Lucinda Halos matulala ako sa mga bagong mukha na aking nakikita pero hindi ito ang dahilan kung bakit ako natutulala sa kanila pero natutulala ako na malaman na sila ang pamilya ni Clark. Hindi ako handa sa ganitong meet up lalo na at biglaan ang nangyari at sa ganitong paraan pa kami nagkita-kita. Hindi pa nga kami tuluyang nakapag-aayos ni Clark pero pinapakilala na niya sa akin ang kanyang pamilya. At saka ano iyong sinasabi niyang girlfriend niya ako e ‘di ba nga nakipaghiwalay ako sa kanya? Hindi tuloy ako makapagsalita sa sinabi ni Clark at para akong napipi bigla. Naramdaman ko na lang na may humawak sa aking mga kamay at napatingin ako sa nakangiting ginang na nasa aking harapan. “Ikinagagalak kitang makilala iha. I’m Agatha Whitlock. Ina ako ni Clark,” pagpapakilala niya sa ka

