"Aaaaahhhh--ouch!"
Napasubsob pa akong lalo sa malambot na balat nang may kumabig pa sa akin.
"Hmmm.." Narinig ko pang may umungol.
Napamulat ako at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto ko kung saan ako nakasubsob. "W-What t-the..?!"
"A-Anong problema Mahal?"
Napatunghay ako kay Charm na tila nagulumihanan. Bigla niya akong tinulak at tinakpan ang dibdib nya ng kumot.
Jusko naman, ang daming pwede kong bagsakan o makamulatan. Dito talaga?! Dito talaga sa dibdib ni Charm?! Napahugot ako ng malalim na hininga.
"K-Kung w-wala ka pala sa mood pwede mo namang sabihin!" Tila napahiya ang kanyang hitsura. Namis-interpret nya siguro ang naging reaksyon ko.
Mabilis ko siyang pinigilan sa kanyang braso at hinila pabalik sa kama nang magtangka siyang tumayo. "H-Hey. I-It's not what I mean." Paano ko bang ipapaliwanag sa kanya? Niyakap ko siya ng mahigpit. God, how I miss this moment with her. Kung pwede lang patigilin ang oras. "I miss you Mahal. I miss you so much!"
Saglit na humiwalay si Charm saka mataman akong tinitigan. Puno ng pagtataka ang kanyang hitsura. "Hey, bakit ka umiiyak?" Pinunasan niya ang luhang kumawala sa aking pisngi. "Saka magkasama naman na tayo magdamag, hanggang ngayon miss mo pa rin ako?" Tila ba gulat na gulat siya sa reaksyon ko ngayon.
Mabilis ang naging pag-iling ko. Bagaman hindi ko na rin namalayan na umiiyak na pala ako. Naging iyakin na ako mula nang hiwalayan ako ni Charm.
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinaglapat ang aming mga noo. "Charm, please lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. Mula noon hanggang ngayon at hanggang bukas." Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata saka ko unti-unting tinawid ang distansya sa pagitan naming dalawa. Kusa namang pumikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang lambot ng kanyang mga labi.
I've longed for this for a long time. I've long for this moment since she broke up with me.
The kiss deepened. Inihiga ko siya sa kama at pinagmasdan siyang mabuti. I wanted to memorize every detail of her. Even the smallest mole, I wanted to keep in mind. "You're so beautiful Charm." Bulong ko, saka ko pinagapang ang aking kamay sa kanyang mga braso pababa. Muli ko siyang hinalikan sa kanyang mga labi na malugod naman niyang tinugon. Iniyakap niya ang dalawa nyang braso sa aking leeg upang mas mapalalim pa ang paghalik ko sa kanya.
Hinalikan ko siya sa kanyang buong mukha. Pababa sa kanyang leeg, patungo sa kanyang dibdib.
"Alexa.." Anas niya.
Pinaglandas ko ang aking kamay sa kanyang umbok. Hmm, I miss the way she's calling me 'Alexa'. Napaliyad naman siya ng ilapat ko ang aking labi sa kanyang dibdib. Pababa sa kanyang puson, at pababa pa. That's when we both lost ourselves.
"I love you, Charm." Bulong ko sa kanya saka siya kinabig.
Tumingala siya sa akin at ngumiti. Mabilis nya akong hinalikan sa mga labi. "I love you too, Mahal kong Alexa!" Saka siya sumiksik pa sa akin.
"Hmm, sana lagi tayong ganito." Hinalikan ko siya sa kanyang ulo nang may muli akong maalala. "Charm, ano palang date ngayon?" Masyado akong nagpapakalunod sa piling ni Charm, muntikan ko ng makalimutan kung bakit nagbabalik ako sa nakaraan.
"Hmm, May 11."
"Year?"
"Huh?" Tumingala siya sa akin at tila nagtataka. "May 11, 2012 po! Ano Alexa, naging makakalimutin ka na?"
"Parati akong nakakalimot sa mga bagay bagay kapag kasama kita." Kinindatan ko siya at kinuha sa side table ang aking cellphone.
"Sus! Nambola ka pa!" Pasimple nya akong hinampas saka bumangon.
"Oh, saan ka pupunta?!" Napabangon din ako at pinigilan siya.
Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "What Alexa?! Bawal ng magbanyo ha?!"
Napakamot ako at napangiwi. "Akala ko tatakasan mo ako eh."
Mabilis siyang nagbihis ng mga damit niyang nagkalat sa sahig. "At saan naman kaya ako pupunta aber?!"
"Sorry naman!" Nakangiti kong sabi saka siya kinindatan. Napailing-iling na lamang siya. Papasok na sana siya sa loob ng banyo nang bigla akong may maalala ulit. "Mahal, saang hotel ba tayo ngayon?"
Nagsalubong ang kanyang kilay. "Anong hotel ang pinagsasasabi mo, Alexandra?! Narito tayo ngayon sa condo mo! Kailan pa tayo naghotel?!"
Napalunok ako. s**t, Alex! Mag-isip ka ng excuse! "I-I m-mean, s-saang h-hotel mo gusto mamasyal or mag-unwind one time? You know, maiba naman. Hindi iyong lagi na lang tayo rito sa condo ko!" Kailan pa nga kami naghotel ni Charm?! Since nagstart nga pala ako ng first year college, binigyan na ako ng sariling condo ng mommy ko dahil medyo malayo ang bahay namin kung mag-uuwian pa ako.
Tila naman hindi siya naniwala sa alibi ko. "Mamaya na tayo mag-usap pagkatapos kong maligo!" Pumasok na siya sa loob ng banyo at hindi na ako hinintay pang magsalita.
Napatampal ako sa aking mukha. Stupid! Inilibot ko ang aking tingin sa buong condo unit. Actually, hindi naman ito kalakihan. Pagpasok mo palang sa pinto bubungad na agad ang sala. Sa kanang bahagi ay ang kusina at tanging bar stand lang ang naghahati. Makikita naman sa kaliwang bahagi ang kama, na nagsilbing kwarto na nakaelevate at walang division. Maliwanag ang buong espasyo dahil sa glass window na tinatabingan lang ng kurtina.
Inayos ko na ang aking sarili saka ako bumangon. Muli kong tiningnan ang aking cellphone. May 11, 2012, hmm. Ano bang nangyari nung time na 'yon?! Naglakad ako papuntang kusina at nagbukas ng fridge. Jusko naman! Ano bang pinagbibibili ko noon?! Bakit ito lang ang laman ng fridge ko? Puro beer pa! Binuksan ko ang freezer at napangiti. Sakto, may isda pa. Iprito ko na lang ito. Mabilis kong ibinabad sa tubig ang frozen fish saka muling napatulala. May 11, 2012! Ano bang nangyari?!
Nawala ako sa malalim na pag-iisip nang biglang may magdoorbell. Hindi na ako nag-isip at hindi man lang pinag-abalahang tingnan kung sino ang tao kaya laking gulat ko nang buksan ko ang pinto. "J-Jin?! What the hell are you doing here?!"
"Hi Alex. What's up?!" Hindi man lang nya pinansin ang reaksyon ko. Dere-derecho lang siyang pumasok sa loob. Nagulat pa ako nang may dalawang tao pang sumunod sa kanya.
"Jomer?! Ria?!"
"What is so shocking, Alex?!" Maarteng tanong ni Ria. Siya at si Jomer ay kaklase ni Charm. Samantalang si Jin naman ay ang matalik na kaibigan ni Charm.
"Yeah! You shouldn't be shocked that we are here, because we are not there!" Sabad naman ni Jomer na mas maarte pa kay Ria dahil sa kanyang kabadingan.
Kung sa ibang pagkakataon matatawa ako kay Jomer, pero hindi ngayon. Sinipat ko ng tingin si Jin at nilapitan. "Jin, you are not invited here. Pwede ka ng umalis!" Hinawakan ko pa siya sa kanyang braso at dinala papuntang pinto.
"What?! Bakit ako aalis?!" Nagtataka nyang tanong.
"Yeah, Alex! Bakit nga siya aalis?!" Tanong din naman ni Jomer samantalang si Ria ay nakatanga lamang.
"Malamang, condo ko 'to! So I have all the right na magpaalis ng tao!"
Itinaas naman ni Jomer ang kanyang kanang kamay na parang si Kris Aquino. "May tama ka Alex!" Binalingan naman niya si Jin. "You can go out now, Jin! Bye!"
"Wait, Alex seryoso ka ba?!" Tumingin sa aking mga mata si Jin at tila ba tinatantya kung seryoso ako.
Ikaw ang may kasalanan kaya kami nagkahiwalay ni Charm. Dahil sa pagiging mabait mo at pagiging matino mo nakita ni Charm ang mga kakulangan ko! "Oo!"
"Mahal, anong nangyayari dito?" Nakakunot ang noo ni Charm nang balingan ko siya. Bihis na bihis na siya.
Pumalakpak naman si Jomer. "Aaaayy, narito na ang reyna!" Mabilis siyang lumapit kay Charm. "Ms. Charm, narito ngayon ang dalawang tao na nagmamahal sa'yo, sino ang pipiliin mo?" Tukoy ni Jomer sa aming dalawa ni Jin. Itinapat pa nya ang kanyang kamay sa bibig ni Charm na para bang nag iinterview sya.
Lumapit naman si Ria at binatukan siya. "Ano bang pinagsasasabi mong bakla ka?! Nakikigulo ka pa, baliw!" Hinila niya si Jomer sa may kusina at nagbuklat ng fridge na para bang kanila itong condo.
"M-Mahal, s-sabi ni Jin uuwi na raw siya!"
"Anong uuwi?! Wala akong sinabi ha!" Tanggi naman ni Jin at mabilis na lumayo sa akin at lumapit kay Charm. "Charmy pinapaalis nya ako oh!" Parang bata niyang sumbong at itinuro pa ako kay Charm.
Charmy! Bwisit! Akala mo naman ang gandang pakinggan ng endearment nya kay Charm! Parang panty liner! "Sabi mo kanina gusto mo ng umuwi!"
"Alexandra?!"
Nakataas ang kilay ni Charm at dahang-dahan lumapit sa akin. Nakita ko pa ang pagbelat ni Jin. Napalunok naman ako.
"At inyo pong matutunghayan ang pagiging submissive ng isang Alexandra Baltazar!" Singit ni Jomer.
"M-Mahal gusto mong kumain? M-Magpiprito na lang ako ng isda. O-Or k-kung nagugutom ka na m-mag order na lang tayo."
Napapalatak si Charm at napailing-iling pa. "Since when ka pa nagkaganyan sa mga kaibigan ko, Alexandra?!"
"M-Mahal naman. I-I was just k-kidding! Binibiro ko lang si Jin!" Nginitian ko si Jin at kumindat. "Hindi ba Jin?"
"Nakita ko Alex mukha kang seryoso ih!" Singit pa rin ni Jomer na ngayon ay umiinom na ng juice na galing sa fridge ko.
"Stop drinking that!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.
"Alexandra Baltazar!" Muling saway ni Charm.
"Okay, okay! I'm sorry!" Itinaas ko ang dalawa kong kamay bilang pagsuko. Badtrip! Tinalikuran ko si Charm at naglakad papuntang banyo. Sinamaan ko pa ng tingin si Jin nang madaanan ko siya na may nakakalokong ngisi. "This is supposed to be our 'us time'. Kaso dumating ang mga asungot!" Bulong ko pa habang papunta ako ng banyo.
Hindi ko pa naisasara ang pinto ng banyo nang humarang si Charm at pumasok sa loob. Siya na ang nagsara ng pinto.
"Now tell me what was that, Alexa?!" Nakapamewang siya sa akin at pinanlakihan ako ng mga mata.
"Wala!" I know I was such a kid a while ago. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko at the sight of Jin. Wala naman nga siyang ginagawang masama sa akin even before. Kaya mas lalo akong naiinis dahil wala man lang akong makitang kasiraan nya.
"Wala?! Para kang ten years old sa inakto mo kanina, Alexa. Tapos ngayon sasabihin mo wala?! Ano iyon nagtantrums ka lang ha?!" Pinagmasdan nya akong mabuti at tila ba nadidismaya siya sa inakto ko. "So ngayon gagawa ka na naman ng bagay na pag-aawayan natin para lang hindi na matuloy iyong pag-alis ko? Jusko, Alexa, ang childish lang ha!"
"A-aalis k-ka?"
Nagsalubong ang kilay nya at muling napailing. Tila hindi siya makapaniwala sa nakikita nyang reaksyon sa akin. "C'mon, Alexa! Huwag ngayon please lang! Birthday ni Nanay at nageexpect sya na uuwi ako. Hindi na nga kita pinipilit na sumama, pero huwag ka naman ng gumawa ng dahilan para hindi ako matuloy!"
Birthday ni nanay nya? Oo nga pala! Kaya pala narito sina Jin kasi sila ang kasama ni Charm sa pag uwi nya sa kanila. Bakit ba hindi ako sasama nun? "Isusumbat mo na naman ba ang hindi ko pagsama sa'yo?!" It wasn't what I want to say. Pero ewan ko sa bibig ko at kung ano-ano ang sinasabi.
Napahilamos sa kanyang mukha si Charm at biglang nainis. "Kung pwede lang isumbat Alexa, oo isusumbat ko talaga! Ilang taon na ba kitang girlfriend ha? Sa napakadaming beses kitang gustong ipakilala kay Nanay, ano ba ang palagi mong sagot? Hindi ka pa handa. Na kesyo nahihiya ka."
Now I clearly understand. For almost ten years, ilang beses ko pa lang bang nakasama at nakita ang Nanay ni Charm? She's right. Sa ilang beses nyang sinubukan na isama ako sa kanila at ipakilala, palagi ko siyang tinatanggihan. Palagi akong umiiwas.
"Alam mo ba Alexa ang nakakatampo? Ni minsan hindi mo man lang sinubukan na lumapit sa mundo ko! Oo alam ko malayo ang agwat natin sa buhay, pero alam mo ang masakit? Kung minsan ikaw pa ang nagpapamukha sa akin na dapat dito lang ako sa mundo ko, at ikaw dyan lang sa mundo mo! Ikinakahiya mo ako Alexa! Ikinakahiya mo ako bilang girlfriend mo!"
Para akong nabuhusan nang malamig na tubig dahil sa mga sinabi nya. Yes. It was really my problem years ago. Hindi ko man maamin sa sarili ko noon at hanggang sa kasalukuyan, that I was never proud of her. I was never proud of us. Kahit alam sa buong campus ang pagkatao ko, I always see to it na maging discreet kaming dalawa dahil takot ako sa sasabihin ng ibang tao. Dahil hindi ko kayang panindigan ang panghuhusga nila. Dahil hindi ko pa kayang tanggapin ang sasabihin ng mapangmatang lipunan.
Maybe I was really never good enough for Charm. Dahil siya, kayang kaya niyang ipagsigawan sa mundo na mahal nya ako. Kayang kaya nyang panindigan ang relasyon namin. Eh ako? Damn!
Nabalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Nakuyom ko ang aking palad at nasuntok ko ang pinto ng banyo. Ako ang nagtutulak kay Charm palayo sa akin. God I'm so stupid!
Her words cut through my heart, but my actions towards her broke her heart in countless times.