Dinaig ko pa si The Flash sa bilis ng kilos ko. I can't just sit here and wait for her to come. Atleast I should try something to change the past. Matapos kong maligo sa sobrang malamig na tubig, agad din akong nagbihis. Umiikot pa rin ang paligid ko pero kailangan ko itong tiisin. After all, dito ako ibinalik ni Dyosa. Sana man lang kasi ibinalik niya ako sa nangyari kagabi para hindi ako nagpakalasing ng sobra at para hindi ako nagsa-suffer ngayon sa hang over.
Ilang missed calls pa ang nakita ko sa cellphone ko galing kay Charm.
"Damn! Sana talaga pinag-aralan ko na ang pagmo-motor para kapag mga ganitong emergency I can easily go anywhere with lesser time!" Nakakabaliw na. Kinakausap ko na ang sarili ko kahit pa nga hindi na ako mapakali sa pagmamaneho. Ni hindi na ako nakapagsuot ng maayos na damit para lang mapabilis na ang pagpunta ko sa graduation ceremony ni Charm.
I remembered that time na kahit ginising ako ng paulit ulit ni Myra hindi ako nagpatinag. Ipinagpatuloy ko lang ang tulog ko. Nagising na lang ako ng bandang mga alas kwatro y medya na masakit pa rin ang ulo at dahil na rin sa panay ring ng cellphone ko.
"H-Hello.."
"Alexa where are you?!"
"Mahal ko, sorry.. Napahimbing ang tulog ko." Muli akong napapikit dahil umiikot pa rin ang paligid ko. "I was so drunk, Charm. Alam mo naman last night. Despida ni Aliah."
"Jusko naman Alexa! Kahit man lang sana sinubukan mong humabol hindi ba? 9:30 ang start ng ceremony! Ang haba pa ng oras! 3:30 natapos ni anino mo hindi ko nakita!"
"Charm please huwag mo na akong sermunan! Ang sakit sakit ng ulo ko. Babawi na lang ako sa'yo!" Medyo napataas na ang boses ko. Iyong tipong gusto mo pang matulog dahil sa puyat at hang over tapos magigising ka para lang sermunan.
"My God Alexa! So don't tell me na wala ka ring balak magpunta dito sa restaurant na pinareserve ko para sa celebration?!"
I yawned. "Charm pass muna ako. You can celebrate it with Nanay Carmela, Chai and with some of your friends. I really can't come. Grabe ang hang over ko ngayon Mahal ko. Dito ka na lang dumerecho sa condo then we'll celebrate it together, okay?"
"Thank you!" I can hear the sarcasm in her voice. "Thank you so much Alexa for making this very important occasion in my life so memorable! Because of you I will never forget this day!"
"C'mon Charm, don't make it such a big deal. We can do some-- Hello?! Hello Mahal ko?" I looked at my cellphone and saw that it was dead. "Damn!" Napilitan akong bumangon at hinagilap ang aking charger. Matapos kong i-charge ang aking cellphone, bumalik ako sa kama at muling nakatulog.
"Damn! Damn! Damn!" Pinaghahampas ko ang aking manibela sa sobrang panggigigil. "How can you be so damn stupid, Alex! How can you let someone like Charm to slip away!"
Gusto ko na namang umiyak. For the past months wala na akong ginawa kung hindi ang pagsisihan ang lahat. Sa araw-araw iniisip ko na mababawasan ang sakit sa puso ko at unti-unti kong matatanggap na tapos na sa amin ni Charm ang lahat. Pero sa tuwing maaalala ko ang lahat, napupuno ang dibdib ko ng sakit at padagdag ng padagdag ang pagsisisi ko.
I can never unlove Charm. I can't. Kaya ko sigurong tanggapin na tapos na ang lahat sa amin pero hindi ko kayang pigilan ang sarili ko na patuloy siyang mahalin. Araw-araw kong pinagsisisihan ang lahat ng nagawa ko dahil ako ang may kagagawan kung bakit tuluyan niya akong iniwan. Kung bakit tuluyan niya akong sinukuan. Pinahid ko ang luha sa aking mga mata.
Pero ang pinakamasakit, iyong nagkaroon na ako ng pagkakataon na makabalik at baguhin ang lahat but still here I am, ni hindi ko pa rin kayang burahin ang sakit na naidulot ko sa babaeng pinakamamahal ko. Sobrang bigat isipin na sa tuwing babalikan ni Charm ang lahat ng pinagsamahan namin, ang tanging nakatatak sa kanya ay ang mga masasakit na nagawa ko sa kanya. Iyong mga luhang ako ang may gawa.
Tuluyan na akong napahagulhol at napasubsob sa aking manibela. I don't even know what's the sense of going back? Why am I here when I still cannot do anything to change what happen?
Napatunghay ako at mabilis na pinahid ang aking mukha nang magulantang ako sa mga katok sa windshield ng aking sasakyan. "W-What?!"
"P-Parang a-awa nyo na po. T-Tulungan nyo kami.." Panay ang iyak ng babae na siyang kumatok sa bintana ng aking sasakyan. "I-Iyong N-Nanay ko po umuubo na ng dugo. P-Parang awa nyo na po!"
Napatingin ako sa traffic light na ngayon ay nag-green na. Panay na rin ang busina ng mga sasakyan sa aking likuran. "S-Sorry Miss. N-Nagmamadali r-rin kasi ako eh. Sorry." Mabilis kong itinaas ang salamin pero ipinasok niya ang kanyang kamay.
"P-Parang awa nyo na po. K-Kanina p-pa akong pumapara sa mga s-sasakyan pero wala pong humihinto. P-Parang awa nyo, baka m-mamatay ang N-Nanay ko..."
Kahit umaandar na ang aking sasakyan nakikisabay pa rin ang babae. "S-Sorry talaga Miss. May hinahabol din talaga ako."
Wala ng nagawa ang babae dahil unti-unti ko ng binilisan ang aking pagpapatakbo. Nakita ko na lang sa may side mirror ko na napaupo siya at nag-iiyak. Habang lumiliit siya sa salamin nakita ko pa nang muli siyang tumayo at pumara sa ibang sasakyan pero wala namang nagtangkang huminto. Marahil dahil sa suot niya na marungis. Ni wala rin siyang tsinelas na suot suot.
"Damn!" Bulong ko at itinabi ang aking sasakyan. Panay busina ng mga nasa likuran ko dahil sa ginawa ko. Unti-unti kong pinaatras ang aking sasakyan pabalik sa pwesto ng babae. "Bakit naman kasi ngayon pa nangyari 'to!" Nang ilang dipa na lang ako sa dalaga, mabilis akong bumaba ng aking sasakyan. "Miss nasan na iyong Nanay mo?"
Tiningnan niya ako at walang pag-aalinlangan na tumakbo palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. "B-Bilisan p-po natin please!" Panay pa rin ang hagulhol niya habang tumatakbo kami.
Itinuro niya ang kariton kung saan nakaupo ang isang medyo may edad ng babae. Namumutla na ito at panay ang pag-ubo. May dugo na ang mga labi niya pati na ang kamay niya. "Oh God!" Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong napatulala dahil sa nakita ko.
"T-Tulungan nyo si Na-nay please!"
Saka lang ako parang natauhan dahil sa ginawang pagyugyog sa akin ng dalaga. "H-Halika. Tulungan mo akong ipasan siya sa likuran ko." Yumukod ako, samantalang inalalayan naman ng dalaga ang matanda.
"'N-Nay, s-sandali na lang. P-Pupunta na tayong ospital." Kausap nito sa matanda habang inaalalayan nya. Mabuti na lang at medyo maliit at payat lang ang matanda kaya mabilis ko siyang nabuhat sa aking likuran.
"Halika na sa sasakyan ko!" Aya ko sa dalaga at mabilis na humakbang papunta sa aking sasakyan. Ramdam ko ang pawis sa aking noo pati na ang kaba sa dibdib ko.
Dahan dahan kong isinakay sa backseat ang matanda na hindi pa rin matapos-tapos ang pag-ubo. "Kausapin mo lang si Nanay mo!" Baling ko sa dalaga nang makasakay na rin ito sa back seat.
Agad kong pinasibad ang aking sasakyan at naghanap ng malapit na hospital. Panay ang tingin ko sa rearview mirror. Lalong nadagdagan ang kaba ko dahil parang wala ng malay ang matandang babae. "Oh God please help her." Bulong ko at mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho.
Nang makarating kami sa hospital, hindi ko alam pero tila biglang nawala ang sakit ng ulo ko at mas lalong naging mabilis ang pagkilos ko. Muli kong isinampa sa aking likuran ang matandang babae sa tulong na rin ng kanyang anak.
"Hello! Nurse can you immediately help us!" Hindi ko na rin napigilan ang magpanic nang makapasok kami sa hallway ng hospital. Tatlong staff naman ang agad na rumesponde sa amin.
Hindi ko na masyadong naintindihan ang mga sumunod na nangyari. Parang naging mabilis ang lahat. Siguro dahil na rin sa nerbyos at kaba sa dibdib ko nang masilayan ko ang hitsura ng matandang babae. Wala na siyang malay at para bang wala nang dumadaloy na dugo sa kanyang katawan.
Nakatayo lang ako sa may gilid ng pasilyo habang naghihintay. Samantalang hindi ko na mahagilap kung saan nagpunta ang babaeng humingi ng tulong sa akin.
"Ahm, excuse me Ma'am. Kailangan ko pong malaman ang ilang details tungkol sa patient."
Napatikhim ako at saka lang ako nabalik sa katotohanan. "Y-Yeah s-sure. But, is she okay?"
Tipid namang ngumiti ang nurse. "Stable na po iyong lagay nya. Mabuti at nadala nyo siya kaagad. Ang dami na rin pong nawalang dugo sa kanya pero naagapan naman po."
Tumango-tango ako. "Can you just give me a minute? To be honest I don't really know the patient. Let me call her daughter."
"Sure Ma'am. Pero konting bilis lang po kasi need na namin iyong details ng pasyente para mailipat na siya ng room."
"Alright. I'll be right back." Tinalikuran ko na ang nurse saka ako naglakad palabas ng hospital. Now where did she go?! Nag-uumpisa na akong mainis dahil tumatakbo ang oras ko. But I can't just leave them! "Hey!"
Nakita kong nakaupo sa may tabi ng aking sasakyan ang dalaga at mukhang umiiyak na naman. "Anong ginagawa mo rito? Ilang beses na akong nagpaikot-ikot, nandito ka lang pala! Kailangan na ng nurse iyong mga detalye tungkol kay Nanay mo. Much better ikaw na lang makipag-usap sa kanya." Muli akong napatingin sa aking relo. Damn! "Kailangan ko na rin kasing umalis! May kailangan akong habulin!" Tatalikuran ko na sana siya at sasakay na sa driver's seat nang mapansin kong ni hindi man lang siya tumitinag sa pwesto nya. "Can you get up there! Really, I don't have time for this!"
"P-Please h-huwag muna kayong umalis. S-Samahan m-mo muna ako."
"Seriously?!" Napabuga ako nang malalim na hininga. Sa palagay ko naman nasa late twenties na ang babaeng kaharap ko at hindi na niya kailangan pa ng guardian. "If I'm not in a hurry, hindi kita iiwan dito. Pero kailangan ko na talagang umalis. Dito nakasalalay ang kaligayahan ko!"
"P-Pero sa'yo nakasalalay ang buhay ng Nanay ko."
"W-What?! Hindi naman ako ang doctor nya para masabi mo 'yan. Saka nakausap ko na iyong nurse. Stable na raw ang lagay ng Nanay mo. Kaya wala ka ng dapat pang ipag-alala." Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinatayo. "Puntahan mo na ang nurse. Everything's will be alright, don't worry."
Muli na naman siyang napaiyak. "T-Tatanawin kong napakalaking utang na loob sa'yo ang lahat ng 'to. Pero pakiusap h-hindi ko ito kayang mag-isa. K-Kahit sandali lang, pwede bang dito ka muna?"
Napasuklay ako sa aking buhok at napapikit ng mariin. Dyosa, kasama ba' to sa mga plano mo?!? Napaka unfair naman! Parang gusto ko na ring maiyak dahil sa sitwasyong kinasadlakan ko. "Let's go.." Tinalikuran ko na siya at nauna nang maglakad papasok sa loob ng hospital.
Dere-derecho kami sa information desk kung saan ko muling nakita ang nurse na kumausap sa akin kanina. Tipid siyang ngumiti saka binalingan ang babaeng nakasunod sa akin. "Siya po ba ang kamag-anak ng pasyente?"
"Yes." Nilingon ko ang babae sa aking likod. "What's your name?"
"Nimfa.." Mahina niyang sagot.
Muli akong huminga ng malalim. "Look Nimfa, I don't know anything about you or your mother. Just please talk to the nurse and tell her all the details that she needed." Nakita ko ang pag-aalinlangan niya. Tila ba iniisip niya na kapag tumalikod siya ay bigla ko na lang siyang tatakbuhan. "Look I will not go anywhere. Not now atleast. But I'm running out of time."
"May problema ba Ma'am?" Singit naman ng nurse.
Muli akong tumingin sa relo ko. Dalawa at kalahating oras na ang nawala sa akin. "Alright, look I'm really in a rush right now. As much as I want to stay I really can't! Excuse us lang ha?" Baling ko sa nurse na mukhang naiinip na rin. "Promise this will not take long." Sabi ko pa saka hinila si Nimfa sa isang gilid ng hallway.
Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ba ako. Ayoko na munang isipin kung bakit at this moment ko nameet si Nimfa at ang Nanay niya. Sa pagkakaalala ko, nagkita kami ni Nimfa earlier than this year. At hindi sa ganitong sitwasyon. "Nimfa, listen to me, kung hindi lang talaga importante ang pupuntahan ko, hindi mo na kailangang magmakaawa pa sa akin para magstay. At kung wala rin lang akong hinahabol na oras, nasisigurado ko sa'yo na hindi kita iiwan dito." Tipid akong ngumiti saka kinuha sa bulsa ko ang aking wallet. Mabuti na lang talaga at kahit paano may cash akong dala parati. Kinuha ko ang kanyang kamay at inilagay ang pera. "For sure this will not be enough."
Umiling-iling siya at pilit ibinabalik sa akin ang pera.
"Alam kong kailangan mo ito! I promise I will be back. Gamitin mo muna pansamantala ang perang ito. Iyan lang ang dala kong cash, but when I come back I will settle everything."
"H-Hindi ko alam ang g-gagawin ko. P-Paano k-kung--"
"Sssshhh.." Hinawakan ko ang kanyang baba at itinaas ang kanyang mukha upang magtama ang aming paningin. "You have to be strong para kay Nanay mo! I don't like to leave you alone in this situation, but I don't have any other choice right now. Pero maniwala ka, promise babalikan kita. Babalikan ko kayo ng Nanay mo. Ang gusto ko lang gawin mo ay magpakatatag ka. I know matapang ka." Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at muling inilagay ang pera. Dumukot rin ako ng calling card sa aking wallet at iniabot sa kanya. "My number is there. Tawagan mo lang ako if anything happens. But I'll see to it na bago mangyari 'yon nakabalik na ako rito, okay?"
Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at marahang niyugyog. "We both have our own battles, Nimfa. We have to be strong in order to win! For now, let me try my best to fight with my own battle and I'll help you later on. Naiintindihan mo ba ako??" Gusto ko na talagang maiyak dahil wala man lang akong nakikitang reaksyon mula sa kanya. Nakakafrustrate na dahil ang kada segundo at kada minuto ko ay mabilis na tumatakbo.
"S-Sige Ma'am Alexandra." Bigla niyang sabi. "S-Sana maging okay ang lahat sa'yo."
Saka lang ako napangiti dahil sa sinabi niya. Akala ko wala siyang naintindihan sa mga sinabi ko. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Oh God! Salamat!" Muli ko siyang pinagmasdan. "Promise, babalik ako, okay? For now, kailangan ko na talagang umalis."
Tumango tango lang siya at tipid na ngumiti. Kumaway pa ako sa kanya bago ko siya tuluyang tinalikuran. Binilisan ko na ang aking hakbang. "Oooh please, sana may maabutan pa ako."
"Ma'am Alexandra.."
Napatigil ako at napahinto. Ilang dipa na ang layo ko kay Nimfa. Nilingon ko siya at naghintay ng sasabihin niya.
"Mananalo ka sa laban mo! Sigurado ako! Babalik kang may ngiti sa iyong mga labi." Kumaway pa siya saka siya tumalikod.
Hindi ko alam kung anong meron sa mga salitang binitawan ni Nimfa pero pakiramdam ko tila nabawasan ang bigat na dinadala ko sa aking dibdib. Huminga ako ng malalim saka muling naglakad palabas ng hospital.
"Sana nga magkatotoo ang sinabi mo. Sana talaga!"