Nandito na kami ngayon nina Mommy Alhena, at Aisha sa labas ng airport hinihintay na namin ang aming mga sa sundo. Galing kasi kaming mag-anak sa States we took one month vacation there with our Lolo Jemmuel like we always do evey summer. Gusto kasi ni Daddy Gael na mag bakasyon kami roon kahit isang buwan lang sa isang taon upang makabisita kay Lolo at ma check din namin ang lagay niya. May stage 3 cancer ang Lolo namin at hanggang ngayon ay nakikipaglaban pa rin siya sa kanyang sakit kung kaya’t kaming apat talaga ‘lagi ang pumupunta ng States para naman sumaya siya kahit papaano.
Pero ngayon tatlo lang kami ang umuwi dahil nagpaiwan muna si Dad doon para maalagaan pa niya si Lolo nang mabuti at may aasikasuhin pa siyang mga papelis sa kompanya namin doon.
“Gavin, hindi ka ba talaga sasama muna sa amin sa bahay?” tanong sa akin ni Mommy habang naghihintay pa rin kami sa aming mga sundo.
“No, Mom may kailangan kasi agad akong gawing trabaho for tomorrow’s meeting,” tugon ko naman agad sa kanya.
“Kakarating lang nga natin trabaho na agad ang asikasuhin mo,” sabat naman ni Aisha sa katarayang boses nito.
“Of course, Sha, work is very important to me,” saad ko naman.
“I know but, Kuya pwedeng mag relax ka muha kahit isa o dalawang araw man lang?” patanong niyang tugon.
“I already did, Sha ang dami ko ng pahinga,” tugon ko naman.
For the past two years of my life ay bahay at trabaho lang ang naging routine ko. Sometimes I drink and having fun with my friends too, pero sobrang dalang lang talaga tamad na kasi ako sa mga ganyang bagay. Nakakawala na ng gana at sa tingin ko ay matanda na ako para sa mga ganyang bagay.
“Fine, as if namang may magagawa pa kami ni Mommy,” mataray niyang wika at umirap pa talaga siya na kinatawa ko na lamang.
Si Aisha ang sobrang na b-bored sa buhay ko at ewan ko sa kanya kung bakit. E, kung ako naman kasi ang tatanungin ay okay naman ang buhay ko nag eenjoy pa nga ako.
Maya-maya lang ay dumating na rin ang sundo nina Mommy at Aisha samantalang ang sundo ko namang si Banjo na best friend ko ay wala pa. Tinulungan ko muna ang driver sa pagkarga ng mga bagahe nina Mommy sa likod ng sasakyan mabibigat kasi ang mga ito at marami pa, panay kasi ang shopping doon ni Aisha.
“Ingat kayo sa biyahe, Mom,” paalala ko kay Mommy sabay halik sa kanyang pisngi at ganun din kay Aisha.
“Ikaw rin, anak mag-ingat ka sa condo mo and take care of yourself always, okay? And if you have time visit us,” bilin naman sa akin ni Mommy.
“I will, Mom,” nakangiting tugon ko naman agad, at agad na rin silang sumakay ng kotse saka umalis.
Maya-maya lang din ay dumating na rin ang best friend kong si Banjo dala-dala nito ang kotse ko, sinabihan ko kasi ito kahapon na kotse ko ang gamitin niya pang sundo sa akin. Since high school ay best friend ko na si Banjo kaya kilalang-kilala na talaga namin ang isa’t-isa at siya rin ang may alam kung gaano ako nasaktan sa una kong pag-ibig.
“Gavin!” tawag niya sa akin ng makababa na siya ng kotse.
“Kanina ka pa ba?” tanong niya.
“Nope, kakarating lang naman namin,” tugon ko, habang kinukuha na namin ang mga bagahe ko sa big cart.
“Sina, Tita Alhena at Aisha nauna na?” tanong ulit niya.
“Yeah,” tipid kong tugon, habang kinakarga na namin ang mga bagahe sa likod ng sasakyan.
Pagkatapos naming ikarga ang mga bagahe sa likod ng sasakyan ay sumakay na ako sa passenger seat at siya naman sa driver seat.
“So, how’s States?” tanong niya habang nasa biyahe na kami.
“Nothing new,” tamad kong tugon.
“Hindi ka man lang ba naka score sa States? O, wala ka man lang bang natipuhan doon?” magkakasunod niyang tugon. Kahit kailan talaga loko-loko itong si Banjo.
“Sira! Ano akala mo sa akin ikaw?” buska ko sa kanya at humagalpak lamang ito ng tawa napailing na lamang ako.
Kahit nasaktan na ako dahil sa pag-ibig ay ni minsan hindi sumagi sa isip kong makipag one night stand sa mga babae o, magpapapalit-palit ng nobya. It’s not my thing. Lalo pa’t may kapatid akong babae at si Mommy din ay iniisip ko.
“Come on, Gavin it’s been 2 years, why don’t you find someone new,” saad niya sa seryoso na niyang boses, na ikinatawa ko na lamang.
“For what? To lose another game again and for another heartbreak?” nang-uuyam kong mga tanong sa kanya.
“Hindi lahat ng babae katulad ni Wen—” Pinutol ko na ang dapat nitong sasabihin.
“Hey, shut up! I don’t wanna hear that name again,” galit kong turan.
Ayaw na ayaw ko ng marinig ulit ang pangalan ng ex-girlfriend ko dahil alam kong babalik lang ulit ang sakit na dinanas ko noon sa relasyon naming dalawa.
Minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa condo ko pinatuloy ko muna si Banjo sa unit ko dahil may mga pasalubong akong ibibigay sa kanya.
“Papasok ka na ba bukas sa TLC?” tanong niya sa akin sabay upo sa sofa.
“Hindi pa muna may meeting pa ako with Mr. Lee bukas sa Batangas,” tugon ko.
“Hindi ka ba pagod? Kakarating mo lang mag B-batangas ka na agad bukas?” magkakasunod niyang tanong.
“I rest too much, at kahit naman magpahinga pa ako matatambakan lang din naman ako ng trabaho sa office,” litanya ko.
“Sa bagay.”
Kaagad ko ng binuksan ang luggage ko at binigay ko na sa kanya ang mga pasalubong na para sa kanya agad naman itong natuwa lalo na sa bigay kong alak.
“The best ka talaga, Gavin!” abot tengang wika niya at tinapik-tapik pa nito ang balikat ko.
“Sige na umalis ka na para makapagpahinga na muna ako,” taboy ko na sa kanya medyo inaantok na kasi ako.
“Tikman muna natin ‘tong dala mo.” Wala talagang pinipiling oras ang lalaki ito kapag nakakita ng alak.
“Drink it with yourself, Banjo kailangan ko munang magpahinga,” pagod kong turan.
“Okay sige magpahinga ka muna pero dapat bukas hindi ka na pwedeng humindi,” babala pa niya na ikinatawa ko na lamang.
“Fine, fine layas na!” taboy ko na ulit sa kanya at pumayag na lang ako sa sinabi niya para tumigil na siya.
Muli ako nitong tinapik sa aking balikat at saka tuluyang umalis sa aking unit, paglabas niya ay dumeritso na agad ako sa kwarto naglinis lang ako sandali ng aking katawan sa banyo at saka nagpahinga.
KINABUKASAN, maaga akong nagising dahil maaga pa ang meeting ko sa Batangas Mr. Lee bago ko simulan ang lahat ng gawain ko sa araw na ito ay nagpapadala muna ako ng morning text kay Mommy like I used to do every morning. Alam ko kasing palaging nag-aalala iyon sa akin kahit na wala naman akong sakit hindi lang sa akin dahil pati na rin kay Aisha. Ganun kami ka mahal ng Mommy maging si Daddy ay ganun din napakaswerte namin ng kapatid ko sa kanila lalong-lalo na talaga ako. Hindi ako tunay na anak ni Mommy at tiyuhin ko naman si Daddy pero sila ang tumayong mga magulang at ni minsan ay hindi nila ako pinabayaan at hindi ko naranasang hindi nila ako tunay na anak.
Pagkatapos kong i text si Mommy ay agad na akong nagtungo sa banyo upang maligo minuto lang ay tapos na rin ako kaagad na akong nag-ayos ng aking sarilli at saka na tuluyang umalis.
Habang nasa biyahe ay tinawagan ko ang senior assistant kong si Cora tungkol sa bago kong secretary.
[Hello, Sir Gav good morning] magalang na bungad sa akin ni Cora
[Nakapag hire na ba kayo ng bago kong secretary?] tanong ko.
[Yes, Sir Gav would you like me to send her details on your email?] tanong naman niya.
[No babalik na rin naman ako bukas sa kompanya. Just make sure that you gave her all the instructions especially my rules] maawtoridad kong saad sa kanya.
[Okay naman po ang bagong secretarya ninyo, Sir Gav at lahat po ng rules ninyo ay alam na niya nabigay ko na rin po lahat ng instructions sa kanya] mahaba niyang litanya.
[Good]
After I said those word I already drop the call, siguradohin lang niya na tamang sekretarya na ngayon ang nakuha niya dahil kung hindi ay siya na ang tatanggalin ko bilang senior assistant ko. Sa loob kasi ng dalawang taon ay wala akong naging matinong sekretarya kung hindi magnanakaw mga bastos naman. Mga babae talaga ngayon ng mga delikadesa at walang respeto sa mga katawan nila. That’s why I hate women I didn’t even know.