hmmm.." Shit! Nababasa nya talaga ang nasa isip ko. Sino kaya itong babaeng ito? Isa kaya siyang kaluluwa na hindi matahimik? Ano kayang dahilan ng pagkamatay niya? Baka nirape siya? Or nasagasaan? Or pinatay? Diyos ko wala po akong malay sa pagsosolve na kaso. Ano kayang kailangan niya sa akin? "Hindi pa ba halata na alam ko iyong tumatakbo sa utak mo at kailangan mo pang mag isip ng kung ano ano? Una, hindi ko nababasa ang nasa isip mo, naririnig ko ito! Pangalawa, hindi ako kaluluwa na hindi matahimik. Hindi rin ako nirape or pinatay or naaksidente. At pangatlo wala akong kailangan sa'yo, ikaw ang may kailangan sa akin!" "Kailangan? W-Wala akong kailangan sa'yo manang." Mukha ngang mas mayaman pa ako sa iyo eh. "Saka s-sino h-ho b-ba k-kayo manang?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at nagpalakad lakad sa aking harapan. "Kung yaman din lang, kayang kaya kong tumbasan iyang yaman na sinasabi mo. At hindi ako magpapakita sa'yo kung hindi matindi ang pangangailangan mo! At para sa huli mong tanong kung sino ako.." Huminto siya sa paglalakad at ngumiti nang ubod ng lapad. "Ako lang naman ang Engkantada na tutulong sa'yo!" Ano raw?! "Hahahahahhahaha!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tuluyan na akong napahagalpak ng tawa. Mas lasing pa ata kesa sa akin ang babaeng ito eh. Epic! Tiningnan ko siyang mabuti at biglang napapormal nang makita ko sa kanyang mukha na seryoso talaga siya sa sinabi nya. Kahit gusto ko pang matawa minabuti ko na lang na pigilan ang aking sarili. Napatikhim pa ako. "Eherm. Ano ka kamo?" Tumango-tango lang siya at muling ngumiti. "ISA KA TALAGANG ENGKANTADA?!"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
416.9K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
57.0K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook