Lucinda Noong gabing iyon ay naliwanagan ako sa mga sinabi ni Tita sa akin. Hindi ko alam kung dahil ba sa buntis ako kaya ako naiinis sa kanyang ginawa pero kailan ba may sinirang pangako si Clark? Well, maraming beses na pero isang bagay nga na nararamdaman ko tuwing kasama ko siya ay palagi akong ligtas. Na para bang walang mangyayaring masama sa akin tuwing kasama ko siya. Siguro ay tama nga si Tita sa kanyang binigay na advice sa akin na kailangan ko lang magtiwala sa kanya. Alam ko na para ito sa kapakanan naming mag-ina dahil ako rin ay ayaw kong may masamang mangyari sa aking anak. Napa-haplos ako sa aking tyan nang mapatingin ako sa pinto nang magbukas iyon ay ilinuwa nito si Clark. Natigilan pa siya saglit pero kalaunan ay pumasok din siya at sinara ang pinto sabay lumapit sa

