“MALIGAYANG PAGBABALIK, SIR JAMESON!” Simple pero masaya ang naging pagsalubong sa binata ng mga tauhan pagdating nila sa factory. Mula sa airport ng Santiago City tumuloy na sila Nadia sa pabrika. Nagmano ang binata sa isa sa matatandang tauhan doon. “Tatang Rudy, dito pa rin pala kayo.” “Binata na kayo, Sir,” namamanghang sabi nito. “Jameson na lang po, Manong. Mabuti po dito pa rin kayo nagtatrabaho sa amin. “Wala naman akong ibang alam gawin kundi ito lang,” sabi nito at itinuro ang ibang kasamahan. “Pero engineer na po ang anak ninyong si Romy pati si Carla po nurse na. Hindi na ninyo kailangang magtrabaho dito. Balita ko nga po ipinagtatayo na kayo ng mansion. Dapat nagre-relax na kayo kasama ang mga apo ninyo,” sabi ng binata at inakbayan ang matandang lalaki. “Naku, Sir

