"Why are you even pushing me to come with you, Alex? Gusto mo palang sumama, bakit hindi ka pa sumabay kina Charm?"
Tinitigan kong mabuti si Myra. Mukhang hindi talaga ako sasamahan ng baliw na'to! "I thought you're my bestfriend My!"
"At ngayon binabalik mo na sa akin 'yan?!" She rolled her eyes and continued reading the book that she's holding.
Lumapit ako sa kinauupuan niya at hinawakan siya sa dalawa niyang kamay. "Please My, if I don't do this now, iiwan ako ni Charm in the future at ipagpapalit niya ako kay Jin!"
"Oh talaga?" Tila naman naawa siya sa akin. "Oh tapos ano pa nakita mo sa future, Alex?"
Nag-isip ako at inalala ang mga nangyari sa kasalukuyan. "Ikaw papayat ka. Sobrang sexy mo My!"
Ngumiti naman si Myra at tila engross na engross. "Tapos? Sinong magiging boyfriend ko?"
Mukhang naniniwala na siya! Yes! "You'll be dating Kent! You'll like him so much Myra!"
Ngumiti siya nang ubod ng lapad saka tumayo at inalalayan din akong tumayo. "Oh?! Talaga Alex?" Mabilis ang naging pagtango ko.
"Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin nang ihampas nya sa akin ang book na hawak-hawak nya.
"My goodness Alexandra! Are you really on drugs?!" Nanlalaki ang kanyang mga mata, at ang kaninang ngiti niya ay napalitan na ng pag-irap! "Kailangan mo pa talagang gumawa ng kung ano-anong kwento para lang samahan kita kina Charm?!"
"You'll see! Papasalamatan mo ako one day!" Why can't she believe me?! Kung hindi dahil sa pagiging henyo ko, maibibigay nya ang virginity nya sa gunggong na Frank na 'yon! "Ouch ha! Nakakadalawa ka na!" Daig pa nya si Charm kung batok-batukan ako! Ano siya chicks?!
"Sige ipush mo pa 'yang pagforsee mo sa future ha?!" Napaatras ako ng tangka na naman niya akong batukan. "And for goodness' sake! Si Kent?! Idedate ko?! No way!"
Ngumisi ako nang makahulugan. "No way, no way ka pang nalalalaman! Halos ikaw na nga ang humabol kay Kent eh!" Bulong ko pa. "What?! Would you stop hitting my head!" Maagap ko siyang napigilan sa kanyang braso nang tangkain na naman niya akong batukan.
"Kung ano-ano pang ibinubulong mo d'yan! Bahala ka na nga!" Marahas nyang hinaklit ang brasong hawak hawak ko saka ako tinalikuran at nilayasan.
"Myraaaaa! Pleaseeeeee! Samahan mo na ako! Ako naman ang parating nag-iintindi sa'yo kapag sobrang lasing ka!" Pinagsalikop ko pa ang dalawa kong kamay at ipinikit ang aking mga mata. "Please, I'll owe you for this day!"
Huminto siya sa paglalakad at binalingan ako. "Habang buhay mo bang isusumbat sa akin iyang paghahatid mo tuwing nalalasing ako, ha, Alex?"
Ngumiti ako ng matamis. Now she's giving in. "I'll buy you a drink after this!"
She rolled her eyes and continued walking. "Whatever!"
That's when I won! Hindi rin naman ako matitiis ni Myra for sure. Matyaga akong naghintay sa kanya sa sasakyan habang nagbibihis siya.
Now what? Should I buy flowers? Cake? Baloons? What should I get for her mother? Napatampal ako sa aking noo. What to do?! Nagulat pa ako nang biglang magsalita sa tabi ko sa Myra.
"Tutuloy pa ba tayo o hindi?"
Kailan pa siya nakapasok sa sasakyan ko? Ganon na ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko man lang siya namalayan. Inistart ko ang ignition saka pinasibad ang sasakyan.
Halos dalawang oras at kalahati ko ring drinive ang Bataan dahil na rin sa traffic. It's already past five pero maliwanag pa rin ang kalangitan.
"Aren't we supposed to go down?" Nakataas ang kilay ni Myra at nakatingin sa akin. "Safe ba tayo rito, Alex?"
Napatikhim ako saka ko sinipat ang paligid. Parang hindi ko pa rin mapaniwalaan na narito na ako sa lugar na kinalakihan ni Charm. This is my first time, at hindi ko akalain na this was exactly what Charm had described. Matao, dikit-dikit ang bahay, kabilaan ng kalsada ang parkingan. Naglipana ang mga bata at matanda. May mga naghahabulan at nang ibaba ko ang salamin ng aking sasakyan, may naririnig akong nagsisigawan.
If I was not mistaken, tatlong beses pa lang ata kaming nagkita ng nanay ni Charm. I didn't even talk to her mother for a long time. Pinakamatagal na ang five minutes ng pag-uusap namin. At never akong nagpunta sa lugar nya dahil to be honest natakot ako sa description nya sa kanilang lugar.
Nang muli kong balingan si Myra tila ba hinahamon nya ako kung bababa ako o hindi. There's no turning back, Alexandra! Lumapit agad sa akin ang isang babae na siguro na sa edad na kwarenta nang makababa ako ng sasakyan.
"Sinong hinahanap mo 'ne?" Tila ba sinusuri niya ako pati na ang loob ng sasakyan ko.
Muli akong napatikhim. Si Myra mukhang walang balak lumabas ng kotse! Ngumiti ako bago nagsalita. "Si Nanay Carmelita po. Dito lang naman po siya sa area na ito 'di ba?"
Mabilis ang naging pagtango ng babae at ikinumpas pa ang kanyang kamay. "Ay oo! Kumare ko 'yon! Si Carmela. Halika, dito lang sila sa bandang looban." Hinawakan nya ako sa aking kamay at tangkang hihilain na ako.
"S-Sandali lang po. May mga bitbit po kasi kami. S-Saka may kasama po ako." Tinuro ko pa ang loob ng kotse saka ko sinenyasan si Myra na tila ba nag-aatubili pa kung bababa.
"Ah, sige! Madami ba kayong dala?" Kinuha niya sa akin ang ibang plastic na bitbit ko. Dinala naman ni Myra ang cake at bulaklak na binili ko.
"Hoy, Piling, mukhang may magogoyo ka na naman ah!" Sigaw ng isang lalaking walang suot na pang itaas na damit. Nakaupo siya sa tapat ng isang tindahan at nagsisigarilyo.
"Gago! Bisita 'to ni Mareng Carmela! Bantayan mo itong tsikot nila ha! Hatid ko lang itong mga 'to!" Nagthumbs up pa siya sa kanyang kausap saka kami binalingan habang naglalakad papasok sa isang eskinita. Isang dipa lang ang espasyo ng eskinita kaya halos magkabungguan na ang papasok at palabas ng lugar. "Huwag kang mag-alala sa kotse mo, pinabantayan ko na! Pagkahatid ko sa inyo, akong magbabantay nun kahit hanggang bukas! Alam mo naman dito sa amin, kung minsan ninanakawan ang mga nakapark na sasakyan."
Nagkatinginan kami ni Myra at halos sabay pang napalunok. Para bang sinasabi ng mga mata nya na dapat hindi na lang talaga siya sumama sa akin.
Ilang minuto pa ang nilakad namin at nakarating kami sa isang maliit na palaisdaan. Halos ang kalahati nito ay natutubuan na ng mga kangkong. Tumapat kami sa isang maliit na maliit na gate.
"Mareng Carmela, may naghahanap sa'yo!" Sigaw ng babaeng kasama namin. Para bang normal na lang na malakas ang boses ng mga tao rito. "Ito iyong bahay nila Carmela!" Turo pa ni Manang sa bahay. Nakangiti pa rin siya sa kabila ng pagkaubos ng ngipin nya sa itaas na bahagi ng kanyang bibig.
Lumabas sa maliit na bahay ang pinatandang hitsura ni Charm. Siguro nasa edad na kwarenta na rin ang Nanay nya. At hindi maipagkakaila na ito ang kanyang ina dahil para silang pinagbiyak na bunga. Ngayon alam ko na ang magiging hitsura ni Charm, twenty years from now.
"Ano ba 'yong sinisigaw mo Piling?" Nakakunot ang noo nito ng lumabas ng bahay. Nakasimpleng duster lamang ito. Lumapit siya sa amin saka binuksan ang maliit na gate.
"Eh hanap ka nitong magagandang dalagita eh. Carmelita raw! Ikaw lang naman ang kilala kong Carmelita dito!"
"Sino ba kayo mga ineng?" Ngumiti siya at pinagmasdan kami mula ulo hanggang paa.
"Kaibigan po kami ni Charm!" Si Myra na ang naunang nagsalita dahil napansin nya atang nalunok ko na ang aking dila.
"Aaayy, ganon ba! Naku halina kayo sa loob." Binalingan nito ang babaeng kasama namin. "Piling, kaibigan pala sila ni Charm ko!" Mababakas ang kasiyahan sa mukha nya ng banggitin nya ang pangalan ng kanyang anak.
Tumango-tango lang ang babae. "Oo nga, Carmela. Kaya pala magaan ang loob ko agad sa dalawang ito kasi kaibigan sila ng inaanak ko!" Tinapik-tapik niya ako. "Pasok na kayo sa loob." Muli siyang bumaling sa ina ni Charm. "Bantayan ko lang iyong kotse nitong mga 'to, Carmela!"
Tumango lang ang huli saka kami inakay papasok sa loob. "Naku, wala namang nababanggit si Charm na may mga bisita pala siya. Hindi nyo ba siya kasama?"
Muli kaming nagkatinginan ni Myra. "U-Umuna na po kami rito, kasi sabi niya hihintayin pa raw nya iyong iba nyang kaklase." Pasimple kong ibinaba ang mga plastic saka ko kinuha ang bulaklak at cake kay Myra. "H-Happy Birthday po, Nanay."
Nagulat pa ako nang bigla akong yakapin ng ina ni Charm. "S-Salamat A-Alexa, anak."
Napatingin ako kay Myra na mukhang nagulat din sa naging reaksyon ng ina n Charm. Napatikhim ako at marahang hinaplos haplos ang kanyang likod. "K-Kilala n-nyo po ako 'Nay?"
"Oo naman! Malimit kang nababanggit ni Charm sa amin!" Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin saka ibinaba sa mesa ang cake at ang bulaklak. Itinuro nya ang picture frame na nakalagay sa maliit na table na nasa sulok ng sala. It was a picture of me and Charm. Nakayakap siya sa akin habang hawak-hawak ko siya sa kanyang bewang. Valentines day ata kuha ang picture na 'yon.
"'Nay! 'Nay! May bisita raw tayo?" Naputol ang pag-uusap namin nang bumungad sa pinto ang isang batang babae na siguro nasa edad walo na. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapagmasdan akong maigi. "Ate Alexa!" Nagulat pa ako nang bigla na lamang siyang tumakbo palapit sa akin at yumakap.
"Chai, basa ka ata ng pawis. Nakakahiya sa Ate Alexa mo!" Saway naman ni Nanay Carmelita.
Hindi naman pinansin ng batang babae ang sinabi ng kanyang ina. Hinila lang nya ako sa may sofa at pinaupo. "Ang ganda mo pala sa personal Ate Alexa! Kaya pala mahal na mahal ka ni Ate Charm!"
"Ah tita ako nga po pala si Myra!" Tumikhim si Myra at sinamaan ako ng tingin. "Kaibigan din po ako ni Charm! Happy birthday po!" Bineso nya ang ina ni Charm na tila biglang nahiya.
"Pasensya na kayo sa bahay namin ha, maliit lang." Hinging paumanhin nito
"Ate Alexa, ang ganda rin po ni Ate Myra. Sana paglaki ko maging kasing ganda nyo ako!"
"Oo naman!" Biglang umupo sa tabi namin si Myra at pinanlakihan ako ng mga mata. "Chai ang pangalan mo right?" Tumango ang kapatid ni Charm. "Kwentuhan mo naman ako Chai, habang si Ate Alexa mo eh tutulong kay tita na magluto! Magaling magluto iyang si Ate Alexa mo!"
"Talaga?! Sige Ate Myra dun tayo sa kwarto ko. Pwede make-upan mo ako?"
"Sure!" Binalingan nya ako saka inginuso ang ina ni Charm na tila may inaayos sa loob ng maliit nilang fridge. "Magpalakas ka na bago ka maungusan ni Jin!" Bulong pa nya saka nagpahila kay Chai papunta sa kwarto nito.
Tumayo ako at nilapitan si Nanay Carmelita. "'Nay, namili po pala kami ng konting grocery para makapagluto tayo." Tipid akong ngumiti saka ipinatong sa may mesa ang tatlong plastic ng grocery na binili namin.
"Alexa hija, sana hindi ka na nag-abala. Ang dami-dami nito oh! Saka wala ka pa namang trabaho anak."
"Okay lang po, 'Nay. Tira ko po 'yan sa allowance ko." What am I thinking way back then?! Bakit hindi ko man lang sinubukan noon na kilalanin ang pamilya ni Charm? Now that I'm here, parang gusto kong lumubog sa kahihiyan dahil sa pag-iwas kong puntahan ang mundo ni Charm. Muli akong bumaling kay Nanay. "'N-Nay o-okay lang po ba sa inyo na nakipagrelasyon si Charm sa isang katulad ko?"
Pinagmasdan niya akong maigi saka hinawakan ang aking kamay. "Hangga't masaya at mahal ng anak ko, tatanggapin ko Alexa." Tipid siyang ngumiti saka marahang binitawan ang aking kamay. "Marunong ka ba talagang magluto? Halika na at tulungan mo ako." Masigla niyang dugtong.
Ngumiti lamang ako at tumango-tango. Parang sasabog ang puso ko dahil sa mga sinabi ng ina ni Charm.
Kung hindi pa ako nabigyan ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, I will never see how deep Charm's feeling for me. Para bang kulang pa ang pag-iyak at paghabol-habol ko sa kanya kumpara sa mga panahon na nasaktan ko siya ng sobra.
Alex, you are so so stupid!