Gift

2073 Words
Nakarating kami ni Charm sa isang coffee shop sa Antipolo kung saan tanaw ang buong lungsod. Mag aalas nuebe na ng umaga at bagama't nakikita ko na sa mga mata ni Charm ang antok at pagod dahil sa party pinagbigyan naman nya ako sa kagustuhan ko na mag-ikot-ikot matapos naming maihatid si Myra. I wanted to spend more time with her bago ako bumalik ulit sa kasalukuyan. Ang natatandaan ko noon, after noong party ko, I was so drunk. May hang over pa ako nang sinubukan ko siyang sunduin sa bahay nila Jin. "Alexa, I think you're getting worst!" Makikita sa reaksyon ni Charm ang tinitimping nyang galit. Lalo pa at aware siyang nasa likod lang si Jin at nakamasid sa aming dalawa. Bale wala lang sa aking ang nakikita kong reaksyon mula sa kanya. Kumaway kaway pa ako kay Jin na seryoso ang mukha at ngumiti nang matamis. Sanay na akong makita si Charm na galit or nagtatampo. Konting lambing ko for sure mapapatawad nya ako agad. Saka hindi naman nya ako matitiis eh. "Salamat sa pag aaruga sa girlfriend ko Jin! Iuuwi ko na ulit siya ha?" Kinindatan ko pa siya saka inakbayan si Charm. Pumiksi naman si Charm at marahas na tinanggal ang pagkakaakbay ko sa kanya. "Umuwi ka na! Ayusin mo muna ang sarili mo, Alexa!" Napailing-iling ako at napangiti. "C'mon, babe, forget about yesterday. Galit ka pa rin ba!? It's not a big deal!" Muli ko sana siyang aakbayan pero mabilis siyang nakaiwas. "Saka na tayo mag-usap Alexa, kapag wala ng halong alak iyang dugo mo!" Mariin nyang sabi saka ako tinalikuran. Mabilis ko naman siyang hinaklit sa kanyang braso. "Babe, sorry na..." Yayakapin ko sana siya pero bigla niya akong sinampal. Para akong nahulasan sa ginawa nya. Napatingin ako sa kanyang mga mata na may namumuo ng luha. "G-Ginagawa m-mo ng hobby ang mag-sorry sa akin, Alexa! P-Parang hindi na kita kilala!" Hindi na ako nakakilos sa aking kinatatayuan hanggang sa talikuran niya ako at naglakad siya papasok sa loob ng bahay nina Jin. Napailing-iling naman ang huli saka sinundan si Charm. "Alexa.." Napakurap kurap ako nang marahang tapikin ni Charm ang kamay ko. "Akala ko ba gusto mo ng kape? Mukhang wala ka namang balak na inumin yan eh!" Nanunudyo nyang sabi. Tipid akong ngumiti saka marahang hinawakan ang kanyang kamay na nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Charm, would you really be mad at me kung hindi ka nakarating sa graduation party ko?" Napailing-iling siya at napangiti. "Iyong tipong sobrang seryoso ng ekspresyon ng mukha mo Alexa, tapos medyo kinabahan pa ako kung ano bang sasabihin mo, iyon naman pala 'yan lang iyong itatanong mo. Seryoso ka??" Pinagtaasan nya pa ako ng kanyang kilay at tila nanunubok ang kanyang tingin. Back then, nagkaayos man kami ni Charm pero wala ng nag-ungkat ng tungkol sa bagay na 'yon. I didn't dare ask or talk to her about that matter cause I'm too scared for what she will going to answer. Hindi ako nagsalita at tipid lang na ngumiti. Kung hindi ko man mabago ang babalikan ko sa kasalukuyan isang malaking relief na rin para sa akin na may mga bagay akong nabago sa nakaraan ko. Sa nakaraan namin. Mababawasan na iyong mga regrets na dala-dala ko pa rin. "Here, have some bite." Itinapat ko sa bibig nya ang tinidor na may red velvet cake. Malugod naman niya itong tinanggap at ngumiti. "Birthday ko ba? Bakit ang extra sweet mo po?" Nakangiti nyang sabi. "Bakit hindi ba ako sweet sa'yo?" Nagkunwari pa siyang nag-isip. "Ahhm, wala naman akong sinabi na hindi ka sweet. Ang sabi ko bakit ang extra sweet mo!" Binigyang diin pa nya ang salitang extra. Nagkibit balikat lang ako at muli siyang sinubuan. "Bawal na bang maging extra sweet ha Charmaine??" "Wow Alexandra, why do you keep on answering me with same questions?" She rolled her eyes and chuckled. Kinuha niya ang tissue saka ipinunas sa kanyang labi. "Anyway, tungkol sa tanong mo.." Mataman niya akong tinitigan. Bigla akong kinabahan na hindi ko mawari. Ngayon ko malalaman kung ano ba talaga ang naramdaman nya noon. I waited patiently sa sasabihin niya. Bagama't natatakot akong malaman ang totoo, dapat ko na itong harapin. "Magtatampo ako sa'yo for sure. Saka definitely sasama iyong loob ko." Sumimsim siya sa kanyang kape saka muling nagsalita. "But I will never get mad at you, Alexa. Why would I? Una, nagpakahonest ka naman sa akin. Sinabi mo noong simula pa lang kung anong pinag-usapan nyo ng Mommy mo." Ginagap nya ang aking kamay at muling ngumiti. "Which is a good point. Kasi it's not in your nature." Nangunot ang aking noo. "What do you mean it's not in my nature?" "Huwag mong masamain ha, pero I guess I know you so well. Maraming pagkakataon na gumagawa ka ng excuse or nagko-commit ka ng white lies para lang hindi mo ako masaktan." I was caught off guard with what she said. Ngayon nadagdagan na naman iyong ikinakainis ko sa sarili ko. Why am I so stupid! "Hey, sabi ko huwag mong masamain. Bakit hindi ka na nagsalita dyan?" Muli nyang pinisil ang aking kamay at tinitigan ako ng derecho. Mapait akong ngumiti. "You really think so, Charm?" Nagkibit balikat siya. "Oo. Iyon iyong napapansin ko sa'yo. May mga pagkakataon na okay lang sa akin iyon. Pero most of the time, nalulungkot ako kapag mas pinipili mo pang huwag magsabi ng totoo sa akin kesa masaktan mo ako. Kasi mas nadodoble lang 'yung sakit Alexa." Siya naman ang kumuha ng tinidor at sinubuan ako. "Alexa, palagi mong tandaan na mas gugustuhin ko pang magsabi ka ng totoo kahit alam mong masasaktan ako. We are just humans. At maiintindihan ko. I will always understand, because it's you." Shit! Parang gusto kong lumubog sa kahihiyan. Bakit ba nagawa kong saktan si Charm? Bakit ba ang tanga tanga ko noon at hinayaan ko na lang siyang mawala ng ganon kadali? Gusto ko ng bugbugin ang sarili ko! Ang tanga mo talaga Alexandra. Gago ka pa! "Kaya noong sinabi mo na ayaw ng Mommy mo na magpunta ako, half of me was sad but the other part was somewhat relieved. Kasi atleast nalaman ko iyong real reason. But you know what makes me really happy, Alexa?" Hinila nya iyong kamay kong nasa mesa at dinala sa kanyang labi habang nakapikit. Nakatingin lang ako sa kanyang malaanghel na mukha habang hinihintay ang sunod nyang sasabihin. "Iyong huling bagay na hindi ko ineexpect na gagawin mo, ginawa mo." Nagmulat siya at sinalubong ang aking tingin. "Alam ko kung gaano mo kamahal ang Mommy mo. Alam ko na every time iniiwasan mong huwag siyang masaktan or sumama ang loob sa'yo. Kasi nga sabi mo, sobra sobra na yong pinagdaanan nya. But then, you've tried to talk to her, and even if alam mong baka masaktan mo siya kapag ipinilit mo iyong gusto mo, ginawa mo pa rin. I know you did it just for me Alexa. That's why, really, thank you." She then smiled and stand. Hinila niya ako palabas ng coffee shop habang hawak hawak pa rin niya ang aking kamay. Tahimik naming tiningnan ang paligid. Bagaman medyo mataas na ang sikat ng araw, hindi naman ito masakit sa balat dahil na rin siguro sa dami ng puno at halaman na nakapaligid sa lugar. I can't even remember the last time that we were like this. Sinulyapan ko sa aking tabi si Charm na nakangiti habang nakatanaw sa malayo. Mabining pinapayid ng hangin ang kanyang buhok. All of a sudden my tears began to fall. God, please freeze this moment. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng nasa tabi ko. "Hey, bakit ka umiiyak?" Punong puno ng pag-aalala ang mukha ni Charm. Mabilis nyang pinunasan ng kanyang palad ang aking mga pisngi. "Alexa okay ka lang ba?" Mabilis ang naging pag-iling ko. Kinabig ko siya palapit sa akin at masuyong hinalikan sa kanyang ulo. "Charm, please don't ever doubt my love for you. Please don't ever stop believing that I really do love you so." I close my eyes tightly while I'm holding her close to me. Ayoko ng bumalik pa sa kasalukuyan. Dito na lang tayo Charm. Dito ka lang palagi sa tabi ko. "Alexa parang ang iyakin mo lately. May ginawa ka ba ha?" Lumayo siya ng kaunti mula sa akin at tiningnan ako. "Tell me, may kalokohan ka na namang ginawa ano?" She teased me. "Wala no! Ang bait ko kaya!" Hindi ko na maiwasan ang mapangiti. "Ang swerte mo nga sa akin kasi mahal na mahal kita eh. Kaya huwag ka ng magtangka na ipagpalit pa ako sa iba! Malaking kawalan talaga sa'yo!" Biro ko pa. Kahit ang totoo, kabaliktaran ang lahat ng sinasabi ko. Ako ang maswerte sa kanya at malaking kawalan na nawala siya sa akin at napunta sa iba. Damn! Pinisil niya ang aking ilong. "Kanina lang umiiyak iyak ka, tapos ngayon ang yabang yabang mo na! Iba ka rin talaga Alexandra!" "Oh bakit hindi ba tama ako?" Kinindatan ko siya at muling hinalikan sa kanyang noo. "Hmm, pag-iisipan ko muna iyang bagay na 'yan!" Yumakap siya ng mahigpit sa akin. "Alexa..." "Hmm..?" "You didn't open my gift for you. Hindi ka ba interesado?" Tumunghay siya sa akin upang magkasalubong ang aming tingin. I scratch my temple. "Nasa sasakyan. Dinala ko kanina. Hindi ko lang nabuksan kasi inihatid pa natin si Myra. I'll open it later." "Hmpt! Ganyan ka naman porke galing sa akin eh!" She pouted. "Halah siya! Parang tanga! Sige na pupunta na ako ngayon din sa kotse at kukunin ko para mabuksan ko na!" Akma na akong hahakbang palayo sa kanya pero maagap niya akong napigilan. "Huwag na! I made it easier for you. Kinuha ko na sa loob ng paper bag." Itinaas taas nya pa ang dalawa nyang kilay saka dumukot sa bulsa ng kanyang suot na jacket. "I know, hindi ito masyadong mamahalin. At hindi ito kasing garbo ng bigay sa'yo ng mga kamag anak mo..." Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Wala akong maalala na nabigyan ako ni Charm ng regalo noong graduation ko. Muling nagflash back sa akin iyong eksena sa condo unit ko bago yung party. Damn! Natatandaan ko na iyong paper bag na bitbit nya noong umiiyak siyang umalis sa condo ko. Iyon iyong pinag lagyan nya ng regalo ngayon. Oh goodness, kung hindi pa pala ako nabigyan ng pagkakataon ni Dyosa na makabalik sa nakaraan, habang buhay ko ng hindi malalaman na may regalo pala sa akin si Charm. "H-Hey, h-hindi mo gusto?" Natauhan ako nang muling magsalita si Charm. Makikita sa reaksyon niya na tila nawalan siya ng kompyansa dahil sa nakikita niyang reaksyon ko. Napatitig ako sa hawak hawak niya. Isang stainless steel na relo. May katamtaman lang itong laki. Itinaas ko ang aking kaliwang kamay. "Don't you think it's proper na ikaw ang magsuot sa akin nyan?" I smiled at her. She smiled back and gladly put the watch on my wrist. "I want you to remember that all the time that I spent with you were precious Alexa. And I'm looking forward to spend more time with you." Tinitigan kong mabuti ang relo. I never had this watch. Hindi na ito ibinigay ni Charm sa akin noon. And who knows kung saan na napunta ang relo na'to. Damn! Paano ko nga ba hinayaang mauwi sa wala ang lahat? Paano kong hindi pinahalagahan si Charm? Paano kong nagawang ipagsawalang bahala siya? Bakit masyado akong nagpaka kampante na hindi nya ako iiwan? Kinabig ko siya palapit sa akin. Hindi ko na napigilan ang muling paglandas ng luha sa aking mga mata. The more na narerealize ko ang mga maling desisyon ko the more na mas gusto kong itama ang lahat. "C-Charm, thank you. Hindi ko pa siguro nasasabi sa'yo 'to pero salamat. Salamat kasi nag eexist ka.. Mahal kita. Sana lagi mong tandaan iyan. Kung may pagkakamali man ako o kung may pagkukulang man ako, huwag mo pa ring kalimutan na ikaw lang ang minahal ko at mamahalin ko ng ganito." TIK! TIK! TIK! Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at hinigpitan pang lalo ang yakap ko kay Charm. Please po. Please I want to spend more time with her. I don't want to go back. TIK! TIK! TIK! Pagmulat ko ng aking mga mata biglang dumilim ang kalangitan. Kasabay ng pagkidlat ay ang malakas na pagkulog. Muli na naman akong dinala ng malakas na ipo-ipo. "Ayokoooooooooo naaaaaaaaaaaa!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD