Chapter 02

1007 Words
Iris POV Umupo ako sa may swing dito sa park malapit sa office dahil galing ako roon kasi pinatawag ako ng head editor namin at naghahanap ng bagong manuscript ngunit wala akong maipasa. Napatitig ako sa mga bata na naglalaro dito ngunit mayroong nakakuha ng atensyon ko. Nakita ko kasi na may isang batang lalaki na inaaway ng mga bata malapit sa slides kaya nilapitan ko ito ngunit bago pa ako makarating ay itinulak na nila ito. "Mga bata anong ginagawa niyo alam niyo ba na masama 'yan." Nilapitan ko ang mga ito at tinulungang tumayo yung bata na itinulak nila bigla namang nagtakbuhan yung mga bata kaya inalalayan ko na lang itong bata na itinulak nila at inupo sa may bench. "Ayos ka lang ba?" nagaalalang tanong ko dito. "Opo, sanay naman na po ako sa kanila." malungkot na sagot nito. "Sino ba ang kasama mo dito?" tanong ko dito sabay tingin sa paligid. "Si yaya po bibi---" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya dahil biglang dumating yung yaya niya. "Siya po yung kasama ko si yaya sige po mauna na kami." paalam nung bata bigla namang nagsalita yung yaya niya. "Mauuna na ho kami." Nginitian ko na lang ito, sinundan ko pa sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Naalala ko bigla yung kababata ko inaaway din siya noon ng mga kaklase namin. Bigla namang nanliit yung paningin ko ng makita si Mommy na kasama yung little sister ko pero hindi ko talaga 'yon kapatid inampon nila noon noong wala na ako sa bahay. Tumayo ako at aalis na sana ngunit nakita ko na biglang sumulpot si Daddy sa tabi nila. Nakauwi na pala ito ngunit wala pa rin akong kaalam-alam. Mula dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano nila asikasuhin si Shane. Napangiti ako ng mapakla ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Aalis na sana ako ngunit nakita ko na napatingin sa akin si Daddy at sigurado ko na nakita niya ako kaya nagmamadali ako na tumakbo paalis ng park. Naglalakad ako at pasakay upang maghanap taxi ng may biglang bumusina na sasakyan sa tabi ko kaya napatingin ako dito. Ibinaba nito ang bintana ng kotse at bumungad sa akin ang mukha ni Daddy at nasa passenger seat naman si Mommy. Lumakad ako ng mabilis at walang ano-ano ay pumara ako ng taxi at sumakay dito. Hiyang-hiya ako dahil alam ko sa sarili ko na ang nasa utak ngayon ng mga magulang ko ay tama sila, tama sila na wala akong mapapala sa pagsusulat ko. Pagkababa ko sa taxi ay dumiretso agad ako sa loob ng bahay itong bahay na ito ay naipundar ko sa pamamagitan ng pagsusulat ko. Ito ang kaisa-isang maipagmamalaki ko sa kanila. Napa-upo ako sa sofa at inisip yung mga nangyari kanina siguro kung hindi ako umalis doon ay kung ano-anong sermon at panglalait na ang narinig ko. Nasasaktan ako dahil ang saya-saya na nang pamilya nila kahit wala ako. Naalala ko kung paano ako ipagtabuyan ni Mommy dahil hindi ko sinunod ang gusto nila ni Daddy na maging Doctor ako. Naalala ko kung paano nila ako tinakwil at higit sa lahat naaalala ko pa rin kung paano ako nagmakaawa sa kanila noon na pabalikin na ako sa bahay dahil wala akong ibang mapupuntuhan. Noong gabing iyon ay akala ko ay tatanggapin na nila ako dahil baka nabigla lang sila sa pagpapalayas sa akin ngunit hindi pala dahil pinapili nila ako na kung itutuloy ko raw ang pagsusulat ay hindi nila ako tatanggapin. Noong gabi din na iyon ay sinimulan ko na maghanap ng matitirahan, umupa ako ng bed space at tiniis na mamuhay mag-isa. Ngunit kahit ganon ang nangyari ay hindi ako nagalit sa kanila mas nagalit pa nga ako sa sarili ko noong una dahil hindi ko man lang nasunod ang gusto ng mga magulang ko para sa akin. Hindi ko namalayan na tumutulo na naman pala ang luha ko. Kinuha ko ang throw pillow na nasa tabi ko at niyakap ko iyon. Iniisip ko na lang na sila Mommy iyon hindi ko alam kung paano nila ako natitiis ng ganto parang hindi nila ako anak kung tratuhin. Nagulat ako ng biglang may kumatok sa pintuan saka ko lang naalala na hindi ko pala naisarado ang gate. Pagbukas ko ng pintuan laking gulat ko ng makita si Shane sa tapat nito. "Ate, I miss you po." sabi nito sabay hawak sa kamay ko. Naalala ko na huling kita ko dito ay last year pa after ng 5'th birthday niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito sabay yuko para mapantayan siya hindi naman ito sumagot at may itinuro sa labas ng gate. Nakita ko na nakatayo doon sila Mommy. Binuhat ko naman si Shane sabay halik sa noo nito. "Mahal na mahal ka ni Ate lagi mo tatandaan 'yan." Nakangiting sabi ko dito bigla naman niyang pinunasan yung luha na tumulo sa pisngi ko. Ibinaba ko na ito, "Sige na bumalik ka na sa kanila." utos ko dito sabay yakap sa kan'ya. "Aywabyu." bulol pa ang pagkakasabi nito kaya natawa ako at itinuro ko na sila Daddy para bumalik na siya sa mga ito. Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang makalabas ng gate ng makita ko na lalapit sana si Mommy dito ay nagmamadali akong pumasok sa loob at ni lock ang pinto. Sinilip ko sila mula sa bintana at nakita ko na hindi na tumuloy si Mommy sa paglapit dito. Masaya ako na nayakap ko ulit si Shane. Hindi kami tunay na magkapatid pero mahal ko 'yon, hindi man kami laging nagkikita ay alam ko sa sarili ko na importante siya sa akin. Minsan kapag dumadaan ako sa bahay ay nakikita ko siya na naglalaro sa labas kasama yung yaya niya minsan ay nagpapakita ako dito kapag alam ko na wala sila Mommy. Bigla namang pumasok sa isip ko ang tungkol sa papel naalala ko na kailangan ko nga palang puntahan yung mga lugar na isinulat ko upang makita ko mismo ito ng personal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD