chapter 1 | mansion
CARLY
First day of summer.
Kasalukuyan akong nakahiga sa kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang tumatawag at nakitang si Jazz lang pala.
"Hello?" Tamad kong bati sa kabilang linya.
Napasinghap naman ako sa biglaang pagsigaw niya. Malala na talaga siya.
"Bruha ka. May usapan kaya tayo!" Oo nga pala. Wala naman akong mapapala kung sasama ako sa kanila. Mas mabuti pang magkulong na lang ako buong maghapon sa kwarto at matulog.
"Tinatamad ako." Simple kong sagot.
"Caroline!"
Napasimangot ako sa pagsigaw niya ng pangalan ko. Alam na alam niya kasi na ayokong tinatawag sa totoo kong pangalan. Mas gusto ko ang Carly kaysa sa... nevermind.
Napabangon ako sa hinihigaan ko at balak nang pumunta sa kinaroroonan niya.
"Pumunta ka na rito!" Sigaw niya.
Sa totoo lang, gustung-gusto kong pumunta sa lugar na pupuntahan namin. Naalala ko kasi noon ang lola na nagkukwento tungkol sa isa pang lugar na nakakabit sa lungsod na ito. Kaya gusto ko sanang pumunta para malaman kung totoo ba talaga o sadyang haka-haka lamang.
Pinalis ko na ang katamaran at nagbihis na ng maayos na damit.
Binagalan ko lamang ang pagkilos dahil alam kong sa bahay nila Jazz ang meeting place.
Pagdating ko roon, expected kong ako na lamang ang hinihintay. Nandoon na kasi sila Aliyah, Dion, Hannah, Kean at Oliver. Halos lahat sila ay nakasimangot maliban lang kay Dion na mahaba ang pasensya.
"Grabe ka talagang babae ka. Buti sumulpot ka pa," banat agad sa akin ni Jazz na nakapameywang pa. Imbes na pansinin pa ang mga sinasabi niya, tumahimik na lang ako. Alam kong magsasalita pa siya.
"Kanina pa kami naghihintay dito. Kung hindi pa kita tinawagan, hindi ka pa pupunta." Mukhang tama nga ako, nagalit na talaga siya. Hinintay kong humupa ang inis niya. Magsasalita pa lamang sana ako kaso naunahan na ako ni Kean sa pagsasalita.
"Jazz, can we go now?" Napatingin ako sa kanya sandali. Direct to the point as always. Tulad ko, mukhang excited na rin ang isang ito na malaman ang kung ano ba talaga ang mayroon sa kabilang mundo na iyon.
Bago pa makapagsalita si Jazz, lumabas na ng bahay si Kean.
Kailan kaya magbabago ang isang ito?
Sa aming magbabarkada, siya talaga ang pinakaweird. Hindi ko nga alam kung paano siya napabilang sa grupo namin eh.
Sumunod na rin ako kay Kean na nauna na. Naramdaman ko rin yung iba pa naming kasama na nagsisisunuran na. Pati na rin si Jazz na walang choice kundi ang sumunod na rin.
Sabay sabay na namin tinahak ang daan papunta sa isang lumang bahay. Tahimik lamang kami at tanging tunog lang ng mga kuliglig ang maririnig. Gabi na kasi at ngayon namin naisip--- ay mali, ngayon naisip ni Jazz na gawin ang plano para wala raw makakita sa amin kung sakaling pupuslit kami.
Matagal na kasing sinarado ang mansyon na iyon dahil na rin sa mga kung anu-anong kwento ang kumakalat sa buong lugar.
Malayo kami sa syudad kaya natural lamang sa mga tao ang paniwalaan ang mga bagay na kahit imposible ay ipagpipilitan pa rin na totoo 'yon.
Tahimik lamang kami habang naglalakad. Walang may lakas ng loob na magsalita.
Pagkatapos ng sampung minuto, nakarating na rin kami sa mansyon na matagal nang kinalimutan. Medyo creepy siya. Bukod sa mga agiw na nakapalibot sa buong bahay, idagdag mo pa ang kulay itim na pintura nito.
"Mas nakakatakot pala 'to sa personal." Saad ni Aliah na siyang unang bumasag sa nakabibinging katahimikan. Sa pictures lang kasi na pinapakita sa amin ni lola noon nakikita ang itsura ng mansyon dahil sa tsismis na may engkanto raw rito.
"Hindi lang nakakatakot. Sobrang nakakatakot." Si Jazz, at niyapos pa ang sarili.
"Let's go inside." ani Dion at nagpatiuna na. Agad namang sumunod si Kean sa kanya.
Hindi kami basta makakapasok kaagad sa mansyon dahil sa malaking gate na nakaharang doon. Medyo malayo ang mansyon sa mismong gate nito pero agad mo itong matatanaw. May malaking garden din pero dahil matagal na nga itong napabayaan, patay na ang mga halaman. Maganda siguro ang mansyon na ito kung inaalagaan lang. At kung tatantyahin, kakailanganin mo pang gumamit ng sasakyan bago makarating sa mismong harap ng mansyon. Ganoon kalaki ang lupang ito!
"Carly, we need your help." Nawala ako sa pagmumuni-muni nang marinig ko ang boses ni Aliyah na siyang tumawag sa akin.
Agad naman nangunot ang noo ko dahil they need my help daw.
"What?" tanong ko kay Aliyah.
"Carly, sa ating magbabarkada, ikaw ang matinik sa lock picking. Pwedeng pwede ka na nga sumali sa mga akyat bahay gang eh. Pa-member ka kaya?" sagot ni Jazz sa akin at tinaasan ako ng kilay.
Sinamaan ko siya ng tingin. Manghihingi na lang ng pabor, manlalait pa!
Papatulan ko pa sana siya, kaya lang nagsalita si Kean.
"Continue that later. Open this gate first." masungit na saad nito at tumabi na sa may gilid ng gate para mabuksan ko na.
Fine! Edi bubuksan na!
Mabuti na lang at nagdadala ako ng clip palagi sa bulsa, in case of emergency. At ganitong emergency ang tinutukoy ko.
Kinuha ko na ang clip ko at ini-straight iyon saka kinalikot ang padlock ng gate. Ilang minuto lang ay narinig na namin ang click sound niyon, sign na bukas na ang lock at pwedeng pwede na kaming pumasok.
Kung tutuusin ay trespassing na maituturing ang ginagawa namin dahil private property talaga ito at pinasara lamang ng may-ari dahil sa mga tsismis noon.
Mukhang tama nga si Jazz na pwedeng pwede na akong sumali sa mga akyat bahay gang. Pa-member na kaya ako?
Nakita ko namang tinatanggal na nila Dion at Oliver ang kadena sa gate. Secured na secured talaga. Si Kean naman nasa gilid lang at nakatingin lang sa kanila. Akala mo big boss kung makaasta eh.
"What?" Iritang tanong sa akin ni Kean nang lumingon siya sa gawi ko. Mukhang nakita niyang nakatingin ako sa kanya.
"What what?" ganting tanong ko sa kanya. Mabait naman ako kaso minsan talaga tinotopak ako kapag nakakausap ko 'tong si Kean na dinaig pa babae sa pagsusungit. Tsk.
Nangunot naman ang noo ni Kean at mataman akong pinagmasdan.
"You're staring at me. How could you be so rude?" he said then smirked.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Staring agad?! Diba pwedeng napatingin lang? Tsk. Utak talaga nito ni Kean kung saan saan nilalagay eh.
I just made a babbling sound to annoy him. Kahit sa totoo lang, mas naiirita ako sa kanya. Psh.
"Oh, how annoying my little witch." ani Kean at halatang naiinis na nga ang mukha niya dahil namumula na ang pisngi niya. Iyan! Lakas mong mang-asar pero pikunin ka naman. Hindi ko na lamang pinansin ang itinawag niya sa akin. Nakaka-drain siya ng energy kausap, palaging may counterback sa usapan.
"Tama na 'yang lq niyo, bukas na ang gate." ani Oliver at binuksan nang maluwag ang gate. We heard the annoying noise of the gate as it pushed by my friend. Para kaming nasa horror movie, shet!
Sabay sabay kaming naglakad papasok sa loob. Kanya-kanyang labas naman sila ng flashlights dahil sobrang dilim talaga sa loob hindi katulad sa labas na naaaninag pa ng mga street lights kaya nagkakakitaan pa kami kanina. Nilabas ko na lang ang cellphone ko at in-on ang flashlight.
Tahimik lang ang paligid nang pumasok kami. Pati ang mga kasama ko tahimik din at parang pinapakiramdaman nila ang paligid. Tanging tunog ng mga tuyong dahon na natatapakan namin ang maririnig.
"Back out na tayo, guys?" tanong ni Jazz na takot na takot na. Tingnan mo ang babaeng 'to, lakas magyaya, takot naman pala.
Lahat ng flashlight na dala namin ay itinapat namin sa mukha ni Jazz na nagsalita. Kitang kita namin ang pamumutla ng mukha niya at pasimpleng pagyakap kay Dion na katabi niya. Natatakot na nga, naisingit pa ang kalandian.
"We can't back out Jazz, just because you say so. Nandito na tayo, might as well enjoy this adventure." ani Kean na seryosong seryoso. Naks naman! Adventure talaga? Parang gasgas na ghost hunting lang naman 'to eh. Walang adventure, walang thrill.
Pero on the second thought, I agree with him. Nandito na kami. Sayang naman ang effort kong magsayang ng hair clip para lang mabuksan ang lock kanina sa gate kung hindi kami tutuloy. Napatango tango ako sa sinabi ni Kean dahil malaking percent ng utak ko ang agree sa kanya.
Nang mag-angat ako ng tingin, nakita kong nakatingin na pala sa akin si Kean at nakataas lang ang kilay niya sa akin.
"Want to say something, Caroline?" he smirked. Alam niyang ayaw na ayaw kong tawagin sa ganyang pangalan pero ang hudas, tuloy pa rin. Hindi ako magpapaapekto sa kanya, kainis siya. Baka pag nakita niyang naiinis ako ngayon sa ginagawa niya, maisip pa niya na panalo na siya pagdating sa asaran.
"Tama si Kean, Jazz. Nandito na tayo kaya ituloy na natin." sabi ko at humarap kay Jazz na nakayakap pa rin kay Dion.
"Besides marami naman tayo kaya okay lang. Nandyan naman ang mga boys para protektahan tayo." tuloy ko.
Nakita ko namang napatango si Dion at Oliver sa sinabi ko. Si Kean naman ay nanatiling nakataas ang kilay sa akin at pinagmamasdan ako.
"Oh really, Caroline? So, you're also thinking na poprotektahan kita?" he asked. Kalma ka lang, Carly! Hindi siya worth it ng oras mo. Tumango na lamang ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Tse!
"I love that confidence of yours, my little witch." said Kean. Lalapit sana siya sa akin, buti na lang nagsalita si Hannah na kanina pa tahimik.
"Uh.. guys.. I think tama si J-jazz.. umalis na t-tayo rito." ani Hannah at may itinuro siya sa second floor ng bahay.
Saka lamang namin napansin ang isang kwarto roon na glass wall. Bukas ang ilaw doon at may nakita kaming matandang lalaki na nakatingin sa gawi namin saka ngumiti. Kinilabutan ako sa klase ng ngiti niya. At ang mga mata niya, hindi ko alam kung namamalik mata ba ako o ano, pero para bang sa akin nakatutok ang paningin niya. Hindi ko maintindihan pero parang may gustong sabihin ang tingin niya.
Nagulat kami nang biglang mawala ang matandang lalaki kasabay niyon ang pagkamatay ng ilaw.
Napatili kaming mga babae dahil sa nangyari.
T-teka! Ibig sabihin ba nito, mayroon nang nakatira sa mansyon? Pero matagal na panahon na itong ipinasara kaya imposibleng may tao pa ritong nakatira. Hindi kaya--- hindi kaya, ghost hunting talaga ang ipinunta namin dito?
"Putek! Mag-goghost hunting na ba tayo?" ani Oliver na titig na titig pa rin sa second floor.
Parehas pala kami ng iniisip. Parang gusto ko na mag-back out ah? Hayp ka Carly! May nilalaman ka pang ituloy ang adventure niyong 'to, duwag ka rin naman pala!
"We need to find the man. Hurry!" sabi ng nagmamadaling si Kean at tumakbo papalapit sa mismong pinto ng mansyon.
Sumunod sa kanya si Dion na kanina pa sunod nang sunod dito sa feeling boss na si Kean. Dahil nakayakap si Jazz kay Dion, wala siyang choice nang hilahin siya nito papalapit kay Kean. Kawawang Jazz.
Si Oliver naman nagdadalawang isip pa kung susunod ba o hindi. Pero maya maya pa ay sumunod na rin siya sa kanila. Kahit sila Aliyah at Hannah ay sumunod na rin kay Oliver. Habang ako, nanatiling nakatayo sa pwesto ko. Damn! Naduduwag na talaga ako. Ugh!
"Carly, halika na!" napansin kong nasa tapat na pala silang lahat sa pinto ng mansyon at nakatingin sa direksyon ko.
Agad na akong tumakbo palapit sa kanila. Baka mamaya may biglang gumapang palapit sa akin at hilahin ang paa ko.
Nang makarating ako sa pwesto nila, bigla silang gumilid sa magkabilang tabi. Para akong reyna dahil sa ginawa nila. Akala ko trip lang nila pero nawala rin ang iniisip ko nang magsalita ang epal na si Kean.
"Open the door, my little witch. Nagmamadali tayo." sabi nito na para bang utusan niya lang ako. Hayp ka talaga Kean!
Binuksan ko na lang ang pinto. Ito naman talaga ang role ko sa buhay eh, tsk.
Nang marinig ko na ang click sound, tumabi na ako dahil baka mamaya nakaabang pala sa likod ng pinto na 'yan ang matandang lalaki na nakita namin at bigla na lang kaming tagain! Seriously, Caroline?
Pumwesto na si Kean para buksan ang pinto pero nabigo siya. Masyadong mabigat ang pinto dahil na rin siguro sa laki at taas nito. Agad namang lumapit ang dalawa pang lalaki at tinulungan si Kean sa pagtutulak ngunit bakas sa mga mukha nila na nahihirapan talaga sila.
Nakitulong na rin sila Jazz, Aliyah at Hannah sa pagtutulak pero wala pa ring nangyayari. Pinapanuod ko lang sila dahil sa tingin ko, wala pa rin namang kwenta kahit makitulak ako. Sa payat kong 'to, baka ako pa ang matulak ng pinto na 'yan!
"What now, princess? Tutunganga ka na lang ba at pagmamasdan kaming magtulak dito?" Kean said in an annoyed tone. Nakita ko namang tinapik siya ni Oliver sa balikat para siguro patigilin siya.
I rolled my eyes at him.
"Paano ako makakatulong, eh nakaharang ka?" pambabara ko sa kanya. Oh talaga, Carly? Sa dami-rami ba naman ng pwedeng sabihin?
Tumaas ang kilay ni Kean sa akin. "Okay then. Open the door for us." he smirked at gumilid na. "Umalis kayong lahat dyan at nakakaistorbo pala tayo sa mahal na prinsesa."
"Kean!" Jazz interfered.
"What?" Kean said at tumingin sa gawi ko. "Do your task, princess."
I rolled my eyes again at him. Consistent na siguro ang pagkulo ng dugo ko sa lalaking 'yan.
Nakita kong magsasalita pa ulit si Jazz pero pinigil ko na siya.
"Okay lang, Jazz. Totoo naman kasi talaga. May malaking harang kanina kaya di ako makatulong." I said and directed my eyes at Kean.
Hindi ko na siya hinintay pa na magreact at lumapit na sa pinto para buksan iyon. Tinaas ko ang manggas ng tshirt na suot ko. Wala lang, para cool kid!
Huminga ako nang malalim at nilapat ang kamay ko sa pinto. Pinakiramdaman ko muna ang paligid. Packing tape! Kinakabahan ako.
"Nervous?" I heard Kean said at swear! Ang sarap talaga busalan ng bibig niya.
Sa sobrang inis ko sa kanya, nawala sa isip ko ang lahat ng takot ko. Bigla kong itinulak pabukas ang pinto na parang wala lang. Nagulat ako nang wala kong kahirap hirap na nabuksan ang pinto.
Napatingin ako sa mga kasama ko na mukhang gaya ko ay nagulat din. Maging si Kean na nang-aasar sa akin ay walang nasabi.
Nang mapalingon siya sa akin, I smirked. Mukhang ang swerte ko ngayon ah?
"Tsk. Not bad." said Kean. Anong not bad?! Nabuksan ko ang pinto na walang kahirap hirap tapos 'yan lang ang sasabihin niya?
"Ang galing mo Carly!" palakpak ni Jazz at niyakap yakap pa ako. Nakitawa naman sina Aliyah at Hannah dahil sa ginawa ni Jazz.
"Ang angas mo talaga! Kaya idol kita eh." sabi ni Oliver at tinapik ako sa balikat.
Aba! Ginawa pa akong lalaki. Pero okay na rin, at least pinuri niya ako.
Ngumiti lang si Dion sa akin kaya ngumiti na lang din ako sa kanya.
"Are you done?" tanong ng hudas sa amin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Asar-talo.
"Kj mo talaga kahit kailan!" ani Hannah kay Kean na nagpasimangot sa huli.
"Hayaan mo na 'yan, pahiya kasi." I said at nagdiriwang na ako sa loob loob ko dahil mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Kean.
"What did you just say?" tanong muli nito. Hindi na namin siya pinansin at naglakad na lamang kami papasok.
Kaonting kaonti na lang, gusto ko nang humalakhak sa itsura ng hudas ngayon. Pulang pula na!
Nagdire-diretso na kami sa loob. Sumunod na rin sa amin ang pikuning si Kean. Buti nga sa kanya.
Bumungad sa amin ang dalawang grand staircase ng mansyon. Kahit madilim, naa-appreciate ko pa rin ang ganda ng loob ng mansyon. Paano pa kaya kapag may liwanag na? Edi laglag panga na?
Malawak pala talaga ang mansyon at kung hindi ka rito nakatira, siguradong maliligaw ka sa rami ng hallway na nandito. Magkakalapit kaming lahat at si Kean ay nasa likod lang namin dahil siya ang nahuhuli sa aming maglakad.
Napagpasyahan naming umakyat dahil sabi ni Kean mula sa likod namin na, we need to find that f*****g man. Sarap tapalan ng bunganga, murahin ba naman ang matandang lalaking nakita namin?
Nang makaakyat kami, agad kaming lumiko sa kanang bahagi na pasilyo. Narinig pa namin ang pagmumura ni Kean sa likod namin dahil dapat daw sa kaliwa kami lumiko. Problema ba nito? Hindi niya ba alam na, right is always the best choice? Pasalamat nga siya, tinutulungan namin siya eh. Walang pumapansin sa kanya magmula nang makapasok kami sa loob kaya siguro papansin.
"I said doon tayo sa kabila-oh what the f**k!" mura muli nito nang makarinig kami ng kalabog sa likod namin. Hilig talaga magmura.
Lumingon kami sa pwesto ni Kean na mukhang nagdive sa sahig.
"f**k! What is this?" Ano ba 'yan Kean, wala ka na bang ibang alam na english words kundi f**k?
Itinapat naman niya ang flashlight niya sa bagay na hawak niya. Lumapit kaming lahat kay Kean na umuupo nang maayos. Kitang kita namin ang bagay na nasa kamay niya. Isang gold necklace na may pendant na orasan. Mukhang mamahalin. Kahit mukhang matagal na ang necklace na iyon halata pa rin ang kagandahan niyon. Parang nanghihipnotismo.
Tiningnan naming mabuti ang orasan at nakitang hindi gumagalaw ang kamay nito at naka-stuck lang sa oras na alas-dose. Parang fairy tale lang.
Napatingin naman si Kean sa relo niya bago pinihit ang gilid ng pendant na orasan ng necklace. Kinalikot niya ito at nilagay sa tamang oras. Hindi na nga umaandar, nilagay pa sa tamang oras, tsk! Akala mo naman gagana 'yan. Utak talaga.
Nang matapos si Kean sa ginagawa niya, nagulat kami nang biglang makarinig nang kalabog sa first floor ng mansyon. Nagmadali kaming nagpuntahan doon para tingnan kung anong meron. Hindi pa man din kami nakakababa sa may hagdan, nakita na namin ang matandang lalaki kanina na nakangiti sa amin. Nagtitindigan na naman mga balahibo ko. Napatigil ako sa pagtakbo at mukhang ganoon din ang mga kasama ko.
"Sa wakas, nahanap na namin kayo." ani nito at humalakhak.
May hawak siyang itak at palapit siya nang palapit sa amin. Mukhang tama nga ang hinala ko na tatagain kami ng matandang 'to. Ugh!
Kaunti na lang at mararating na ng matanda ang pwesto namin ngunit para kaming natuod sa pwesto namin dahil unti-unting nagbabago ang anyo ng lalaki. Lumuluwa na ang mga mata niya at may lumalabas na rin na uod sa tenga, ilong at bibig niya ngunit parang hindi niya ito napapansin dahil patuloy lang siya sa pagtawa kahit wala namang nakakatawa.
Ilang hakbang na lang at nasa harapan na namin siya. Tulungan niyo po kami. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko kung hindi lamang sa liwanag na nanggagaling sa katabi ko. Napatingin ako kay Kean na halatang nagulat dahil nagliliwanag ang orasan na napulot niya kanina. Sa sobrang liwanag nito, hindi ko na makita ang paligid ko. Narinig kong napasigaw si Jazz dahil sa nangyayari.
Gusto ko siyang lapitan ngunit hindi ko magawa.
Malapit na akong mawalan ng ulirat. Ngunit bago pa ako mahimatay, naramdaman kong may humawak sa kamay ko at pakiramdam ko ay para akong nahuhulog sa bangin. Katapusan ko na ba?
"Don't worry, I'll protect you princess." narinig kong sabi ni Kean at tuluyan na akong nawalan ng malay.