I looked at Myra while dancing so wild with Frank. Naalala ko noon na halos ako pa ang nagtulak sa kanya na sumama kay Frank. I was thinking that maybe the bastard was so inlove with her. Little did I know, that Myra was just a toy for him. If I don't stop her now, she'll regret it later on. Palagi pa naman niyang bukang bibig sa akin na pinagsisisihan niyang ibinigay niya ang sarili nya kay Frank. Sana raw naghintay siya ng tamang lalaking pag aalayan nya ng p********e nya. I sighed deeply. Hindi ko naman siya pwedeng iwan ng ganyan! Ayaw pa rin naman niyang umuwi! Hays, kailan ba papanig sa akin ang swerte?! Mauulit na naman ba ang nangyari noon?!
"Hi Babe! Want some drink?"
May tama na rin si Trish base sa pungay ng mata niya at pamumula ng pisngi. I wonder what my old self liked about her. Yes she's a beauty, but she's no match with Charm. She puts too much make up, pero si Charm masaya na sa lip gloss at powder. Hindi gaya ni Trish, mahirap lang si Charm. Kaya kung anong meron siya sa kasalukuyan iyon ay dahil pinaghirapan nya lahat. Kaya naman mas lalo lang siyang napamahal sa akin. But it was all too late to realize. The moment I wanted to keep her forever was the same moment she gave up on me.
Aabutin ko na sana ang basong hawak ni Trish pero mabilis niya itong tinungga.
"If you want it, you can taste it from here." Itinuro niya ang kanyang labi.
If I was my old self, kanina ko pang sinunggaban ang babaeng nasa harapan ko. Pero hindi ko na ulit gagawin yon dahil gusto kong ibalik at pahalagahan ang babaeng binalewala ko sa loob ng maraming taon. Tipid lang akong ngumiti at tumayo. "Magbanyo lang ako."
"Not so fast babe."
Hinarangan nya ako saka muling ngumiti. Hindi ko napaghandaan ang sunod nyang ginawa. Sinakop nya ang aking mga labi dahilan para matulos ako sa aking kinatatayuan. Nanlaki ang aking mga mata.
'Let go of me so you can let go of yourself also.'
No! Itinulak ko si Trish at pinahid ang aking labi. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa naging reaksyon ko. "I'm sorry, Trish. Pero mahal na mahal ko si Charm." Tinalikuran ko siya at dere-derecho akong nagpunta sa loob ng banyo.
Mabilis kong winisikan ng tubig ang aking mukha nang makapasok ako sa loob. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin.
Sa kabila ng paglalagay ko ng make up at pagbibihis babae, hindi naman kaila sa lahat ang tungkol sa pagkatao ko. Bagaman may ilang lalaki pa ring nagtangka na paibigin ako, bigo sila na mabago ako. At kahit alam ng lahat ang tungkol sa relasyon namin ni Charm, may mangilan ngilan pa ring babae ang nagtatangka na lumapit sa akin at nagbibigay ng motibo. Sabi nga nila maappeal daw kasi ako. At dahil umaapaw ako ng self confidence noon na hinding hindi ako iiwan ni Charm, halos makipaglaro rin ako sa mga babaeng lantaran ang pagkagusto sa akin. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Walang sinuman ang dapat sisihin sa paglayo sa'yo ni Charm, Alex. Ikaw ang nagtulak sa kanya palayo sa buhay mo!
Mabilis akong lumabas ng banyo at hinagilap si Myra. Damn! Akay na siya ni Frank palabas ng bar. Mabilis ko silang sinundan.
"I'll bring her home, Frank." Naabutan ko pa siyang isinasakay ng lalaki sa kotse nito. Damn bastard!
"How about Trish?" Nakangisi siya ng nakakaloko.
I clenched my fist and tried my best to control myself. "Let's go Myra." Binuksan ko ang pinto ng kotse ni Frank saka hinila ang babae. Umuungol lang siya at wala akong maintindihan sa sinasabi niya.
"C'mon Alex, let's have some more fun? Have you tried threesome? For sure Myra won't mind."
Sayang ang kagwapuhan ng gagong ito! Mabilis kong ipinasok sa loob ng aking kotse si Myra na halos wala ng malay sa kalasingan. Saka ko naman muling hinarap si Frank. Salamat kay Mommy at pinaturuan niya kaming magkapatid ng judo.
"b***h!" Sapu-sapo ni Frank ang kanyang nguso na tinarget ko. Gusto nyang tumayo ngunit hindi na niya magawa dahil tila umepekto na rin sa kanya ang alak at mukhang nahilo na rin dahil sa ginawa ko.
"Try not to change Frank or else you'll see yourself in prison!" Mabilis akong naglakad papunta sa driver seat at agad nang pinaharurot ang sasakyan. Sobrang higpit na ng hawak ko sa manibela dahil sa magkakahalong nararamdaman ko ngayon.
"A-Alex, hmm.."
Nilingon ko si Myra na mukhang wasted na wasted. "Thank me later, My!" I said in exasperation.
Halos paliparin ko na ang kotse para lang makarating agad sa bahay nina Myra. I remembered those years na kada Byernes wala na kaming ginawa kung hindi magparty hanggang umaga. At wala ng ginawa si Charm kung hindi intindihin ako at alagaan.
Binilisan ko na ang pag papatakbo sa sasakyan dahil na rin sa kagustuhan kong maihatid agad si Myra at puntahan si Charm.
"Alex!"
Napuno ng pag-aalala ang magandang mukha ng Mama ni Myra. Siya ang bumungad sa akin sa pagdoorbell ko.
"Good morning Tita." Nginitian ko lang siya at saka ko inayos ang pagkaka alalay ko kay Myra. Infairness ang bigat din ng babaeng ito! Tumingin pa muna siya sa orasan saka ako tinulungan sa pag-alalay kay Myra. "I'm sorry about this Tita." Sabi ko pa habang pinagtulungan namin siyang maihiga sa kanyang kama.
Hindi agad siya nagsalita. Tinanggalan niya muna ng sapatos si Myra saka inayos ang buhok at kinumutan. Hinarap nya ako at saka ngumiti.
"Salamat, ha Alex. Mabuti na lang at nandyan ka parati para sa anak ko."
Anak sa labas si Myra. Bagaman kinikilala naman siya ng mayaman nyang ama, hindi pa rin siya nakaligtas sa pangmamata ng malupit na lipunan. Mabuti na lang mabait at mahaba pa rin ang pasensya ni Tita sa kanya sa kabila ng pagrerebelde nya.
"Wala po 'yon Tita. Sige po mauna na ako." Tipid lang akong ngumiti at naglakad na palabas ng kwarto ni Myra. Sinabayan naman ako ng mama nya.
"Gusto mo bang magkape muna or kumain ng breakfast? Ipaghahanda kita."
Mabilis ang naging pag-iling ko. "Promise next time na lang po Tita. Medyo nagmamadali po kasi ako. Hinatid ko lang talaga si Myra."
Tumango tango siya saka muling ngumiti. "Oh siya sige. Pag uwi mo magpahinga ka na rin. Ingat sa pagda drive ha?"
"Sure Tita. Salamat po." Hinalikan ko lang siya sa pisngi at naglakad na ako palabas ng bahay. Dere-derecho na ako sa loob ng kotse at mabilis itong pinasibad.
Kinuha ko ang aking cellphone sa may dashboard. Ilang beses kong tinawagan kagabi si Charm pero hindi niya sinasagot. After ko siyang i-message na hindi ko na siya masasamahan dahil hindi ko maiwan si Myra ay hindi na siya nagreply.
Pihadong at this time tulog pa 'yon since parehas kaming walang klase ngayon. Napahugot na lang ako ng malalim na hininga at muling pinaandar ang kotse nang magreen na ang traffic light. I came all the way from the present time just to revive the past and make things right, but at the end I still failed. Masasaktan ko pa rin si Charm na magdudulot ng sugat sa puso nya. I wanted to cry!
Napalingon ako sa backseat nang may bigla akong maalala. s**t! Saan napunta 'yon? Oh God! It was here last night! Ginamit nga pala ni Myra!
"Dalhin ko muna itong paper bag Alex ha? Paglagyan ko ng regalo ko. Ang hassle kasi kung bitbit ko lang mismo iyong gift ko kay Trish." Inayos pa ni Myra sa loob ang kanyang regalo.
"Just don't forget to give it back to me okay?" Tukoy ko sa paper bag. Tumango lang siya at nagthumbs up.
"s**t. Bakit ba inaabot ako ng kamalasan?!" I pull over the car and drive on different direction going back to the bar.
Halos paliparin ko na ang sasakyan para lang makarating agad dito. Dahil out of the way ang bahay ni Myra, ang layo pa ng inikutan ko at dinagdagan pa ng pesteng traffic. At ngayon nga gusto ko ng magwala at maglupasay sa harap ng security guard ng bar dahil ayaw niya akong papasukin. "Kuya, saglit lang ako. I was here last night! Importante talagang makuha ko ang paper bag ko kuya!"
"Pasensya na talaga Ma'am! Bawal po talagang magpapasok ngayon. Kung gusto nyo balik na lang kayo mamayang gabi kapag open na."
Hindi ko na napigilan ang mapasipa sa sobrang inis! Nahilamos ko pa ang aking mukha sa sobrang frustration. Muli kong binalingan ang gwardiya. Hindi pala siya madaan sa pakiusapan ha. "Look, if you don't let me in right now, pupunta ako sa police at irereport ko ang bar nyo! Sasabihin kong nagpapapasok kayo ng menor de edad!" Mukha namang effective ang mga sinabi ko dahil bigla siyang pinawisan.
"Ma'am five minutes lang ha? Bawal kayong magtagal sa loob kasi ako malilintikan nito sa amo ko!" Kumakamot pa siya sa kanyang ulo.
"Shoot!" Nagthumbs up pa ako at kinindatan siya. Nang buksan niya ang pinto, mabilis akong pumasok at tinahak agad ang pwesto namin kagabi. At para akong nabunutan ng tinik pagkakita ko sa puting paper bag na nakapatong sa dulong bahagi ng couch. Saglit ko lang sinilip ang loob nito saka ko dali-daling kinuha.
Halos mapatid na ako sa pagmamadaling makalabas ng bar. "Salamat kuya!" Nag flying kiss pa ako sa kanya bago ako sumakay sa aking kotse.
Halos paliparin ko na ulit ang aking kotse para makarating agad sa boarding house na inuupahan ni Charm. God, gustong gusto ko na siyang makita. Gustong gusto kong masilayan ulit ang ngiti nya.
Alas dose pasado na nang makarating ako sa tapat ng boarding house nya. Hindi ko na inalintana ang aking gutom. I even miss this place!
Pipindutin ko pa lang ang doorbell nang eksakto namang bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng kinasasabikan kong makita. Napahawak ako sa tapat ng aking dibdib dahil biglang lumakas ang t***k ng puso ko. "C-Charm.." Parang piniga ang puso ko nang makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Anong ginagawa mo rito?"
Napalunok ako at dahang dahan lumapit sa kanya. 'I'm sorry'. Iyon dapat ang sasabihin ko pero iba ang lumabas sa bibig ko. "Gutom na ako."
Now I clearly remembered everything she said that day.
"Magpapaluto ka lang pala, sana dun ka nagpunta sa bahay nyo at dun ka nagpaluto sa katulong mo!"
"Papakainin mo ba ako o hindi? Simple lang ang tanong ko, Charm!" Nakataas na ang kilay ko at nakasimangot na rin ako.
"Hindi mo ako katulong, Alexa! Umuwi ka kung gutom ka at dun ka sa bahay nyo kumain!"
"s**t naman Charm, nagkakaganyan ka dahil lang sa libro?! Ang babaw mo ha!" Tinalikuran ko siya at naglakad na pabalik sa aking kotse.
"Alexa!"
Huminto ako at walang emosyon ko siyang nilingon.
Marahas nyang pinahid ang kanyang luha saka napailing-iling. "Ang sakit ba sa loob mo na sabihin ang 'sorry'? Or iyong ipakita mo man lang sana sa akin na malungkot ka at nagsisisi ka dahil hindi mo naman talaga sinadya na hindi ako masamahan?"
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at inunahan na siya sa kanyang sasabihin. Ayoko ng marinig ang mga sinabi niya noong panahon 'yon. Because it really pained my heart. "I'm sorry." Bigla na lang tumulo ang aking luha. "I-I'm r-really r-really s-sorry.." Napahagulhol na ako at hindi ko na napigilan ang walang patid na pagbuhos ng aking luha. Alam kong hindi na kayang pagtakpan ng kahit ilang sorry ko ang mga sakit na idinulot ko kay Charm. All those years, abot kamay ko lang siya. Iyong inakala kong palagi siyang nandyan biglang nagbago. And slowly she go farther away from me.
"Hey.. Why do you have to cry so hard?" She smiled and pulled me in her arms. "Kakatawag lang sa akin ni Myra, sorry siya ng sorry kasi kasalanan daw nya kaya hindi ka nakarating. Tahan na Mahal ko. Hindi naman ako galit."
Lalo lang akong napahagulhol sa mga balikat ni Charm. How I wanted so bad to stop the time and freeze this moment. Ooh, how I love this girl, only God knows!
Ilang minuto pa ang lumipas bago nya ako napakalma. Kahit ayaw ko pang humiwalay sa pagkakayap nya hindi naman pwede.
"Hindi ko akalain na iyakin ka rin pala Alexa!" She teased me and pinched my nose. Pinunasan niya ang aking pisngi na basa ng luha. "Anyway, ang ganda mo pa rin pala Mahal, kahit umiiyak ka."
Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at hinalikan sa kanyang noo. "I love you so much, Mahal kong Charm!"
"And I love you too Mahal kong Alexa!"
Hinawakan nya ako sa kamay at hinila na papasok. "Halika na, nakaluto na ako." Malambing niyang aya. "Sabi mo nga gutom ka na!"
Pinigilan ko siya at muling iniharap sa akin. Itinaas ko ang paper bag at ipinakita sa kanya. "Before I forgot, I wanted to give you this." Ibinigay ko ang paper bag na agad naman niyang inabot.
"Ano 'to?"
Mabilis niyang sinilip ang laman nito sa loob. Nahulog sa lupa ang paper bag matapos nyang kuhanin ang laman.
Kumislap ang kanyang mga mata at napangiti ng matamis. "Seryoso?!" Parang hindi pa siya makapaniwala.
"Alex bakit naman kasi nagpunta na tayo dito!? Ang haba haba ng pila eh! Malelate na tayo sa party ni Trish nito eh!" Maktol ni Myra.
Bago kami magpunta sa party ni Trish, I've decided na dumaan muna rito sa bookstore. Noong time na 'yon, may fan sign ang isa sa favorite nyang author kaya gustong-gusto nyang magpasama sa akin. At sa pagkakatanda ko nagpromise akong bibilhan ko si Charm ng book na may sign ng author na gusto nya dahil na rin hindi ko siya nasamahan. Ngunit hindi na rin natupad pati ang simpleng pangakong yon.
Tiningnan ko siya ng masama. "Mas mahalaga pa ito sa sinasabi mo Myra! If I don't buy it now, I'll never get the chance to buy it forever! At hindi ko na'to mabibigay kay Charm! Kung gusto mo mauna ka na sa party!"
"Hay naku, as if kaya kong magpunta mag-isa dun!" She rolled her eyes and sighed.
I know right. Napangisi ako saka ko siya hinila. "Ikaw muna ang pumila rito at may importante lang akong gagawin."
"Ano na naman ba 'yon?!" Nagpapadyak pa siya na parang bata.
"Palaminate ko lang itong bookmark! Mabilis lang ako." Tiningnan ko ang pila saka siya binulungan. "Iyon ang ipasulat mo sa author ha?"
"Oo na!" Napipilitan niyang sabi.
Agad ko siyang tinalikuran at nagpunta sa isang bakanteng table at naupo. Kinuha ko ang bookmark sa loob ng aking bag at muling napangiti.
Binuksan niya ang libro at binasa ang nakasulat dito. "You are loved, Charm." With signature of the author.
Tumunghay siya sa akin saka ako niyakap nang mahigpit. "Mahal ko, sobrang thank you talaga!" Halos maluha luha pa siya.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at muling binuklat buklat ang libro dahilan para may mahulog mula rito.
Napangiti ako nang pulutin niya ang bookmark at tinitigang mabuti. Dinikitan ko ito ng picture naming dalawa, sinulatan ng 'I love you always, Charm', at saka ko siya pinalaminate.
Muli na naman niya akong niyakap. "Ang sweet naman ng Mahal ko!" Napasinghot pa siya saka ako hinarap. Sinapo nya ang magkabila kong pisngi saka ako mabilis na hinalikan sa labi. "I love you too, always Alexa!"
Muli niya akong niyakap ng mahigpit habang panay ang kanyang singhot. Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang sandali. God please stop the time!
At para namang nananadya dahil bigla na lang akong nakarinig ng tunog ng orasan.
Tik! Tik! Tik!
Napamulat ako at bumungad sa akin ang isang malaking orasan.
Nakatapat ang kamay ng oras sa 1, ang kamay ng minuto ay nakatapat sa 6 at ang kamay ng segundo ay papalapit na sa 12.
Tik! Tik! Tik!
Tapos na ang bente kwatro oras ko.
Kasabay ng pagtungtong ng kamay ng segundo sa 12 ay ang muling pagdilim ng kalangitan na may kasamang kidlat at malakas na kulog. Napapikit ako ng mariin, at muli para na naman akong napasama sa isang ipo-ipo.
"Aaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!"