"Pabagsak ka na ng pabagsak, Iris." malungkot na sabi sa akin ng Editor ko.
Naisipan ko na lang na maglakad-lakad at baka sakaling makahanap ako ng inspirasyon sa aking sinusulat na nobela.
Habang naglalakad ako ay napansin ko ang lumang building na malapit sa amin kaya naisipan ko na pumasok dito baka sakali na may maisip ako na magandang kuwento.
Pagkapasok ko dito ay napansin ko na building ito na hindi natapos ang pagbuo umakyat ako sa may hagdan at sa pag-akyat ko ay may napansin ako na isang maliit na papel.
' Sa isang ngiti mo lang ay nawawala ang lahat ng problema ko. '
Ito ang nakasulat sa papel ng buksan ko ito hindi ko alam pero bigla akong napangiti at napatingin sa paligid baka kasi may nakalaglag lang ng papel na ito.
Itinuloy ko ang pag-akyat sa building at pagkadating ko sa taas ay kitang-kita mo ang mga bubong ng bahay na malapit dito.
Napahinga ako ng malalim ng lumakas ang ihip ng hangin pinilit ko yung utak ko na makagawa o makaisip ng kuwento na babagay sa lugar na ito ngunit wala akong maisip kaya naisipan ko na bumaba na lang at umuwi na sa bahay.
Pagkadating ko sa bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto ko at tinitigan ang kapirasong papel na nahanap ko hindi ko alam kung bakit bigla akong nagkainterest sa papel na ito.
Kinuha ko yung laptop ko at naghanap ako sa internet kung may ganito na ba na mga pangyayari na may nakakapulot lang ng papel na may mga nakasulat dito.
"Alam mo Iris epekto 'yan ng mga sinusulat mo akala mo na tuloy lahat ay may dahilan." sabi ko sa sarili ko.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga lumabas sa nakaraang dalawang buwan ay may mga nakikita na ang mga tao na papel na may tulang nakasulat dito.
Napaisip tuloy ako kung bakit at sino ang gumagawa nito dahil base sa research ko ay lahat ng papel na may tula ay puro positibo ang nakasulat dito.
"Ito na siguro yung magpapabalik sa kasikatan na meron ako." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga lugar na nakalista sa papel. Nakatitig ako ngayon sa papel na napulot ko kanina at dahil dito ay napangiti ulit ako.
Masyadong naging mabigat ang araw na ito para sa akin dahil editor ko na ang nagsabi na bumabagsak na ako at hindi na ako kagaya ng dati.
Flashback/
Pagkadating ko sa venue ay dumiretso agad ako sa backstage mula dito ay naririnig ko na ang mga sigaw ng mga tao.
"Good afternoon, Iris." Salubong sa akin ng editor ko.
Siya ang kasama ko ngayon sa book signing ng bagong release na libro ko.
Pagkalabas ko sa may stage ay grabe ang sigawan ng mga tao at hawak nila ang mga libro ko kinawayan ko ang mga ito at umupo na para sa pagpirma ng mga libro.
Nakapila na ang mga bumili ng libro ko para papirmahan ito sa akin tumagal din hanggang gabi ang book signing ko.
Unang araw palang ng release ng libro ay halos ma-soldout na ito.
"Congrats sa napakapasabog na booksigning." bati sa akin ng editor kami bago ako umuwi.
End of Flashback/
Napahiga na lang ako sa kama habang pinipigilan yung mga luha ko na tumulo.
"Hindi ko alam kung anong mali dahil kahit anong subok ko na gumawa ng nobela ay parang wala akong gana." sa isip-isip ko.
Umupo ako at humarap sa salamin.
"Tatayo ulit ako at babangon makakagawa ulit ako ng panibagong mga nobela." sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ko ang mga luha ko.
Ethan's POV
Nagsusulat ako ngayon sa mga papel na ginupit ko upang iwan ulit ang mga ito sa mga lugar kung saan uso ang pagpapakamatay.
Napangiti ako ng maalala kung paano ko natuklasan na marunong pala akong magsulat ng tula.
"Ethan, Anak kumain muna tayo!" sigaw ni mommy sa akin.
Itinigil ko muna ang ginagawa ko at bumaba. Niyakap ko si Mommy from behind.
"Ang anak ko naglalambing na naman." Nakangiting sabi ni Mommy.
"Baby boy kumain na tayo." dugtong pa nito kaya napalayo ako dito.
"Mommy hindi na nga po ako bata." inis na sagot ko dito at tinawanan lang niya ako.
"Magkakaroon na nga po ako ng kapatid oh." sabay hawak ko sa tiyan niya.
Kumain lang kami at pagkatapos noon ay tinulungan ko si Mommy sa paghuhugas ng mga pinagkainan dahil utos ni Daddy na alagaan ko si Mommy lalo na at buntis siya.
Pagkaakyat ko sa kuwarto ay itinuloy ko lang ang aking ginagawa.
Pagkatapos ko na isulat ang huling tula ay may naalala ako na isang magandang alaala na hanggang sa pagtanda ko ay hindi ko malilimutan.
Kumusta na kaya siya ngayon nagsusulat pa rin kaya s'ya?
Sinubukan ko siyang hanapin ngunit mukhang ayaw ata ni tadhana na magkita kami dahil noong binalikan ko yung dating subdivision namin ay wala na sila roon.
Hindi ko man s'ya makita ulit ay habang buhay na siyang nakatatak sa puso't isipan ko.
Naalala ko noon ay siya lang ang kaisa-isang kaibigan ko, siya lang ang hindi nangaway sa akin dahil halos lahat ng mga kaklase namin noon at kapit bahay na mga bata ay ayaw akong kausapin o lapitan man lang dahil mataba ako.
Siya lang ang bata na nakikipaglaro sa akin noon naalala ko pa nga isang araw bago kami lumipat ng lugar na titirahan ay nasa park ako noon at sobrang lungkot ko nilapitan niya ako at iniabot niya sa akin ang kapirason papel na may nakasulat na,
'Malungkot ka man ngayon pero tatandaan mo na may ngiting kapalit 'yan bukas.'
Iningatan ko ang papel na 'yon sa loob ng sampung taon dahil sabi ko sa sarili ko na balang araw ay makikita ko rin ang taong nagbigay sa akin ng papel na 'yon at gusto ko kapag nagpakilala ako sa kaniya ay may pruweba ako.
Tumayo ako at kinuha sa kahon ang papel na kanina ko pa iniisip. Pagkahawak ko dito ay pakiramadam ko kasama ko na din siya na parang nandito lang siya sa tabi ko at sinasabi niya na magiging ayos din lahat, parang noong mga bata pa kami.
I miss you, I miss my cheerleader yung laging nagpapagaan ng loob ko noon.
Hanggang ngayon din pala dahil every time na nalulungkot ako ay binabasa ko lang ang note niya.