Lucinda Nang matapos akong kumain ay tumabi si Clark sa akin at pareho kaming sumandal sa headboard ng kama habang nakahiga naman ang aking ulo sa kanyang dibdib. Yinakap ko siya at inamoy ko ang kanyang natural na bango na parang amoy ni Ian na pine tree. Pero hindi ko na sinabi iyon sa kanya dahil baka bigla siyang magalit at magtampo nanaman sa akin. “Chérie, how can I talk if you are making me horny?” tanong niya na nagpasimangot sa akin. “Sorry.” Huminga ako ng malalim. “So? Sino si Enrique at bakit ka niya hinahanap?” May tinuro siyang litrato at nakita ko na ito iyong litrato nilang dalawa ng kanyang ama. “That is my father, and he’s Clarence King Whitlock Sr. Noong bata ako ay hindi ko naman maintindihan kung ano talaga ang trabaho ng aking ama pero para sa akin, para sa pa

