Lucinda Nang matapos ang tatlong araw naming pamamasyal sa Australia ni Paris ay nakabalik na nga kami kahapon dito sa Paris. Paglapag pa lang ng sinasakyan naming eroplano ay agad ko nang tinext si Clark na nakarating na kami. Nakuha na namin ang aming mga gamit at nakauwi na rin ako sa aking condo pero wala akong natanggap na kahit ni anong text o tawag mula sa kanya. Noong una ay hindi ko na lamang ito pinansin dahil naisip ko na marahil ay abala siya o kaya ay may ginagawa siya. Pero lumipas ang isang araw ay hindi siya nagparamdam sa akin kaya noong una ay isinawalang bahala ko ito. Pero sa sumunod na araw ay wala pa rin hanggang sa umabot na ito ng isang linggo na aking ipinagtaka at halos maaligaga na ako. Napa-paranoid na rin ako katitingin sa aking cellphone pero wala pa ring s

