Lucinda Pagkagising ko ay namalayan kong gabi na kaya naman agad kong hinanap kung nasaan si Clark. Pero akmang tatayo ako ay nakita kong may nakalagay na papel sa ibabaw ng aking damit kaya agad ko itong binuklat at binasa. Nang matapos ko itong basahin ay gano’n na lamang ang pagtataka ko dahil paglabas ko nga sa mismo kong kwarto ay nakita kong nakalagay ng maayos ang aking mga gamit sa ibabaw ng sofa at wala na nga ang aking trolly bag. Hays. Hindi ko alam kung saan iyon gagamitin ni Clark pero hinayaan ko na lamang ito total ay binili ko lang naman iyon sa tabi-tabi. Mabuti na lamang at hindi iyong bigay ni Papa na trolly bag ang ginamit ko kung hindi ay iyon na ang hiniram niya. May sentimental value pa naman iyon sa akin. Maya-maya ay biglang may nag-ring na kung ano sa ibabaw n

