Lucinda Nang sumunod na araw ay nagising ako na napansin kong wala si Clark sa aking tabi. Mukhang maaga siyang nagising dahil pagtingin ko sa orasan ay nakita kong alas-sais pa lang ng umaga. Medyo inaantok pa ako at tinatamad pa akong bumangon kaya naman pinikit ko muna ang aking mga mata. Sakto namang pagpikit ko ay narinig kong pumasok ng kwarto si Clark at imumulat ko na sana ang aking mga mata nang marinig ko na may kausap siya sa telepono. Hindi ko alam kung sino ito pero base sa boses niya ay importante ang kanilang pinag-uusapan. Nagkunwari akong nagtutulug-tulogan para marinig ko ang pinag-uusapan nila ng kung sinuman sa kabilang linya. “I know,” rinig kong sabi niya. “Find him at all cost. I can’t risk him kidnapping my fiancée again.” Gusto kong mapangiti sa sinabi niya dah

