Chapter 4

2268 Words
“Heto na ang salad at popcorn,” anunsiyo ni Nadia nang pumasok sa bahay. Bitbit niya ang vegetable salad para sa nanay niya at salted caramel popcorn para sa kanila ng pinsang si Maddie. “Mabuti naman at dumating ka na. Magsisimula na kasi kami,” sabi ni Maddie. “Huwag naman. Alam mo naman na gusto kong mapanood si Hayme.” Excited na mag-marathon ang dalaga ng paborito niyang teleserye na pinagbibidahan ni James Reid at Nadine Lustre. Fan ng Jadine ang pinsan at nanay niya at aminado siyang may crush siya kay James kahit noong di pa ito nag-aartista. Dahil laging ginagabi sa trabaho ay dis iya nakakanood ng teleserye kaya naman sa Smart TV na lang sila nagma-marathon ng panonood para “Basta sa akin si JC Santos,” sabi ni nanay niyang si Aling Linda. “Kahawig siya ng tatay mo noong kabataan pa niya. Parang si Pocholo talaga.” “Mama, akala ko ba Team James Reid po tayo?” nanghahaba ang ngusong tanong ni Nadia. “Masyado na akong maraming karibal sa kanya. Okay na ako dito kay JC Santos.” Di maiwasang tumirik ang mata ni Nadia nang mabanggit ang tungkol sa tatay niya. Nakakasira talaga ng mood. Isang linggo na siyang nagtatrabaho kasama si Jameson. Isang linggo niya itong sinasaway. Di iilang beses na napansin niya itong nakikipagkwentuhan sa mga tauhan sa oras ng trabaho at nakikipagbiruan. Sabi nito ay iyon daw ang paraan nito para makuha ang loob ng mga tauhan. Di naman nito kailangang maging sobrang friendly sa mga tauhan. Kadalasan ay iyon ang nagdudulot ng problema sa kompanya lalo na kapag feeling close na ang ibang empleyado. Na mag-focus na lang ito sa pag-aaral ng operasyon ng kompanya. And he still won’t listen. Di na daw ito malayang makakapamasyal gaya ng nais nito na makipag-usap man lang sa mga tao gaya ng nakagawian nito. “Di ka na ba kailangan ng boss mo? Maaga ka kasi ngayon,” puna ng ina. “Kadalasan gabi ka na umuuwi.” “Kaya na po niya ang sarili niya. Malaki na siya.” She deserved a break. She deserved this night with her mother. Reward man lang siya sa sarili niya. Bukas ay maggo-golf si Jameson sa Tagaytay kasama ang ninong nito na isa sa mga malalaking kliyente nila. At sa Linggo ay may Nangangalahati pa lang siya sa first episode nang mag-ring ang phone niya. Si Jameson ang caller. Ano naman kaya ang kailangan nito? Sinagot niya ang tawag. “Hello.” “Hi! Let’s date.” Pinagmasdan muna niya ang cellphone bago muling kinausap ang lalaki. “This is Nadia your assistant. I think you got the wrong number.” Hindi naman siguro siya nito gugustuhing i-date lalo na’t mas maraming babae ang interesado dito sa opisina at pwede nitong yayain. “Alam ko na number mo ito. I am asking you out on a date. Do you want to hit the bar and dance? Or gusto mo ng romantic dinner underneath the stars?” Naitirik ni Nadia ang mga mata. “Date? Di ba dapat pinag-aaralan mo na ang mga previous projects natin at pati na rin ang mga previous trend?” “Nabasa ko na lahat. Maaga pa naman kaya pwede pa akong makipag-date. Nasa bahay ka ba? Susunduin kita.” “Wala akong oras para makipag-date. May importante akong inaasikaso.” “Ako lang naman ang importanteng dapat mong asikasuhin, di ba?” malamabing nitong tanong. Nag-init ang tainga ni Nadia. Parang may mainit kasing hangin na umihip sa tainga niya na parang binulungan lang siya nito at di sila sa cellphone magkausap. Naipamaywang niya ang isang kamay. Akala yata nito ay dito lang iikot ang mundo niya. “Paano mo nasiguro na ikaw lang ang importante sa buhay ko?” “Wala kang boyfriend. Wala ka ring manliligaw. Di ka nakikipag-date. Wala ka daw ibang inasikaso kundi trabaho. And I am your job. Ano pa ba ang importanteng pwede mong gawin? Please. It’s Friday night. Let’s have fun.” “Jameson, di ko alam na kailangan mo pa ng mag-aalaga sa iyo kapag lumalabas ka. Hindi mo na kailangan ng yaya.” Magaan itong tumawa. “Silly. Of course, I am doing it for you. I saw how you seriously worked hard since I arrived. You should let your hair down a bit. Bukas may trabaho na naman tayo. Sabi ng mga tao sa opisina di ka sumasama kapag niyayaya ka nila na lumabas o mag-mall man lang. Breathe a little. Live a little.” Kung magsalita si Jameson ay parang nakakaawa siya. Na miserable at boring ang buhay niya. Mas nakakainsulto iyon kaysa ang yayain siya nitong mag-date dahil gusto siya nitong maka-date. Nilingon niya ang ina na aliw na aliw sa pinapanood. Nakakalimutan nito na may sakit ito. “I am happy to where I am right now. Thank you. “You owe me a date! Itinapon mo ang calling card ni Kaitie.” “What?” Sumasal ang kaba sa dibdib niya. He knows. “Hindi ako galit sa iyo pero dapat bumawi ka sa akin,” anito sa nanunuksong boses. Kinagat ni Nadia ang pang-ibabang labi. He was blackmailing her. “Wala akong utang sa iyo. I am sure, marami kang babaeng pwedeng yayaing makipag-date sa iyo. Sila na lang ang yayain mo.” “Are you sure? Okay lang sa iyo na makipag-date ako sa iba?” tanong nito. “Oo naman. You are a grown man. Tapos na ang trabaho. Sabi mo na-review mo na ‘yung files na iniwan ko sa iyo. So go out. Pumunta ka kung saan mo gusto. Have fun!” “Hindi ka magseselos? Hindi mo kukuwestiyunin kung sino ang kasama ko?” “You are free to go wherever you want to go. Gawin mo kung ano ang gusto mo. Makipag-date ka kung kanino mo gusto. I don’t care. Di ako magseselos. Use protection! Be safe! Bye!” pabulyaw niyang sagot dito at saka tinapos ang tawag. Nakakainit ng ulo. Akala mo naman kung sinong sobrang guwapo para pagselosan niya. Feeling ba talaga nito ay may gusto siya dito o talagang nang-aasar lang. “Anong sabi sa iyo ng boss mo?” tanong sa kanya ni Maddie pagbalik niya. “Parang narinig ka naming sumigaw. Nagtatalo ba kayo?” nag-aalalang tanong ng ina. “Hindi po, Ma. Medyo di lang kami magkarinigan kasi maingay sa bar. Nag-bar po kasi siya,” sabi niya at umupo sa tabi ng ina. “Kailangan ka ba niya? Baka naman may lakad kayo. Di ka pa sumama. Maiintindihan ko naman iyon. Kasama ko naman si Maddie.” “Nanay, mas gusto ko naman po dito sa bahay. Nakakapagod sa labas. Kailangan ko rin po na magpahinga,” aniya at humilig dito. Pero habang nanonood ay nagbu-blur sa paningin niya sina JC Santos at si James Reid. Di na niya ma-enjoy ang magandang lokasyon ng Athens, Greece. Lumulutang ang utak niya kay Jameson. Nasaan na kaya ito? Saang bar ba ito nagpunta? Sino kaya ang kasama nito? Mga ka-opisina kaya niya o baka naman may nakilala na itong babae sa bar. Lumagabog ang kaba sa dibdib ni Nadia. Hindi mawala sa isip niya ang imahe na nasa isang madilim na bar si Jameson. Nasa dance floor ito at napaliligiran ng iba’t ibang babae na . They got their hands on him. At isa sa mga ito ang nagbukas ng butones ng polo nito... “Nooooo!” tili ni Nadia at biglang tumayo. “Anong nangyayari sa iyo?” nagtatakang tanong ng pinsan niya. “A-Ano.... Kasi... Paano kung sina Ali at Basti ang magkatuluyan?” palusot niya. “Hindi ba nakakaloka iyon?” Nagtataka siyang tiningnan ng inang si Aling Linda. “Anak, Jadine iyan. Siyempre ang magkakatuluyan sina Basti at Iris. Ayos ka lang ba?” “O-Opo naman,” sabi niya at dahan-dahang umupo. “Uso na po kasi ngayon ‘yung Love Wins. Iba na ang nagkakatuluyan.” “Ano ba ang tinira mo at parang lutang ka?” tatawa-tawang tanong ni Maddie. Hinablot niya ang Lay’s na potato chips mula sa kamay nito. “Akin na nga ‘yan. Puro ikaw na lang ang kumakain.” “Paanong di ako ang kakain? Lutang ka nga kanina pa,” sabi nito at sumimangot. “Iniisip mo yata ‘yung hottie na si Sir Jameson.” “Tse! Kumain ka na nga lang at manood,” angil niya at padarag na ibinalik dito ang Lay’s. “Thank you!” ngingisi-ngising sabi ng pinsan at sumubo ng Lays. Pinilit ni Nadia na mag-focus sa palabas. Pilit niyang in-appreciate ang kagandahan ng Greece na isa sa gusto niyang puntahan. Gusto niyang mangarap na balang-araw ay maidadala niya doon ang nanay niya. Pero pasimple niyang sinisipat ang cellphone. Baka may text ito. Baka tumawag. Nang wala siyang nakuhang kahit na anong message ay binuksan niya ang f*******: pati ang i********: account nito baka sakaling mag-check in o mag-post kung saan ito pumunta. Di ako concern sa kanya. Wala naman talaga akong pakialam. Gusto ko lang makita... Kung sino ang kasama niya. Kung safe siya. Kung uuwi din siya on time. Silip lang. I am just doing my job. Pupunta pa kami sa Tagaytay Highlands bukas. Kailangang umuwi siya at nang makapagpahinga. Kasama iyon sa training niya. Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin post ang lalaki. Di niya alam kung nasaan ito. Lalo siyang napraning. Para kung nag-let’s get it on agad ito sa kung sinumang ka-date nito o napulot sa bar? Nooooo! Hinablot niya ang phone at akmang tatawagan niya pero ibinalik din niya ang cellphone sa arm ng sofa. Baka isipin na naman nito na nagseselos siya. Feelingero pa mandin ang lalaki. Humalukipkip siya. Di ko siya tatawagan. Wala akong pakialam sa babaeng kasama niya. Wala! Wala! Wala! “Bakit hindi mo siya tawagan?” untag ni Aling Linda sa kanya. Nilingon ni Nadia ang ina. “Po?” “Kanina ka pa patingin-tingin sa cellphone mo. Parang may inaabangan kang tatawag o magte-text sa iyo. Sino pa ba iyan at di mo pa tawagan?” tanong nito. “W-Wala po. May hinihintay lang akong post ng kaibigan ko,” sabi ni Nadia at tipid na na ngumiti. “Patingin nga sinong friend iyan.” Biglang dinukwang ni Maddie ang cellphone niya bago pa makahuma ang dalaga. Saka ito tumakbo sa kabila ng sofa at nakataas ang kamay na tiningnan ang cellphone niya. “Ah! Jameson pala ang pangalan ng friend mo. Ini-stalk mo siya. Kaya naman pala distracted ka.” Hinablot niya ang cellphone mula sa pinsan. “Hindi ko siya ini-stalk. Diyan ka na nga. Matutulog na lang ako. Maaga pa ako bukas.” Humalik siya sa pisngi ng ina. “Goodnight po.” “Ulitin na lang natin itong Till I Met You marathon bukas para maintindihan mo. Huwag ka nang mahiya. Tawagan mo na dahil di ka matatahimik hangga’t di mo nakakausap,” payo ng ina at pinisil ang braso niya. Pagpasok sa kuwarto niya ay tinitigan niya ang pangalan ni Jameson sa contact niya. Ipinilinig niya ang ulo. Hindi ko ibababa ang pride ko. Pero di ibig sabihin ay di siya makikibalita dito. Tinawagan niya ang number ng driver ng binata. “Manong, nasaan po kayo ni Jameson ngayon?” “Nandito po ako sa bahay. Maaga po akong matutulog dahil pinapasundo kayo ni Sir Jameson nang maaga bukas.” “Ibig pong sabihin umalis si Jameson nang hindi kayo kasama?” “Naku, Ma’am. Ang alam ko di siya umalis sa kuwarto niya. Maaga din daw siyang matutulog.” Kumunot ang noo niya. “Sigurado po kayo? Sabi niya magba-bar siya ngayon dahil nami-miss na niyang lumabas. Pwede pong i-check niya sa kuwarto niya?” “Sandali po at sasabihan ko si Luningning ko para katukin si Sir Jameson.” Palakad-lakad siya sa kuwarto niya habang pinapakinggan ang pag-uusap ng mag-asawa. “Baka tulog na si Sir Jameson. Nakita ko pang nakasando at shorts lang kanina.” “Tingnan mo na nga.” Mahigpit ang hawak niya sa cellphone habang pinapakinggan ang katok sa pinto. Malakas ang pakiramdam ni Nadia na tumakas si Jameson gaya ng dati nitong ginagawa. Di ma-imagine ng dalaga na pipirmi lang ang lalaki sa bahay kapag Biyernes ng gabi. Narinig niyang bumukas ang pinto. “Manang, bakit po?” Nanlamig ang buong katawan ni Nadia. Boses iyon ni Jameson. Nasa mansion lang ito. Hindi ito umalis. Hindi ito nag-party. “Nag-aalala po kasi sa inyo si Ma’am Nadia. Baka daw po umalis kayo nang di ako kasama,” anang driver. Napasandal ang dalaga sa dingding ng kuwarto niya at padausdos na umupo. Walling kung walling ang drama niya. Sana nga ay lamunin na lang siya ng pader ng mga oras na iyon. Kailangan pang sabihin kay Jameson na nag-aalala siya dito. Dali-dali niyang in-off ang cellphone. Di niya kayang kausapin si Jameson ngayon. Nakakainis! Nakakainis talaga. Humiga siya sa kama at nagtalukbong. Bukas na niya bubukas ang cellphone paggising niya. Ugh! Paano niya haharapin si Jameson bukas? Di ba mukha siyang guilty dahil in-off niya ang cellphone niya? Wala na. It’s a done deal. Nai-off na niya. Pero may ngiti sa labi niya nang pumikit. Saka na niya poproblemahin ang bukas. Ang mahalaga ay hindi nag-bar si Jameson. Di ito nag-pick up ng babae sa bar o nakipag-date sa iba. Mahimbing siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD