bc

The One That God Arrange

book_age18+
49
FOLLOW
1K
READ
badboy
goodgirl
CEO
sweet
bxg
serious
first love
assistant
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Paano kung ang taong pinakamamahal mo ay may tinatago pala sa'yo? Mapapatawad mo ba siya, alang-alang sa pag-ibig ninyong dalawa? O, bibitaw ka na dahil simula pa lang ay puno na pala siya na kasinungalingan?

They will be the one that god arrange? Or they will just be lovers that will pass by?

TOTGA: Gavin Lagdameo (Son of Alhena and Gael Lagdameo) and Selene Veloso

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1-Selene Veloso
Tunog ng aking alarm clock ang gumising sa akin masaya at masigla akong gumising dahil ito ang unang araw ko sa aking trabaho bilang sekretarya sa The Lagdameo Corporation (TLC) Ito rin ang kauna-unahan kong trabaho dahil mahigpit na ipinagbabawal sa akin ng doktor na huwag ako masyadong mag pagod dahil may sakit ako sa puso. Nagsimula ang sakit ko noong apat na taong gulang pa lamang ako hereditary ang sakit ko dahil ang Lola ko noon sa Tatay ko ay may sakit din sa puso. Mahirap kapag may sakit ka sa puso dahil maraming bawal mahirap ding huminga minsan dahil naninikip ang dibdib mo buti na nga lang at may maintenance akong gamot. Ngunit kahit may mga gamot na akong tinitake ay nanganganib pa rin ang buhay ko. The doctor gave me only six months to live, kapag hindi talaga ako ma operahan. Kung kaya't nagtrabaho ako upang makapag ipon para pang opera. Ang, Ate Shy ko lang kasi ang nag-iipon para sa operasyon ko at nahihiya na ako dahil wala man lang akong maiiambag, pati sa asawa niyang si Kuya Isagani ay nakakahiya na rin. Sa totoo lang ay hindi pabor ang, Ate, ko na magtrabaho ako dahil ayaw niyang mapagod ako at ma stress ngunit ako mismo ang nagpumilit kaya wala na rin siyang nagawa at ang tanging bilin lang niya sa akin ay mag ingat at huwag magpakapagod masyado. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay pinagsadahan ko muna ang aking sarilli sa malaking salamin na narito sa aking kwarto. Nang makuntento na ako sa aking mukha at suot ay kinuha ko na ang sling bag at cellphone ko saka lumabas sa kwarto ko. "Tinay!" tawag agad sa akin ng dalawa kong pamangkin na sina Mimi at Popoy. Tinay ang tawag nila sa akin short for 'Tita Ninay' ako kasi ang Ninay nilang dalawa. Mga anak sila nina Ate Shy at Kuya Isagani si Mimi ang panganay at nasa edad anim na ito at si Popoy naman ang bunso at nasa edad tatlo. "Good morning, Kids!" magiting kong bati nang makalapit na ako sa kanila. "Good morning, Ate!" bati ko rin kay Ate na kasalukuyang nagluluto ng almusal. "Good morning, Len, sige na maupo ka na riyan," ganting bati naman ni Ate, at umupo na rin ako sa upuang nakalaan para sa akin. Len ang tawag sa akin ni Ate Shy dahil iyon ang palayaw ko. "Tinay, saan ka po mag wo-work? Pwede ako sama?" magkakasunod na tanong sa akin ng cute na cute kong pamangkin na si Popoy. "Sa office po si, Tinay magtatrabaho poging Popoy at hindi pwede ang baby doon, " malambing ko namang tugon agad sa kanya. At sakto namang hinain na ni Ate ang sinangag sa mesa. "Big boy na po ako, Tinay," nakanguso niyang saad. "Anong big boy ka riyan e, hindi mo pa nga maligpit ang mga toys mo sa room mo," sabat naman ni Ate Shy habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni Popoy. "So, kapag naligpit ko na po ba ang mga toys ko big boy na ako niyan?" tanong naman agad ni Popoy sa amin ni Ate. "Opo, poging Popoy kaya dapat marunong ka nang magligpit ng toys mo ha?" tugon ko sa kanya. "Okay po," turan naman niya, at saka na kami kumain. Pagkatapos naming kumain ay dumeritso na agad ang mga bata sa sala upang manuod ng paborito nilang cartoons. Samantalang si Ate naman ay nililigpit na ang aming pinagkainan at ako naman ay nag ayos na para makaalis na baka kasi ma traffic pa ako sa daan. "Ate, aalis na po ako," paalam ko kay Ate Shy at agad naman itong lumapit sa akin. "Len, mag-iingat ka ha at huwag kang magpakapagod masyado," paalala niya sa akin sabay hawak sa dalawang kamay ko at nasa boses niya ang labis na pag-aalala. "Opo, Ate huwag po kayong mag-aalala aalagaan ko po ang sarilli ko," paniniyak ko naman sa kanya. Pumakawala naman agad ito ng malalim na buntong hininga habang ang mga mata nito ay punong-puno pa rin ng pag-aalala. "Hindi mo naman kasi kailangang gawin ito, Len 'di ba sabi ko naman sa'yo kami na ng Kuya Isagani mo ang bahala sa'yo," litanya niya sa nag-aalala pa ring boses. Seaman si Kuya Isagani at mabait iyon dahil kahit siya ay ayaw niyang magtrabaho ako pero nakakahiya na kasi sa kanilang mag-asawa. Dahil may mga anak din sila at kahit na seaman na si Kuya Isagani ay minsan kinakapos pa rin talaga si Ate Shy sa pera, ayaw naman kasi siyang pagtrabahuin ni Kuya dahil mas mainam daw kung sa bahay lang ito. Kaya minsan ay kinukulang talaga si Ate sa pera dahil tanging sahod lang ni Kuya ang inaasahan niya. "Ate, kaya ko po ang sarilli ko kering-keri ko po ito," paniniyak ko kay Ate, at muli itong bumuntong hininga ng malalim. "Oh siya, sige mauna ka na at baka mahuli ka pa," wika niya. "Sige po, mag-iingat po kayo rito ng mga bata," paalala ko pa sa kanila. "Ikaw ang mag-ingat," paalala naman nito sa akin. Nagpaalam din ako sa dalawang bata at saka tuluyang lumabas. Pagglabas ko ay nilakad ko lang papunta sa paradahan ng jeep hindi naman kasi ito gaano kalayo at hindi pa naman mainit. Nakasakay din agad ako at dahil ako ang huling pasaherong sumakay ay umalis na rin agad ang jeep. Minuto ang lumipas ay nakarating na ako sa TLC ang laki-laki ng building at napakaganda pa ng desinyo nito. Ilang buntong hininga muna ang ginawa ko bago tuluyang tinungo ang kompanya first time ko kasi kaya medyo kabado pa ako. "Good morning, Ma'am, saan po tayo," bati agad sa akin ng guard na naka pwesto sa labas ng pintuan ng kompanya. "Good morning po, Guard ako po ang bagong secretary ni Mr. Gavin Lagdameo," tugon ko naman agad sa kanya. Nung araw na natanggap ako ay sinabi ng nag interview sa akin kung sino ang boss ko at kung ano ang posisyon niya. Isang CEO, si Mr Gavin Lagdameo at pamilya nila mismo ang may-ari ng kompanyang ito. "Sige ho, Ma'am pasok ho kayo," saad ng guard at pinagbuksan niya agad ako ng pintuan. Alam ko na rin kung nasaan ang office ni Mr. Gavin kaya doon na ako dumiretso napakadecente ng mga tao rito at halos lahat ay may itsura napaka presentable rin nilang tignan. Nakakamangha. Napatuwid ako ng tayo nang marating ko na ang office ni Mr. Gavin, tumikhim muna ako bago kumatok ng tatlong beses at hindi nagtagal ay bumukas din ito. Isang babaeng matanda ang bumungad sa akin kulot ang buhok nito at may salamin na din siya. "Good morning po, Ma'am ako po si Selene Veloso ang bagong secretary ni Mr. Gavin Lagdameo," pagpapakilala ko agad sa Ginang. "Good morning din sa'yo halika pasok," tugon naman niya at mukhang mabait naman siyang magsalita. Nang makapasok na ako sa loob ay malaki ang opisina rito may desk, shelves at maraming pang ibang gamit bukod sa mga iyon ay may isang pinto pang sarado at madilim na silid. "Ako nga pala si Cora ang senior assistant ni Sir Gav," pagpapakilala naman ng Ginang sa kanyang sarilli bilang Cora. "Selene, dahil ikaw na ang bagong assistant ni Sir Gav ay ito na rin ang magiging office mo," saad niya at ang tukoy nitong magiging office ko ay kung nasaan man kami ngayon. "At ang opisina ito ay ang kay Sir Gav naman." Turo niya sa madilim na silid. Sunod ay pinaliwanag sa akin ni Ma'am Cora ang dapat kong gawin sa araw-araw at dapat daw ay maging alerto ako 'lagi dahil strikto daw si Sir Gav. "Ito naman ang office ni Sir Gav, Selene," saad niya ng makapasok kami sa silid ni Sir Gav. Namangha ako sa laki at linis nito napakabango pa hindi mo iisiping lalaki ang may ari ng opisinang ito. "As you can see his office is very neat and clean. Ganito kalinis si Sir Gav pagdating sa office at mga gamit niya kaya dapat panatilihin mo itong malinis araw-araw." "Dapat mabilis ka dahil ayaw na yaw niya sa lahat ay ang babagal-bagal at dapat hindi ka niya maabotang naglilinis dito sa office niya," magkakasunod na litanya ni Ma'am Cora sa akin, at lumapit ito sa isang divider. "This is, Sir Gav," pakilala niya sa kay Sir Gav sa akin habang pinapakita ang picture nito sa picture frame. Kung hindi niya iyon pinakita sa akin ay hindi ko ito mapapansin at hindi lang pala isa ang picture na narito dahil marami pa. "Ang gwapong binata," wika ko sa aking isipan habang nakatingin sa litrato ni Sir Gav. Talagang gwapo siya sa litrato dahil nakaayos ang kanyang buhok at ang kinis ng kanyang pagmumukha may iilang balbas din siya sa mukha na bumagay naman sa kanya. "Tatapatin na kita, Selene kahit na napakagwapo nitong ni Sir Gav ay kabaliktaran naman ang ugali nito, napakamainitin ang ulo, at walang emosyon ang pagmumukha at laging nakakatakot kung magsalita." Napalunok naman ako sa sinabi ni Ma'am Cora hindi ko pa man siya nakikita pero parang pati ako ay takot na takot na rin sa kanya. "T-talaga po?" nauutal kong tanong kay Ma'am Cora. "Oo kaya dapat ingat na ingat ka sa bawat kilos mo kung ayaw mong masesanti agad," paalala pa ni Ma'am Cora. "One more thing, Selene, kapag tapos na ka ng maglinis sa office niya ay lumabas ka na agad dahil kapag naabutan ka pa niya rito ay naku makikita mo kung paano makawala ang isang tigre sa kanyang kulungan." Nasa pagmumukha ni Ma'am Cora ang takot pero parang sumusobra naman yata siya sa pag describe sa CEO, parang hindi lang kasi kapani-paniwala. "Ganun po ba? Sige ho huwag kayong mag-alala tatandaan ko po ang lahat ninyong sinabi sa akin," tugon ko na lamang sa kanya. "Bukas pa siya babalik dahil nagbakasyon pa sila ng pamilya niya sa States alam mo, Selene sa kanilang mag-anak si Sir Gav lang talaga ang masungit at suplado kasi ang babait naman ng mga magulang niya pati na rin ng kapatid bunsong kapatid niya, kung hindi lang talaga sila magkamukha ni Sir Gael ay masasabi mong ampon si Sir Gav." Wow, Marites! Napailing na lamang ako sa aking isipan dahil sa pagiging marites ni Ma'am Cora paano na lang kaya kung biglang sumulpot dito si Sir Gav? E, 'di nawalan pa siya ng trabaho. May ilang paalala pa ulit siya sa akin bago kami lumabas sa silid ni Sir Gav, at nagpaalam na rin si Ma'am Cora sa akin dahil mag iikot pa ito sa buong floor. Nang maiwan na akong mag-isa rito sa office ko ay napaisip ako kung tama ba lahat ang mga sinabi ni Ma'am Cora sa akin tungkol sa boss ko. Gusto ko na tuloy siyang makita at makatrabaho upang malaman kung totoo nga ba ang chismis sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.2K
bc

His Obsession

read
74.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.0K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook