“ARE you ready for our next meeting?” tanong ni Jameson nang matapos ang meeting nila sa Davao City. Tiningnan ni Nadia ang relo. “Anong meeting? Alas singko na ng hapon. Wala naman dapat tayong meeting ngayon.” “We should be at Samal Island. Dadalawin natin ang resort doon. They request our presence as guests. Hindi mo ba nabasa ang bagong memo?” “Anong memo?” tanong ng dalaga. Inilabas nito ang smartphone at ipinakita sa kanya ang email ni Don Felipe. “We must travel once a month to learn more about different places. Pag-aaralan natin ang mga interior ng iba’t ibang resort at establishment. And we also have invitations to feature the resorts na client ng Deogracias Furniture. Dapat daw i-feature ko sa blog ko. Magandang exposure daw ang ginawa natin sa Isabela considering na tour l
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


