CHAPTER 3

1348 Words
TWELVE YEARS AGO Galit na lumapit ang aking lola sa aking ina at sinira nito ang magandang kasuotan ni mommy. “Celina, kahit anong gawin mong bihis sa sarili mo! Hinding-hindi ka nababagay sa anak ko!” Tumingin sa akin ang aking Lola Prima ang ngumisi. “Hindi porket nagkaanak kayo ng aking anak ay matatanggap na kitang manugang!” bulyaw ni lola sa aking ina. Hindi nakapagsalita si mommy nang dahil sa mga salitang binitiwan ng aking lola. Hanggang sa iwan niya kami ng aking ina dahil ayaw niyang isama kami sa party ng aking ama upang ipakilala ako bilang isang tagapagmana ng Lopez Corporation. Bata pa lang ako ay nakikita ko na ang kalupitan ng aking Lola Prima sa aking ina, dahil hindi niya matanggap na umibig ang aking ama sa isang katulong na walang iba kung ‘di ang aking sarili kong ina. Sa tuwing wala si daddy ay malimit niyang pagmalupitan ang aking ina at kahit ako na sarili niyang apo ay hindi niya magawang yakapin. Tanging ang aking Lolo Raphael ang nagpapakita nang pagmamahal sa akin bilang isang apo. “Mommy, okay ka lang po?” tanong ko sa aking ina nang makita ko siyang umiiyak habang inaayos ang damit na sinira ng aking matapobreng lola. Ngumiti nang pilit ang aking ina at tumingin siya sa akin. “Okay lang ako, anak! Basta ipangako mo sa akin na wala kang sasabihin sa lola mo,” pilit niyang sambit. Sa tuwing sinasaktan siya ng aking lola ay ayaw niyang ipaparating kay daddy, dahil ayaw niyang magkaroon ng alitan sina lola at daddy. “Pero, Mommy, sumusobra na po si lola sa pananakit sa ‘yo,” sabi ko habang umiiyak. Alam kong tinitiis ni mommy ang mga pananakit sa kanya ni lola para sa akin. Ngunit mas gugustuhin ko pang lumaki na mahirap kaysa ang habambuhay kong makita na nasasaktan ang aking in anang dahil sa akin. Ilang beses ko nang tinangkang isumbong ang lola ko kay daddy ngunit pinipigilan niya ako dahil ayaw niya ng gulo. Pinahid ni mommy ang kanyang mga luha habang pilit na ngumingiti. ‘‘Anak, kaya kong tiisin lahat. Alang-alang sa ‘yo at sa daddy mo.’’ Sabay yakap niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa ginagawang pagtitiis ng aking ina. Kung siguro ay nasa tamang edad na ako, inilaya ko na sana ang aking ina. Hindi na muli akong nagsalita dahil alam ko na ang sasabihin niya sa akin. Sa halip ay niyakap ko siya upang iparamdam ko sa kanya ang aking pagmamahal. Sa tahanang ito tanging kami lang ni daddy ang kakampi niya. Lumipas ang ilang oras habang nagluluto si mommy n gaming pagkain ay dumating ang aking ama. “Celina, bakit hindi kayo nagpunta ng party? Alam mong napaka-importante sa pamilya ko na maipakilala si Celine bilang nag-iisang tagapagmana ng Lopez Corporation! Pagkatapos, hindi kayo darating na mag-ina!” galit na wika ng aking ama habang ang mga mata niya’y madilim na nakatingin sa aking ina. Hindi agad nakapagsalita si mommy dahil sa matinding galit ng aking daddy sa kanya. Ngumis si daddy at muling nagsalita. “Ano?! Hindi ka makapagsalita ngayon?! Dahil pride mo pa rin ang pinapairal mo!” Sabay taas niya ng kanyang kamay upang sampalin ang aking ina. Mabilis akong humarang sa aking ina. “Daddy, huwag po. Wala pong kasalanan si Mommy. Si Lola poa ng dahilan kung bakit hindi kami nakapunta sa party,” sabi ko sa aking ama na ikinagulat nito. Tumingin sa akin ang aking ama na tila nagtatanong ang kanyang mga mata. “Celine, anong pinagsasabi mo?”  Huminga muna ako nang malalim bago magsalita. “Daddy, hindi kami sinama ni Lola sa party, dahil ayaw niyang ipakilala ako sa mga tao.” Naglandas na ang aking mga luha mula sa aking mga mata. “Daddy, kapag wala ka, palagi niyang sinasaktan si mommy. Ka—kahit ako na apo niya, hindi niya magawang mahalin,” pagtatapat ko sa aking ama. Hindi agad nakapagsalita si daddy nang dahil sa mga sinabi ko. “Anak, ‘di ba ang sabi ko sa ‘yo, wala kang—“ Hindi na naituloy ng aking ina ang kanyang sasabihin nang biglang nagsalita si daddy. “Celina, totoo ba ang sinasabi ng anak mo?” Hinawakan ni daddy ang braso ni mommy na may pasa. “Ano ‘to?” tanong niya kay mommy. Hindi na nakapagsalita pa si mommy dahil at nagsimula na rin siyang umiiyak.   Alam kong ayaw ipaalam ni mommy kay daddy ang pananakit ni lola sa kanya. Ngunit totoo nga siguro ang kasabihang walang lihim na hindi nabubunyag. Tumingin sa akin si daddy at lumuhod siya upang magpantay kaming dalawa. “Anak, sabihin mo nga sa akin kung anong ginagawa ng lola mo sa inyo ng mommy mo?” muling tanong sa akin ni daddy. Tumango ako. “Daddy, palaging sinasaktan ni lola si mommy kapag wala kayo ni lolo. Ginagawa niya kaming alipin na mag-ina. At palagi niyang sinasabi na hindi niya ako matatanggap na apo!” sabi ko habang umiiyak. Napailing si daddy at niyakap ako. “Sorry, anak, kung pati ikaw nadadamay.” Tumayo siya at kinalong ako pagkatapos ay niyakap niya si mommy. “Ilalayo ko na kayong mag-ina dito. Ipinapangako ko, hinding-hindi na kayo masasaktan ni mommy,” pahayag ni daddy. Bumaba kami sa hagdanan nang biglang may nagsalita. “Eduard, bakit hindi ka na bumalik sa party? At anong ibig sabihin nito?” Sabay tingin ni lolo sa mga maleta namin. Tumingin si daddy kay Lolo Raphael. “Dad, mas maganda po siguro kung umalis na kami sa pamamahay na ‘to,” mahinahong wika ni daddy. Kumunot ang mga noo ni Lolo at tila hindi makapaniwala sa sinabi ng aking ama. “Anak, napag-usapan na natin ‘to, ‘di ba? Bakit kailangan n’yong umalis?” Tumingin sa akin si Lolo Raphael. “Paano mo sasanayin ang aking apo sa buhay na mayroon tayo? Kung aalis kayo?” muling tanong ni lolo. Ngumiti nang pilit si daddy. ‘‘Dad, huwag kayong mag-alala. Tuturuan ko ang apo mo na kumilos ng tama bilang isang Lopez na tinitingala ng lahat.” Napabuntong-hininga na lang si lolo at niyakap ako. “Apo, ma-mi-miss kita.” Sabay halik niya sa akin. Magkayakap kaming mag-lolo nang bigalang dumating si Lola Prima. “Anong nangyayari dito?” seryosong tanong ng aking lola habang ang mga mata niya’y nakatingin sa aking ina. Nagtagis ang mga panga ni daddy at galit na hinarap ang aking lola. “Mom, ilalayo ko na ang mag-ina ko sa ‘yo! Dahil alam ko na ang lahat nang pananakit at pagmamalitrato na ginagawa mo sa aking mag-ina!” galit na pahayag ng aking daddy na ikinagulat ng aking lolo. Tumayo si Lolo at tumingin sa aking ama. “Anak, anong pananakit ang sinasabi mo? Hindi sinasaktan ng mommy mo ang asawa at anak mo,” mahinahong wika ni lolo. Katulad ni daddy ay walang alam si Lolo Raphael sa pananakit na ginagawa ni Lola Prima sa aming mag-ina, kaya hindi nakakapagtaka na magulat siya sa sinabi ng aking ama. “Dad, bakit hindi mo tanungin ang magaling mong asawa? Alam ko, Dad, hanggang ngayo’y hindi mo pa rin matanggap na nagmahal ako ng isang mahirap. At nagpapasalamat ako sa ‘yo dahil mahal mo ang apo mo. Pero si mommy, hind! Dahil sinasaktan niya ang mag-ina ko kapag wala tayo!” pagtatapat ng aking ama. “Hindi totoo ‘yan! Nagsisinungaling ‘yang asawa mo!” sigaw ng aking lola. Nagdilim ang paningin ni daddy ay itinaas niya ang braso ng aking ina. “Talaga?! Hindi totoo?! Eh, anong tawag mo dito?!” bulyaw ng aking ama. Hindi makapaniwala si Lolo Raphael sa kanyang nakitang pasa sa braso ni mommy.  At napapailing ito habang nakatingin sa aking lola. “Prima, paano mong—” hindi na naituloy ni Lolo Raphael ang kanyang sasabihin nang bigla itong matumba na hawak-hawak ang kanyang dibdib. “Lolo!” sigaw ko nang tuluyang bumagsak sa sahig ang aking lolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD