Chapter 2

2319 Words
“Jollibee, my friend. Kumusta ka na? Long time, no see. Na-miss kita.” Parang batang nagtatakbo papunta ng estatwa ni Jollibee si Jameson at nakipag-hi-fove dito. Pumikit na lang si Nadia kaysa makita ng lalaki ang pagtirik ng mga mata niya. Gahd! Akala ko naman pasaway na matanda ang babantayan ko. Di naman sinabi sa akin na isip-bata pala ito. “Hey! Nadia, come here,” tawag ni Jameson sa kanya at umiling. Umiling siya. “Hindi. Kayo na ni Jollibee ang bahala. Oorder na ako sa loob. Baka gutom ka na rin.” Parang gusto na lang niyang magpanggap na hindi niya kakilala si Jameson. Nakakahiyang maging yaya nito. “No. Dito ka lang. Kuhanan mo kami ng picture ni Jollibee,” sabi ng lalaki at inakbayan ang estatwa ni Jollibee. Inilabas nito ang cellphone at inabot sa kanya. “Kuhanan mo kami ng picture please?” Wala siyang choice kundi kunin ang cellphone mula dito pero nagitla nang makita na basag-basag ang iPhone 5s nito. “Anong nangyari dito sa cellphone mo?” “Nalaglag nang nag-rock climbing ako sa Nicaragua.” “Gumagana pa ba ito?” tanong niya at parang gusto nang dalhin ang cellphone nito sa huling himlayan. “Oo naman. Matibay iyan. Saka marami na kaming pinagdaanan.” At nagpogi pose pa ito habang nakaakbay kay Jollibee. Nakangiwi siya nang kunan ito ng picture. Parang gusto niyang i-donate ang lumang cellphone niya na kinailangan niyang palitan dahil may company phone na siya. Paanong ang anak ni Don Felipe ay maaatim gumamit ng basag-basag na cellphone? Nakalimang shots sila bago pa pumayag ang lalaki na pumasok na sa wakas ng Jollibee. “Thanks. Tiyak na maiinggit ang mga kaibigan ko kapag nakita nilang nakapag-Jollibee ako,” sabi nito at pumikit. “I feel at home now.” “Ano ang gusto mong order-in?” tanong niya at dumukot sa wallet. “It’s okay. My treat,” sabi ng lalaki na kuntodo ngiti sa cashier. “Anong gusto mo?” “Spaghetti and chicken lang saka fries,” sabi niya. “Pineapple juice ang drinks.” “Okay. Ako na ang bahala dito. Hanap ka na ng upuan natin,” sabi naman nito. Pinili ni Nadia ang window seat at pinagmasdan ang mga nagdadaang sasakyan. Maya maya pa ay hangos siyang nilapitan ni Jameson. “Hi! May konting problema lang. Wala pala akong cash dahil nagastos ko sa stopover ko sa Hong Kong. Pwede mo ba akong pahiramin? Ibabalik ko kapag nakapag-withdraw na ako.” Great. Wala naman palang pera. Ayoko sa lahat ‘yung lalaki na malakas ang loob magyaya ng libre sabay wala naman palang pera. What a turn off. “Ooookay, How much?” tanong niya at inilabas ang wallet. “Five hundred lang,” sabi ng lalaki. Inabutan niya ito ng five hundred peso bill. “Never mind. Ipapa-reimburse ko na lang sa office,” sabi niya. “Ibigay mo na lang sa akin ang resibo.” “Hindi. Babayaran pa rin kita,” giit nito at nagpasalamat. Sinundan na lang niya ito ng tingin habang papunta sa counter. Pwede bang magpalipat na lang ako ng department. Di ko alam kung kakayanin kong makasama siya. Masakit sa bangs. O gusto ko ba talagang makita ang Deogracias Furniture sa mga kamay niya? Wala naman siyang choice kundi manatili sa tabi nito. Isa itong challenge na ibinigay sa kanya ni Don Felipe. Kung matutulungan niya na maging handa ang anak nito sa pamamahala ng Deogracias Furniture, ibig sabihin ay nagawa niya ang trabaho niya. “There you go,” nakangiting sabi ng lalaki pagbalik at inilapag ang orders sa mesa. “I miss this. It tastes different compared to the one they serve abroad. Mas mahal pa. Iba pa rin ang original na lasa.” Inilapag nito ang choco fudge sundae at peach mango pie sa harap niya. “I don’t...” “Eat dessert?” dugtong nito. “Come on. Celebrate with me. After six years, bumalik na ako sa Pilipinas. Minsan lang ito. Pagbigyan mo na ako. Or do I have to play the boss card?” “Alright,” sabi niya at nagsimula nang kumain. Wala siyang magagawa dahil technically ay boss niya ito. He is the heir of the company, after all. Bago kumain ay tahimik siyang nagdasal. Nang iangat niya ang tingin ay kinuhanan muna nito ng picture ang in-order at saka nag-selfie. “Hey! Sama ka sa picture,” sabi nito nang sinadya niyang umiwas. “Para makilala ka rin ng ibang friends ko.” Umiling si Nadia. “Ikaw na lang. Hindi ako mahilig magpa-picture,” aniya at umiwas ng tingin. Hindi rin siya interesado sa mga kaibigan nito na malamang ay wala ring inisip kundi paano ang magliwaliw sa mundo. Nag-post muna ito ng pictures sa account nito bago kumain. “My friends will be worried if I don’t update them on my whereabouts every now and then. I miss them a lot.” Nami-miss nito ang mga kaibigan pero ni hindi man lang nito lingunin ang sariling ama. Kundi pa nalamang may sakit ang ama nito ay parang wala itong pakialam. Sabagay mas masarap ang magliwaliw kaysa ang humarap sa responsibilidad. “It must be cool traveling around the world and having a grand vacation,” komento ni Nadia habang kumakain ng spaghetti. “Hindi bakasyon ang ginawa ko. That’s work.” Tumaas ang kilay niya. “Work?” “Yes. I am a travel blogger. I have video blogs on the internet. Resort owners and businesses ask me to come and feature their establishments.” “Sikat ka pala.” Di man lang niya nadama. Palibhasa ay wala sa mundo ng pagbibiyahe ang “I am at the top ten most popular travel blogger in the world,” pagmamalaki nito. “Not really that popular.” “Ang humble mo, ‘no?” sarkastiko niyang sabi. “Thank you. Napansin mo rin pala.” “Kain ka pa,” sabi ni Nadia at inilapit pa dito ang French fries. Please. Kumain ka na lang. Okay na. Di na ako magtatanong tungkol sa iyo. Mas mahangin ka pa sa aircon. Nilalamig na ako. “Ilang taon ka na sa kompanya?” tanong ng lalaki. “Six years,” sagot niya. “Ilang taon ka nag-start? Fifteen?” nanlalaki ang mata nitong tanong. “Eighteen,” paglilinaw niya. “Nag-start as summer job then naging part-timer na ako. Hanggang maka-graduate ako, sa kanila na ako nagtrabaho kaya marami akong alam tungkol sa kompanya.” “Wow! You are so dedicated to the company. Ni hindi mo naisip na lumipat? ” Umiling siya. “I like my job. Mababait ang mga tao doon. Marami akong natutunan at sa palagay ko malaki rin ang pwede kong i-contribute sa kompanya.” “Are you married?” Saglit siyang natigilan kung sasagutin ba ang tanong nito o hindi. “I am not.” “Boyfriend?” Umiling siya. “Seriously dating?” “I don’t have time,” nausal niya at huminga ng malalim. “I am busy.” “I guess you are one of those ultra independent women. O baka hindi mo pa lang ako nakikilala,” sabi nito at mapang-akit na ngumiti. “Will you go out on a date with me?” Ikiniling niya ang ulo. “Wala kang pagsisingitan sa schedule ko. I am sorry.” Saka mo na ako yayain ng date kapag di na ako mag-aabono sa date natin. “I know you will find time for me. Kapag may gusto, may paraan.” Maasim siyang ngumiti. Huwag kang mag-aalala. Di ako mauubusan ng dahilan para di ka i-date. Kasehadong pati global warming isisi ko sa iyo. “Sarap ng bagong burger nila, no? Kain pa more,” pag-uudyok niya sa lalaki. MATAGAL NA nakatayo si Jameson sa hardin. Ilang minuto na silang nakatayo sa labas ng villa sa Ayala Hills sa Quezon City pero mukhang wala pa rin itong balak pumasok. Nakabuka ang mga kamay nito na parang dinadama ang hangin. Naiinip na habang nakatayo doon si Nadia. Di niya alam kung may ka-commune itong mga ispiritu o mga lamang-lupa. Papadilim na at nagsisimula nang papakin ng lamok ang dalaga pero parang wala pang balak ang lalaki na pumasok sa loob para masimulan niya ang pagle-lay down ng itinerary nito sa araw na iyon. “Wala na si Mama pero pakiramdam ko nandito pa rin siya,” usal nito habang nakapikit pa rin. “Halos hindi nagbago itong villa kahit na matagal na kaming wala ni Mama.” “Sa palagay ko gustong I-preseve ni Don Felipe ang bahay na ito para sa iyo. Para kapag siguro umuwi ka ulit, katulad pa rin ng dati.” “Wala lang siyang oras na pag-isipan ang tungkol sa bahay. Kahit naman noon, sa opisina na siya nakatira. Ni hindi siya umuuwi dito. Halos di namin siya nakikita ni Mama,” anito sa mapait na boses. Sixteen years old ito nang maulila sa ina dahil sa colon cancer. Ayon sa matagal nang personal assistant ni Don Felipe na si Liberty, mula nang mawala ang ilaw ng tahanan ng mga Deogracias ay naging malamig lalo ang pakikitungo ng mag-ama sa isa’t isa. Pagka-graduate ni Jameson ay ibinenta nito ang ilang mga gamit kasama ang mamahaling sportscar na regalo dito ng ama at nagbiyahe sa kung saan-saang parte ng mundo. Ayon kay Don Felipe, wala namang problema dito kung magbiyahe ang anak nito. But he was hoping it was with luxury and style. But Jameson adapted the nomad lifestyle. He even had to do odd jobs just to survive most of the time. Mas gugustuhin nitong maghirap kaysa ang humarap sa responsibilidad na naiwan sa Pilipinas. Subalit ngayong nagbalik na ito, parang isa itong bata na bumalik sa kabataan. Sa pagkakataong ito, oras na upang harapin nito ang responsibilidad bilang isang Deogracias. Mukhang may gap ang mag-ama. Pero di niya iyon problema. Di siya pwedeng maipit sa gulo ng mga ito. Naroon lang siya para magtrabaho. Di niya pwedeng ihalo ang emosyon niya sa pakikitungo kay Jameson. “Pinaghandaan niya ang pagbabalik mo. Gusto mo bang makita ang kuwarto na ipinaayos niya para sa iyo?” tanong niya. Sumunod ito sa kanya. Nasa second floor ang kuwarto. Isang dating guestroom na binago para lamang umakma sa panlasa ni Jameson. Modern ang disenyo. Habang makaluma ang ibang bahagi ng bahay, bukod-tangi ang silid na iyon sa lahat. Dark blue at gray ang kulay. Pang-bachelor magin ang mga furniture na gawa mismo ng pinakamagaling nilang designer at craftsmen. Pinasadya para lang kay Jameson. “Ito ang magiging trend sa interior design sa susunod na taon. Usually sa mga bachelor pad ito bagay. Gusto ni Don Felipe na ito ang maging design ng kuwarto mo para may touch ng sophistication,” paliwanag niya dahil siya ang nakipag-coordinate sa interior designer. Nanghaba ang nguso ng binata. “I don’t like it.” “Bakit? May kulang ba? May gusto ka bang baguhin?” tanong niya. Inilahad nito ang palad. “I think its boring. Walang kabuhay-buhay. Hindi ako makahinga sa kuwarto na ito.” “It’s fit for a bachelor like you.” “It’s cold and stiff. There’s no way that I will stay in this room.” “Ano ang gusto mo? Babaguhin ba natin ang interior design? Ayaw mo ba dito sa villa? Gusto mo ba ng sarili mong condo?” Mahigpit ang bilin sa kanya ni Don Felipe na ibigay ang lahat ng gusto nito. Ayaw ng matandang lalaki na magkaroon ng kahit anong maliit na rason para hindi manatili sa Pilipinassi Jameson. Kung kukuha man ito ng condo, maidadala nito ang kahit sinong babae na gusto nito. Walang kukuwestiyon sa mga galaw nito. Di tulad sa villa. May mga kawaksi itong kasama sa bahay. Guwardiyado ang kilos nito. Di ito basta-basta makakapagsama ng babae sa kuwarto. “I want my old room back,” sa halip ay sabi ng lalaki. “Your old room?” “Oo. Iyong kuwarto ko noong bata pa ako.” Lumabas ito ng kuwarto. Hinahanap marahil nito ang kuwarto nito noong bata pa ito. “Seryoso ka ba?” mahina niyang usal. Paano naman niya maibabalik dating kuwarto nito. It must have been renovated already. O kaya ay ginawang bodega. Sinundan ni Nadia ang lalaki. Tumigil ito sa isang silid na nakasara. Pinihit nito ang seradura pero naka-lock ang pinto. “Manang, nasaan po ang susi dito sa kuwarto ko? Gusto ko pong makita.” Maya maya pa ay bumalik ang matandang babae na may dalang susi. Umaliwalas ang mukha nito nang mabuksan ang isang silid. “My old room is still here!” Nagtatakbo si Jameson papasok sa kuwarto. Pambata nga ang kuwarto. Puno iyon ng laruan. Mga robots, cartoon characters, anime at tadtad ng poster ng mga football players, basketball, wrestler. Parang iyon na ang kuwarto ng lalaki mula noong ipanganak ito. “Well, pambata ang kuwarto na ito,” sabi ni “That’s why I love it here.” Tumalon ito sa kama na parang bata. “Gusto ko dito na lang ako.” Dinampot nito ang miniature robot ng Bioman. “Pare, kumusta ka na? Na-miss ba ninyo ako? Na-miss ko rin kayo! Nagtatampo siguro kayo dahil hindi ko kayo naisama.” Nagbago ito ng boses na parang robot. “Okay lang. Bumalik ka naman.” Gahd! Mababaliw ako sa lalaking ito. Sino ang twenty-seven year old na lalaki ang nakikipaglaro pa rin sa robot na laruan hangang ngayon? Hindi niya alam kung paano nito pamamahalaan ang kompanya. Baka mamaya ay I-donate pa nito sa mga alien ang Deogracias Furniture. Itinutok nito ang robot sa direksyon niya. “Sino ang magandang babaeng iyon? Girlfriend mo ba?” tanong nito sa boses ng robot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD