ILANG minutong nakatulala si Nadia sa kisame. Mula pagkabata ay excited na siyang pumasok sa eskwelahan at hanggang magkatrabaho siya. Dedicated siya sa kahit anong gusto niyang gawin. Wala siyang inuurungang pagsubok. Maliban ngayon. Maliban kay Jameson. Pwede bang magpanggap na lang ako na may sakit? Hindi ko yata kaya. Matapos ang ilang minutong tug-of-war sa kama ay tumuloy na siya sa banyo para maligo. Baka sakaling mahimasmasan siya. Nakaligo na siya at lahat pero mabigat pa rin ang loob niya. Parang magkakasakit siya. Tumawag na lang kaya ako kay Miss Tina? Siya na muna ang mag-take over kay Jameson. It was just a social engegament. Di naman masyado tungkol sa negosyo. Konti lang. Ngayon lang siya a-absent sa trabaho dahil wala siya sa mood. May karapatan naman siguro siya na ma

