CHAPTER 3

2046 Words
“Jemmuel and Gael must be so proud of you, Gavin dahil sa galing mo pagdating sa negosyo,” puri sa akin ni Mr. Lee pagkatapos ng meeting namin. “Hindi sila nagsising sa’yo ipamana ang TLC,” dagdag pa niya, at tinapik pa ako nito sa aking balikat. “Thank you, Mr. Lee,” pasalamat ko naman agad sa kanya habang nakangiti. I was just Fifteen years old when Daddy said that I should follow his footsteps when it comes to business. Alalang-alala ko pa iyon dahil muntik pa silang mag-away nun ni Mommy dahil sa kagustuhan ni Dad. (Flasback) “Gavin son malapit ka ng matapos sa highschool, what course do you want for college?” tanong sa akin noon ni Mommy habang kumakain kaming apat sa aming hapag. “Gavin should take business course dahil siya ang magmamana ng TLC,” sabat naman ni Daddy noon. “No, love let Gavin choose what he wants,” giit ni Mommy kay Daddy. “Love, lalayo pa ba ang anak natin? E, samantalang may kompanya na tayo so, it would be better if he’ll take a business course,” giit din ni Daddy noon. “But—” pinutol ko na noon ang dapat na sasabihin ni Mommy. “Mommy, Daddy, relax I’m old enough so please let me choose what I really want,” wika ko noon. “Pero, son lalayo ka pa ba? We have business and by the time na grumaduate ka na ay may trabaho ka na agad,” Insist talaga sa akin noon ni Dad. Napagtanto kong tama noon si Daddy hindi na ako lalayo pa lalo na’t may kompanya na kami at siguro nga ay nasa dugo talaga naming mga Lagdameo ang pagiging negosyante dahil business course nga ang kinuha ko noong college at naging salutatorian ako. Lahat sila ay naging proud sa akin lalong-lalo na si Mommy dahil halos umiyak pa talaga siya nun noong graduation ko. “I’m so proud of you, Gavin! “ naluluhang saad niya. “Thank you, Mom kayo po nina Daddy at Sha ang dahilan kung bakit ako naging salutatorian dahil kayo po ang inspirasyon ko,” madamdamin ko namang tugon noon. “Congratulations, Gavin! Proud na proud ako sa’yo,” nakangiting saad din noon sa akin ni Daddy. “Me too, Kuya Gavin I’m so…so proud of you,” dagdag pa ni Aisha. I really did my very best to be on the top always dahil gusto kong bigyan ng kasiyahan ang mga magulang ko. And luckily ay hindi ko naman sila nabigo noon. (End of Flashback) Maya-maya lang din ay nagpasya na rin akong magpaalam kay Mr. Lee dahil nakakaramdam na rin ako ng pagod at antok buong maghapon kasi kaming nag meeting. Dahil malalim na ang gabi ay nag check in na lang muna ako sa isang hotel dito sa Batangas bukas na lang ako uuwi sa madaling araw. Pagdating ko sa hotel ay agad akong kumuha ng kwarto para makapagpahinga na agad ako ng maibigay na sa akin ng babaeng ang susi ng kwarto ay may kasama itong maliit na papel. Hindi ko muna ito binuksan dahil sumakay na agad ako ng elevator upang tungohin ang floor ng kwarto ko. Nang makapasok na ako sa kwarto ay saka ko lang tinignan ang papel na binigay ng receptionist at kaagad na uminit ang ulo ko dahil sa nakita ko. “Tsk! So, desperate,” I mumured. It was her name and her number was written on the paper. Mga babae talaga ngayon masyado na nilang binababa ang mga sarilli nila. Wala na talaga sigurong matitinong babae sa panahon ngayon. Dahil sa inis ko ay pinunit ko ang papel at tinapon sa trash bin kung hindi lang talaga ako pagod ngayon ibabalik ko sa kanya ang papel at ipapakain. Nagpasya na lamang akong maligo para mawala na ang init ng ulo ko at para prumesko na rin ang aking pakiramdam. Pagkatapos kong maligo ay sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha mula sa kama upang tignan kung sino ang tumatawag. It’s Aisha kaya agad ko itong sinagot. [Hello, Sha?] sagot ko sa kanya sa kabilang linya. [I just call to remind you that my birthday is coming] turan niya. Agad naman akong napaisip sa sinabi niya dalawang linggo pa bago ang birthday niya pero ngayon pa lang ay pinaalalahanan niya na ako. [Relax, Sha it’s too early] wika ko. [Pero kailangan na kitang e remind ngayon pa lang dahil baka makalimutan mo na naman] malungkot niyang saad. I remember, one time I forgot her birthday because of my hectic schedule even though she told me a week before her birthday. Grabe ang tampo niya pati si Mommy ay nagtampo rin dahil hindi ko man lang daw nagawan ng paraan makadalo sa birthday ng bunso namin. [Fine, I will be there and that’s a promise] paninigurado ko sa kanya. [Really, Promise?] pag-uulit pa niya na parang bata. Natatawa na lang talaga ako sa kapatid kong ito she’s already a teacher but she still act like a student. [I will] wika ko, at saka na ako nagpaalam sa kanya. Pinatay ko na agad phone ko pagkatapos niyang mag b-bye nagbihis na rin agad ako at nahiga na sa kama hindi na ako nag abalang kumain dahil mas gusto ko na matulog. *** KINAUMAGAHAN, alas tres pa lang ng umaga ay nagising na ako dahil uuwi na ako at papasok na sa trabaho. Kaagad na akong bumangon at inasikaso ang aking sarilli pagkatapos ay inasikaso ko na rin ang mga dala ko. Sinigurado kong wala akong makakalimutan dahil may kalayuan ang lugar ko sa Batangas. Pagkatapos kong gumayak ay lumabas na ako ng kwarto at tinungo ang elevator upang sumakay pababa sa ground floor. Saglit lang ay nasa ground floor na rin ako at sinurrender ang susi sa receptionist saka tuluyang lumabas na ng hotel at tinungo ang aking kotse sa parking area. Nilagay ko muna ang dala kong bag sa passenger seat saka umikot sa driver seat agad kong binuhay ang makina ng kotse ko at saka tuluyang nilisan ang hotel. Sa mansion muna ako ng mga Lagdameo didiretso, bibisitahin ko muna roon sina Mommy at Aisha panigurado ay miss na ako ni Mommy kahit ako ay miss ko na rin siya. After almost two hours I finally reach the mansion and it’s already five in the morning and I’m sure that Mommy is already awake. Maaga naman kasi siya ‘laging nagigising sumasabay kasi siya sa pagising ni Dad para maasikaso niya ito. “Good morning, Sir Gavin,” bati sa akin ng kawaksi ng pagbuksan niya ako ng pintuan. “Morning, is mom awake?” ganting bati ko sabay tanong. “Yes po, Sir nandun po sila ni Ma’am Aisha sa pool area,” turan ng kawaksi, at isang beses ko itong tinanguan bilang tugon sa dumeritso sa pool area. “Good morning!” bati ko sa kanila at sabay naman silang napalingon sa akin. “Kuya, you’re here, where’s my pasalubong?” nakangiting saad ni Aisha sabay lapit sa akin, napailing na lamang ako habang ngumingiti dahil parang bata na naman ang inasal niya. “You didn’t ask for pasalubong, Sha,” wika ko sabay halik sa pisngi niya at sunod ko ng hinalikan ay si Mommy. “Do I have to remind you? Hindi ba pwedeng dalhan mo na lang ako?” nagtatampong turan niya, kaya nagkatinginan naman agad ni Mommy. “I’m sorry, pagkatapos kasi ng meeting ko kagabi ay dumeritso na ako sa hotel para magpahinga.” “Feeling ko talaga, Kuya hindi mo ako love,” nakasimangot niyang wika. “That’s not true, Sha sobrang mahal kita sadyang busy lang talaga ako,” malambing ko naman turan sa kanya. “Ano ba kasi sanang pasalubong ang gusto mo?” tanong ko sabay ipit ng buhok niyang nagkalat sa mukha nito. “Anything basta galing sa’yo,” tugon naman agad niya. “Sige mamaya bibilhan kita ng pasalubong sa Batangas,” wika ko at agad namang nanlaki ang mga mata niya. “What? You mean babalik ka ulit sa Batangas para sa pasalubong ko?” hindi niya makapaniwalang mga tanong sa akin. “Yeah,” turan ko naman agad. “But, Kuya malayo ang Batangas,” nag-aalalang sabi niya. “Two hours lang naman, at importante naman ang ipupunta ko roon e.” ‘Di baleng malayo basta mabilhan ko lang siya ng pasalubong para makabawi naman ako. Mahal na mahal ko ang kapatid ko at ayoko na siyang makitang umiyak ulit kaya sisikapin kong ibigay ang mga hiling niya as long as kaya ko naman. “Gavin, are you serious?” tanong naman ni Mommy sa nag-aalala din niyang boses. “Yeah, Mom it’s not that hard,” turan ko naman, at isang ngiting pasasalamat naman agad ang tinugon niya sa akin. Nagpasya na kaming kumain ng almusal at nasa kalagitnaan na kami ng pagkain namin ng biglang sumulpot si Banjo rito sa bahay. “Good morning, Lagdameo’s!” magiting niyang bati sa amin, sabay lapit sa amin at nagbeso kina Mommy at Aisha. “Have a sit, Kuya Banj,” aya ni Aisha kay Banjo, at agad namang umupo si Banjo sa tabi ko. Niyaya rin siya ni Mommy na kumain pero nagkape lamang ito dahil masakit daw ang ulo niya at sigurado akong dahil na naman iyon sa alak. “Anyways, Gavin sasabay na ako sa’yo sa TLC, dahil may kailangan akong e discuss sa’yo,” wika niya. He’s one of our Engineers at siya ‘lagi ang kasama ko sa mga projects, magaling siya sa larangan ng paggawa ng mga buildings pati na rin sa pag design. “Sige,” tugon ko sa kanya. “By the way, Tita Alhena wala po ba talagang naging jowa itong kaibigan ko nung nasa States pa kayo?” tanong niya kay Mommy, na ikinatawa lamang ni Mommy ng mahina. “Hindi nga iyan lumalabas ng bahay e,” natatawang turan naman ni Mommy. “Come on, Gavin mag jowa ka na ulit.” Kaagad ko siyang pinukol ng matalim na tingin nakakairita na kasi. “Ito. Kung sino man ang babaeng makikita mo mamaya sa loob ng office mo ay siya ang magiging girlfriend mo,” wika niya na animo’y pumupusta. Napatingin naman kaming lahat kay Aisha nang tumawa ito ng malakas tawang-tawa talaga siya at hindi namin alam kung bakit. “Hey!” saway ko sa kanya. “Sorry pero parang sira kasi itong si Kuya Banj, e,” wika niya at muli na naman siyang tumawa at mas lumakas pa kaya pati si Mommy ay sinaway na rin siya. “Are you serious, Kuya Banj? E, ni ayaw nga ni Kuya Gavin na may maiwang tao sa office niya e,” tumatawang wika pa rin niya. She’s right ayaw na ayaw kong may pumasok sa office ko ng wala pa ako. I hate when someone is invading my space. Iyon ang tanging bilin ko kay Cora na kapag tapos na ang sekretarya ko sa paglilinis sa office ko ay lumabas na agad ito. “That’s my point, Sha malay natin meron and if ever meron nga it’s destiny.” Napailing na lamang ako sa sinabi ni Banjo. “Ay sige-sige pusta rin ako riyan.” “What?! Can you stop that nonsense,” naiinis kong sambit sa kanilang dalawa. “Walang nonsense nonsense kapag pag-ibig na ang pag-uusapan, Kuya,” giit pa ni Aisha. “You’re unbelievable! ” umiiling kong wika, at tumayo na ako mula sa silya dahil tapos na rin naman ako. “Maybe it’s time na rin, anak,” wika naman ni Mommy, sabay tayo mula sa kinauupuan niya at lumapit sa akin. “Why don’t you try again, anak you’re still young at malay mo this time tamang pag-ibig na ang mahanap mo, ” wika ulit ni Mommy. “Maybe this time you’ll find the one that god has arrange for you,” dagdag pa niya. The one that God Arrange? Is it still possible? Does that one that god arrange still exist? I don’t think so. At kung saka-sakaling may babae nga akong makita mamaya sa office ko sigurado akong hindi siya ang itinakda para sa akin dahil wala akong balak pang umibig ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD