Kismet

2332 Words
Hindi na namin namalayan ang oras dahil naaliw na kami sa pagluluto. Samantalang napilitan na ring tumulong sina Myra at Chai na hindi yata napapagod sa pagkukwentuhan ng tungkol sa kung anu-anong bagay. "Ate Alexa, hindi ba may car ka? Ipasyal mo naman ako bukas?" Nakapout pa siya at magkasalikop pa ang kanyang dalawang palad. "Shoot! Basta iyong secret natin bawal mong ipagkalat ha?" Kinindatan ko pa siya saka nginitian. "Promise!" Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay. "Chai, magpalit ka na ng damit mo. Ang dungis mo na!" Utos naman ng ina nito. "Alex bakit wala pa sila?" Si Myra na tila naiinip na. Halos natapos na namin ang mga gawain at nakikita ko na sa mukha nya ang pagod. "Tawagan mo kaya?" "Kayong dalawa maupo na muna kayo dun!" Taboy naman ng ina ni Charm sa amin ni Myra. "Kaya ko na'to." "Sure po kayo?" Kahit halata na sa mukha ni Myra ang pagod, gusto pa rin niyang tulungan si Nanay Carmela. "My, upo ka na dun! Ako na bahala rito!" Tinaboy ko siya saka ko nilapitan si Nanay Carmela na naghuhugas ng mga pinaggamitan namin. "'Nay, ako na po dyan. Kayo po iyong magpahinga na muna. Birthday nyo eh!" "Naku, ikaw talagang bata ka! Alam kong hindi ka sanay sa mga ganitong gawain!" Bigla namang sumingit si Myra. "Tita, pwede bang samahan nyo muna ako sa room ni Charm? Gusto ko sanang magpalit ng damit." Saglit lang nya akong sinulyapang saka muling nagsalita. "Kayang-kaya na po ni Alex 'yan!" Mabilis ang naging pagtango ko nang balingan ako ni Nanay na tila hindi kumbinsido kay Myra. "Don't worry po, kaunti na lang naman 'to eh. Mga three minutes, tapos ko na'to!" "Sigurado ka ba anak?" Nagthumbs up lang ako saka sila itinaboy. Nang tumalikod sila sa akin, hinarap ko naman ang natitirang hugasin sa lababo. Hindi ko maiwasang mapangiti kapag tinatawag akong 'anak' ni Nanay. It's like, it's one of those things that I've been missing my whole life. Kung hindi pa ako nakabalik sa nakaraan, hindi ko mararamdaman na ganito pala ako kawelcome sa pamilya ni Charm. "'Nay, andito na kami!" Napalingon ako sa may pinto nang marinig ko ang sigaw na 'yon ni Charm. Itinaob ko ang huling kaldero na hinugasan ko saka ko pinunasan ng towel ang aking mga kamay. "A-Alexa?! Anong ginagawa mo rito?!" Gulat na gulat ang reaksyon nya. "H-Hi!" Looking at Charm right now, I wanted to wrap her around my arms and smother her with small kisses on her face. God, I just can't let her go. I just can't. "Anak, andyan ka na pala. Kanina pa dito sina Alexa. Nauna pa sila sa inyo." Bungad ng ina ni Charm na lumabas galing ng isang kwarto. Kasunod nya si Myra. "Grabe ka naman Alex! Pinagbyahe mo pa kami, sasama ka naman pala!" Biglang singit ni Jomer. "Oo nga ang init pa man din!" Segunda naman ni Ria. Sinundan ko ng tingin si Jin na derechong lumapit kay Nanay Carmela at nagmano. "Happy birthday 'Nay!" Bati pa nito saka iniabot ang isang katamtamang laki ng paper bag. Tinanggap naman ito ng huli. "Jin, hindi ka na sana nag-abala!" "Wala po 'yon 'Nay." Lumapit din si Charm at nagmano rin sa kanyang ina saka ito hinalikan sa noo. "Happy birthday Nanay!" Niyakap niya ito ng mahigpit saka muling humiwalay. "Bukas ko na ibibigay ang regalo ko ha?" "Hi ate Charm!" Lumabas naman sa kwarto nya si Chai at mukhang bagong paligo na. "Bukas ipapasyal daw ako ni Ate Alexa!" Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. "'Di ba Ate Alexa?" Tumango lang ako at kinindatan siya. "Akong bahala!" "Oh tamang tama, ngayong nandito na kayo, makakakain na tayo! Halina kayo." Nagsimula ng maglagay ng pagkain si Nanay. "Tulungan ko na kayo 'Nay!" Mabilis kong prisinta at nagsalin na rin sa malaking plato ng spaghetti. "Hay! Eksaktong eksakto lang pala ang dating natin! Atleast hindi na tayo mapapagod!" May pagpalakpak pa si Jomer. "My, kanina pa kayo?" Narinig ko pang tanong ni Charm kay Myra. "Yap! Si Alex kasi hindi mapakali kaya sinamahan ko na!" Damn! She can't even make it a secret! Or hindi man lang siya nakagawa ng excuse! Patuloy lang ako sa pagtulong kay Nanay nang tawagin ako ni Charm. "Alexandra!" Napatikhim ako at biglang pinawisan. "H-Halika na, M-Mahal.." Napatingin ako sa paligid dahil tila natahimik silang lahat. Muli akong napatikhim. "I-I m-mean, C-Charm kumain ka na rito!" Pasimple kong sinulyapan si Nanay Carmela and to my surprise, nakangiti naman siya. "Uuuuy, si Ate Alexa, namumula!" Napatingin ako kay Chai na nakabungisngis habang tinatakpan ang kanyang bibig. Mataman namang nakamasid sina Jomer na nagpatay malisya na lamang. "Alexandra, pwede bang mag-usap muna tayo saglit?" Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip ngayon ni Charm. Alam kong umalis siya ng condo ko na magkagalit kami. At ni hindi ko man lang siya tinawagan. "S-Sige..." "Charm anak, hindi ba makakapaghintay 'yan?" Mahinahon lang ang boses ni Nanay. "Simula ng dumating kanina iyang sina Alexa hindi pa rin sila kumakain. Sila din nitong si Myra ang katu-katulong ko sa pagluluto." "O-Okay lang 'Nay! Hindi pa naman ako nagugutom." Marahan ko pa siyang tinapik sa kanyang balikat saka naglakad papunta kay Charm. Dere-derecho siya sa isang kwartong pinasukan kanina nina Myra. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Nakahalukipkip siya at nakataas ang kilay nang harapin niya ako. "M-Mahal..." "Ssshhhh!" She raised her right hand and stop me from talking. Inilang hakbang lang niya ang pagitan naming dalawa saka niya ako hinawakan sa magkabila kong pisngi. Her eyes are a bit teary. "T-Thank you!" She closed the gap between our faces and kiss me passionately. Awtomatikong pumikit ang aking mga mata at hinapit siya sa kanyang bewang. Hindi ko tuloy mapigilan ang maluha. Kapag napapabalik ako sa nakaraan, parang may pumipiga sa puso ko sa kaalamang ang layo layo na ni Charm sa akin pagdating ng kasalukuyan. And knowing the fact that I will end up breaking her heart makes me want to cry in so much pain. Iyong pagiging emotional ko in present time nadadala ko sa nakaraan. "H-Hey!" Iminulat ko ang aking mga mata at sinalubong ako ng nakangiting si Charm. "Ang cry baby mo Mahal!" She teased while she gently wiped my tears away. Niyakap ko siya ng sobrang higpit. I wish that you will keep these memories Charm, enough for you to not let me go. Please, don't ever let me go. Iyon sana ang mga salitang gusto kong sabihin sa kanya, pero siguradong magtataka siya. "Halika na, Mahal. Mukhang nalipasan ka na ng gutom eh!" Aya niya makalipas ang ilang segundo. Muli niyang pinunasan ang aking pisngi saka ako hinawakan sa aking kamay at inakay na palabas ng kwarto. Naabutan pa namin silang nagkakatuwaan habang kumakain. Mabilis tumayo si Nanay at ikinumpas ang kanyang kamay. "Halina kayong dalawa, bago pa lumamig ang pagkain." Nakangiti nitong sabi na agad naman naming sinunod at sinaluhan sila sa pagkain. After ng dinner namin, nagkaayaan kami na mag-inuman. Kaya narito kami ngayon sa labas ng bahay nina Charm. Kumuha lang kami ng maliit na table at pinalibutan namin ang lamesa, habang may nakahain na isang pitsel ng beer at isang plato ng kaldereta na niluto ni Nanay. Nagpaalam naman na si Nanay Carmela na matutulog na siya. Hinila na rin niya si Chai na gusto pa sanang makitambay sa amin. "Myra, anong sekreto mo! Ang ganda-ganda mo ngayon!" Nakapilantik pa ang kamay ni Jomer habang humahangang nakatingin kay Myra. "Smile lang palagi, Jom!" Game naman na sagot ni Myra. "Ay ang taray! Palagi rin naman akong ngumingiti kaso napagkakamalan naman na akong baliw!" Hirit pa ulit ni Jomer. Nagkatawanan kami sa tinuran ng lalaki. Bumaling ako kay Jin. "Jin, I'm sorry kanina." Kahit masakit sa bangs ang magsorry, lalo pa nga at si Jin ang involve, ginawa ko na. "I behave like a kid!" Hindi ko na masyadong nilakasan ang aking boses. "Wala 'yon! Alam ko namang napagtripan mo lang ako eh." Napasulyap ako kay Myra na nakataas ang kilay at tila may gustong sabihin. Ngunit hindi ko na lang siya pinagtuunan ng pansin. Binalingan ko na lang si Ria na ngayon ay naggigitara. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka pala, Mahal?" Sinadya ni Charm na hinaan lang ang kanyang boses upang ako lamang ang makarinig. Nginitian ko siya. Ginagap ko ang kanyang palad at pinisil-pisil ito. "Kasi po, wala naman talaga akong balak magpunta." Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay nang magtangka siyang hilahin ito. "Don't get me wrong Charm. You struck me with your words. I'm sorry, I didn't realize it will hurt you this much. Its not my intention to avoid your world, just so you know!" "Pero hindi naman kita pinipilit. Naiintindihan ko naman kung hin-" "If not now Charm, kailan pa? Sooner or later, I should pay your mother and your sister a visit. So naisip ko, why not now?" Dinala ko sa aking labi ang kanyang kamay. "And it was one of my best decision so far.." "Wala na! Nakalimutan na nila tayo!" Napailing-iling si Ria. "Aaaayyy, kinikilig nga ako eh. Para akong nanonood ng live show!" Parang kinikiliti naman si Jomer. Myra rolled her eyes. "Aish! I had enough of these two!" Akala mo naman totoong naiinis siya. "Kapag sinaktan ni Alex itong si Charm, naku magsisisi talaga siya!" Ang mga birong totoo ni Jin na hindi ko binibigyang pansin noon. Napatingin ako kay Jin. Somehow, even before, I'm well aware of what she felt for Charm. I'm just too proud of myself thinking that this girl beside me will never leave me. Little did I know that Jin was just waiting for the perfect time to show her true feelings for Charm. And in just one strike, mabilis niya akong nabura sa buhay ng babaeng mahal ko. Naikuyom ko ang aking palad saka uminom ng alak. Sinundan ko siya ng tingin nang hiramin niya ang gitara kay Ria at mag-umpisang kalabitin ito. Sinabayan pa nya ito ng pagkanta. "Pasensya na, kung ako ay di na nagsasalita. Hindi ko kayang sabihin ang aking nadarama.. Huwag mo na akong pilitin! Ako ay walang lakas ng loob para tumanggi, walang dapat ipagtaka ako ay ipinanganak na torpe sa ayaw at hindi.." Pumalakpak naman si Jomer at nagsayaw-sayaw pa. Nang tingnan ko naman si Myra nakataas na naman ang kanyang kilay. "Papatalo ka?" She mouthed. Napansin ko naman si Charm na humahangang nakatingin at nakikinig kay Jin. Mas lalo pang ginanahan ang huli dahil sa atensyong kanyang nakukuha. "Pasensya na kung ikaw ay naiinis. Ayoko na sanang pag-usapan pa Kung gusto mo ay manood ka na lang ng sine di ba huwebes ngayon baka may bago nang palabas.." Lalo pang ginalingan ni Jin ang pagkalabit sa kanyang gitara. "Huwag mo na akong pilitin ako ay walang lakas ng loob para tumanggi.. Walang dapat ipagtaka ako ay ipinanganak na torpe diyan sa tabi-tabi.. Pasensya na kung ako ay naiiyak, mababaw lang talaga ang luha ko di ko mapigil ang aking damdamin. Pwede bang umalis ka na tumutunog na ang beeper mo, pasensya na ah ah.." "Ah, ah ah ah!" Hinawakan pa ni Jomer ang kutsara at ginawa itong mic. Siya pa ang unang pumalakpak at tila ba tuwang-tuwa. "Bravo, Jinella! Bravo!" Nagbow pa siya na para bang siya ang nagperform. Tumayo siya at muling hinawakan ang kanyang kutsara. "And now, let's give a round of applause for Alexandra! Si Jinella na humamon at ngayon si Alexandra na siyang hinamon!" Kinuha niya ang gitarang hawak ni Jin saka ito iniabot sa akin. "Tungek, hindi naman marunong maggitara si Alexa!" Natatawang sabi ni Charm. "Seriously, Charm?" Si Myra na tila hindi makapaniwala. "Hindi mo pa ba nakita o narinig na maggitara si Alex?" Nagtatanong ang mga mata ni Charm nang balingan ako. "H-Hindi nga ako marunong!" Napakamot ako sa aking ulo. Nang tingnan ko naman ulit si Myra, salubong na ang kanyang kilay. "So paano na 'yan? Eh di may nanalo na?" Tila nanghahamon ang tono ng boses ni Jomer. Para naman akong nainsulto nang balingan ko si Jin. Nakakaloko ang ngiti sa kanyang labi. Tumingin ulit ako kay Myra. Nagkibit balikat lang siya at para bang sinasabi ng kanyang mga mata na show them what you've got. Hinawakan ko ang gitara at tipid na ngumiti. "Let me give it a try. It's been a long time since I last played this thing." Tumingin ako kay Charm at nginitian siya then I started to strum the guitar. "And now, ladies and ladies, ang hinamon... ALEXANDRA!" Nauna ng pumalakpak si Jomer. Napailing-iling na lamang ako at nagsimulang tumugtog. "Didn't mean to take you for granted, didn't mean to show I don't care, didn't mean to throw away this once in a lifetime of chance being with you.." Tumingin pa ulit ako kay Charm habang patuloy ako sa pagkalabit sa gitara. "And I'll drive for two hours to bring butterfingers. I don't mind the distance this kismet's a dance. This time, I surrender, my everything forever. Life doesn't matter just our souls together.." Kung pwede lang na manatili ako sa nakaraan. Kung pwede lang dito na lang ako kasama si Charm. Habang lumalalim ang gabi nababawasan na naman ang oras ko na makasama siya. "Pride no longer has room in me. On bended knees in public, I cry your name for everyone to know that I love you, I love you.. Please hear me now. And I'll drive for two hours to bring butterfingers. I don't mind the distance this kismet's a dance.." Babalik na naman ako sa kasalukuyan. At kahit abot kamay ko lang si Charm, ang milya-milya naman na ng layo nya sa akin. I smiled at her. Oh God, I love her. "This time, I surrender my everything forever. Life doesn't matter just our souls together.." Yes, I didn't mean to take you for granted Charm. But this time I surrender everything forever. Life doesn't matter just our souls together... I wanted to stay with you forever..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD