The First Try

2169 Words
"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!" Napaubo ako nang maramdaman kong may bagay na pumasok sa loob ng aking bibig. Nagkandasamid pa ako sa pagluwa nito. Chalk?! Iminulat ko ang aking mga mata at napatayo. "Who the hell put this damn chalk on my mouth?!" Narinig kong naghalakhakan ang nasa aking paligid. Nangunot ang aking noo. Teka?! Nasaan ako? Nagpalinga-linga ako sa aking paligid. Napapalibutan ako ng mga estudyante?! Sa aking unahan ay may blackboard at may table. Talaga bang bumalik ako sa nakaraan?! "Were you drinking, Ms. Baltazar?!" Muli akong nasamid at naupo. Mabilis ang naging pag-iling ko. "N-No, Ma'am!" Isang dipa ang layo mula sa akin ngayon ng instructor namin sa Basic Accounting. Pinagtaasan nya ako ng kilay at tila hindi naniniwala kaya lumapit pa siyang lalo para amuyin ako. "Bakit ka nag aaaaaaaahhhhhhh?!" Ginaya pa nya pati tono at lakas ng boses ko na naging dahilan ng muling pagtatawanan ng mga kaklase ko. "S-Sorry Ma'am." Napangiwi na lamang ako at nag iwas ng tingin. Ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa librong nasa aking harapan. Totoo nga! Nagbalik ako sa nakaraan! Hindi kaya nananaginip pa rin ako?! "Okay I think that's all for today. Mukhang may iba dyan na naboboring na sa klase ko kaya napapasigaw na lang." Tinapunan ako ng tingin ng aming Instructor saka napailing iling. Nagtawanan pa ulit ang ibang estudyante saka nagsikilos at nagsitayo. Kanya kanya na silang labasan ng classroom. "Anong drama mo Alex?!" Lumapit agad sa akin si Myra. Oooohhh, tang ina ang taba pala ni Myra noon! Akalain mong magiging sexy siya sa paglipas ng taon! "Ouch!" Sinamaan ko siya ng tingin. "What are you smiling at ha?" Nagdududa nya akong tiningnan. "Myra anong date ngayon?" Imbes na sagutin ang tanong niya tinanong ko rin siya. "Wednesday, bakit?" Sinabayan ko ang paglalakad nya palabas ng classroom. Saka nagmamadaling humarang sa kanyang harapan. "Sabi ko date, hindi day!" "August 12. Bakit ba? Ano pati year gusto mong malaman? August 12, 2009 Wednesday!" Tumingin pa siya sa kanyang relo. "1:35 pm, masaya ka na?" "Ooohh yes!" Hindi ko na rin napigilan pang sabayan ng aksyon ang pag 'ooohh yes' ko. Akalain mong totoo nga. Pwede pala 'yon? Time travel! "Lasing ka nga ba ha Alex?!" Salubong na ang kilay ni Myra. Nginitian ko lang siya. "Don't mind me. I'm only famish!" Binilisan ko pa ang aking hakbang at tinahak ang daan papuntang canteen. "Oi, wait for me. Sabay na tayong kumain!" Habol naman ni Myra. Mabilis kong ibinaba sa table ang aking mga gamit saka humakbang papunta sa food area. Looking around, I feel nostalgic! "Alex hindi mo ba hihintayin si Charm?" Napahinto ako sa aking paglalakad. s**t! How can I forgot?! Kaya nga pala ako nandito ulit! Muli kong sinalansan ang aking mga gamit. "Oh saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Myra. "Pupuntahan ko si Charm!" "Eh di ba papunta na siya dito?" Napigilan na naman ni Myra ang pag hakbang ko dahil sa sinabi niya. "Ano bang nangyayari sa'yo Alex?! Kanina ka pa wala sa sarili mo!" Muli akong naupo at napaisip. Teka ano nga bang nangyari sa araw na ito? Hindi ko namalayan na napahawak na rin ako sa aking baba habang nag-iisip. Think Alex! August 12, August 12. s**t! Wala talaga akong maalala! Paano ko pa mababago ang nangyari? Paano ko pa mababawi iyong sakit na naidulot ko kay Charm? "Aish!" Napasubsob ako sa mesa at ginulo gulo pa ang aking buhok. "Okay ka lang Alexa?" Parang huminto sa pag ikot ang mundo. Lumakas ang t***k ng aking puso. Napatunghay ako at tiningnan ang pinagmulan ng pamilyar na boses na 'yon. Dahan dahan akong tumayo habang nakatingin sa kakadating lang na babae. "C-Charm.." "Huy, Alexa!" Pumitik siya sa aking harapan dahilan para mapakurap ako at matauhan. "H-Ha? A-Ano 'yon?" "'Yan ganyan siya kanina pa, Charm! Ewan ko ba dyan kay Alex. Akala pa ni Ma'am nakainom siya!" Singit ni Myra. Saglit ko lang siyang tiningnan saka muling tiningnan si Charm. "Eherm! Huwag mong pansinin iyang si Myra. H-Halika na maupo ka na rito, Charm." Marahan kong hinawakan sa kanyang braso si Charm at pinaupo sa aking tabi. Nang tingnan ko ulit siya, nakakunot na ang noo niya na tila nagtataka. "Oh yeah, I forgot to kiss you pala." Hinalikan ko siya sa kanyang pisngi. "God, I miss you so much Charm!" Magdadalawang taon na kaming hindi naging malapit ni Charm nang katulad sa ngayon. "Baka naman gutom ka?" Kahit nakataas ang kilay ni Charm hindi naman niya naitago ang ngiti sa kanyang mga labi. "Mag-order na ako ng pagkain natin." Tumayo siya at kinuha ang wallet sa kanyang bag. Mabilis ko naman siyang pinigilan. Naalala ko na. Malimit kaming sabay mag lunch ni Charm. At sa daming beses naming nagsasabay, siya parati ang nag oorder ng pagkain namin. Itatanong lang niya kung anong gusto ko at siya na ang bahalang bumili. My old self was so dependent to her. Kaya siguro napagod na siya sa akin. Halos lahat isubo na ni Charm sa akin. "Ako na ang mag-oorder, Mahal! Just seat back and relax! Leave it to me!" Kinindatan ko pa siya saka ako tumayo. "S-Sigurado k-ka?" Halatang halata sa mukha niya ang pagkagulat. Tumango-tango lang ako at nagthumbs up pa sa kanya. Hinalikan ko siya sa kanyang noo at muling ngumiti. "I love you. Bili lang ako ng pagkain natin." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Naglakad na ako patungo sa food area. Sinabayan ako ni Myra na tila nagtataka rin. Inabot din ako ng halos sampung minuto bago ako nakabalik sa aming table bitbit ang tray na may laman ng binili kong pagkain. "Charm, heto na oh." Isa-isa kong inilapag ang mga binili ko. "B-Bakit a-ang dami naman ata nito Mahal?" Nagtataka siyang tumingin sa akin at sa mga pagkaing inilagay ko sa mesa. Shit namiss ko ang pagtawag niya sa akin ng 'Mahal'. Ang sarap sa pakiramdam. "Okay lang 'yan. Feeling ko kasi namayat ka eh. That's why we have to eat all of these!" Hindi nakaligtas sa pansin ko ang pagpapalitan ng tingin nina Myra at Charm na binalewala ko na lang. "C'mon mahal, let's eat na!" "Okay kainan na!" Sabi naman ni Myra at nagsimula na ring kumain. Naalala kong same this year kami naging official ni Charm. February 14 nang sagutin niya ako. Actually si Charm naman talaga ang unang umamin na gusto nya na ako since high school pa lang. Scholar siya sa private school na pinasukan namin parehas. At inamin nya sa akin na talagang pinag-igihan niyang makapasok sa University na ito para makasama ako. At first hindi ko akalain na she's into girls kagaya ko. Sino ba namang mag-aakala na sa ganda at talino nya babae rin pala ang trip nya? So to cut it short, kaya siguro noong mga panahong iyon tinutook for granted ko si Charm dahil alam kong sobra nya akong mahal. At hindi ko naisip na darating siya sa puntong mapapagod na siya sa akin at susukuan niya ako. Napakaraming beses niyang umiyak ng dahil sa akin. May mga pagkakataon pa na kahit ako ang may mali at may kasalanan siya pa iyong magsosorry para lang magkaayos kami. Ganon ako kagago! "Mahal! Nakikinig ka ba?!" "Ha? Ano ulit iyon Mahal?" Napatingin ako sa maamo niyang mukha. Ang ganda talaga niya. "Sabi ko mamaya after class tuloy tayo ha?" Napatikhim ako at napakunot noo. Saan ba kami pupunta? Tiningnan ko si Myra na nakataas ang kilay sa akin. Ahh! Ang hirap naman ng ganito. "So kaya ka ba ganyan ngayon kasi hindi mo ako masasamahan sa bookstore?!" "Bookstore?" Oo nga pala! Tanda ko na. Ito iyong araw na nagpapasama siya na bumili ng book. This was the day na umiyak siya kasi hindi ako sumipot. Naghintay siya ng matagal. At the end hindi niya nabili iyong book dahil sarado na ang bookstore. Seriously?! Nasaktan talaga siya dahil dun? "Hay naku Alexa, subukan mo lang talaga na hindi ako samahan mamaya! Malilintikan ka sa akin!" Banta ni Charm. "Sus. Hindi mo naman ako matitiis eh! Nginitian ko siya nang matamis saka muling hinalikan sa kanyang pisngi. "Hmpt! Bahala ka!" Sinamsam niya ang kanyang gamit at tumayo na. "Tapos ka na agad?!" Napatayo rin ako at isinakbit ang aking bag. "Oh saan ka pupunta?!" Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Oo nga. Saan ang punta mo Alex? Wala ka naman ng klase ah!" Sabat naman ni Myra. "Sasama kay Charm!" "Anong sasama?! Eh may klase pa ako! Baliw ka ba?!" "Baliw na talaga yang jowa mo Charm!" Segunda naman ni Myra. Hinawakan ako sa magkabilang balikat ni Charm saka sapilitang inupo. "D'yan ka lang at kumain ka pa! May klase pa ako okay? Pakabait ka ha!" Tinapik tapik pa nya ang aking pisngi saka ako hinalikan. "My, ikaw na muna bahala rito ah!" Baling naman niya kay Myra. "Ooh sure!" Ngumiti pa siya nang matamis kay Charm. "Alis na ako. Bye Mahal. See you later." "Ayaw mo talaga akong isama Mahal?" Maki seat in na lang kaya ako sa klase nya? s**t! I really need to do something. Ngumiti lang siya at umiling-iling. Pinisil pa nya ang aking pisngi. "Kung ang iniisip mo ay makiseat in, forget about it! Baka hindi ako makapagconcentrate!" Kinindatan pa nya ako saka tumalikod na at muling humakbang. "Ahh, Charm!" Napahinto si Charm sa paglalakad. "Magpapasama pala ako kay Alex ha? Mabilis lang kami!" "Okay! Okay! Basta may lakad kami later ha?" Sabi pa nya habang naglalakad ng paatras dahil sa amin siya nakaharap. Tumango lang si Myra, kumaway kaway pa siya kay Charm. Saka ako naman ang kanyang binalingan at kinindatan. "Okay na ha? Naipagpaalam na kita." Shit! s**t! s**t! Ito iyon! Isasama nya ako sa birthday party ng pinsan niya na gaganapin sa isang bar. I was so drunk that time, I never even got the chance to pick up Charm and be with her in that bookstore. Tumayo ako at isinakbit ang aking bag. This time I will not make that same mistake! "Where are you going?" "I have to go somewhere!" Napatingin ako sa ilalim ng lamesa nang isusukbit ko na ang aking bag. Bookmark ni Charm. Nahulog sa gamit nya. Isiningit ko ito sa aking libro saka ipinasok sa aking bag. "Wait! Wait! Wait! Ikaw ang nagsabi na ipagpaalam kita kay Charm at pumayag siya! Ngayon iindyanin mo ako?! Sapakin kita dyan ih! Naka oo na ako kina Trish!" Hindi ko siya pinansin at naglakad na palabas ng canteen. Sa sasakyan na lang ako maghihintay kay Charm. Kahit gaano katagal basta hindi ako aalis sa campus na 'to hanggang hindi siya kasama. "Alex wait! Bakit ba nagmamadali ka? Wait for me!" Hindi ko siya pinansin at nagdere derecho sa parking lot. Napangiti ako nang makita ko ang aking kotse at mabilis pumasok sa loob. Nostalgic again! I miss this car! "What the hell are you doing here?!" Nanlaki ang aking mga mata nang pumasok din si Myra sa loob ng kotse ko! Ngumiti siya sa akin. "Are we going now?" "I will not come with you, Myra. Please get out of my car!" "Ang harsh mo Alex ha? I was not planning to come to this party! Pero ikaw iyong mapilit! Naka oo na ako sa kanila! Magagalit din sa akin si Trish!" "I can't remember that I told you that!" Nanlalaki ang aking mga mata nang tingnan ko siya. Seriously?! Oh God! I really hate myself for being so stupid! Kinuha ko ang aking cellphone at inabot kay Myra. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "What will I do with that?" "Call Trish! Tell her sorry that we cannot come!" Please kagatin mo na ito! Nakadepende rito ang relasyon namin ni Charm! "No!" Pinagsalikop nya ang kanyang dalawang palad. "Please, Alex pumunta na tayo. Sinigurado sa akin ni Trish na darating din si Frank!" Tukoy pa nito sa ex boyfriend niya na hindi niya makalimutan. Tama! Kaya pala hindi rin ako makatanggi kay Myra noon dahil gusto rin niyang makasama ulit si Frank. "You know what Myra, after ten years tatawanan mo na lang si Frank. She will be nothing to you believe me!" In present time, Myra is dating Kent. "You'll end up dating Kent!" She rolled her eyes. "What?! I will never date that nerd!" "You'll like him after sometime!" You have to believe me, Myra, please! "Stop talking nonsense! Start the engine and let's go to Trish's party! Or else.." "Or else what Myra?!" "Or else I will tell Charm that you're flirting with Trish!" "W-What?! I-I a-am not flirti--" s**t! Napapikit ako nang mariin nang pumasok sa isip ko ang paghalik sa akin ni Trish sa banyo na malapit sa library. Damn! And I even responded on her kisses! Kaya pala that time I was so eager to attend her birthday party! Oh damn it! But that was before, noong hindi pa ako aware na iiwan ako ni Charm. Muli kong tiningnan si Myra na nakangiti na ng ubod ng tamis. I'll kill you for this Myra! Inistart ko ang makina ng sasakyan at mabilis itong pinaharurot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD