Halos hindi ko na malunok ang kinakain ko. Hindi na rin ako aware sa mga nangyayari sa aking paligid. Panay lang ang sulyap ko kay Charm at kay Mommy na parang hindi nauubusan ng kwento sa isa't isa. Hindi tuloy ako makasingit o makatyempo upang masolo man lang si Charm. Dinagdagan pa ni Myra, ng kakambal ko at ng tiyahin ko ang pagkukwentuhan nung dalawa kaya naman lalo na akong nawalan ng papel sa sitwasyon.
"Ahm, excuse me. Can I just talk to Charm alone?" Hindi na ako nakatiis at tumayo pa ako sa aking kinauupuan upang makuha ko ang kanilang atensyon. Yes, hindi ko itatanggi na nagkaroon ako ng relief nang makita ko ang reaksyon ni Mommy at Charm matapos nilang mag-usap, but I can't just seat here and wait dahil may oras akong hinahabol.
Pinagtaasan ako ng kilay ni Charm. "Pwede naman sigurong mamaya, Alexa, hindi ba?"
"C'mon I don't have time!" Mariin kong sabi. I need to know kung anong pinag usapan nila ni Mommy at mabilis niya agad na nakuha ang loob nito. Ilang oras na lang at babalik na ulit ako sa kasalukuyan at hindi na ako makakasigurado kung malalaman ko pa kung anuman ang pinag usapan nila.
"Alex mamaya na lang, patapos na rin naman tayo right?" Singit naman ng magaling kong kakambal.
Nang balingan ko naman si Mommy nakataas ang kilay niya at tila pinipigilan ang hindi matawa. Wala na akong nagawa kung hindi ang muling umupo at ipagpatuloy ang pagkain.
"So you never told me about her, Alex." Naputol ang pagmumuni-muni ko nang marinig ko ang boses na 'yon ni Tita l***l.
Nag-alis ako ng bikig sa aking lalamunan saka sinalubong ang tingin ni Mommy na hindi ko alam kung anong gustong ipahiwatig. "A-Actually T-Tita I was really planning to introduce her to everyone. I-I am just waiting for the right time." Pasimple ko namang sinulyapan si Charm na hindi ko rin mabasa kung ano ang nasa kanyang isip.
"So you think this is the right time?" Tila nanunubok ang tingin ni Mommy.
Isa-isa kong inilibot ang tingin sa mga taong kasalo namin ngayon. Mahahalata sa kanilang mga reaksyon ang inip at paghihintay sa aking isasagot. Suddenly I'm lost for words. Timing. Iyon lang ba ang kulang sa akin? Muli kong itinuon ang aking tingin kay Charm na halata ring naiinip sa aking isasagot. Going back at this past time, I realize how important this lady in front me. I kept on taking her for granted until I run out of time to make her feel how I truly felt. It even comes to a point that I lost her for someone else. And even if I've been trying my best to win her back, I felt like she lost all her reasons to come back to my life. I was too busy for nonsense things until I forgot that she's still with me. And the moment I realized it, it is also the same moment I lost her.
Napatungo ako at naramdaman kong malapit na namang pumatak ang luha sa aking mga mata. Damn! "A-Actually there was really no good timing." I bit my lip and captured Charm's eyes. "I was just so scared of what might happened if everyone knew about us, lalo na si Mommy..." Binalingan ko naman si Mommy na hindi nagsasalita. "But then, what scares me more is the fact that I might lose Charm someday. Thinking of everyone that might get disappointed with what I chose bothers me, but to be frank, I can afford to disappoint everyone, even my own mother, but I can't imagine living my life alone and without Charm in it. I hope you can all understand..." Hindi ko alam kung ano ang mas masakit. Iyong katotohanan na kahit baguhin ko ang mga nangyari sa nakaraan, at the end mawawalay pa rin sa akin si Charm. O iyong kahit nabigyan na ako ng chance na makabalik wala pa ring nagbago. Isa pa rin akong gago at ako pa rin ang nagtulak kay Charm para mapalayo siya sa akin.
"Charm I'm trying to be honest with you." Narito kami ngayon sa aking condo. Bago pa kami nakarating dito kinausap ko muna si Myra tungkol sa pagbabanta ni Mommy. Though wala naman akong nakuhang matinong solusyon galing sa kanya isa lang ang tumatak sa isip ko.
"Alex, just be honest with Charm. Hindi naman siya mababaw na tao at hindi naman makitid ang pag-iisip nya. Try to open up with her." Sabi nya saka tumayo at iniwan ako. "Mauna na ako. Tawagan mo na lang ako kung anong mapag-usapan nyo ni Charm." Sabi pa nya bago ako tuluyang tinalikuran.
Hindi ko tuloy alam kung bakit ba sinunod ko ang payo nya. Looking at Charm right now, parang gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko.
"So just tell me Alexa, do you want me to come?" Sa kabila ng pagtatapang tapangan ni Charm, I knew nasasaktan sya.
"C-Charm, c-c'mon don't make this hard for both of us. Sinabi ko sa'yo ang mga sinabi sa akin ni Mommy dahil gusto kong maintindihan mo. At ayaw kong maglihim sa'yo."
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko Alexa. Do you want me to be there?"
Hindi agad ako makaapuhap ng sasabihin. Nasa isipan ko pa rin ang pagbabanta ni Mommy. Pero if I don't do something now, parang walang saysay lang din ang pagbalik ko sa nakaraan.
"C'mon Charm, try to understand naman please..."
"N-Naiintindihan k-ko n-naman Alexa." Pinunasan nya ang kanyang luha at pilit kumawala sa yakap ko. "P-Pero a-ano b-bang ineexpect mong maging reaksyon ko?"
Sinundan ko siya ng tingin nang tuluyan na siyang lumayo sa akin. Nagpunta siya sa sofa at kinuha ang bag nya saka ako muling nilingon.
"B-Bukas n-na lang tayo magkita. E-Enjoy y-your party."
"Charm, wait. C'mon let's not make this a big issue." Nilapitan ko siya at hinawakan sa magkabilang kamay. I looked at her in the eyes. "Please try to understand, bumubwelo pa ako kay Mommy."
"A-Ayokong magdemand Alexa. A-Ayoko r-rin namang p-pangunahan ka. P-Pero k-kung m-minsan nakakasama na rin ng loob." Pinahid niya ang kanyang luha. "W-Wala n-naman na tayo sa dating stage p-pero s-sa maraming pagkakataon ipinaparamdam mo sa akin na para bang kahapon lang tayo nag kakilala at nahihiya ka pang ipangalandakan ako sa ibang tao. And you know what hurts more? You didn't even try. Am I not that worthy enough?"
Oh God give me strength. Ganitong ganito ang nangyari noon. Kinabig ko siya palapit sakin at niyakap ng mahigpit. "C-Charm, mahal na mahal kita. Please trust me. I can't do it alone but knowing your beside me, will be a big relief. Come to my party and let's deal with my Mom. I can't promise you that it will be easy, but I'll assure you that I won't let go of your hand."
"Oh God, I remember your father!" Nabalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong nagsalita si Mommy. Tila may nangilid pang luha sa kanyang mga mata. Mabilis niya itong pinunasan at binalingan si Tita l***l. "l***l, ganyang ganyan ang Kuya mo sa akin. Don't you think so?"
Napatawa naman si Tita l***l at napatango-tango. "I know right!" Sang-ayon nya. "I hope hindi mauntog itong si Charm para naman hindi maging basang sisiw 'tong pamangkin ko." Nanunudyo ang tingin ni Tita l***l kay Charm.
Samantalang ako ay parang tinusok ng patalim ang aking dibdib. If only she knew.
"Alex, I was just kidding! Are you about to cry?!" Tumayo sa kanyang kinauupuan si Tita l***l at nilapitan ako. "Hey, you don't have to think about us. If you're happy with it we'll be happy for you also." Her voice is so worried. "Right Ate?" Baling pa nya kay Mommy na mabilis ding tumango-tango. Tila ba gusto na rin nyang maiyak dahil sa nakikita nyang reaksyon mula sa akin.
Kung alam nyo lang. Iiwan ako ni Charm at ipagpapalit sa iba. Mapapagod siya sa akin at susukuan nya ako.
"Oh God, sige na Charm. Talk to my sister bago pa bumaha ng luha rito sa party." Singit naman ni Xander habang napapailing.
Napatawa naman ang iba pa naming kasama sa table. Si Charm naman ay tumayo na at nilapitan ako. Hinawakan nya ako sa kamay at hinila. "Excuse lang po, patahanin ko muna itong batang iyakin." Paalam niya na ikinatawa ng lahat.
"Go and enjoy the night!" Sabi naman ni Mommy na napapailing ngunit nakangiti.
Tahimik lang akong nagpagiya kay Charm hanggang sa makarating kami sa sulok na bahagi ng garden.
"Seriously Alexa, you really are crying?" Bakas sa mukha ni Charm ang amusement.
Mataman ko siyang tinitigan at saka kinabig. Kusa nang pumikit ang aking mga mata nang maramdaman ko ang init ng kanyang katawan. Hindi ko na maalala ang huling beses na ganito siya kalapit sa akin. Hinigpitan ko pa ang pag yakap ko sa kanya. "Can we just stay like this a little longer Charm? Can we just stay like this until the end of time?" Ayoko ng bumalik pa sa kasalukuyan. Ayoko ng pakawalan pa si Charm. Ayoko ng matapos ang oras na 'to.
"Alexa.." Masuyo lang na hinahagod-hagod ni Charm ang aking likod. "Thank you..."
Napamulat ako at unti-unting dumistansya sa kanya. Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Ako dapat ang mag thank you sa'yo right?"
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa aking mukha. Ngumiti siya saka tumingkayad at mabilis akong hinalikan sa aking mga labi. "Thank you for bridging the gap.."
Muli niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam kung gaano katagal na kami sa ganong sitwasyon. Basta magkayakap lang kami at walang nagsasalita. Kahit ang dami dami kong gustong sabihin at itanong sa kanya mas minabuti kong tumahimik na lamang at namnamin ang ganitong sandali sa pagitan namin ni Charm. Somehow our hearts understand what our ears want to hear and what our lips want to say.
"Knock! Knock! Baka pwede na kayong abalahin!"
Kahit ayaw ko pang humiwalay kay Charm wala akong nagawa kung hindi pakawalan siya. Sinamaan ko ng tingin si Myra.
"Uuwi na ba tayo Myra?" Si Charm na hinawakan naman ako sa aking kamay matapos nyang kumawala sa aking yakap.
"Iyon naman ay kung okay lang ba sa inyo. At iyon naman ay kung okay lang din kay Alex na ihatid tayo, kasi nagtaxi lang tayo pagpunta rito!"
Napatingin ako sa aking relo. Ang bilis lang ng oras. It's past 4 am already. "Alright! Ihahatid ka na namin ni Charm." Kahit anong gawin ko hindi ko na talaga kayang pigilan pa ang takbo ng orasan. Malapit na ulit akong bumalik sa kasalukuyan. Kung may nagbago man sa mga nangyari, hindi naman magbabago ang babalikan ko.
"Wow, Alex nakakahiya naman sa'yo! Parang utang na loob ko pa na ihahatid nyo ako ha?!" Sarcastic na sabi ni Myra. Nakataas ang kilay niya at nakahalukipkip.
Tumingin naman ako kay Charm na pinipigilan ang sarili na hindi matawa. Kahit ayaw kong bitawan ang kamay ni Charm, napilitan akong gawin 'yon saka nilapitan ang matalik kong kaibigan. Kinabig ko siya palapit sa akin at masuyong hinalikan sa kanyang ulo. "Though there are more times that you're so harsh with me, I still do love you Myra!" Tinatapik tapik ko pa siya sa kanyang ulo saka muling hinawakan ang kamay ni Charm. "Let's go!"
Lumapit lang ulit kami kina Mommy at nagpaalam. Ilang minuto rin ang naganap na paalamanan bago kami nakarating sa aking kotse.
"Do you really want to go?" I was talking to both of them pero kay Charm ako nakatingin na katabi ko sa front seat.
"Pwedeng ihatid mo lang ako Alex then bahala na kayo ni Charm kung saan nyo gustong magpunta! I'm too sleepy to disturb both of you!" She said while yawning.
Nagkibit balikat lang si Charm saka tipid na ngumiti. Hinawakan nya ang aking kamay na nakahawak sa manibela.
"I love you, Alexa.." She mouthed and smiled.
I kissed her hand. "I love you more." I sincerely replied and started the engine.
Hindi ko na binitawan ang kamay ni Charm hanggang maihatid namin si Myra sa bahay nila. At sa halos kalahating oras ng byahe namin, walang nagtangkang bumasag sa katahimikang bumalot sa amin sa loob ng sasakyan.
Somehow, kahit walang nagsasalita sa amin ni Charm sapat na nagkakasalubong ang aming mga mata at ang mga tipid na ngiti sa aming mga labi sa tuwing babalingan ko siya.
Wala mang significant na nangyari sa pag babalik ko sa nakaraan, sa kasulok-sulukang parte ng puso ko inaasam ko na sana maramdaman ni Charm kung gaano ko siya kamahal. Simula noon hanggang ngayon. Mula nakaraan hanggang sa kasalukuyan. At kahit sa bukas na walang kasiguraduhan.