Last Two Chances

2613 Words
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nakaupo ulit ako sa aking sasakyan habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa manibela. Tumingin ako sa paligid at napagtanto kong nasa parking area ulit ako ng pagdarausan ng party nila Jin. Napatitig ako sa left wrist ko. I bit my lip and touch the watch that I'm wearing. Hindi ito ang suot suot ko noong hindi pa kami nagkikita ni Dyosa. This is the stainless steel watch that Charm gave me on the day of my graduation. Mapapansin na rin ang kalumaan ng relo siguro dahil na rin sa tagal ng panahon. May mga gasgas na ang bracelet nito pero hindi pa rin kumukupas ang kulay. Tiningnan ko ang oras. 6 pm na. Magsisimula na ang party. Huminga pa muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kotse. "Hi Alex!" Tipid lang akong ngumiti kay Myra. Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. "Hey, what's with the face?" Umangkla siya sa aking braso at sabay na kaming naglakad papasok sa loob. Dapat ba akong maging masaya sa party na dadaluhan ko? Iyon sana ang gusto kong sabihin pero nagkibit balikat na lamang ako. "Nothing, My. Just I feel a little exhausted." "Hmm.." Pinagtaasan lang nya ako ng kilay pero hindi na sya nagsalita. Wala ng nagsalita sa aming dalawa hanggang makarating kami sa entrance ng party. "Your name please, Ma'am?" Maganda ang babaeng nagsalita at may matamis na ngiti. "I'm Myra, and this lady with me is Alexandra." Tipid lang ding ngumiti si Myra. Napabuntong hininga ako. Now I just wanted to see Dyosa and ask her to just give me another chance to go back in the past. "Let's go!" Pinisil ni Myra ang aking braso at hinarap ako. Magkasalubong na ang kanyang kilay. "What were you thinking ba Alex? Are you bored?! The party hasn't started yet!" Suddenly I got irritated. "Damn Myra! Pwede bang huwag mo na lang muna akong pansinin? Truth be told, I don't really feel good about this party! So let's just cut the crap okay?! Stop asking how am I because I'm not really feeling okay!" Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa aking braso at nauna ng maglakad. "Masyado ka naman atang iritable? Baka nakakalimutan mong siya pa rin iyong kaibigan mong nagtyatyaga sa'yo." Nilingon ko si Dyosa. "Can you just take me back to the past??" Muli na namang binalot ng katahimikan ang buong paligid. Napapalatak si Dyosa at napailing-iling. Mababakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "'Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Iyong mga taong pinagbigyan mo na sa kagustuhan nila, ang gusto pa maghangad ng sobra! Alexandra, hindi mo ba napapansin na sa ilang beses mong pagbabalik sa nakaraan ay may nagbabago sa sarili mo?" "I want her back!" Mahina kong sabi at puno ng diin. "Kahit umabot sa punto na hindi mo na kilala ang sarili mo? Kahit makalimutan mong baka hindi na ikaw 'yan?" Nakipagtagisan ako ng tingin kay Dyosa. I can no longer understand everything. Nagsisisi na nga ako sa mga nagawa kong mali kay Charm, at nababago ko na ang lahat. Pero bakit parang may mali pa rin? Muling napailing si Dyosa."Sino ba ang hindi mo kilala Alexandra? Ang sarili mo o si Charm? Tinanggap ka nya at minahal ka nya ng buo. Sa kagustuhan mong bumalik sya sa'yo hindi mo ba naisip na baka ang mawala naman ay ang Alexandra na minahal nya?" "Eh ano bang gusto mong sabihin Dyosa?" Nakakapikon na rin kasi. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang dahilan kung bakit nabigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan? Akala ko ba matalino ka?" Nakataas ang kanyang kilay habang may makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. Naikuyom ko ang dalawa kong palad at umiwas ng tingin sa kanya. Nilibot ko ang aking paningin sa paligid. Bagamat walang katao-tao maliban sa aming dalawa ni Dyosa, hindi nawala sa pansin ko ang nakatayong si Charm sa malayo. Para syang estatwa dahil nakatigil lang sya habang nakatingin sa akin at nakangiti. Parang pinipiga na naman ang aking puso. Hindi na ako nagulat nang biglang sumulpot sa tabi nya si Dyosa. Nakangiti na naman siya ng makahulugan. "Hindi ka bumabalik sa nakaraan para muli syang mapasa'yo sa kasalukuyan Alexandra. Tandaan mong may mga bagay na kahit anong pilit mo, kung hindi para sa'yo hindi magiging sa'yo. Minsan baka ang kailangan lang ay kung paano mo tanggapin na nangyari na ang mga nangyari." Magsasalita pa sana ako pero bigla na syang naglaho sa aking harapan at bumalik ang ingay pati na ang mga tao sa paligid. "Alex! Alex sandali nga!" Alam kong nagtitimpi lang si Myra na huwag akong sigawan. Pero kung kami lang dalawa rito for sure basag na naman ang eardrums ko sa kanya. "What?!" "If I don't really know you so well and if you're not just my bestfriend, nag walk out na ako rito! Nakakahiya naman kasi na ikaw naman ang nagpilit sa akin na maging partner mo para lang hindi ka mag mukhang kawawa ngayon 'di ba?!" Salubong na ang kilay nya at medyo namumula na ang kanyang pisngi, patunay na talagang naiinis siya."I know I'm not in your shoe that's why I don't really know and I don't really understand how you feel right now! But seriously?! Is that even an excuse to be such an asshole, Alex?!" Iiling-iling siya saka ako mabilis na tinalikuran. Dere-derecho siyang naglakad patungo sa mesa na inookupa nina Chai. I clenched my fist and instead of following her, I walked straight to the bathroom. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang aking sarili sa salamin. May mga bagay na kahit anong pilit mo, kung hindi para sa'yo, hindi magiging sa'yo. Nag eecho sa pandinig ko ang sinabing iyon ni Dyosa. Napapikit ako ng mariin at sinapo ko ng aking dalawang palad ang aking mukha. "Get a grip of yourself Alexandra! Tanggapin mo na lang ang lahat!" Bulong kausap ko pa sa aking sarili. "Are you okay?" Napatuwid ako at napatingin sa taong nagsalita. "Y-Yeah, o-of course." Tipid lang akong ngumiti. "Your still wearing that watch?" Tukoy nya sa relong suot suot ko. Nagkibit balikat lang ako at hinarap sya. I wanted to run into her and hold her tight. But looking at Charm right now, I realized that there are so many things that changed between us. "This will always be my favorite Charm." Napailing-iling lang siya at napapalatak. "Lumang luma na 'yan. Saka ang dami ng gasgas. Baka panahon na para itapon mo 'yan." Naglakad siya at nilampasan ako. Nagpunta siya sa pinakadulong bahagi ng banyo at naghugas ng kamay. It hurts to see Charm like this. Simula noong nagkahiwalay kaming dalawa, sa mga pagkakataon na nagkausap kami, parang ang bigat bigat para sa kanya. Tila ba suklam na suklam siya tuwing kakausapin nya ako. "Ganyan na ba talaga kalaki ang galit mo sa akin para ipatapon mo pati mga bagay na alam mong napakahalaga sa akin?" Napatawa siya ng pagak saka marahas na kumuha ng tissue. "I am not mad at you, Alex. I feel sad for you. 'Yon lang iyon." Nang matuyo at mapunasan nya ang kanyang dalawang kamay muli na siyang naglakad papunta sa aking direksyon kung saan malapit ang pinto. Maagap ko siyang nahawakan sa kanyang braso saka niyakap. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa kanya nang mag-umpisa siyang pumiglas. "Ilang sorry ba ang kailangan mo Charm para mapatawad mo ako? Ilang pagmamakaawa pa ba ang kailangan mo para bumalik ka na sa akin?" Hinawakan ko siya sa magkabila nyang braso at inilayo sa akin upang tingnan siya. Hindi ko mabasa ang reaksyon nya. Huminga ako ng malalim at muli siyang kinabig saka sinakop ang kanyang mga labi. I automatically close my eyes. "Ouch!" Napabitaw ako at napadistansya ng kaunti sa kanya ng kagatin niya ang labi ko. "Why did you do--" Hindi ko naman naituloy pa ang sasabihin ko nang sinampal nya ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "For how many years we've been together Alex?! How sad that until now you still don't know me!" Marahas nyang pinunasan ang kanyang labi. Sinalubong niya ang aking mga mata. "I don't know you anymore! You are no longer the Alexandra that I once loved." Hindi na ako nakahuma sa aking kinatatayuan hanggang sa marinig ko na lang na nagsara ang pintuan ng banyo. Ni hindi ko na rin namalayan kung paano akong nakabalik sa party. "Alexandra mabuti naman at nakarating ka!" Nabalik ako sa katotohanan nang marinig ko ang boses ni Jin. Sa tabi niya si Charm na may tipid na ngiti sa kanyang labi, ngunit mababakas mo sa mga mata nya na para bang gusto nyang maiyak anumang oras. I wonder kung wala man lang napapansin si Jin. Bakit ba hindi ko napansin noon na may pagtingin pala si Jin kay Charm? Kung nalaman ko kaya ng mas maaga matatakot kaya ako at hindi ko na hahayaang mabaling ang atensyon ni Charm sa kanya? Would I really care? Or I knew it already, I just didn't care cause I'm too confident for myself that Charm will never leave me with anyone else? "Ikaw pa ba naman ang hindian ko Jinella!" Kahit nararamdaman ko na ang bigat sa dibdib ko napilitan pa rin akong tumayo saka ngumiti sa kanya at hinalikan siya sa kanyang pisngi. Binalingan ko naman ang babaeng katabi niya. "Happy birthday Charm!" Bati ko, saka mabilis ding humalik sa kanyang pisngi. "Salamat Alex." Tipid niyang sabi saka tumingin kay Myra na nasa tabi ko pa rin. "Bantayan mo iyang kasama mo, My, alam mo na." "Hon ano ka ba, pinapahiya mo naman si Alex. Alam na niya 'yan." Singit naman ni Jin at kumindat pa sa akin. Tipid lang akong ngumiti. "Wine lang naman ito." Itinaas ko pa ang hawak kong kopita. "Hindi ito nakakalasing." "I know right!" Sabat naman ni Myra na napapalatak pa. "Hon punta muna tayo kina Tita." Baling naman ni Jin kay Charm. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagyakap ng kamay nya sa bewang ni Charm. "Excuse us lang ha?" Ngiti pa ni Jin saka kami pinagsalitang tingnan ni Myra. "Sure! Sure! Alam ko kung gaano kayo kaabala sa pag-eestima ng mga bisita nyo." Sabi naman ni Myra. Lumapit si Charm kay Myra at nakipag beso. "Thank you sa pagpunta My ha? See you again." Binalingan naman nya ako at marahan lang tumango. "Halika na." Baling naman niya kay Jin at nagpaakay na papunta sa Tita na sinasabi ni Jin. Sa unti-unting pagtalikod ni Charm, pakiramdam ko tuluyan ng magdidilim ang mundo ko. Sa bawat hakbang nya papalayo sa akin pakiramdam ko hila hila nya pati puso ko. "Alex!" Napakurap kurap pa ako kay Myra na marahan akong inaalog-alog sa magkabila kong balikat. "Why the hell are you crying?" Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mukha. Hinawakan nya ako sa aking kamay at hinila sa bandang dulo ng bar stand. "Ganyan ka ba ka seryoso sa pagsasabi mo sa akin kanina na hindi ka talaga okay?! My God Alex, you got me so worried. Come here.." Hinila nya ako palapit sa kanyang balikat saka hinaplos haplos sa aking likuran. "If you can't stand to stay in this party I'll make excuse to Charm. For sure she'll understand.." "N-No.. I-I'm f-fine.." Kahit garalgal ang tinig ko at kahit walang patid pa rin ang pagbuhos ng luha ko, pinilit kong lumayo sa kanya. "I-I n-need to do this Myra." I smiled bitterly. Pinunasan ko ng hawak kong panyo ang aking basang mukha. Muli kong hinabol ng tingin si Charm. Nakayakap pa rin sa kanyang bewang si Jin. They were both laughing in front of the person that they're talking to. "I-I g-guess it's about time to give up." Sinalubong ko ang tingin ni Myra. "I mean I guess it's about time to let her go.." Tinalikuran ko na siya saka ako nag derecho sa may bar stand. Nakamasid lang sa akin ang waiter. At nang tuluyan na akong makalapit, mabilis nya akong inabutan ng isang baso na may laman ng red wine. "Ang ganda nyo pa rin Ma'am kahit galing kayo sa pag-iyak." Nahihiyang sabi ng waiter habang napapakamot sa kanyang ulo. I arched my brow. "Really?!" I looked at him in amusement. "Sana mapansin na kayo ng taong gusto nyo. Sigurado akong mas maganda kayo kapag nakangiti kayo Ma'am." "Nakangiti naman siya sa'yo ah." Singit naman ni Myra at nanghingi rin ng isang baso ng wine. "Ang ibig kong sabihin Ma'am, iyong totoong ngiti po." Makahulugang sagot naman ng waiter saka inabutan si Myra ng wine. Sinulyapan pa muna niya ako ulit bago kami muling tinalikuran at hinayaan. "See? Kahit iyong ibang tao na hindi ka kilala napapansin kung gaano ka kalungkot." Nakataas ang kilay niya sa akin. Nagkibit balikat lang ako saka tinitigan ang wine. "I don't like to rush, My." I bit my lip and smiled. "Give me more time and I'll be totally okay." "Okay na?" Hindi na ako nagsalita nang malingunan ko si Dyosa sa pwesto ni Myra kani-kanina lang. Huminga lang ako ng malalim at muling sinimsim ang wine. "Ang bilis magbago ng isip mo pati iyong pag akto mo Alexandra. Kanina lang gustong gusto mo siyang mapasa'yo ulit. Wala pang isang oras gusto mo na siyang pakawalan. Ano bang gusto mong paniwalaan ko?" "For how many years we've been together Alex?! How sad that until now you still don't know me!" Is that what Charm really wants? She hated me that much. Enough for me to let her go? I closed my eyes tightly and saw Charm. Her eyes full of hatred. I made her like that. "Hindi mo na ba ako kailangan Alexandra?" Napadilat ako at muling napatingin kay Dyosa. "What do you mean?" Kunot noo kong tanong. Makahulugan siyang ngumiti. "Dahil dyan sa mga narinig ko, nangangahulugan na ayaw mo ng mag balik sa nakaraan hindi ba?" Napatuwid ako ng upo. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo sya at tumingin sa kanyang itinuturo sa may stage. Napatitig ako sa projector na may nakalagay na mga petsa. Isa-isang nabubura ang bawat nakasulat dito. "Kasabay ng pagkabura ng mga nakasulat dyan ay ang hindi na natin pag kikita Alexandra." Bumaling sya sa sakin at ngumiti na naman ng makahulugan. "Hangad ko ang kaligayahan mo." Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. This is it Alex! Let her go. Let go of Charm. Parang pelikula naman na bumalik sa alaala ko ang maliligayang sandali namin ni Charm. Oh God! "Waaaaaaaiiiiiiit, Dyosa!" Pagdilat ko ulit ng aking mga mata nakatingin sa akin si Dyosa na tila ba aliw na aliw sa nakikita nya sa akin. "Bigyan mo pa ako ng pagkakataon, please!" Pinagsalikop ko pa ang aking palad at nakiusap sa kanya. "Please! Please! Please Dyosa! Kahit sulitin ko na lang iyong pagkakataon na makasama siya habang ako pa rin ang mahal nya!" "Okay!" Tinitigan ko siya. "Talaga??? Pwede pa akong bumalik ulit sa nakaraan?" Tumango siya at nagkibit balikat. "Oo naman. Pero.." "Pero..?" Bigla akong kinabahan na hindi ko mawari. Muli nyang itinuro ang projector na mabilis kong tiningnan. Kahit hindi na sya magsalita pa kung ano ang ibig nyang sabihin, mabilis ko naman itong naintindihan. "Dyosa..?" Nagkibit balikat ulit sya. "Ang tagal mong magdesisyon eh. Kaya 'yan na lang ang natira sa mga petsang nakasulat dyan." Lumapit pa sya sa akin at tinapik tapik ako sa aking balikat. Inilapit nya ang kanyang bibig sa aking tenga. "Sulitin mo na ang dalawang beses na pagkakataon na makakabalik ka sa nakaraan Alexandra." Hindi na nya ako hinayaang makapag salita pa. Sa paglalaho nya ay ang pag babalik ng ingay at ng mga tao sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD