Human Greed

2110 Words
"Don't you want to do something Alexandra?! Look at yourself?!" "Aaaaaahhhhh!" Napaatras ako nang bahagya at napalingon-lingon sa paligid. Panaginip lang ba ang lahat? Pero ito pa rin ang party nina Jin at Charm! Tiningnan ko ang hawak kong kopita. Ito pa rin ang wine na iniinom ko. Tiningnan ko naman ang stage kung saan nakatayo pa rin sina Charm. Hindi ko na napigilan ang panlalaki ng aking mga mata at napatutop pa ako sa aking bibig. S-s**t! Ang bote ng wine na iniwan ni Engkantada sa stage, nandoon pa rin at kakukuha palang ng isa sa mga waiters. Muli kong tiningnan si Myra na salubong na ang kilay. "What kind of look is that ha Alex?!" Lumapit pa siya ng kaunti upang titigan akong maigi. "M-Myra w-wala ka bang nakitang babaeng nakaputi. Mahaba ang buhok. Halos kasing taas ko lang siya." Lalong nadagdagan ang pangungunot ng noo ni Myra saka inagaw ang wine na hawak ko. "Don't tell me tinablan ka na agad sa ininom mo, Alex?!" Am I having hallucination? Nakagat ko ang aking labi at napaisip. But it seems like it was real! "M-Myra d-did you just vanished a while ago?! I-I mean, s**t!" Paano ko ba ipapaliwanag kay Myra?! "Tell me what Alex?! What do you mean vanished?! I'm with you since the party started! Hindi ako umalis! Ano bang pinagsasasabi mo?!" "Y-You m-mean ako lang ang nakakita sa Engkantanda? I-Iyong babaeng nakaputi na mahaba ang buhok? M-Myra m-may m-magic siya. I know its rea--" "Alexandra mabuti naman nakarating ka!" Naputol ang iba ko pang sinasabi kay Myra dahil sa paglapit nina Jin at Charm. Bigla akong napapormal at saglit na iwinaglit sa aking isipan ang mga nangyari. Sinamaan ako ng tingin ni Myra saka nakangiting binalingan ang dalawa. "O-Oo naman. I wouldn't miss this for the world!" Nilapitan ko si Jin at bumeso bagamat hindi pa ako nakakabawi sa nangyari. Saka ko naman tiningnan si Charm at tipid na ngumiti. I kissed her on the cheek. "Happy birthday Charm." "Salamat Alex." Tipid niyang sabi saka tumingin kay Myra na nasa tabi ko pa rin. "Bantayan mo iyang kasama mo, My, alam mo na." "I know right!" Sabat naman ni Myra na napapalatak pa. "Hon ano ka ba, pinapahiya mo naman si Alex. Alam na niya 'yan." Singit naman ni Jin at kumindat pa sa akin. Tipid lang akong ngumiti. "Wine lang naman ito." Itinaas ko pa ang hawak kong kopita. "Hindi ito nakakalasing." Muli akong sumimsim saka binalingan si Jin. "Mabuti pang ayain mo na itong si Charm papunta dun sa tita mo." Itinuro ko pa ang tiyahin ni Jin sa kabilang table. "Paano mong nalaman na iyon ang sasabihin ko?!" Nagtatakang tanong ni Jin. Nagkibit balikat lang ako. "Hula lang." Inunahan ko lang iyong sasabihin mo. Iyon sana ang gusto kong sabihin sa kanya pero nakakapagod mag explain. Hindi naman na nila binigyang pansin ang sinabi ko. "Anyway, if you'll excuse us." Ngumiti si Jin saka hinapit sa bewang si Charm. "Let's go there, hon?" Tumango lang ang huli at hindi na nagsalita. "Sure. Sure. Alam ko kung gaano kayo kaabala sa pag-eestima ng mga bisita nyo." Sabi naman ni Myra. "Thank you sa pagpunta My ha? See you again." Hinalikan niya sa pisngi si Myra saka ako binalingan at tinanguan. Nang makatalikod sila tumalikod na rin ako at bumalik sa bar stand. "Alam ko na ang sasabihin mo Myra. Kahit ayaw mo kay Jin para kay Charm, bagay rin sila." Nilagok ko ang wine saka hinarap si Myra na nawala sa kanyang kinatatayuan. Nilibot ko ulit ng tingin ang buong paligid ngunit wala na namang tao. s**t. Saan naman kaya siya magpapakita? Dahan-dahan akong tumalikod para hindi na magulat ngunit wala namang lumabas. Umikot ulit ako pero wala pa rin. Huminga ako ng malalim. Ahh, this must probably the real dream. Hays mabuti na lang hindi ko na siya makikita. Masyado siyang weird. Saka hindi naman kasi totoo ang mga sinabi niya. Siguro nagdadru-- "What the f**k?!?" Napasigaw ako at nanlaki ang aking mga mata nang mapagtanto kong nakalutang ako sa ere. "Kailan mo kaya ako irerespeto? At kailan mo kaya titigilan iyang pag-iisip mo kahit alam mong naririnig ko lahat?" Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa stool na inuupuan ko kanina. "O-Oh? A-Andyan p-po pala kayo Engkantada?" Kung kanina nakaputi siya ngayon naman ay purong pula ang suot nya. Change outfit ang lola mo! "N-No! N-No! N-No!" Bigla akong nagpanic ng unti-unti akong bumaba. Dahil ang babagsakan ko lang naman ay ang gitna ng swimming pool. "P-Please, D-Dyosa n-ng k-kagandahan, wala ako sa mood mag swimming ngayon! Ibaba mo na ako rito!" "Anong mas bagay sa akin? Iyong puti o itong pula?" Nakangiti siya habang nakataas ang kilay. Sinundan ko ng tingin ang wine na kusang lumutang sa ere at kusang nagsalin sa kopita na ginamit ko kanina lang. Inikot-ikot nya ang wine. "M-Mas g-gumanda ka ngayon D-Dyosa!" Kahit mukha kang bruha! "N-Noooo!" Bumibilis lalo ang pagbaba ko sa swimming pool. Halos dalawang dangkal na lang siguro ang layo ng paa ko sa tubig. "Kailan ka matututo, Alexandra?! Hindi mo ba alam ang kahulugan ng salitang 'utang na loob'?!" Tila amuse na amuse naman ang babae sa reaksyon ko habang ninanamnam niya ang wine. I closed my eyes tightly. Alright Alex, please bear in mind that the lady in front of you has super powers. And she really can hear your mind. "M-Mas maganda ka sa kulay puti. H-Hindi ka mukhang bruha, seriously you look seductive!" Nanlaki ang aking mga mata nang bigla na lang akong mapunta sa katabing stool na inuupuan nya. "Nagsisimula na akong magustuhan ka." "Sorry! Hindi ko ipagpapalit si Charm sa'yo kahit sobrang ganda mo at kahit Dyosa ka!" Napahagalpak naman ng tawa ang Dyosa. Panay pa ang iling niya na tila ba amuse na amuse sa mga sinabi ko. Minabuti ko na lang manahimik. Napabuntong hininga pa ako saka napatitig sa tubig ng pool. "Hindi mo makukuha sa isang kisap mata ang mga bagay na gustong gusto mo. Kailangan mo itong paghirapan." Nagbalik man ako sa nakaraan wala namang nagbago sa kasalukuyan. Pakiramdam ko pa mas lalong nadagdagan iyong bigat sa puso ko dahil noong bumalik ako in the past, I was the center of Charm's world. Nadoble pa tuloy iyong pagsisisi na nararamdaman ko. Napatiim bagang ako at naikuyom ko ang aking palad. Tang-ina kasi! Bakit ang tanga tanga mo Alex?! "Kung minsan, may mga bagay na kahit matagal ng nasa atin, nawawala pa. Kung minsan nasisira. Kung minsan nakukuha ng iba." Bumaling ako sa Engkantada at mapait na ngumiti. "Sana kasi noon ka pa nagpakita sa akin at binantaan ako ng mga mangyayari sa kasalukuyan or sa future." Kung kaya niyang magpabalik sa nakaraan, ibig sabihin kaya niyang makita ang future? Tanungin ko kaya sa kanya kung magiging kami pa rin ni Charm sa huli? Bigla akong napangiti sa aking naisip. Magsasalita pa sana ako nang unahan niya ako. Napataas ang kanyang kilay. "Iyan ang hirap sa mga tao. Tinutulungan mo na, gusto pa ng sobra-sobra." Napakamot ako sa aking ulo at napatungo. Bigla tuloy akong nahiya. Nasapulan ako ng Dyosa. "Pero totoo ba na tala-- Dyosa?" Saan nagpunta 'yon? Bigla siyang nawala. Nangunot ang aking noo dahil muling nagkaroon ng tao sa party. "Ako po ba kausap nyo Ma'am?" Inikot ko ang stool paharap sa waiter na nasa loob ng bar stand. "H-Hindi m-mo na nakita iyong babaeng nakapula rito?" Itinuro ko pa ang katabing stool na inupuan ni Dyosa kanina. "Kanina nakaputi ngayon nakapula?!" Salubong na ang kilay ni Myra nang tingnan ko siya. Umupo siya sa stool na tinuro ko sa waiter. Saka nagparefill ng inumin sa waiter. "Lasing ka na nga ata, Alex." Mataman siyang nakatingin sa akin at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya. "H-Hindi nga ako lasing! Ayaw mo kasing maniwala eh!" Iinumin ko sana ang aking wine nang bigla akong may maalala. "Myra can I ask you something?" She shrugged. "Hmm..?" "Tanda mo ba kung anong nangyari noong August 12, 2009?" Napatuwid ako ng upo at hinintay ang isasagot nya. Sana alam mo. Sana maalala mo. Ang tagal nyang mag isip. Siguro naalala niya. "Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil bigla nya akong binatukan. Narinig ko pa ang biglang pagtawa ng waiter na sinamaan ko ng tingin. "Are you expecting me to remember everything that happened ten years ago ha, Alex?! What?! You think kasing talino ko si Charm para maalala lahat?!" I sighed in exasperation. Yeah right. Ano pa nga bang ineexpect ko?! "But wait a minute, hindi ba may nangyari sa inyo ni Frank nung birthday ni Trish?" Please say no! Nanlaki ang kanyang mga mata. Binalingan nya ang waiter at tila nahiya sa bigla kong pagtatanong. Pero mabilis din naman siyang nakabawi. "Are you nuts?! Hindi ba nga sabi mo I was so wasted that time, at ang sabi pa ng gagong iyon gusto nyang mag threesome pa tayo!" Bigla niyang nasaid ang laman ng kanyang wine. "My goodness! Kung hindi ikaw ang naghatid sa akin nung gabing iyon, who knows kung saan ako dinala ng gagong iyon! Mabuti na lamang at hindi ka masyadong nagpakalasing nun Alex!" Hindi ko naman naiwasan ang biglang mapangiti. So totoo talaga?! Nakabalik ako sa nakaraan. May nabago akong pangyayari! Saan na kaya si Dyosa? Huwag naman sana siyang magtampo. Ang ganda pa naman niya sa red na damit! "You really owe me, Myra. Saka ilang beses ki--Oh, Dyosa, you were here?" Kahit medyo nagulat ako dahil biglang nawala si Myra at napalitan ng katauhan ni Dyosa, hindi ko na lang pinahalata. Pasimple pa akong tumingin sa aking paligid kung may tao. Pero tulad ng naunang pagkakataon na nagpakita siya, nawawala ang lahat ng tao. Mataman siyang nakatingin sa akin na para bang hinuhubadan ako. Bigla tuloy akong nahiya kaya nag-iwas na lamang ako ng tingin. "Hanggang sa sandaling ito pala hindi ka pa rin naniniwala?!" Mabilis akong tumayo at umiling. Ikinumpas ko pa ang aking dalawang kamay. "Noong unang beses ka palang nagpakita sa akin naniwala na ako sa'yo!" Malakas kong sabi. Napatikhim ako nang titigan nya ako ng masama. "I-I m-mean nung padalawang beses kitang nakita, naniwala na ako!" Tumayo rin siya at lumapit sa akin ng dahan-dahan. Muli naman akong napalunok. "O-Oo n-na! N-Ngayon l-lang ako naniwala!" Paano ba naman kasi ako maniniwala? Sa panahon ngayon iisipin ng iba na nababaliw na ako. Pero since nagbago ang nangyari noon, naniniwala na ako. At kahit magmukha akong nawawala sa sarili ko wala na akong pakialam. "Gusto mo pa rin bang bumalik?" "H-Hindi m-mo na ba ako pagbibigyan?" I suddenly feel nervous. Kung ito lang iyong chance para mabawi ko si Charm, gagawin ko. Pero paano pala kung nagbago na ang isip ng Dyosa? Parang gusto ko na namang umiyak. "Eh wala naman akong magagawa, kesa mabingi ako sa kakasigaw ng puso't isipan mo!" Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng aking ngiti. "Thank you talaga Dyosa!" Yayakapin ko sana siya pero bigla na naman siyang nawala sa harapan ko. Sige Alex, sarili mo na lang ang yakapin mo! Niyakap ko ang sarili ko ng mahigpit at ngumiti kahit mukha na akong tanga. "Paano kung masayang lang ang lahat ng pagsisikap mo? Paano kung kahit mabago mo ang nakaraan nyo, mauwi pa rin siya sa piling ni Jin?" Napatitig ako sa kanya na ngayon ay naka indian sit sa ere, sa may gitnang bahagi ng swimming pool. Nakakatawa sana iyong hitsura nya ngayon, pero dahil sa sinabi niya tila ba nanikip ang dibdib ko. Paano nga ba? Ano pa nga bang ipinaglalaban ko? I clenched my fist and suddenly I just wanted to hit something. I bit my lip and silently cursed. Shit! Simula noong nakipaghiwalay sa akin si Charm, wala ng gabi na naging mahimbing ang tulog ko. Wala ng umaga na ginusto kong gumising. Pakiramdam ko nabubuhay na lang ako dahil humihinga pa ako. Patawarin ako ng Diyos, pero may iilang beses na gusto ko na lang mamatay. Pinahid ko ang luhang pumatak sa aking mga mata at pilit na ngumiti. "No! Gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa akin." Ngumiti siya nang makahulugan at nagkibit balikat. Nawala na naman siya sa pwesto nya. Napunta siya sa aking tabi at bumulong. "Humiling at baka sakaling ika'y dinggin!" Tumikhim muna ako saka pumwesto. Tumingala ako saka pumikit. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at nagsimulang kumembot ng pakaliwa at pakanan. I shouted the chant! "Dyosa ng kagandahan, pagbigyan ang aking kahilingan! Ibalik ako sa nakaraan!" Nang muli kong imulat ang aking mga mata lalong nagdilim ang kalangitan, kasabay ng kidlat ay ang malakas na pagkulog! Nagpaikot-ikot ako gaya ng sa ipo-ipo! "Aaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD