Lucinda Pagdating ko sa London ay agad na sumakay ako sa family van namin at sa buong byahe ay sobrang lungkot ang aking nararamdaman. Masakit sa aking kalooban na mawalay sa kanila Clark dahil sa maikling panahon na nakasama ko sila ay napalit ako sa kanila ng husto. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay namin sa London ay lalo lang bumibigat ang aking pakiramdam. Nang makapasok na kami sa gate ng mansion at tumigil na ito sa harapan ng aming bahay ay huminga ako ng malalim bago ako bumaba ng sasakyan. Pagkababa ko ay agad na binuhat ng mga kasambahay ang aming mga gamit at naramdaman ko ang pagtapik ni Angel sa aking balikat. “Let’s go?” aya niya kaya naman sumama na ako sa kanya. Pagpasok namin sa aming bahay ay napansin ko na medyo binago nila ang ibang disenyo ng baha

