Past two na nang makarating ako sa University. Gustong gusto ko na lang bumaba ng sasakyan at mag-iiyak dahil siguradong wala na akong maaabutan.
Agad akong tumakbo sa loob ng campus at naglakad dere-derecho papunta sa auditorium.
May mangilan-ngilang tao sa labas na nakatingin sa projector. Papasok sana ako pero pinigilan ako ng security.
"Pasensya na kayo Ma'am. Puno na po sa loob. Hindi na po kami nagpapapasok." Pinasadahan pa niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"But I have an invitation! There's a reserve seat for me!"
"Naiintindihan ko po Ma'am. Pero kung dumating po sana kayo ng mas maaga, okay lang sana. Pero halos patapos na rin po ang ceremony. Makakaistorbo lang po kayo."
"Seriously?!" Hindi ko na napigilan ang mapasipa. Napahilamos pa ako sa aking mukha. "s**t! Ang layo pa ng pinanggalingan ko!"
"Pasensya na po talaga Ma'am." Sabi pa ng security saka ako tinalikuran.
Napapikit ako ng mariin. Hindi na ba talaga ako mauubusan ng kamalasan sa katawan? Sa muli kong pagmulat, inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Marami rin ang nakatayo at nanonood sa projector. Marahil kaya meron nito sa labas ay para mapanood din ng ibang hindi nakapasok sa loob ang ceremony. I wonder kung ilan ba kami ritong galing ng present time? O ako lang kaya? Damn! For what am I thinking such things right at this moment!
"And may we call on, Ms. Charmaine Gozon, the batch c*m Laude!"
Pasimple kong pinahid ang aking mga mata na nabasa ng luha saka tumingin sa projector. Nagpunta ako sa isang puno na may dalawang babaeng nakatayo. Saglit lang nila akong sinulyapan at muling ibinaling ang tingin sa projector. Ganon din ang ginawa ko.
"I won't take much time for this speech. Because I know everyone of us here wants to go and celebrate this special day with our special ones." Tipid siyang ngumiti saka pasimpleng tumingin sa paligid. I know by the looks of her, she's disappointed and hurt. For sure because she didn't see me around. Nagkibit balikat siya saka muling nagpatuloy. "Actually this is just a 'thank you' message. First of all, for our professors whom put their all knowledge and effort just to make sure we will learn more. I salute you for having unlimited patience for teaching. To my fellow graduates, thank you for sharing with me not only learnings but experiences in different aspects of life. And of course to my friends, na hindi ko na kailangang isa-isahin dahil alam nyo na kung sino kayo..." Napatawa siya sa kanyang tinuran. "To my sister Chai and my mother Carmela, I wouldn't reach this far without the two of you." She paused and bit her lip. She was trying to control herself from crying. "And to you, Alexa, though you're not here..."
Sa hindi ko maintindihang dahilan, tila ba may mga dagang pumasok sa dibdib ko at nag-uunahang makalabas mula rito. Is this the reason why she was pushing me to come that day? She would like to dedicate her speech for me?!
"There were those sleepless nights that I felt like I don't want to continue, but you were always there to remind me the reason why I even started. There were those projects and deadlines that I panicked and crammed, but you were always there to preach and then calmed me just to stay in focus. There were those times that I cried so hard because I couldn't come up with ideas that I needed for the report that I had to submit by the next day, but you were always there to bring me my favorite snack, give me some pep talk and after sometime I'm back in my right mind." She stopped and laughed kahit pa nga may luha sa kanyang mga mata. "Its hard living on my own, far away from my mother and my sister but you made it easier for me." Bigla siyang napatawa. "Actually this is not really a speech, its a vow!" Nagtawanan naman at nagpalakpakan ang crowd.
Hindi ko na rin napigilan ang matawa at the same time ay maiyak. Wala na akong pakialam kung anong tingin sa akin ng mga tao ngayon. My heart is overflowing with mix emotions. I feel broken but feel so much love. I feel lost but I feel so complete. Regrets with sadness. Happiness filled with hurt.
God please I can never stop loving her. I can never imagine myself loving someone else except her.
Napaupo na ako at napasubsob sa aking dalawang palad. All these years umikot na ang mundo ko kay Charm. Siya na ang kasama ko sa lahat ng pinagdaanan ko. How can I ever accept the fact the she no longer belongs to me? The day that she left me is the same day I lost a part of me. And I can never be me again not unless she comes back into my life.
Lalong lumakas ang paghagulhol ko. Punong puno ang puso ko ng pagsisisi at panghihinayang. "H-Hindi k-ko k-kaya! H-Hindi k-ko kayang ma-wala s-siya!"
"Alex???"
Napatigil ako sa pag-iyak at napatayo. Gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha ni Myra ngayon. Pinasadahan pa nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"What happened to you?! Uminom ka ulit?!"
Pinahid ko ang aking mukha at lumingon sa aking paligid. "Kailangan talagang ipahiya mo ako ha Myra?!" Sisinghot-singhot pa ako. "Saka do I look like drunk to you?!"
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Are you really okay? May nangyari ba?" Kahit nasa mukha niya ang pagdududa hindi naman niya itinago ang kanyang pag-aalala.
"Bakit? Ano sa palagay mo?!" Kung alam mo lang kasi ang pinagdaanan ko at pinagdadaanan ko. Muli na namang tumulo ang aking luha. "M-My life's a mess My.. H-Hindi k-ko t-talaga makakaya na m-mawala sa akin si Charm. M-Mahal n-na mahal ko siya.." Lalo pang lumakas ang aking paghagulhol. Yumakap ako sa kanya at nag-iiyak sa kanyang mga balikat.
"Ang oa mo Alex! Napapraning ka na naman ba?!"
"Alexa?!"
Binalewala ko ang sinabi ni Myra at napatunghay ako sa babaeng tumawag sa akin. She looks worried.
Agad akong humiwalay kay Myra at inilang hakbang lang ang pagitan namin ni Charm. "M-Mahal k-ko.." Muli na namamg bumuhos ang aking luha. Parang sasabog na ang dibdib ko sa nararamdaman ko. "I'm s-sorry. I'm r-really s-sorry.. P-Please don't ever l-leave me.."
Sinalubong naman niya ako ng yakap at hinagod-hagod ang aking likuran. "What's wrong Alexa?! May nangyari ba sa'yo?! Nasaktan ka ba?!" Bumitaw siya sa akin at pinagmasdan akong mabuti. Pinasadahan niya ang buo kong katawan ng tingin. "Ano bang nangyari sa'yo?!?" Parang mangiyak-ngiyak na rin siya dahil sa kanyang pag-aalala lalo pa nga at hindi agad ako nakasagot dahil panay lang ang aking iyak.
"Alex anak okay ka lang ba?"
Napatingin ako kay Nanay Carmela na punong-puno na rin ng pag-aalala ang ekspresyon ng mukha.
Tumango lang ako saka humiwalay kay Charm. Pinunasan ko ang aking mukha ng aking braso. "O-Okay l-lang ako." Ngumiti ako sa kanya. "Congratulations, Mahal ko.."
"Alexa.." Mababakas sa mga nagtatanong na mga mata ni Charm ang pag-aalala.
"Okay ka lang?! Eh bakit ka ba iyak ng iyak saka bakit ba ganyan ang hitsura mo? Puro dugo pa yang shorts at damit mo!" Singit naman ni Chai.
Napatingin ako sa suot ko. Damn! Muli kong binalingan si Charm na naghihintay din ng isasagot ko. Hindi ko napansin ang suot ko ngayon. Kaya siguro iba ang tingin ng mga nakakakita sa akin. "I-I was s-stuck in a traffic. I mean, I helped someone along the way and I was kin--"
"Excuse me, can we take picture with the graduate?"
Napatingin kaming lahat sa lalaking photographer na biglang sumingit sa aming usapan. Binalingan naman ako ni Charm.
"Go ahead Charm, I'll explain everything later."
"But I'm so worried Alexa!" She insisted.
"I'm fine." Nilapitan ko siya at masuyong hinalikan sa kanyang ulo. "I'm very well. Finish everything and we'll talk later."
"Are you sure?"
"Oo nga! Sige na! Naghihintay na sila sa'yo!" Marahan ko siyang itinulak papunta sa kinaroroonan ng mga kapwa nito graduates. Sumunod na rin sina Chai at Nanay Carmela dahil tinawag na rin sila ng photograher.
"Ano bang nangyari sa'yo Alex?!" Si Myra na magkahalong inis at pag-aalala ang mukha.
"Madami. At saka ko na ipapaliwanag sa'yo. For now can you do me a favor instead?"
"Wow! After mo akong deadmahin kanina sa condo mo manghihingi ka ng pabor ngayon ha Alex?! Iba ka rin eh!" Napailing-iling pa siya at napapalatak. "Ni hindi mo nga maipaliwanag ng maayos kung ano bang nangyari sa'yo!"
"Please! Tatanawin kong napakalaking utang na loob 'to Myra!"
She rolled her eyes. "Ang dami dami mo ng utang na loob sa akin! Sobrang baon mo na!"
Napabuntong hininga na lamang ako at hindi na nagsalita. Napatingin ako kina Charm na nagpipicture. Eksakto namang tumingin siya sa akin at kumaway kaway. "My, how can I unlove her?"
"What?!"
"Ouch!" Napahawak ako sa aking braso at tiningnan ng masama si Myra.
"May babae ka na naman?!? My God Alex! Ipagpapalit mo pa si Charm sa iba?!? Ang tanga tanga mo talaga!"
"Hindi ko nga alam kung paano ko siya titigilang mahalin tapos sasabihin mo pang ipagpapalit ko siya?! Seriously Myra!"
"Then why are you asking that kind of question?!"
Napakagat labi ako at napatungo. Someday she will leave and marry someone else. I clenched my fist. "I was just thinking, what if dumating ang araw na mapagod siyang mahalin ako at may mahalin siyang iba? How can I unlove her by that time Myra?"
Isang batok naman ang ibinigay niya sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin. "You know what Myra, konting konti na lang kakalimutan ko na talagang bestfriend kita!"
Pinanlakihan nya ako ng mga mata. "And you know what Alex, konting konti na lang din ibabaon na kita sa lupa! Why are you even thinking that way?!? If you can't imagine how can you ever unlove her, then atleast do your best na huwag ka ng dumating sa ganoong point! Alex simple lang naman 'yan eh, look at Charm.." Inginuso pa niya sa akin ang babae. "You mean the world to her Alex. And if ever man talaga na dumating iyong time na may mahalin siyang iba, I'm hundred percent sure na its all because of you!"
"Do you think kaya kong gawin sa kanya 'yon Myra?"
She rolled her eyes and sighed. "Anong favor ba iyon? Mukhang dadaanin mo na naman ako sa mga ganyang effect mo para lang pumayag ako! Spill it!"
"Myra I'm really serious. Do you really think kaya kong gawin yon?"
"I'll answer you afterwards kapag tayo na lang dalawa! Papalapit na rito ang jowa mo! Kaya ano bang pabor yan?! I don't know what's going on why you're so weird!"
"I'll message you for all the details My." Kinuha ko sa aking bulsa ang susi ng sasakyan at inilagay sa kamay niya. "Sa ngayon, let's swap cars." Nginitian ko si Charm nang muli siyang lumapit sa akin.
Tumango lang siya at hindi na nagtanong pa. "Okay. Mauna na ako sa inyo. Sunod na lang ako sa resto." Ibinigay niya sa akin ang kanyang susi at mabilis siyang lumapit kay Charm saka ito niyakap. "Congrats, Charm! I'm always proud of you! Kita na lang tayo mamaya ha?"
"Hindi ka ba sasabay sa amin?" Binalingan ako ni Charm. "Did yoh bring your car?"
Napakamot ako sa aking ulo at napangiwi. "Oo. Pero magpapalit lang kami ni Myra kasi madumi iyong loob ng sasakyan ko eh."
"Ano ba kasing nangyari ha Alexandra?!" Nakataas na ang kilay niya.
"Mamaya mo na siya awayin Ate Charm. Picturan ko muna kayo!" Singit naman ni Chai.
"Oo nga, Charm! You have all the time in the world para sermunan sya! Anyways, mauna na ako sa inyo ha? Bye!" Nakipagbeso pa muna siya bago kami tuluyang tinalikuran.
"Halina kayong dalawa at magpicture na kayo!" Hinila kami ni Chai sa isang gilid. "Saan ka ba kasi galing Ate Alex at ang dugyot mo! Tingnan mo may dugo pa yang suot mo!"
Muli akong napakamot sa aking ulo. Nang tingnan ko si Nanay Carmela, nag-aabang din siya ng isasagot ko. Samantalang si Charm ay nakataas na ang kilay sa akin. "M-Mahal ko, h-huwag mo naman akong tingnan ng ganyan."
She crossed her arms and chuckled. "Then how will I look at you, Alexandra?"
"Oy, tingin na kayo rito!" Singit naman ulit ni Chai. "1, 2, 3.." Sunod-sunod ang pagclick ng camera ng cellphone nya. "'Nay sumama ka na rin!" Hinila pa nito si Nanay Carmela palapit sa amin. Maya-maya pa tumabi na rin siya sa amin at nakipicture.
Ilang sandali pa kaming nagstay sa campus hanggang sa nagpaalaman na sa kapwa niya graduates si Charm.
"Alexa.."
"Yes po, Mahal ko..?" Hawak hawak ko ang kamay niya habang naglalakad kami. Nauuna na sa amin si Nanay Carmela at Chai.
"Tigilan mo ako sa yes po mahal ko na yan, Alexa! Until now, hindi pa rin nawawala iyong kaba sa dibdib ko nang makita kita kanina. You got me so worried."
Pinisil ko ang kanyang kamay at tipid siya na ngumiti. "Mahal ko, pwede bang mamaya na ako mag explain?"
"No!" Mariin niyang sabi. Huminto pa siya sa paglalakad saka ako pinagmasdan. "Make it quick and simple Alexa. Ayoko ng kabang nararamdaman ko ngayon."
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinanggigilan. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo!" I kissed her on the head and smiled. "Saka ko na idedetalye, for now let me assure you na walang masamang nangyari sa akin." Muli ko siyang hinawakan sa kanyang kamay at inakay na maglakad. "On my way kanina papunta rito, may nanghingi ng tulong. Isang babae. She was crying so hard kasi hindi na raw maganda iyong lagay ng Nanay nya. God knows how much I tried my best para makarating dito ng mas maaga Mahal ko. Pero ewan ko ba kung anong nagtulak sa akin. I just found myself helping the lady and her mother. Thank goodness, at stable naman na daw iyong matanda sabi ng nurse na nakausap ko kanina bago ako tuluyang nagpunta rito."
"Alexa.."
"Hmm..?" Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya. Pero parang nakikita ko sa mga mata ni Charm na gusto niyang umiyak. "M-Mahal ko, sorry na. Pinilit ko namang humabol eh. Actually, alam kong magtatampo ka talaga. Gusto ko na ngang umiyak kanina sa sasakyan kasi naiisip kita. Kung sino-sino ng santo ang tinawag ko para lang makahabol ako. Please huwag ka ng magalit sa akin.."
Tuluyan ng bumuhos ang kanyang luha kaya agad naman akong nagpanic. "Mahal ko, sorry na. Promise babawi ako. Hindi naman ako nagsisinungaling sa'yo. Itong dugo sa shorts ko at sa damit ko, dahil umuubo na ng dugo iyong matanda. I know, I should be the one to be here with you from the start, but I have to do what I need to do. Please huwag ka ng mag tampo.." Lalo lang lumakas ang paghagulhol niya. Niyakap ko siya at hinagod hagod ang kanyang likod. Napatingin ako kina Nanay Carmela at Chai na napahinto sa paglalakad at mukhang nag-alala dahil sa biglaang pag-iyak ni Charm. "Wait nyo na lang kami sa parking." I mouthed. Tumango lang sila at muli ng naglakad. "Mahal ko.." Saglit akong bumitaw sa kanya at pinunasan ang kanyang mukha. "Sorry.."
Marahan niya akong pinaghahampas. "Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga!"
"H-Hey.." Maagap kong hinawakan ang magkabila niyang braso. "Let's not fight here, Charm. Pinagtitinginan na nila tayo eh."
"So ngayon ikinakahiya mo na ako ha?"
"C-Charm you know that its not what I mean.." Mahina kong sabi. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung paano pa ba ako magpapaliwanag sa kanya. "This is what I don't like to see." Kinuha ko ang kanyang kamay at masuyo itong hinalikan. "Please, huwag ka ng mainis. Tandaan mo na ikaw parati ang uunahin ko sa lahat ng pagkakataon. Kaso iyong kanina ang hi--"
"Stop!" She put her index finger on my lips. "Hindi naman ako naiinis dahil late kang nakarating. To be honest, akala ko nga hindi ka na talaga makakapunta." Pinahid niya ang kanyang mga mata saka ako tinitigan. "Naiinis ako dahil pinag-iisipan kita ng mga hindi magagandang bagay, when in fact it was the other way around."
"Mahal ko.."
"Shhh, I'm sorry. I'm sorry kung minsan nakakalimutan kong maniwala sa'yo." Niyakap nya ako ng mahigpit.
"Ako nga dapat ang mag sorry hindi ba?"
"Basta. Sorry, Mahal ko.." Maluha luha ang mga mata ni Charm.
"Shhh, sige na. That's enough. Baka naghihintay na sila sa atin." I held her hand and walked with her.
Pakiramdam ko may isang mabigat na bagay na nawala sa puso ko. Gumaan ang lahat. I can't name it, but I hope its something that can change the present time.
"Mahal ko..." Charm smiled and waited. "Congratulations! Thank you for the speech. Pakiramdam ko tuloy ako iyong nag graduate."
"I love you Alexa.."
Marahan kong pinisil ang kanyang kamay at ngumiti. "I love you even more."