Lucinda Naguguluahn ako sa sinabi ni Clark at hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko sa kanya na pati ang aking ama ay alam ang tungkol dito. “T-Teka. Ulitin mo nga iyong sinabi mo,” sabi ko. “I’m not married. Never akong kinasal at hinding-hindi ako ikakasal dahil sa iyo ko lang gagawin ang bagay na iyon.” Maang akong napatingin sa kanya. “I-I can’t understand. Ano’ng sinasabi mo na hindi ka kasal? Paano nangyari ang bagay na iyon gayong nitong mga nakaraang mga araw ay umaakto kang parang pamilyado kang tao?” tanong ko sa kanya. “Because I need to act to make it believable.” “Pero paano iyong litratong nakita ko sa wallet mo o iyong nakalagay sa contacts mo na Honey? Are you telling me that all of those are part of your acting?” Tumango siya at halos masapo ko ang aking noo dah

