Chapter 3

7571 Words
Nangilabot si Nadia nang titigan siya ng robot ni Bioman. Girlfriend? Kinakausap ni Jameson ang robot nito tungkol sa kanya. Mauutas ang katinuan niya sa lalaking ito. Ano ba naman ang napasukan ko? Tumawa si Jameson. “No. That’s Nadia who will be my angel from now on. She will be my teacher, assistant and everything I want her to be.” “Strictly professional,” aniya sa pormal na boses. Gustong niyang batukan ang sarili. Bakit ba niya pinapatulan ang pagkaisip-bata nito? E di pati siya ay parang nakipag-usap na rin sa robot ni Bioman? Nakangising tumingin ang binata sa kanya. “Not to disappoint her, I can indulge her if she wants to be my girlfriend.” Maasim na lang na ngumiti si Nadia dahil ayaw niyang ma-offend ang robot ni Bioman kung papatulan niya ang pag-iilusyon ni Jameson na may interes siyang maging girlfriend nito. Wow lang! Parang isang malaking karangalan kapag pumayag itong maging boyfriend ko. Ako pa talaga ang lumalabas na manliligaw. Ibang klase ka, Jameson. Malayong-malayo ito sa tatay nito na seryoso at responsible. Wala itong oras sa pag-e-enjoy man lang. Kaya nga idolo niya ito. Habang ang anak nito ay mas gusto yata na maging bata habambuhay. “Gusto mo na bang mag-dinner? Magpapahain na ako,” alok niya. Humilata ito sa kama at ang stuffed toy ni Astroboy naman ang hawak. “Mamaya na. Gusto ko munang magpahinga kasama ang mga kaibigan ko. Pero kumain ka na kung gusto mo. Sasabihin ko kina Manang...” “No, thanks. Busog pa ako sa kinain natin kanina. Ito na talaga ang gusto mong maging kuwarto?” paniniyak ng dalaga. Dinantayan nito ang isang mahabang unan at saka pumikit. “Yes. I feel at home here.” Nang wala talagang balak na tuminag ang lalaki sa higaan ay nagpaalam na siya. “Nasa baba lang ako. Sabihin mo sa akin kapag kakain ka na.” Baka sakaling mas matino na itong kausap pagkatapos maghapunan. Habang nasa sala ay nag-double check siya ng itinerary ng lalaki. SNakalinya na ang lahat ang dapat nitong matutunan. Marami pa silang pupuntahang mga exhibit at trade fairs sa Pilipinas at ibang bansa para lalo itong ma-expose. Kailangang maging pamilyar ito sa operasyon ng negosyo. Ilang taon ang ginugol niya para mahasa ang kakayahan niya. Kaya bang matutunan ni Jameson ang pasikot-sikot sa kompanya sa loob ng isang taon? Hindi na bumabata si Don Felipe. Kailangan nito ng mapagkakatiwalaang kahalili. At kung di matututo si Jameson, masasayang ang pinagpaguran ng ama nito. Baka mapunta lang sa iba. Ang masaklap, baka ibenta lang nito sa mas gahamang negosyante na walang pakundangan sa mga tauhan. Mas malalagay sa panganib ang kompanya. Mag-iisang oras na ang lumipas ngunit di pa rin bumababa si Jameson. Nakisuyo na siya sa isa sa mga kawaksi na gisingin ito. “Ma’am, tulog na po si Senyorito,” sabi ni Mimay. “Sige po. Ako na lang ang gigising sa kanya.” Hindi pwedeng di sila makapag-usap sa araw na iyon. Importanteng mai-discuss niya ang schedule dito. Ngayon pa lang ay dapat na nitong malaman kung anu-ano ang magiging obligasyon nito. Marahang pumasok si Nadia sa kuwarto nito. Subalit sa pagkadismaya niya himbing na himbing nga si Jameson. Saka niya naalala na halos dalawang araw ang biyahe nito. But he looked at home and peaceful now. Hawak pa nito ang Gundam robot. Di na kasya ang malaki nitong paa at nakalawit sa kama. He was like a teen who was trying his best not to grow up. He looked cute and innocent. Wild and carefree. Wala itong pakialam kung magulo ang buhok nito o nakatulugan pa nito ang cap habang natutulog. Bumuntong-hininga ang lalaki. Inalis niya ang cap nito at isinuklay ang daliri sa buhok. It was surprisingly soft. Umingit ang lalaki at kinamot ang ulo dahilan para Inayos niya ang kumot nito nang mahagip ang papel na nakakalat sa kama. Dinampot niya iyon at binasa. Iyon ang hotel number ng stewardess sa airport kanina. Nilamukos niya ang papel. Sorry. Bawal ang distraction. Saka na makipag-date pag pasado na sa training. Lahat ng sagabal sa training ni Jameson ay aalisin niya sa landas nito. Kasehodang suutan niya ng chastity belt ang lalaki ay gagawin niya para makapag-focus ito. Nag-ring ang cellphone niya kaya napilitan siyang lumabas sa silid ng binata. Si Don Felipe ang tumatawag. “Hija, how’s my son?” “Nagpapahinga po muna siya. Napagod po sa biyahe.” “So, what can you say about him?” excited nitong tanong. “I think…” Sasabihin ba niya na kausap pa ng anak nito ang mga laruan at mas gustong matulog sa kuwarto? O wala na itong pera kaya nanghiram sa kanya ng pang-Jollibee. Baka atakihin sa puso ang matandang lalaki. “I think we should get a new bed for him, Sir.” “Hindi niya nagustuhan ang kama na napili ninyo?” “Uhmmm... Parang ganoon na nga, Sir. Mas maganda kung siya ang pumili ng kama niya. It looks like he is not much into surprises.” “No problem. Nakausap mo na ba siya sa itinerary niya?” “Hinayaan ko po muna siyang mapahinga. I will be here early tomorrow. He needs a new wardrobe.” His choice of clothes would be useless for office. “Kung ganoon, walang problema. May tiwala ako sa iyo, Sia. Gawin mo kung ano ang makakabuti para sa anak ko. I hope you can make him realize how important the company is.” “Yes, Sir.” Sana lang ay magawa niya nang maayos ang trabaho niya. Nadia had a nagging feeling that Jameson needed a lot of work. With his nomadic lifestyle, baka nakalimutan na nito kung ano ang napag-aralan nito tungkol sa negosyo. Magiging deserving ito sa paghawak sa Deogracias Furniture. Pero bago iyon, kailangan niya ng dasal. Maraming-maraming dasal. HINAPLOS ni Nadia ang noo ng nanay niyang si Aling Linda. Nakaratay ito sa ospital dahil sa sakit na cancer. Maputla na ito at mahina dahil sa chemotherapy. Sabi ng doctor ay maikling panahon lang ang nalalabi dito dahil sa cancer of the abdomen. Pilit siyang ngumiti nang idilat nito ang mata. “Sia, mabuti nandito ka. Sabi ni Maddie hindi ka daw dadating,” anito sa mahinang boses. Subalit bakas ang saya nito nang makita siya. Ang pinsan niyang si Maddie na nagtapos ng Nursing ang nagbabantay dito at tumatayong private nurse. “Pinilit ko pong pumunta dito para makita kayo.” “Alam ko naman na may trabaho ka. Malakas naman ako.” “Nay, hindi daw po kayo kumakain sabi ni Maddie. Ni ayaw daw ninyong matulog. Gusto po ba ninyo pakainin ko kayo?” Umiling ito at hinaplos ang pisngi niya. “Kumain na ako nang sabihin ni Maddie na dadating ka. Gusto ko lang na basahan mo ako ng istorya.” “Sige po.” Kinuha niya ang makapal na fairy tale book at pinili ang Rapunzel para dito. “Once upon a time…” Isang elementary school ang nanay niya. Tatlumpung taon din itong nagturo sa isang public school sa Quezon City. Hilig ng nanay niya ang mga fairy tale. Iyon din siguro ang dahilan kung bakit nabubuhay ito sa ilusyon. Iniwan sila ng tatay niya matapos na sumama sa ibang babae na mas mayaman. Di na niya ito nakita kahit kailan. Ang balita niya ay nasa Amerika na ito. Nanay na lang niya ang nagtaguyod sa kanya. Sa batang edad ay namulat siya sa realidad ng buhay. Walang prinsipe. Walang lalaking sasagip sa kanila sa kamiserablehan. Wala siyang maasahan kundi sarili niya. Di niya kailangan ng lalaki. Ang nanay naman niya ay nanatiling nabubuhay sa mundo ng ilusyon. Umaasa pa rin ito hanggang ngayon na dadating ang panahon na babalik ang tatay niya at sasabihin na ito pa rin ang mahal. Mahal niya ang nanay niya subalit di siya magiging katulad nito kahit kailan. Ang kaligayahan niya ay nakasasalay sa sarili nya. Bago pa matapos ang istorya ay nakatulog na si Aling Linda. Sa kabila ng dinadanas nitong sakit ay mapayapa ang mukha nito at mukhang masaya. Kahit di kasi nito natapos ang istorya, alam nitong masaya ang katapusan. “Insan, mabuti dumating ka na,” sabi ni Maddie na namamahinga sa couch. “Ayaw talagang kumain ni Tita kanina. Naabala ba ang trabaho mo?” “Hindi naman importante ang trabaho basta para kay Nanay. Iiwan ko ang lahat para lang makasama siya.” Umupo siya sa tabi nito. Pagod na pagod na ang katawan niya. Nagsusumikap siya sa trabaho para sa nanay niya. Bagamat anumang oras ay maari itong kunin sa kanya, umaasa siya na gagaling pa rin ito. Ang nanay na lang niya ang natitira niyang kayamanan. Gagawin niya ang lahat para makasama ito nang matagal. “Kumusta nga pala ang anak ng boss mo? Anong itsura?” “Guwapo siya,” kaswal niyang sabi at sumandal sa couch. Impit itong tumili para di magising ang nanay niya. “Guwapo na, rich pa. Sunggaban mo na, Insan!” Nalukot ang mukha niya. “Ayoko nga! Nasa kanya ang lahat ng ayaw ko sa isang lalaki. Babaero, bolero, isip-bata, iresponsable at walang matinong disposisyon sa buhay. Sa palagay ko wala siyang mararating.” Kung di ito titino, ewan lang niya kung ano ang kahihinatnan ng kompanya. At lalong walang aasahan ang kahit sinong babae dito pagdating sa pakikipag-relasyon. Maswerte lang ito na guwapo ito at mayaman kaya maraming naaakit. “Basta! Mayaman na, guwapo pa. Perfect! Pwede nang Prince Charming.” “Ayokong sumama sa conquest niya. Sila Cinderella, Rapunzel at Sleeping Beauty puro si Prince Charming ang nakatuluyan. Malamang ganoon din ang kabagsakan ko. Kahit na mayaman pa siya, hindi ko ba kayang magsumikap?” Kahit kailan ay di siya magiging dependent sa isang lalaki emotionally at financially. Kaya niyang mabuhay mag-isa. Di niya kailangan ng lalaki. “Iniisip mo ba na magiging katulad ka ni Tita?” pabulong nitong tanong. “Mas mautak ka naman. Perahan mo na lang. Ikaw ang magpatakbo ng kompanya. Di ba pangarap mo naman na maging super rich? Akitin mo na ang boss mo! Aba! Hindi ka na lugi. Magkakaroon pa kayo ng mga guwapo at magagandang anak.” Kung magkakaanak siya sa katulad ni Jameson, tiyak na magiging miserable lang ang buhay ng mga ito. Ayaw niyang pagdaanan ng mga ito ang minsan na niyang pinagdaanan. Kaya kaysa magtiwala sa kahit sinong lalaki, mas mabuting sarili na lang niya ang intindihin niya at ang nanay niya. “Kung ayaw mo ng Prince Charming, akin na lang siya! Ipakilala mo ako!” Iwinaksi ni Nadia ang kamay. “Magtigil ka. May boyfriend ka na.” “Ayoko nga! Gusto ko naman ng higher goal sa buhay. Guwapo at mayamang boyfriend. Kahit mambabae siya basta ambunan niya ako ng kayamanan.” “Baliw!” Nag-ring ang cellphone niya. Kumunot ang noo niya. “Bakit kaya tumatawag itong si Jameson?” “Sagutin mo tapos ipakausap mo sa akin!” excited na sabi ng pinsan. “Never mind.” Lumayo siya at sinagot ang tawag ng lalaki. “Hello.” May matino nang boyfriend ang pinsan niya. Aanhin naman nito ang guwapong lalaki na may utak ng siete anyos na bata? Hindi niya ipapahamak ang pinsan niya. “Nasaan ka?” “Nakauwi na ako ng bahay, Sir.” “Umuwi ka nang di nagpapaalam sa akin?” “Hindi ko na kayo mahihintay na magising ka.” “Sana dito ka na lang natulog.” Bumuga ng hangin si Nadia. Di niya alam na round-the-clock yaya pala siya ng lalaki. “May kailangan kayo, Sir?” “Wala lang. Gusto ko lang i-check kung safe kang nakauwi.” “Safe naman akong nakarating ng bahay. Thank you.” “At baka nami-miss mo ang boses ko. Baka nami-miss mo ako.” Tumirik ang mata ni Nadia. Parang serbisyong totoo pa ang pagtawag nito. “Ire-remind ko lang na susunduin ko kayo sa bahay ng alas nueve bukas.” “Magde-date tayo?” excited na tanong nito. “We need to update your wardrobe. At marami pang naka-schedule sa akin. Kaya magpapahinga na ako, Sir. Goodnight!” “MANANG Soling, good morning po. Gising na po ba si Jameson? Nag-breakfast na po ba? May lakad po kasi kami ngayon. Baka ma-traffic kung male-late siya ng gising," bungad ni Nadia pagdating sa mansion. Tiniyak niyang alas siyete pa lang ay naroon na siya para maihanda si Jameson. Tiyak na astang prinsipe iyon at baka kailangan pa niyang gisingin, pakainin ng agahan at utusang maligo. Yes, parang yaya na talaga siya. Pangangatawanan niya ito. "Miss Nadia, kanina pa pong alas singko y media umalis si Sir Jameson." "Po? Saan po nagpunta?" "Hindi ko po alam. May dadalawin lang daw pong importanteng tao. Inalok ko po ng agahan pero di na raw po niya mahihintay. Kailangan na daw po niyang umalis," sagot naman ng matandang kawaksi. "Sino pong driver ang kasama?" "Wala po. Di na daw po siya sanay na may service. Kaya na daw po niyang po niyang mag-commute at marami naman pong taxi sa labas ng village." Umakyat ang dugo sa ulo ni Nadia sa nalaman. Basta na lang umalis ang binata nang di sinasabi kung saan pupunta. At mukhang makikipagkita pa sa babae. Mas importante pa ang babaeng iyon kaysa sa usapan namin ngayon. Pabalik-balik ng lakad ang dalaga sa front porch habang tinatawagan ang lalaki. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. Ring lang nang ring ang ang phone nito. Nananadya ba ito? Uubusin yata talaga ni Jameson ang pasensiya niya. Paano kung hindi na ito bumalik? Paano kung naglagalag na lang ito sa kung saang bundok at wala nang pakialam sa responsibilidad o sa mamanahing kompanya? Na YOLO forever na lang ito. She would be in big trouble. Bumalik ka na please. Maawa ka naman sa akin. Paano ako bibigyan ni Don Felipe ng mas mataas na posisyon sa kompanya kung ikaw lang di ko pa mapatino? At kapag di na bumalik si Jameson, di niya alam kung saang lupalop ito hahanapin. Malamang mawalan na rin siya ng trabaho. Nadia could practically see her dreams and all her efforts crashing right before her eyes. She couldn’t afford that right now. "Jameson! Nasaan ka na ba kasi?" angil niya at naiiyak na ipinadyak ang paa. "Hey! Huwag mong awayin 'yang sahig. Hindi iyan lalaban." Si Jameson. Bumalik na si Jameson. Hinarap niya ang lalaki. Mas mukha itong disente ngayon sa plain white T-shirt at pantalong maong na hindi gula-gulanit. Muntik na itong mayakap ni Nadia sa tuwa. Akala talaga niya ay tinakasan na siya nito nang tulungan. Pinigilan lang niya ang sarili dahil baka lagyan nito ng malisya. "Saan ka nanggaling? Kanina pa ako dito,” tanong niya sa pormal na boses. Ngumisi ang lalaki at hinaplos ang sariling baba. "Na-miss mo ako agad? Ilang oras pa lang tayong hindi nagkita " Miss? Kung di lang ito parte ng trabaho niya ay ipina-ship na niya ito sa Mars. "May usapan tayo nang alas otso. Tapos dadating ako dito na umalis ka daw nang di nagsasabi kung saan ka pupunta. Ni hindi ka na lang nagpahatid sa driver. Gaano ba kaimportante 'yang pinuntahan mo nang di ka man lang nagsasabi. Babae siguro iyan,” walang prenong sabi niya. Napaurong ang lalaki at itinaas ang dalawang kamay. "Whoa! Mukhang marami kang isyu sa akin. Anong oras ulit ang usapan natin?" "Alas otso,” taas-noo niyang sagot. Sinulyapan nito ang sports watch. "It is just seven forty. Bumalik ako bago ang usapan natin. Excited much to see me?" Naman! Parang lumalabas na atat na atat siyang makita ito. Bakit ba lahat na lang ng mga argumento niya ay ginagawa nitong tungkol sa kaguwapuhan nito? "Sanay lang ako na maaga sa trabaho.” Idiniin ni Nadia na trabaho lang ang lahat. B”akit di ka nagsabi saan ka pupunta o nagpahatid ka man lang sana sa driver? May mga taong nag-aalala sa iyo dito. Responsibilidad ka namin kay Don Felipe." "Gusto kong mapag-isa sa pupuntahan ko. May dinalaw lang ako." Tumaas ang kilay ng dalaga. "Aga mo naman makipagkita sa babae." Lumungkot ang mga mata nito. "Dinalaw ko si Mama sa Heaven's Gate. Ipapadaan ko sana doon kahapon pero gutom na gutom ka na. Ngayong umaga na lang ako pumunta bago ang usapan natin." Napipilan si Nadia. Nanay pala nito ang dinalaw nito na matagal na panahon na nitong di napuntahan dahil sa paglalagi nito sa ibang bansa. Malapit din ito sa nanay nito noong nabubuhay pa. Malay ko ba. I think of him as a fuckboi. Pagdating sa babae, walang oras na pinipili. I never thought he is also a son. Huminga ng malalim si Nadia at nakonsensiya sa sa maling hinala. "Sorry. Di ko alam.” Kasalanan pa pala niya kung bakit di ito nakadalaw sa sementeryo kahapon. “Kumain ka na diyan. Sayang naman ang inilutong agahan nila Manang sa iyo.” “Kung sasabayan mo ako,” malambing nitong sabi. “Please. Di ako sanay na kumain ng mag-isa o may nanonood lang sa akin.” Wala siyang nagawa kundi saluhan nito. Di rin siya nakakain kanina kahit nang alukin ng agahan dahil sa pag-aalala na baka di na bumalik si Jameson. Saka lang siya nakaramdam ng gutom. Di na siya nag-atubili na saluhan ito. Mukhang kailangan niya ng maraming stored energy para sa buong araw kasama ang lalaki. "Nagselos ka ba habang iniisip mo na may kasama akong ibang babae?" tanong nito. “Excuse me?” tanong ni Nadia na natigilan sa pagsubo ng pancake. “Kasi kanina parang gigil na gigil ka nang banggitin mo na nakipagkita ako sa babae kaya maaga akong umalis.” Tumirik ang mga mata ni Nadia. "Wag masyadong tiwala sa kaguwapuhan mo. Wala naman akong pakialam kunf makipagkita ka kung kaninong babae anumang oras mo gustuhin. Basta magsabi ka lang sa mga tao dito o magpahatid ka sa driver dito. Nandiyan naman sila Mang Pepe. Para alam namin kung ano ang sasabihin pag tumawag si Don Felipe para kumustahin ka. At higit sa lahat, basta nakakaapekto sa trabaho natin, wala kang maririnig sa akin.” Lumabi ang lalaki. "Oo o hindi lang ang sagot sa tanong ko pero marami ka nang sinabi. You must really like me a lot." "Kain ka pa. Mukhang gutom ka pa,” sabi niya at nilagyan ng sinangag ang plato nito. Baka sakaling di puro kayabangan ang naiisip nito. Tiningnan siya nito sa malamlam na mga mata. "Thank you for caring for me.” Saglit na natigagal si Nadia. Her heart was beating rapidly. How could he become annoying and charming at the same time? The man was incorrigible. And he was harder to handle than she thought. Siguro dahil di ito kasing sama gaya ng inaakala niya. That he had a soft side. Whatever! Basta gagawin ko ang trabaho ko at tumino siya. That’s all I care about. “NICE. I want to buy more jeans. May bago sila sa Levi’s,” sabi ni Jameson habang naglalakad sila sa Greenbelt. Tumigil ito nang makita sa window display ang pantalong maong. Akmang papasok ito pero hinatak niya ito palayo doon. “Dito tayo.” “Come on. Titingin lang ako. Dadalawa na lang ang pantalon ko. Ipinamigay ko na ang iba sa kaibigan ko sa Algeria. They don’t have have much to buy clothes.” “Hindi iyan ang priority mo ngayon. You need new clothes that will fit you.” “Tingin ko may kakasya sa aking pantalon. “Sa office,” paglilinaw niya. “You can’t wear those in the office. To be a succesful,. You must build a good image.” “Bakit naman hindi? Have you seen start-up businessmen like Mark Zuckerberg of f*******:. Come on. This is the millenial times. Di na uso ang mga formal na suit kapag nagko-conduct ng business.” “Hindi ikaw si Mark Zuckerberg. Hindi rin f*******: ang kompanya ng papa mo. Conservative pa rin ang mga tao sa Pilipinas. And we deal with people who still into tradition. Kaya huwag mo akong bigyan ng katwiran millenial. Kung babawasan mo ang pag-angal mo, mas mabilis tayong matatapos.” At itinulak niya ito papasok sa store ng Armani. Hindi siya nag-aksaya ng oras at nagpatulong sa sales staff sa pag-assist kay Jameson. Kumilos naman ang babae para ikuha si Jameson ng size na para dito. “Pwede bang lumipat tayo ng shop?” “Bakit?” tanong niya habang iniisa-isa ang rack. “The clothes are too expensive. Budget na ito sa pagkain ng isang pamilya na may apat na miyembro. This is just too much.” “You must have the best. Hindi mo lang naman ito minsan na isusuot. Kapag pangmatagalang gamit, mas mabuti nang maganda ang quality.” “I... I don’t know. It just doesn’t feel right. Maraming mga tao ang nagugutom sa lugar na napuntahan ko. And to wear something this expensive isn’t me.” “Let me get this straight. Jameson, hindi na ikaw ang YOLO travel video blogger na ang iintindihin lang ay ang sarili mo at kung paano siya mabubuhay sa susunod na araw. You are Jameson Deogracias now, the heir to Deogracias Furniture. You need to project that image. Makikihalubilo ka sa mga matataas na tao. At kung pinanghihinayangan mo na pagkain na ng isang pamilya ang damit mo, isipin mo na lang kung gaano karaming pamilya ang mapapakain mo sa bawat transaction na maisasara mo. This is not about you. Bilang magiging head ng Deograscias Furniture, maraming umaasa sa iyo.” “Oooo..kay. I should go to the fitting room. Want to join me?” “Dito na lang ako.” Namimili siya ng babagay dito na necktie nang marinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. “Nadia!” Nang lingunin niya ito ay nakasimangot ito habang suot ang white long sleeve cotton polo at brown trouser. Ibang-iba ang itsura nito kaysa sa lalaking mahilig sa T-shirt lang at sira-sirang kupas na pantalon. He looked perfect in formal wear. Lalo na siguro kapag pinagsuot niya ito ng suit. Mukha itong responsable. And utterly delicious. Kinastigo ng dalaga ang sarili. So, that is not a malicious remark. Just giving an honest and professional remark. Kung professional mang matatawag ang ‘delicious’ ngayon. Lumapit siya kay Jameson at pasimpleng pinagpag ang balikat nito. “Nice. Bagay sa iyo.” “I don’t like it.” Napanganga ang dalaga. “Na naman?” “This is too starchy,” aburido na sabi ng binata at isa-isang kinalas ang butones ng polo nito. “Nangangati ako.” “Paanong mangangati ka? Maganda ang tela nito at presko...” Nanlaki ang mga mata ni Nadia nang tumambad sa mga mata niya ang makinis na dibdib nito. He was slightly tanned. Gawa ng pagkakababad nito sa araw. At dahil sa dami ng adventure nito, laging nakabilad ang katawan nito sa araw. Nang ibinukas pa nito ang isang butones, naaaninag na niya ang flat abs nito. Six-pack abs, baby. Nasa blog niya kapag nagsu-swimming siya. Nanuyo ang lalamunan ni Nadia. Kasing kasig ba sa personalb ang abs nito sa personal ang nasa pictures nito? She was not into abs or muscles really. Mas interesado siya sa nilalaman ng utak ng isang tao. Hindi siya impressed sa physical attributes ng isang lalaki. But, my, oh, my! She was definitely curious. Parang di niya matanggihan ang abs. She heard someone gasp at her back. Nang lumingon siya ay dalawang bading ang nanggigilalas habang nakatitig kay Jameson. Binasa pa ng isa ang labi nito na parang natatakam sa binata habang ang isa ay kinagat naman ang pang-ibabang laki. Animo’y buffet sa restaurant si Jameson na gustong pagpiyestahan ng mga ito. Parang gusto niyang dukutin ang mata ng mga ito. Hinawakan niya ang magkabilang dulo ng polo ni Jameson at pinagpatong. “Huwag ka ngang mag-exhibition dito. Doon ka sa loob,” sabi niya at itinulak ito papasok ng fitting room. “Ano bang problema?” tanong lalaki. “Ang problema, nakabalandra ang katawan mo at pinagpipiyestahan sa labas. Wala ka sa beach or sa pool,” sermon niya. “Selosa ka talaga. Gusto mo ikaw lang ang makakita sa katawan ko,” anitong nanunukso pang ngumiti saka kumanta. “For your eyes only, only for you.” “Hindi ako interesado sa katawan mo.” “Ah! That’s why you have your hands on me.” Nang tingnan niya ang kamay ay nakapasok sa loob ng polo nito. Her palm was flat on his chest. His hot chest and she could feel the wild. He was very much alive. Habang siya naman ay unti-unting nauubusan ng lakas. Dahan-dahan niyang ibinutones ang polo nito. “Di ko naman sinasadya.” “I don’t mind, kahit pa sadyain mo.” She could feel his hot breath caress her face. Nang tumingala siya ay saka lang siya naging aware na magkadikit ang kawatan nila sa maliit na espasyo ng fitting room. Just a slight move and their lips could touch. Nabulabog sila nang may biglang kumatok sa pinto. “Sir, Ma’am, okay lang po ba kayo diyan?” Hindi alam ni Nadia kung anong dapat sabihin. Okay lang ba siya? Parang lalagnatin siya habang kasama si Jameson sa fitting room. Hot pa rin ito kahit balot ng damit. “O-Okay lang kami,” sagot naman ni Jameson at hinawakan pa ang baywang niya. As if he was telling him that he got everything covered. “I-Ina-assist ko lang siya,” sabi naman ni Nadia nang makabawi. “Di po kasi pwedeng magkasama sa fitting room, Ma’am,” sabi ng sales staff. “For decency’s sake...” Mariin siyang pumikit. “Palabas na ako.” Ihinarap niya si Jameson sa salamin. “Look at you. You look great on this outfit. Huwag ka nang mag-reklamo at marami ka pang isusukat.” “Fine. I’ll get this one,” sabi ng lalaki. “Isukat mo pa ang iba. Basta huwag ka nang maghuhubad in public. Please.” Sumaludo ito. “Yes, Boss.” Paglabas niya ay umiwas agad ng tingin ang mga sales staff. Habang nagbubulungan naman ang dalawang bading habang nakatingin sa direksyon niya. Kumunot ang noo niya. Iniisip ba ng mga ito na may ginawa silang kababalaghan ni Jameson sa loob ng cubicle? Bumuka ang bibig niya para magpaliwanag. Na wala silang ginagawang masama pero sa huli ay umupo na lang siya sa sofa at nag-check kunyari ng cellphone. Pero iniiwasan niya ang mapang-uring tingin ng mga ito. It was crazy. Hindi siya ang tipo ng babae na magkukulong sa cubicle para makipag-make out sa isang lalaki. Kahit pa may sculpted chest at katakam-takam na abs na kulang na lang ay palaman. Pero ano bang pakialam ng mga taong ito sa kanila ni Jameson? Ginagawa lang naman niya ang trabaho niya. Trabaho lang. Trabaho lang. Kung makakatrabaho niya nang mas matagal si Jameson, mas marami-rami pa silang magiging encounter ng hot body nito. Dapat na siyang maging immune at huwag matulala. Lumipat sila ng boutique ng lalaki matapos mag-Armani. Hindi na pinabalik kay Jameson ang T-shirt at pantalon nito. Necktie naman ang pinamili nila. “You are good at this,” sabi ng binata nang ilapat niya ang necktie sa polo nito. “I have to be. Kasama sa trabaho ko. Pag hindi pwede si Miss Jeniza, ako ang namimili para sa papa mo,” tukoy niya sa sekretarya ng ama nito. “Ah! You will be the perfect corporate wife. Mag-aasikaso sa asawa niya, makakausap pagdating sa business, alam niya kung ano ang mabuti at di makakabuti sa career ng asawa niya. Kapag mag-discuss ng kahit ano mula sa stock market, lifestyle at economy.” “You forgot that I am the type who has her own career.” She wrinkled her nose. “Pero di ko rin nakikita ang sarili ko na mag-aasawa o magkaka-boyfriend.” “No way! Ikaw din ba ang tipo na kasal sa career mo?” “Bakit naman hindi? Loving my career won’t give me any heartaches. Hindi rin ako iiwan para sa ibang babae.” “It won’t give you laughter, companionship, passionate embrace, hot nights, orgasms...” Dali-dali niyang tinakpan ang bibig nito. “Shut up, Jameson.” Nag-init ang mukha ni Nadia. Career lang ang pinag-uusapan nila kanina at kasal pero bigla silang nauwi sa orgasm. Gahhhd! Babaliwin ako ng lalaking ito. Inalis nito ang pagkakatakip sa bibig nito. “See? That is something to ponder about. I can sense the passion in you. You have so much potential. We should tap that.” “We?” “You know, if you want to explore some more.” Kinindatan siya nito. “Let’s go out. I can take you to the dark side, baby. I can make you feel good.” “I have standards, baby,” panggagagad niya dito. “Because you can take me to the dark side and make me feel good, patunayan mo muna na kaya mong iangat ang Deogracias Furniture. Wala akong planong i-date ang isang lalaki na pababagsakin ang career ko. I need someone who has a direction. Who is focused. Who has a vision.” Humalakhak ang lalaki. “Date lang ang inaalok ko at hindi kasal.” “Realistically, hindi lang sa s*x at passion nabubuhay ang tao. You need cash. At bakit naman ako makikipag-date sa lalaking di seryoso sa akin? Kung nakasanayan mo iyan, ibahin mo ako.” Naging seryoso ang mukha nito. “I understand. You are different.” “Hindi mo na ako kukuliting makipag-date sa iyo?” Di mo na rin ako aakitin? “For now. Kailangan ko mun ang patunayan na ako ang lalaking gugustuhin mong maka-date. Who knows? Baka ikaw pa ang magyaya ng date sa akin.” “Hahaha! You wish.” “DO you think they will like me?” Nakataas ang kilay ni Nadia nang lingunin si Jameson. Nakasakay sila sa Cadillac Escalade na karaniwang sinasakyan ni Don Felipe kapag pumapasok sa Deogracias Furniture. Orientation iyon ng binata at makikilala nito ang mga trabahador. Di niya alam kung joke lang ang pag-aalala nito pero mukhang kinakaban ito habang nakatingin sa bintana naka-stuck sila sa traffic sa EDSA. Maya’t maya nitong binabatak ang kurbata na parang gusto na nitong haklitin anumang oras. Wow! The overconfident Jameson Deogracias, kinakabahan na di siya magustuhan ng mga tauhan niya? Parang di ikaw. “Sir, joke ba iyan?” tanong ng dalaga. “Di ba feeling mo lahat ng tao may gusto sa iyo? Ngayon pa kayo nag-alala.” “Kunyari lang naman akong confident pero mahiyain ako.” At saka kinipit ang mga braso na parang pinaliliit ang sarili. “Owsss?” Di niya alam na uso pa pala ang hiya dito. Di siya na-inform. “Alam ko naman na di lahat ng tao gusto ako. Siyempre may iba diyan na iniisip na nandoon ako dahil ako ang anak ng may-ari ng kompanya o kaya mas deserving sila dahil matagal na panahon nang nagsisilbi kay Papa. And some simply don’t like me. Period.” Siya ba ang pinatatamaan nito sa huling sinabi nito? Mabuti naman kung sakali nang makahalata ito na di niya ito gusto. Pero walang kinalaman ang personal niyang opinyon dito nang mga oras na iyon. She had a job to do. At iyon ay ihanda si Jameson para sa pamamahala ng kompanya. Di kaila dito ang kahinaan nito. Pinanghihinaan din ito ng loob. Sa loob ng mahabang panahon ay sarili lang nito ang inalala nito. Ngayon ay isang malaking responsibilidad ang maaatang sa balikat nito. It was definitely not a privilege on his part. Natatakot itong mabigo ang mga tao. Natatakot itong magkamali. At trabaho niya na alisin sa isipan nito ang agam-agam at ipakita ang suporta niya. Tumuwid ng upo si Nadia. “Di ka papasok sa Deogracias Furniture para magustuhan ng lahat. Just do your job. Matuto ka kung paano mapapanatili ang kompanya sa pamilya ninyo.” Hinatak-hatak nito ang necktie. “Di madaling magtrabaho na di ka gusto ng mga tao sa paligid mo. Gusto ko lahat magkakasundo.” You are perfect right now.” Pinalis niya ang kamay nito. “Just stop fiddling with your necktie. Leave it alone.” “You are like my kindergarten teacher. So strict.” “And you are like an overgrown kindergarten student. Para kang bata. Kailangan kang laging sawayin. You are a grown man. Saka nasaan na ‘yung confident na Jameson na di takot umakyat sa delikadong bundok, mag-cliff diving, skydiving at kung anu-ano pang buwis-buhay? This is less dangerous than those.” Pinagkiskis nito ang mga palad na parang nilalamig ito. “Iba kapag sarili kong buhay lang ang inaalala ko. I can be carefree if I want to.” Tumaas ang kilay ng dalaga. Mukhang seryoso na talaga ang usapan. “Then take this seriously. Think of this as your cliff diving or your wingsuit flight.” Ipinasok ang sasakyan sa loob ng compound ng Deogracias Furniture. “Ipakita mo sa akin ‘yung confident na Jameson na nakilala ko sa airport na akala mo may gusto sa kanya lahat ng babae.” “Hey, I’m not like that.” Inayos niya ang necktie nito. “I want that confident smile back. If you pull this through, ipagtitimpla kita ng kape.” “Di ba parte iyon ng trabaho mo?” “Not really,” pang-aasar niya dito. “Smile.” Pagbukas ng pinto ng kotse ay nakita ni Nadia ang kampanteng ngiti sa mga labi ni Jameson. Di na halata ang kaba sa mukha ng lalaki nang ipakilala nito sa mga tauhan ng kompanya. Saka niya ito inikot sa iba’t ibang departamento. Nasa main office sila kung saan naroon din ang showroom. Pero ang pabrika nila ay nasa Isabela, General Santos at Cebu. Di lang local ang kliyente nila kundi maging sa abroad. They had the best craftsmen and furniture designers. Pero di nawawala ang orihinal na trademark design ng lolo ni Jameson. At masaya siya na welcome na welcome si Jameson ng mga tauhan at executive. “What do you think?” tanong ni Nadia sa binata nang dalhin sa bagong opisina nito. The room was spacious and had a nice view of the city. Tapos na silang mag-late lunch kasama ang ibang executive ng kompanya. Bumuntong-hininga ito. “I could use some fresh air. Di ako sanay magtrabaho sa opisina.” Kung magsalita ito ay parang kahon ang opisina na pagkukulungan nito. Sanay kasi ito na malaya ito. And he didn’t have to answer to anybody. No paperworks either. “You’ll get used to it. Lahat naman naninibago sa una. Coffee?” alok niya. Tipid itong ngumiti. “Sure. Thank you.” Pumunta si Nadia sa pantry at naabutan ang ibang mga kasamahan na nagkakape at nagmimiryenda naman ang iba. Tinanguan lang niya ang mga ito at nagsalang ng Kenyan roast sa coffee grinder. Di niya maiwasang makinig sa kwentuhan ng mga ito. “Bakit ngayon ka lang dumating sa buhay ko?” kanta ni Atheena habang hinahalo ang kape at nakatitig sa iPad nito, ang sekretarya ng accounting head. “Anong drama iyan, girl?” nakataas ang kilay na tanong ng taga-Human Resources na si Tessa na nakihati pa sa enseymada ni Atheena. “May planong magtaksil kay hubby?” “Kasi naman basta na lang dumating sa buhay ko si Sir Jameson. Ganyan pala kaguwapo ang anak ni Don Felipe. Kung alam ko lang, di muna sana ako nag-asawa.” “Hiwalay ako sa asawa,” anang si Tessa sabay subo ng enseymada. “Pwede pa ba ako? Virgin pa ako,” sabi naman ni Miggy mula sa marketing department. “Saan banda? Sa ilong?” tanong ni Atheena dito. “Uy! May kasama tayong tunay na virgin. Sa kanya tayo mag-aalay kung gusto nating mapalapit kay Sir Jameson,” sabi ni Tessa at ngumuso sa kaya. Si Nadia ang binalingan ni Miggy. “Ilang buhay na puting manok ang kailangan kong ialay para maka-date si Sir Jameson?” Ngumiti siya sa lalaki. “Sorry pero wala sa itinerary niya ang makipag-date. Kailangan niyang mag-focus sa trabaho niya. Bawal ang distraction.” “Echusera ka. Ang sabihin mo bet mo rin si Sir Jameson. Ayaw mo lang ng karibal. Babakuran mo siya tapos bantay-salakay ka,” sabi ni Miggy at kunyari ay mangangalmot. “Naku! Wala akong oras diyan. Sakit sa ulo lang ang mga lalaki,” sabi ni Nadia at umingos. Kundi lang ipinagkatiwala ni Don Felipe sa kanya ang lalaki ay hinayaan na niya itong pagpiyestahan. Isinalin niya ang kape sa tasa at saka inilagay sa tray. “Babalikan ko na ang alaga ko.” “Ten thousand ang ibibigay ko sa iyo. Patakan ko ng gayuma ang kape niya,” pahabol pa sa kanya ni Miggy. Nailing na lang si Nadia. Pagdating talaga sa pogi, magagaling ang mga tao doon. Sana naman ay higit pa sa kaguwapuhan ang pwedeng ipakita ni Jameson. She must learn about this strength and weaknesses. Titingnan din niya kung pwede niyang magamit ang pagiging video blogger nito para mas mai-promote ang Deogracias Furniture at mas lumawak pa ang exposure sa international market. Natigilan si Nadia nang makita na nasa labas ng opisina si Jameson. Kausap nito ang dalawang empleyadong babae mula sa sales department na sina Nina at Mira. “Sir, ang dami na pala ninyong napuntahan na lugar. Tapos nag-Paris na rin kayo. Iyon ang pangarap kong puntahan, Sir. The city of lovers. Sino po ang kasama ninyo doon?” tanong ni Nina. “Ako lang,” sagot ng lalaki. “Kasama po ninyo ang girlfriend ninyo?” tanong ni Mira. Umiling ang binata. “Wala akong girlfriend hanggang ngayon.” Nagkatinginan ang dalawang babae at halatang kinikilig na single si Jameson. “Di ba kayo nalulungkot na magbiyahe nang walang kasamang girlfriend? Paris pa iyon tapos puro lovers ang nasa paligid ninyo,” anang si Nina. Nagkibit-balikat ang binata. “Malungkot din minsan.” Kumapit si Mira sa braso ng lalaki. “Isama ninyo ako para di na kayo malungkot, Sir. Gusto ko rin mag-travel kasama ninyo.” I can show you the world, shining, shimmering, splendid ang peg. Kulang na lang yata ay kumanta ang mga ito ng A Whole New World. Sa oras pa ng trabaho. Magaling, magaling, magaling! Iniwan niya si Jameson para maging pamilyar ang sarili sa opisina nito. She thought he did great. Kaya nga ipinagtimpla niya ito ng kape. Tapos pagbalik niya ay ito ang abutan niya. Bakit ba naisip ko na magtitino ang isang ito? I expected too much from him. Lumapit si Nadia sa mga ito. “Excuse me. Pwede bang mahiram muna si Sir Jameson? May pag-uusapan lang kaming importante.” “Dito na natin pag-usapan. Nagkukwentuhan lang kami,” sabi ng binata na di man lang makahalata. “Sir, di naman po kasi kwento ang sasabihin ko sa inyo. Oras na po kasi ng trabaho. Hindi na ito ang oras para makipagkwentuhan. Hindi naman ako binabayaran ng kompanya para doon. Sayang naman ang sweldo ko,” malambing niyang sabi at saka pasimpleng tiningnan ng patagilid ang mga babae. Tamaan sana ang mga ito sa pasaring niya. “Sir, next time na lang po tayo magkwentuhan,” sabi ni Nina na nakahalata din sa wakas. “Oo nga, Sir. Welcome po sa Deogracias Furniture,” anang si Mira at bumalik na ito at si Nina sa kanya-kanyang cubicle. Ngiting tagumpay naman si Nadia nang pumasok sa opisina ng binata. Naramdaman naman niya ang mabibigat nitong hakbang nang sumunod sa kanya. “Hindi mo sana sila itinaboy. Nag-uusap pa kami,” sabi ng binata pagsara ng pinto ng opisina. “Oras na ng trabaho. Dapat naman siguro inuuna iyon kaysa kwentuhan,” mahinahon niyang sabi at inilapag ang tray ng kape. “Trabaho agad ang aasikasuhin? First day ko dito sa kompanya.” “Orientation mo. Dapat malaman mo paano tumatakbo ang kompanya.” Hindi ang makipag-flirt sa mga empleyado. “Akala ko kasama sa orientation na kilalanin ang mga tauhan ko. Na malaman ang mga saloobin nila at kung masaya ba sila sa kompanya.” Maasim siyang ngumiti. “Mukhang masaya nga sila sa company mo, Sir. Pero di ko alam na kasama pala pala sa trabaho ang pagsama kung mamamasyal ka. Di ba labas na iyon sa kompanya?” mariing tanong niya. Hinaplos ng daliri nito ang pagitan ng magkasalubong niyang mata. “Masyado kang seryoso sa buhay. Kinukuha ko lang ang loob nila. Di naman kailangang puro na lang trabaho.” “At di rin naman pwedeng puro ka laro. Ikaw na rin ang nagsabi na gusto mo na maging maganda ang tingin sa iyo ng mga tao. Kung gusto mong kilalanin sila, ilagay din sa lugar.” Inilapag niya sa harap nito ang iPad na nakabukas sa isang file. “Ito ang magiging schedule mo sa mga dadating na linggo.” Tumigil ito sa pag-inom ng kape. “Di mo man lang ako paiinumin muna?” “Mas masarap ang kape habang nagtatrabaho.” She read his schedule in her own iPad. “Dadalaw tayo sa pabrika natin sa Isabela next week. May mga exhibit at trade fairs dito at sa ibang bansa. Two weeks from now, kasali tayo sa furniture exhibit sa Cebu. Mabibisita mo rin ang factory natin doon. I am expecting that you will learn a lot from that tour.” Halos lumuwa ito habang binabasa ang schedule nito. “Ito ang schedule ko? Ganito kadami ang gagawin ko?” Napaihip ito na parang pagod na pagod kahit wala pa namang ginagawa. “You can’t be serious!” “Kailan ba ako hindi naging seryoso? Binawasan ko para makapagpahinga ka.” “Pahinga? Anong ipapahinga ko? I barely have time to…” “To date? Netflix and chill?” Iyon ang bagong codename para sa s*x. “Forget about it for now. Mag-focus ka muna sa training mo saka ka umangal.” Maang siya nitong pinagmasdan. “Ikaw din ang magde-decide sa date ko?” “Yes.” “Kaya mo ba itinapon ang calling card na bigay sa akin?” Matamis siyang ngumiti. “Guilty. No distractions for now.” Tiningala siya nito. Matiim ang mga mata nito. Parang naging bato siya sa tindi ng titig nito. Hindi siya makagalaw kahit na halos magdikit ang mukha nito. “This is not funny. Ikaw ang magde-decide kailan ako makikipag-date. Huwag mong sabihin na pati pakikipag-s*x ko ipagpapaalam ko pa sa iyo.” Napaurong si Nadia nang ilalapit pa ni Jameson ang mukha sa kanya. Dumadagundong ang dibdib niya sa kaba. Hindi siya magpapa-intimidate. Nasa kanya ang ang kontrol ng sitwasyon. Sa kanilang dalawa, siya ang nakapangyayari. Naglakad siya pabalik sa upuan niya. “Ako ang tutulong sa iyo para masanay ka dito sa ompanya. Sa akin ka ipinagkatiwala ni Don Felipe kaya responsibilidad kita. Lahat ng magiging desisyon mo sa kompanya balang-araw ay sa akin nakasalalay. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. I have to make sure that you won’t be distracted.” Inaasahan ng dalaga na magagalit pa itong lalo. Handa na siyang labanan ito. Sa halip ay itinapik nito ang dulo ng sign pen sa baba nito at pinagmasdan siya. May nang-aakit na ngiti sa labi nito at malagkit ang tingin sa kanya. “Kung ayaw nilang ma-distract ako, bakit ikaw ang ipinadala nila sa akin? You are so damn pretty. A pretty distraction.” Naramdaman ni Nadia ang pag-iinit ng mukha. Drat! It was not a fair fight. Iyon yata ang kapangyarihan nito. Ang mang-akit ng babae at gamitan ng mabulaklak na salita. Now, she was the one distracted. Hindi siya dapat magpadala. Hindi siya nito mauutakan. Ibinalik niya ang pormal na ekspresyon. Ipapakita niya dito kung sino ang boss. “Kung iniisip mo na hahayaan kitang mag-date para hindi ako ang pagdiskitahan mo, forget about it. Immune ako sa iyo.” “How confident,” he chided. “At kung ayaw mong madagdagan ang trabaho mo, sundin mo ang schedule na iyan. Mas magiging madali ang trabaho para sa ating lahat. Naiintindihan mo ba?” “Opo, Miss Minchin,” bulong nito at saka ngumisi. Nagsalubong ang kilay ni Nadia. “Mukha ba akong si Miss Minchin?” Kilala niya ang masungit na teacher sa classic tale na Princess Sarah. Humalakhak ito. “See? That is what I mean. Lagi kang masungit. Laging lukot ang mukha mo. Mas mai-inspire siguro ako kung ngingitian mo ako lagi.” Kundi lang unprofessional at childish ay baka binelatan na niya ito. Wala siyang oras para makipag-utuan dito. “I prepared this video for you. Panoorin mo at saka itanong mo sa akin kung ano ang di mo naiintindihan. And if you have questions, you can ask me afterwards.” Tinitigan siya ng lalaki. Parang hinihintay na magbago ang isip niya at makukuha siya sa mapupungay nitong mga mata. Tinaasan lang niya ito ng kilay at saka ibinalik ang atensiyon sa iPad niya. Walang nagawa ang lalaki kundi panoorin ang video. Siya pa rin ang magwawagi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD