"Ate Alexa, gising na! Sabi mo ipapasyal mo ako." Boses ng batang babae na sinamahan pa ng banayad na pagtapik sa aking pisngi.
"Hmm..." Hindi ko na alam kung anong oras na ba kami nakatulog kagabi.
"Ate Alexa nangako ka.." Ungot muli ng bata.
Ngumiti lang ako saka tumango. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata para lang magulat dahil muling bumungad sa akin ang isang malaking orasan. At bagaman naririnig ko pang nagsasalita si Chai, hindi ko na masyadong naiintindihan ang mga sinasabi nya dahil mas malakas pa ang pagtunog ng orasan.
Tik! Tik! Tik!
Oh s**t! No, no, no! Nagpromise pa ako kay Chai! Kaunting oras pa!
Tik! Tik! Tik!
Pagmulat ko ng aking mata, palapit na sa 12 ang malaking kamay ng orasan.
Tik! Tik! Tik!
At nang tumuntong na ito sa 12, nagdilim ang kalangitan at kasabay ng pagkidlat ay ang malakas na pagkulog! Muli kong naramdaman na para akong nakasama sa isang ipo-ipo.
"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!"
Damn! I'm back again! Unti-unti akong nagmulat ng aking mga mata. Nangunot ang aking noo nang mapansin kong medyo maliwanag pa ang kalangitan.
Teka bakit nasa harap ako ng aking manibela? Muli kong inikot ang aking tingin sa paligid. Ito pa rin ang venue ng party, pero dapat nasa loob na ako. Bakit narito pa rin ako sa parking area at nakaupo pa rin sa aking sasakyan? Napatingin ako sa labas at napaisip nang malalim. Sinipat ko ang aking relo. Its only 6 in the evening, and the party is just about to start.
I heaved a deep sighed. Nakakasakit ng ulo ang mag-isip. Lumabas ako ng aking sasakyan. So the next thing na mangyayari ay makakasabay ko si Myra sa paglalakad papunta sa loob.
At the count of 3... 2... 1...
"Hi Alex!"
Ngumiti ako kay Myra na nilakihan pa ang hakbang para makasabay sa paglalakad ko. Tatanungin nya ako kung kadarating ko lang ba at sasagot ako ng 'Oo. Nagpark lang ako ng kotse ko.'
"Just now I came, My. Pinark ko lang ang kotse ko." Itinuro ko pa ang aking kotse na nakapark sa di kalayuan.
Nangunot naman ang kanyang noo at tila nagtaka. "Paano mong nalaman ang itatanong ko?!" Pinagtaasan nya ako ng kilay.
Nagkibit balikat lang ako at hindi siya pinansin. So pagpasok namin sa loob, may dalawang babae na magtatanong ng name namin at ichecheck sa guest list. At hindi ako magsasalita dahil si Myra ang sasagot.
"Your name please, Ma'am?" Maganda ang babaeng nagsalita at may matamis na ngiti.
"I'm Myra, and this lady with me is Alexandra." Tipid lang ding ngumiti si Myra.
Napabuntong hininga ako. I wonder what happened? Bakit parang naadjust ang pagbabalik ko?
"Let's go!" Umangkla sa braso ko si Myra at muling nagsalubong ang kilay. "What were you thinking Alex? Are you bored?!"
Mabilis ang naging pag-iling ko. "No!" Tipid ko lang siyang nginitian at inakay sa paglalakad. "May naisip lang ako simu--"
"Ate Alexa! Ate Myra!"
Halos sabay pa kaming napalingon ni Myra sa taong tumawag sa aming pangalan.
"Chai!" Balik tawag naman ni Myra at bumitaw sa aking braso. Nauna na siyang lumapit sa pwesto nina Chai na kumakaway pa.
Para naman akong natulos sa aking kinatatayuan. Wait! I can't remember na nangyari ito in present time. I mean, sa pagkakaalala ko pagpasok pa lamang namin noon ni Myra sa loob, nagderecho agad kami sa isang table na malapit sa may bar stand. Paanong nangyari na tinawag kami ngayon ni Chai? Muli ko silang tiningnan. Sa kanyang tabi ay si Nanay Carmela na nakangiti sa akin. Samantalang si Myra ay nakalapit na sa kanila at nakiupo na sa kanilang table. Napatutop ako sa aking bibig. What does this mean?!
Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na namang nawala ang lahat ng tao. Nilingon ko ang aking paligid, tahimik na naman ang buong venue. Nasaan siya? Sinipat ko ang stage, pero wala na doon ang bote ng wine. s**t! Saan na naman kaya siya biglang magpapakita? Muli kong inilibot ang aking paningin sa paligid.
"Ako ba ang hinahanap mo?"
Napatingin ako sa pwesto ng dalawang babae kanina na nagchecheck ng mga guests list. Doon siya ngayon nakaupo. Lihim akong napangiti at naglakad palapit sa kanya. "Wow! Improving ang damit mo Dyosa! Nakabrown ka naman ngayon!"
Pinagtaasan nya ako ng kilay. "Mukhang hindi ka na ngayon nagugulat na nagpapakita ako sa'yo. Inaasahan mo na ba ang bawat pagdating ko?" Ngumiti siya ng makahulugan.
"Medyo nasasanay na ako sa'yo Dyosa!" Umupo ako sa tabi niya at isa-isang binasa ang pangalan ng mga nasa guests list. Pwede ko kaya siyang tanungin?
"Itanong mo na ngayon habang nasa mood pa ako."
Mabilis akong napatingin sa kanya. This is what I'm always forgetting. Naririnig nga pala niya ang nasa isip ko. Napangiwi ako nang bigla siyang mapahikab na para bang sinasabi niya na naiinip na siya sa itatanong ko. Tumikhim pa muna ako bago nag-umpisang magsalita. "Dyosa, bakit nabago ang pagbabalik ko sa present time? Parang may nadagdag na hindi naman nangyari noong unang beses na nagpakita ka sa akin."
Napailing-iling siya saka tumayo at nag-umpisang maglakad. Agad din naman akong tumayo at sumunod sa kanya.
"Hindi pa rin ba napapagtanto ng isipan mo ang dahilan?"
Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Napahinto rin ako at pinagmasdan siyang mabuti. Kaya nga ako nagtatanong kasi naguguluhan ako. Isang malutong na halakhak ang isinagot nya sa isinigaw ng utak ko.
Muli siyang napailing-iling at napapalatak. "Alam kong alam mo ang sagot sa tanong mo. Ginagawa mo lang komplikado ang lahat."
"Kaya nga nagtatanong ako sa'yo para hin--Dyosa?!" Muling bumalik ang mga tao sa venue. "Dyosa?! Dyosa naman! Hindi pa tayo tapos mag-usap eh!" Maktol ko habang nilibot ko ng tingin ang paligid. Nilayasan na naman ako!
"Ma'am ako ho ba kinakausap nyo?"
Napatingin ako sa waiter na huminto pa sa tapat ko. Ngumiti lang ako at umiling.
"Ate Alexa!" Sigaw ulit ni Chai na muling kumaway.
Naglakad ako sa pwesto nila. At nang makalapit ako ay mabilis kong kinuha ang kanang kamay ni Nanay Carmela. "Mano po, 'Nay!" Ngumiti ako sa kanya na tipid lang sumagot ng 'Bless you'. Bineso ko naman si Chai na mahigpit na yumakap sa akin. "You look lovely, Chai!"
"Namiss kita Ate! Hindi mo na kasi kami dinadalaw ni Nanay eh!"
"Syempre nakakahiya! Gustong gusto ko kayang dumalaw, nauunahan lang ako ng hiya." Nakakatuwang isipin na parang kanina lang eight years old pa lamang si Chai, ngayon dalaga na siya. "Ilang taon ka na nga ulit, Chai?"
"Sweet 16 Ate!" Nakangiti namang niyang sagot.
"Ang bilis ng panahon!" Singit naman ni Myra. "Parang kailan lang nung nagbirthday 'tong si Tita Carmela, nagpapamake up ka pa sa akin nun!"
Napabungisngis naman si Chai. Umupo ako sa tabi ni Nanay Carmela. Ngumiti siya sa akin at napapailing na lamang din dahil sa kakulitan ng kanyang anak. "Kamusta na kayo 'Nay?"
"Awa ng Diyos malakas pa naman ako, anak. Ikaw? Kung gusto mong dumalaw sa amin, parati ka namang welcome sa bahay."
Suddenly, para akong natauhan. Ito ba ang ibig sabihin ni Dyosa? Nangangahulugan ba na ang bawat pagbabalik ko sa nakaraan at ang mga pangyayari noon na pilit kong binago ay may epekto sa kasalukuyan?
Ang akala ko noong una na wala namang nagbago, unti-unti palang nagtetake effect? Oh God, saan na kaya si Dyosa?! Gusto ko na ulit bumalik sa nakaraan!
"Huy, Alex!"
"Ha?!" Napatingin ako kay Myra na masama na ang pagkakatingin sa akin.
"Tinatanong ka ni Chai! What are you thinking ba?!"
Binalingan ko naman si Chai at nginitian. "Anong tanong mo Chai?"
Napapalatak ang dalagita. "Hala, si Ate Alexa, mukhang malalim ang iniisip ah! Pag-ibig na naman ba 'yan?"
Oo! Pag-ibig pa rin para sa ate mo! "Atleast I'm at the right age now, Chai. Pero ikaw? Hindi ka pa pwede sa pag-ibig na 'yan! 'Di ba 'Nay?"
"Hala! Wala pa naman akong pag-ibig eh!" Maktol ni Chai.
Natawa naman ako at pinisil ang kanyang pisngi. "Bakit kasi ang bilis mong magdalaga Chai?! I remembered, you were just eight!"
Umingos siya at humalikipkip. "Hmpt! Ganyan ka naman eh! Noong ipinasyal mo ako, ayaw na ayaw mo akong bilhan ng make up kit! Sabi mo pag dalaga na ako, asan na ha?"
"Really?! Sinabi ko ba 'yon?" Hindi ko maalala na ipinasyal ko si Chai.
"Naku! Wala na! Makakalimutin na si Ate! Iyon yong nagbirthday si Nanay. First time mong nagpunta sa bahay 'nun ah!" Namimilog pa ang mata ni Chai na tila ba hindi makapaniwala na hindi ko maalala.
So naipasyal ko pala siya? How come? "Bakit dalaga ka na ba?" I tried to tease her.
"Wow Ate Alexa, ano kaya ang dalaga sa'yo?"
"Bata ka pa, Chai!" Singit naman ni Myra. "Kaya hindi ka pa pwedeng mag boyfriend!"
"Hala naman! Isa pa rin si Ate Myra!" Bumaling siya kay Nanay Carmela. "'Nay, kakampi kita 'di ba?"
Nagkatinginan kaming tatlo saka sabay-sabay na nagkatawanan. Ilang minuto pa kaming nagpatuloy sa kwentuhan at tawanan nang tumayo si Myra at tumingin nang makahulugan sa akin.
"Chai, Tita, excuse lang kami saglit nitong si Alex ha? May pupuntahan lang kaming kaibigan 'dun!" Itinuro pa niya ang bahagi ng bar stand.
I know that kind of look. Kahit gusto ko pang makipagkwentuhan sa kanila napilitan na rin akong tumayo. "I'll see you later na lang po ulit, 'Nay!" Humalik ako sa kanyang pisngi saka naman binalingan si Chai. "Behave yourself Chai ha? I'll see you from afar!"
"Hay si Ate Alexa talaga!" Ingos nya.
"Bakit hindi pa kayo rito makitable Alexa?" Paanyaya pa ni Nanay.
Mabilis akong nagpasaklolo kay Myra na mabilis naman niyang naintindihan.
"Don't worry Tita, we'll try to come back after we catch up with some of our friends." Hinalikan din niya si Nanay Carmela ganon din si Chai. "We'll see you around po."
"Sige Nanay, mamaya na lang po ulit. Chai, bantayan mo si Nanay!" Bilin ko pa.
"Ako bahala mga Ates!" Sagot naman ni Chai at kumaway pa.
Tumalikod na kami ni Myra at naglakad na patungo sa bar stand. Nang makalapit kami ay mabilis akong kumuha ng kopita at nagpasalin ng wine.
"Akala ko hindi mo pa magegets ang ibig kong sabihin, Alex!"
Sinundan ko ang tinitingnan nya. Sa di kalayuan naglalakad na sina Jin at Charm patungo sa table nila Nanay Carmela. "Tingin mo pa lang alam ko na!" Walang gana kong sagot, saka sumimsim sa hawak kong kopita.
Hindi ko na inalis ang aking tingin kay Charm. Sa bawat buka ng bibig niya, sa bawat kumpas ng mga kamay nya, sa bawat ngiti ng kanyang mga labi at kahit sa bawat pagkurap ng kanyang mga mata, lalo kong naiisip na she belongs to me. And that she's mine.
Pero sa tuwina, palagi ring nagpapakita si Jin at iminumulat ako sa reyalidad na hindi na ako ang nagmamay-ari kay Charm.
Napahigpit ang hawak ko sa kopita nang hapitin ni Jin si Charm at inalalayan sa paglalakad hanggang sa pag-akyat nila sa stage.
"Thank you for coming to this special event! In case all of you didn't know, aside from celebrating Charm's birthday, it is indeed our first year anniversary! Thank you for celebrating with us! Cheers!"
Napilitan akong itaas ang hawak-hawak kong kopita na may lamang red wine kagaya ng ginawa ng iba pang mga bisita.
"Pwede bang itulak kita sa pool na 'yan, Alex? Mukha kasing papanindigan mo na talaga ang pagiging tanga!"
Nginitian ko si Myra. "Don't worry, My. I'm doing my best to win her back!" Now that I've think about it, may nagbabago pala sa kasalukuyan sa tuwing nababago ko ang nakaraan.
"C'mon Alex, noon ko pa naririnig sa'yo 'yang tono ng pananalita mo." Napapalatak pa si Myra at hindi kumbinsido. "Ever since, you're over confident, in the end lalong nawala sa'yo si Charm. Don't you think so?"
"Ganon ba ako My?!" Itinuro ko pa ang aking sarili. "So does it means you don't trust me?"
Mabilis ang naging pag iling nya. "Hindi naman sa 'I don't trust you', medyo hindi na lang ako masyadong bumibilib sa'yo!"
I creased my brows. "And why is that?!"
She smirked. "If you're really trying your best, then why is she with Jin?" She looked at me as if she's daring me. "Actually, Charm shouldn't leave you in the first place. We wouldn't be in this situation kung hindi ka over confident!"
With those words I was stunned and left with nothing to say.