Hopeless

2619 Words
"Gusto mo na bang bumalik ulit?" Tiningnan ko si Dyosa. Iba na ulit ang suot niyang damit. Kulay lila. Hindi ko maiwasan ang mapangiti ng mapait. "May pag-asa pa ba?" "Sumusuko ka na ba?" "Itutuloy ko pa ba?" Makahulugang ngumiti si Dyosa. Lumapit siya sa akin at tinapik tapik ako sa aking balikat. "Kaya mo pa ba?" I closed my eyes and saw Charm. How can I ever unlove her? "Sinungaling ka! Manloloko ka! Ilang beses mo na akong sinaktan Alexa! Minahal lang naman kita ah?!" Patuloy niya akong pinaghahampas habang walang patid ang pagtulo ng luha niya. "B-Bakit p-palagi mo na lang akong sinasaktan?" "I'm sorry, Charm. S-Sorry n-na mahal ko.." Pinipilit ko siyang yakapin pero puro pag-iwas at pagtulak lang ang ginagawa niya. Napabiling ang mukha ko ng sinampal niya ako. "P-Puro ka s-sorry, Alexa!" Marahas niyang pinahid ang luha sa kanyang pisngi at umatras palayo sa akin habang napapailing. "A-Ayoko na. N-Napapagod na ako Alexa. Nakakapagod na ang mahalin ka.." "No! No, please!" Mabilis ko siyang pinigilan at niyakap mula sa kanyang likuran. "M-Maniwala ka sa akin, Charm. Please mahal ko. H-Hayaan mo lang akong magpaliwanag. Mahal na mahal kita. Please.." Hindi siya nagsalita. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay kong nakayakap sa kanya. "Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo Alexa. Sapat na ang mga nakita ko. Please, tama na. Ayoko na. Suko na ako Alexa. " Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, sa loob ng ilang taon at sa ilang beses na nagkaaway kami ni Charm ngayon ko lang narinig na sumusuko na siya. At ito lang din ang unang pagkakataon na natakot ako na baka paggising ko bukas tuluyan na akong hiwalayan ni Charm. Habang naglalakad siya palayo sa akin lumalabo rin siya sa aking paningin. Siguro dahil na rin sa luhang nag-uunahang pumatak mula sa mga mata ko. "Gusto ko lang ipaalala sa'yo na may dalawang pagkakataon ka na lang para makabalik." Napatungo ako. Ni hindi ko rin alam kung saang parte ba ng nakaraan ko ako magbabalik. Kung pwede lang sanang pumili. "Palayain ang puso at buksan ang isipan. Magbalik ka sa nakaraan upang ikaw ay matauhan." Humugot ako ng malalim na hininga saka tumayo ng maayos. "Dyosa ng kagandahan pabigyan ang aking kahilingan, ibalik ako sa nakaraan!" Tuluyang nagdilim ang paligid. Muli akong napasama sa isang ipo-ipo. "Waaaaaaaaaaaa!" Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko umiikot pa rin ang paligid ko. "Damn!" Sinapo ko ang aking ulo at muling pumikit ng mariin "s**t! Dyosa ang sakit naman ata sa ulo ng pagbabalik ko ngayon!" Daing kausap ko sa aking sarili. "Aleeeeeexxxx! Ano ba hindi ka pa ba babangon dyan?!?" Lalo akong nahilo dahil sa ginagawang pagyugyog sa akin. "Damn, can you stop that! Ang sakit sakit na nga ng ulo ko, lalo mo pang pinapasakit!" Bakit ba parang kahit gustuhin kong imulat ang aking mga mata parang ang bigat bigat. Pakiramdam ko kailangan ko ng napakahabang tulog. Bakit kakaiba ata itong pagbabalik kong ito? "Dyosa sinasabotahe mo naman ako eh!!" "Padyosa dyosa ka pa dyan! Pwede bang bumangon ka na! Sobra ka na namang nagpakalasing Alex!" "Ouch! Do you really have to slap me?!" Pinilit kong minulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang mukha ni Myra na salubong na ang kilay! "s**t Alex! Bahala ka sa buhay mo! But don't ever blame me after this!" Nawala siya sa paningin ko at bumungad sa akin ang puting kisame. Nasaan na ba ako? Bumangon ako para lang mahiga ulit dahil talagang literal na umiikot ang paligid ko. "Ang sakit ng ulo ko My!" Daing ko at napahawak pa ako sa aking ulo. "Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin nang bigla nya akong batukan. "My God Alex! I don't know bakit pa ako nagpunta rito!" "Wait Myra, where are you going?" Kahit pakiramdam ko umiikot pa rin iyong nasa paligid ko, mabilis naman akong nakatayo at napigilan si Myra nang magtangka na itong lumabas ng aking condo. Pasimple kong inilibot ang aking paningin sa paligid. Since college dito na ako nakatira and this time its quiet different. Did I come from earlier years? She rolled her eyes. "Why did you even let yourself to drink that much Alex?! Alam mong graduation ni Charm ngayon. At alam mo ring this will be one of her greatest achievements! Do you really want to miss it?! Seriously of all people!" Nagsalubong ang kilay ko. "G-Graduation?! What do you mean graduation? She did graduate already right?" Napailing-iling siya. Hindi na rin niya itinago sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "No wonder, why Charm always crying because of you Alex. Your taking her for granted! Yes! I know aalis si Aliah, but atleast know how to manage your time and priority." Tukoy niya pa sa kaibigan ko. Napapikit ako ng mariin. Oo nga pala. Alam ko na ang tinutukoy niyang graduation. Kumuha nga pala ng doctorate degree si Charm. And she was chosen to be the c*m laude of her batch. That time I didn't get the chance to attend the ceremony because I was so drunk. "Ilang mahalagang okasyon pa sa buhay ko ang hindi mo mapupuntahan Alexa?" Hindi na itinago ni Charm ang pagkadismaya. Mababakas rin sa mukha niya ang sakit. "I'm sorry.." Mahina kong sabi. Ni hindi ko na nagawang salubungin ang kanyang mga mata. "Alexa, do you know how important you are to me?" Mahina lang ang boses niya. Bagamat dalawa lang naman kami rito sa balcony ng condo ko para bang hirap siyang magsalita ng malakas at takot na may makarinig. "Mahal ko.." Kinuha ko ang kanyang kamay at dinala ito sa aking mga labi saka napapikit. "Babawi ako. Promise. Babawi talaga ako." Dahan-dahan niyang hinila ang kanyang kamay kaya napamulat ako at pinagmasdan siya. May mapait na ngiti sa kanyang mga labi. "Alexa.." Tumingin siya sa malayo. "Pagod na ako." Hindi na niya ako hinintay pang magsalita. Tinalikuran na niya ako at pumasok sa loob. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makapasok siya sa loob ng kwarto. That time, I was not really aware of what she meant with those words. I was thinking gusto lang niyang matulog at bumawi ng lakas. Matapos iyong gabing iyon naramdaman kong may nagbago sa relasyon namin. Or must I say kay Charm. That time unti-unti kong naramdaman that she's drifting away. Ang katangahan ko lang hindi ko ito binigyang pansin at inisip na its a normal phase in a relationship especially if we've been together for a long time. Little did I know that Charm was only waiting for that final chance. Until she lost all her reasons to stay. One day she just gave up and left me. "Kung hindi ka makakapunta dahil dyan sa hangover mo, mauuna na ako sa'yo Alex! Ayokong pati sa akin magtampo si Charm!" Pukaw ni Myra. "W-Wait, My! What should I do?!" I checked the time and its already past 9. As far as I remember 9:30 ang start ng ceremony. "Bahala ka! Kanina pa kitang ginigising pero panay ungol ka lang. I can't wait for you!" Hindi na niya ako hinintay pang magsalita. Tinalikuran na niya ako at tuluyan nang umalis. Damn! What should I do?!? Nasapo ko ang aking ulo na sobrang sakit pa rin. Why do you have to be so careless Alex! Mabilis akong nagtatakbo sa may bedside table ko at kumuha ng gamot. Agad ko itong ininom at nagderecho na sa banyo. "s**t! s**t! s**t! I cannot do anything to change the past! Damn it!" I closed my eyes tightly and flashes of Charm's wounded face appear. Hindi ko na napigilan ang pagbuhos ng aking luha. "It's useless! Walang kwenta iyong pagbabalik ko!" "Hi Alexa." Napatunghay ako at bumungad sa akin ang maaliwas at nakangiting mukha ni Charm. I wouldn't deny the fact that she's really a beauty. Kahit walang siyang kaayos-ayos katulad ng ibang college students na babae, hindi nito naitago ang kagandahan niyang taglay. "Yes?" Pormal kong sabi. Since the day that she gave me flower, she's always around me. Hindi naman tipong nakakairita, pero hindi na ako nagugulat kung bigla bigla na lang siyang sumusulpot sa harapan ko. Katulad ngayon. Narito ako sa library, ewan ko kung kanino at kung paano niya nalalaman ang mga whereabouts ko. Hindi naman ako nag-aalala kasi magaan naman ang pakiramdam ko sa kanya hindi ko lang ipinapahalata dahil baka lumaki masyado ang ulo niya. Hinila niya ang silyang katapat ng inuupuan ko. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Nagluto ako sa boarding house ng puto at pansit. Kain tayo?" I slightly scratched my temple. "Hindi ako mahilig sa pansit at puto. I prefer spaghetti or carbonara." Itinuon ko ang aking pansin sa librong binabasa ko. "Atleast try it once at nasisigurado kong makakalimutan mo ang spag or carbonara na sinasabi mo." Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Saan mo kaya kinukuha iyang confidence na 'yan?" Her smile widened. "Here." Itinuro niya ang tapat ng puso niya. "Just like you. Narito ka rin. At kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo or kahit hindi kita nakikita, you're always be here." Pinagmasdan ko siyang mabuti. Wala man lang akong nakikitang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. I feel her sincerity with those simple words. "Why me?" Nagkibit balikat siya saka hinawakan ang kamay ko at marahang pinisil. "Sorry, ang hirap naman kasing sagutin ng tanong mo. Pero ang malinaw lang sa akin, sa'yo ko lang naramdaman itong ganitong pakiramdam. Iyong tipong paggising ko sa umaga, ikaw agad ang gusto kong makita. Iyong tipong bago ako matulog, iisipin muna kita para kahit sana sa panaginip makasama kita. Iyong tipong nangangarap ako para sa sarili ko at para sa pamilya ko at the same time pinipicture out ko na ikaw ang nasa tabi ko. Iyong tipong abot na abot ko ang lahat kasi alam kong ikaw ang kaagapay ko." Napapalatak ako. Kung tutuusin ako dapat ang gumagawa at nagsasabi ng mga ganitong bagay sa kanya. Siya dapat ang nililigawan ko. Mahirap man tanggapin sa pride, pero pinapakilig ako ng babae sa harapan ko. Tumayo ako at tumikhim. "Matikman nga ang ipinagyayabang mo!" Hindi ko na siya nilingon. Ayokong makita niya ang pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Walking distance lang ang boarding house niya sa University kaya wala pang fifteen minutes nakarating na kami agad sa tinitirhan nya. "Pasensya ka na sa boarding house namin ha? Hindi masyadong malaki at medyo mainit. Ito lang kasi ang sakto sa budget ko eh." I choose not to say anything. I simply roamed my eyes around the place. Maliit lang ang sala pero malinis naman at maayos. "Where's your room?" Napasulyap ako sa isang pinto na nakasarado sa may kanang bahagi ng bahay. Napatikhim naman si Charm at tila nag-alinlangan. "Gusto mong kumain muna? Init ko lang sandali iyong pansit." Akmang papasok siya sa isang pinto na sa hinuha ko ay ang kusina. "I want to see where you sleep." Pinagmasdan niya akong mabuti at tila ba tinatantya niya kung seryoso ako o hindi. Nang masigurado niyang hindi ako nagbibiro, nagkibit balikat siya saka lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay. Kahit medyo nagulat ako sa ginawa niya hindi na lang ako nagpahalata. "Since gusto kong maging parte ng buhay mo Alexa, siguro mas mabuting wala akong itatagong kahit ano sa'yo or ikakahiya sa'yo." Hinila niya ako papunta sa nakasaradong pinto. Pagpasok palang bumungad na agad ang dalawang double deck bed na magkatapatan. Puro may saradong kurtina ang bawat kama. Ang natitirang espasyo ay nilagyan ng isang maliit na table na pwedeng kainan ng dalawang tao pero wala namang upuan. Binuksan niya ang kurtina ng isang kama sa baba ng double deck. "Ito ang higaan ko." Muli niya akong hinila at pinaupo sa bed niya. "Sorry ha wala kaming upuan dito sa kwarto eh kaya dyan ka na lang muna sa bed ko maupo." Tiningnan ko ang kama niya. May maliit na lampshade siya na itinali niya sa dulong paanan ng kayang kama. May isa lang siyang unan na pinatungan ng nakatupi niyang kumot. "How can you sleep here?!" I can't help myself but ask. Pakiramdam ko kasi nakakasuffocate sa kwarto nya. Wala man lang proper ventilation or kahit electric fan maliban sa ceiling fan sa gitna ng kwarto na mukhang hindi na humahangin ng malakas dahil sa kalumaan. "Sanayan lang. Oo medyo mainit. Dati may electric fan akong maliit kaso bigla na lang hindi gumana. Nagbabalak akong bumili kaso hindi pa siguro ngayon." Napatunghay ako sa kanya nang marinig ko ang paghila niya sa isang durabox na nasa may gilid ng pinto. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakahubad na siya ng damit niya. "W-What a-are you doing?!" Bigla tuloy akong napatayo dahilan para mauntog ako sa ulunan ng bed niya. "s**t!" "Alexa okay ka lang?!" Mabilis siyang nakalapit sa akin at sinapo rin ang ulo ko. Lalong nanlaki ang aking mga mata dahil tuluyan ng nakaexpose sa akin ang kalahati ng katawan niya. Bagamat may suot siyang bra hindi ko pa rin maiwasan ang mailang. Idagdag pa na nakadikit siya sa akin at nararamdaman ko na ang lambot ng kanyang balat. Napalunok ako at hindi ko mawari ang aking pakiramdam. "C-Can y-you atleast wear your shirt first?" Saka naman siya tila natauhan. "Ooohhh... S-Sorry.." Mabilis siyang lumayo sa akin at bumalik sa may dura box upang ituloy ang pagkuha ng damit. Iniwasan ko ng tumingin sa kanya kahit pa nga parang namemorya ko na ang bahaging iyon ng katawan niya. "D-Do y-you always do that?!" Lumingon siya sa akin matapos niyang makapagsuot ng t-shirt. "H-Ha?" "I mean malimit ka bang maghubad kahit may tao rito?" "W-Well, puro babae kasi kami rito. Saka medyo nakasanayan naman na namin ang magbihis dito sa kwarto kahit may tao, lalo na kapag may gumagamit ng banyo." "I see.." Kinapa ko ang aking ulo. Pakiramdam ko nagkaroon pa ito ng bukol. "Okay ka lang ba?" Muli siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking ulo. "s**t, may bukol!" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila. "Halika na sa labas. Lagyan ko ng ice iyang ulo mo. Kung bakit naman kasi basta-basta ka tumatayo! 'Yan tuloy!" "Kung bakit din kasi bigla ka na lang naghubad sa harapan ko?! Anong gusto mong ireact ko?!" Napatigil siya at hinarap ako. Nakataas ang kilay at may kakaibang ngiti sa kanyang mga labi. "Bakit Alexa hindi ka pa ba nakakakita ng hubad na babae?" "Of course nakakita na ako!" Halos pumiyok na ako sa pagsasalita. "'Yon na naman pala so anong problema mo?" "Would you stop smiling like that?!" She had that smile na tila ba nakakaloko or nakakaisip ng kapilyahan. She's so cute. "Don't tell me masyado kang affected sa presence ko ha Alexa?" She teased. "Sorry?! Don't flatter yourself Miss Charmaine Gozon. A-Ang d-daming m-magagandang babaeng nagkakagusto sa akin.." Pagyayabang ko. "And..?" Nakataas ang kilay niya at nanghahamon. "And don't think that I am that much affected by your presence. Not because I come with you today means I like you that much!" I dont even know why I'm being too defensive. "So does it means you like me but not that much?" Hindi pa rin nawawala ang panghahamon sa boses ni Charm pati na ang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. "N-No!" Napaatras ako dahil sa ginagawa niyang paglapit sa akin. "No means?" Nakikita ko sa mukha niya ang pagkaaliw. Kaya mas lalo pa siyang lumalapit sa akin. "Your getting yourself into trouble Charmaine!" Hindi ko na maipaliwanag ang biglang paglakas ng t***k ng puso ko. "Okay lang na mapatrouble ako Alexa..." Hindi man lang siya natitinag sa pakikipagtitigan niya sa akin. "Basta ikaw ang makakasama ko." With those words, I closed the gap between us and kiss her lips by which she gladly welcome.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD