"KINAKABAHAN ako. We need to make a good impression. A-attend sa party natin ang sikat na Filipino interior designer na naka-base sa Los Angeles. Do you think this is classy enough? Magugustuhan kaya niya ang party natin?” kinakabahang tanong ng executive assistant ni Don Felipe na si Ma’am Judith. “Siyempre naman po, Ma’am. Presidente nga ng Pilipinas na-impress sa mga dating parties na kayo ang nag-organize. No worries,” paniniyak ni Nadia sa matandang babae. Anniversary ng Deogracias Furniture sa One Canvas sa Makati at imbitado ang sikat na interior designer na si Caroll San Agustin. Interesado daw ito na idala ang produkto nila sa Amerika at ilagay sa tahanan at vacation houses ng mga Hollywood celebrity. Nao-overwhelm ang mga tauhan ng kompanya dahil sa magandang oportunidad na

