Chapter 11

2125 Words
Hindi magkandaugaga si Sam sa mga bitbit. Kasalukuyan siyang namimili sa mall, kung hindi ba naman saksakan ng demanding ang dalawang kumag niyang kaibigan kung anu-ano ang pinabibili sa kaniya. Malapit na ang graduation nila kaya todo busy na sila. Nagpabili ng sangkaterbang tela ang Justin dahil nag presenta itong magtahi ng damit nila ni Aria. Simpleng bestida lang ang gusto niya, kung tutuusin marami siyang pwedeng isuot dahil may mga magagandang damit pa siyang bigay ng Mommy ni Ethan na hindi pa niya nagagamit. Kaso mapilit ang bruhang bakla na tahian sila ng damit ni Aria, pang graduation gift daw nito sa kanilang dalawa. Sa tingin niya sa dami ng telang nabili niya at kung anu-ano pang abubut ay parang gown ang tatahiin nito. ang Akala niya ay sasamahan siya ng dalawa para mamili pero hindi, rumampa ang bakla kasama ang boylet nito at si Aria naman ay tinulungan ang Mama nito sa gawaing bahay. Kaya heto siya ngayon at hindi alam kung papaano sasagutin ang cellphone niyang kanina pa nagaring dahil dalawa lang naman ang kamay niya at parehong puno ng plastic bag ang mga kamay niya. Dinukot niya ang cellphone sa maliit na bag na dala niya gamit ang kanang kamay na may bitbit na tatlong malalaking plastic. " Hello?" sagot niya sa cellphone niya ng hindi tumitingin sa caller id. " Love, sa'n ka?" bungad ni Ethan sa kabilang linya. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi niya ng marinig ang boses ng kasintahan. " Nasa mall ako may binili lang. Bakit?" sagot niya habang inaayos ang mga plastic bag sa isang kamay at iniipit ang cellphone sa pagitan ng balikat niya at tenga. " Anong bakit? Kailangan ba ng dahilan para makita ka?", hirit nito sa kabilang linya. Kahit corny ay kinilig siya pero syempre hindi siya nagpahalata. Napangiti siya. " Ang corny mo Ethan, sunduin mo po kaya ako kasi ang dami kong bitbit. Pwede po ba?" tanong niya dito. " You don't need to ask love. Malapit na ako, text mo na lang kung saan ka banda para puntahan kita. See you, love you", sabi nito bago nawala sa kabilang linya. Pagkasend niya sa meeting place nila agad niyang binalik ang telepono sa bag. Saktong pagkasara niya ng bag ay bumigay ang handle ng isang plastic bag na dala niya. Nahulog sa sahig ang mga laman niyon at hindi siya magkanda ugaga sa pagpulot nito. " Nakuuuu kung minamalas ka nga naman Pasensya na po." paghinging paumahin niya sa mga taong dumadaan na pilit umiiwas sa mga nagkalat sa sahig. Pupulutin na sana niya ang isang pakete ng beads ng may naunang nakakuha dito. Inabot nito sa kaniya ang pakete. " Mukhang kailangan mo ng tulong hija." saad nito. Tiningala niya ang mukha ng taong tumulong sa kaniya. " Salamat po Sir, pasensya na po naabala ko pa kayo." nahihiyang sabi niya sabay yukod. Ngumiti ang matandang lalaki sabay sabing, " Walang anuman." Pagtataka ang unang rumehistro sa utak ni Sam ng makita ng mukha ng lalaki lalo na ng matitigan niya ng maigi ang mukha nito. ' Bat parang familiar sa'kin yung mukha niya. May kamukha siya.' sambit niya sa isip. Bilugan ng kaunti ang mukha nito gayunpaman ay mababakas ang prominenteng jawline nito. Matangos ang ilong nito ng gaya ng sa isang foreigner. Ang abuhin nitong buhok ay bumagay sa kulay ng mga mata nito. Hazel nut eyes na kung tumitig ay parang binabasa ang kaniyang kaluluwa . Sandali pamilyar sa kaniya ang ganung mata at klase ng pagtitig. 'Parang mga mata ni Ethan!' gulat niyang sambit sa isip " I'm Eduardo Montelebano, Ethan's father. I've been meaning to talk to you Sam. Pwede ka bang makausap hija?" sabi nito sabay abot ng kamay nito. Bigla nanuyo ang lalamunan niya at umusbong ang kaba sa dibdib niya. Wala sa sariling tumango siya. Iginiya siya nito papunta sa isang malapit na restaurant sa loob ng mall. Nang makaupo ay umorder ang nakatatandang lalaki ng sandwich at inumin. Tinanong din siya nito kung ano ang gusto niyang orderin at dahil kinakabahan siya isang basong lemonade lang ang inorder niya. Hindi niya alam kung bakit sobra-sobra ang kaba niya. Maraming dahilan ang kaba niya. Una dito ay ama ni Ethan ang kaharap niya. Unlike Tita Joyce na open arms ang pagtanggap sa kaniya bilang nobya ng anak nito, hindi niya alam kung ganito din ba ang pagtanggap na makukuha niya mula sa ama ng binata. Isa pa, eto ang kauna-unahang pagkakataon na nagkaharap sila, wala siyang alam tungkol sa tatay ng binata dahil hindi kailanman nababanggit ni Ethan ang ama nito. Ikalawang dahilan kaya hindi nababanggit ni Ethan ang tungkol sa ama nito dahil sobra-sobra ang sama ng loob ng binata sa tatay nito. Sukdulan ika nga ang galit ni Ethan sa ama. Speaking of Ethan, nawala sa isip niya na papunta nga pala ang binata kung nasaan siya. mas lalo ang kaba niya pag nakita nitong kausap niya ang ama nito. " Hija, I'm sorry about this. Pasensya na kung nagulat kita. I hope you don't mind." pagbubukas nito ng usapan. Alanganin siyang ngumiti, " O-okay lang po. Pwede ko ho bang matanong kung ano ang kailangan nyo po sa akin?" Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. " I think may idea ka about my relationship with my son. We are not in speaking terms right now since nung divorce namin ng ex-wife ko." saad nito. " Yes po. Hindi nga po kayo nababanggit ni Ethan sa akin or sa kahit na sino." sagot naman niya Nagpatango-tango ito pagkatapos ay pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. Pinakatitigan siya nito pagkatapos ay ngumiti. " I'm sorry hija. I just can't help it. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero nakakatuwa lang na ikaw ang minahal ng anak ko. Masaya ako na mahal ka niya at mahal mo rin siya. Tama ba?" mahabang turan nito. Awkward man sa pakiramdam ngumiti siya at tumango. " Opo." " Good. I just want you to know masaya ako para sa anak ko kahit ayaw niya akong kausapin or tingnan man lang. I just want you to promise me one thing?" " A-ano po yun?" tanong niya " Wag mong sukuan ang anak ko. Kahit na anong mangyari wag kang sumuko. Wag mo siyang talikuran." Nagtatakang tinitigan niya ito. " Ano po ang ibig nyong sabihin." " Time will come and malalaman mo rin. Basta ipangako mo sa akin hindi mo siya susukuan kahit na anong mangyari." sagot nito sabay gagap sa kamay niyang nakapatong din sa mesa. Nagtataka man napatango na lamang siya. Ngumiti ito at nagpasalamat sa kaniya. " You have her eyes. The more I look at you, mas lalo mo siyang nagiging kamukha." biglang bulalas nito "Po? Sino po ang kamukha ko?" nagtatakang tanong niya. " Your mother." may ngiti sa labing sabi nito. Nagulat siya sa sinabi nito. Paano nito nakilala ang nanay niya na ni sa hinagap hindi niya alam ang mukha? Wala man lang siyang picture nito dahil sabi ng Nana at Papu niya ay nasunog lahat. " Paano nyo po kilala ang Nanay ko?" nagtatakang tanong niya. Akmang sasagot na sana ito ng ang madilim na mukha ni Ethan ang nakita niyang papasok sa loob ng restaurant. " E-ethan-" napatayong saad niya ngunit hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang hinablot siya nito. " What do you think you're doing?!" puno ng galit na turan nito sa ama. May lambong ng lungkot na sumilay sa mga mata ng ama ni Ethan. Tumayo ito at sinubukang abutin ang anak pero iniwas ni Ethan ang sarili. " A-anak please let's talk." sumamo nito " Talk? Bakit gusto n'yong mag-usap tayo? Para saan pa? Para ipatanggol nyo ang babaeng ipinagpalit nyo kay Mommy? Save it! I don't want to hear it!" magkadikit ang ngipin na sagot nito sa ama. " Ethan please, its been years. Whatever happened between me and your Mom is between us, husband and wife. Hindi kasali doon ang pagiging ama ko." pakiusap nito. Parang walang narinig si Ethan sa mga sinabi ng ama nito. Parang wala lang dito ang pagkuha ng mga plastic bags na dala niya kanina pagkatapos ay lumabas na sa restaurant. " Pasensya na po. Mauna na po kami." aniya na naiwan mag -isa sa loob kasama ni Mr Montelebano. Akmang iiwan na niya ang matanda ng may pahabol pa ito. " Sam, tandaan mo ang mga sinabi ko at ang pangako mo sa akin. I can't tell you everything right now but someday...someday malalaman mo rin." Naguguluhan man sa mga sinabi ng matanda ay tumango na lamang siya at pilit na ngumiti. Agad niyang sinundan ang nobyong tumalilis palabas nga restaurant. Habang nasa daan ay wala silang imikan. Pinipigilan din niya ang paghinga dahil feeling niya pag narinig nito ang paghinga niya ay sasambulat ang galit nito. Halatang pinipigil lang nito ang galit. Bakat na bakat ang mga ugat nito sa kamay na nakahawak sa manibela. Pasimple niyang nilingon ito at tinitigan. Akmang bubuka ang bibig niya para magsalita ng inunahan siya nito. "Anong pinagsasabi sayo ng walang kwentang taong yun?" sabi nito kapagkuwan. Sasagot sana siya ng magsalita ulit ito. "Why did you even bother to talk to him? Ano bang kailangan niya? Sinabi niya ba na hiwalayan ako? Nakiusap ba siya sayo na tulungan siya para makausap ako?The nerve!Wala siyang kwenta! How could he approach you?!"litanya nito. Maingat niyang hinawakan ang kamay nitong nakapatong sa manibela saka ngumiti. "Can you please slow down or might as well stop the car. Baka madisgrasya tayo." mahinahon niyang sabi dito Tumalima naman ito at inihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sunod-sunod na buntong hininga ang pinakawalan nito pagkatapos ay hinarap siya. " What did he tell you?" kalmado pero may galit pa rin sa mga mata nitong sabi. "Pasensya na kasi hindi ko siya namukhaan agad." panimula niya. "Tinulungan niya lang ako sa mga bitbit ko. Then he introduced himself as your dad." she paused for a bit at tinimbang ang reaksyon ng kausap. Hindi ito kumibo kaya nagpatuloy siya. " Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi mo mapatawad ang daddy mo. Ayaw ko rin magtanong kasi I don't want to invade your privacy. Pero eto lang ang alam ko base sa pag-uusap namin kanina. Mahal ka ng daddy mo and miss na miss ka na niya. He just wants the best for you." mahaba niyang sabi sabay gagap sa kamay nito. Bumuntong hininga lang si Ethan at tumingin sa malayo. "I can't forgive him. Lalong-lalo na ang babae niya. That b***h broke my parents marriage. Alam niyang pamilyado si daddy pero sumige pa rin siya. I cannot forgive them. They both broke my mom's heart. Sobra-sobra ang sakit na idinulot nila kay Mommy." maluha-luhang turan nito. Pinisil niya ang kamay nitong hawak pa rin niya. "I promised myself and Mommy na pagbabayarin ko ang babaeng yun. Hindi siya pwedeng maging masaya. She took my mom's happiness, I'll make sure she never gets hers." tiim bagang nitong sabi. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya inaasahan na ganun kalalim ang sugat na ibinigay ng ama at ng kabit nito. She thought she knew him too well but she's mistaken. Ethan became a different person when it comes to his dad. Malayong-malayo sa malambing, mapagmahal at maarugang Ethan na kilala niya. She saw hatred in a different level. He loathed his father and his mistress so much that he's willing to take away other peoples happiness para maipaghiganti ang mommy nito. Having realized all this, she got scared. Napagtanto niya, nakakatakot pag ganito si Ethan. She doesn't know if she can handle him. Sapat ba ang pagmamahal niya para mawala ang galit sa puso ng binata? How far will she go for this guy? Ito na ba ang ibig sabihin ng daddy nito na wag sukuan ang binata? Kaya ba niya? Ano ang gagawin niya kung hindi sapat ang pagmamahal niya para dito? Nag-aalinlangan man ang puso niya sa ngayon ngumiti lang siya sa nobyo at pinisil ulit ang kamay nito. "I may not get where you're coming from but always know na andito lang ako. I'll be here for you kahit na anong mangyari. At aasa ako na sana balang araw, sana dumating ang araw na mawala ang galit sa puso mo. It doesn't suit you and never will. Mas gusto ko ang Ethan na mapagmahal, malambing at maaruga." mahabang sabi niya sa kasintahan at matamis na ngumiti. Walang salitang niyakap lang siya nito at ginawaran ng halik sa tuktok ng ulo. Hindi niya hawak ang emosyon ng kasintahan lalo na ang isip nito pero isa lang ang sisiguruhin niya. Gagawin niya ang lahat para mawala ang galit sa puso nito. Whatever it takes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD