Nakangiting binaybay ni Kenneth ang exit sa arrival area ng airport. Kakalapag lang eroplanong sinakyan niya galing States. Masaya at excited siyang umuwi ng Pilipinas. Naging matagumpay ang treatment ng mommy niya sa sakit nitong cancer, pero nanatili muna ito sa America para lubusang makapagpahinga at makapagpagaling. Hindi na siya masyadong nag-aalala sa kalagayan ng ina dahil andun naman ang daddy niya para alalayan ito.
Excited siyang umuwi, halos gustuhin na niyang siya ang magpalipad ng eroplano para mapadali ang pagdating niya. Funny, he shouldn't be feeling this way. He knew from the start na hindi kanya ang puso ni Sam, but he still compromised. Nababakasakali siya na mabaling ang pagtingin nito sa kaniya.
Before he left, they talked. And he remembered what she said to him.
One year ago....
" Babe, sagutin mo tawag ko ha." sabi niya sa dalaga.
Sumimangot ito bago sumagot," Tigil-tigilan mo nga ako sa kaka 'babe' mo jan Kenneth. Mag-ingat ka dun. Saka alagaan mo mabuti si Tita."
"Oo naman,syempre,pero gusto ko pa rin nakakausap ka kahit malayo ako. Mamimiss kaya kita." sagot niya dito.
"Ay sus, maraming chicks dun. Mas maganda pa keysa sa akin." sagot nito.
"Wala ba talaga akong pag-asa sayo?" malungkot niyang saad sabay titig dito.
He's hurting. Malinaw pa kasi sa sinag ng araw kung sino ang gusto nito. He knows it's useless na kulitin ito, nevertheless he wanted to try.
"Kenneth" sabi nito at nilingon siya sabay pinta ng isang mapait na ngiti.
Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos ay pilit na ngumiti sa dalaga.
" Alam ko, masyado kang halata na in love sa pinsan ko. Pero pwede bang maki-usap sayo?"seryoso niyang sabi
Nakakunot ang noong napatitig lang sa kaniya si Sam.
" Pag nakabalik na ako dito next year tapos wala pa ring progress sa relasyon ninyong dalawa ni Ethan, pwede bang ako na lang? Bigyan mo lang ako ng chance and I'll prove to you na worth it din ako." pakiusap niya sa dalaga.
Natigagal ito sa sinabi niya. Bumukas sara ang bibig nito pero walang salitang lumabas doon.
" Please Sam. I know it would look like I'm too desperate but I don't care. I...I just.."
"Kenneth, mabuti kang tao. Mabait ka din, hindi ka mahirap mahalin. But you know very well hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo. Pero salamat...Salamat kasi mabuti kang kaibigan." Mahabang turan ng dalaga.
Pagkatapos nitong magsalita ay alam na niya ang ibig nitong sabihin. Hanggang pagkakaibigan lang kaya nitong ibigay sa kaniya. Masakit man ang narinig, ngumiti pa rin siya at nagpatango-tango.
"Sige na nga. Suko na ako. Pero yung panliligaw ko lang yung isusuko ko ha, never ang friendship natin. Okay babe?" nakangiti niyang turan.
Umirap lang ito at ngumiti na rin.
"Oo na ang kulit."
Dumeretso siya sa condo unit niya at nagbihis. Its half past eight, gustuhin man niyang matulog pero hindi niya magawa dahil sa jetlag. So he decided to visit Sam. Bago lumabas ng silid ay kinuha niya sa mula sa bag ang isang maliit na kahon at isinilid sa bulsa ng kaniyang coat.
Habang nasa daan ay napaisip siya. Ano na kaya ang progress ng dalawa? Natawa siya, hindi naman torpe ang pinsan niya pero pagdating kay Sam ay nahihirapan itong i express ang nararamdaman. He knew Ethan too well since they grew up close to each other. They also have this healthy competition ever since they were young. From grades, academic awards to women.
And yes he also knew about how his cousin feels towards Sam. Its too obvious. When Ethan told him na off limits si Sam, he knew what he meant. Pero dahil gusto niyang inisin ang pinsan niya ay kinulit niya ng kinulit si Sam.Little did he know, he's falling for her as well. Magkaiba naman sila ng tipo ng babae ni Ethan pero hindi niya alam kung bakit nahulog siya kay Sam.
He had this first love thing way back when he was younger. He was six or seven years old back then when he met a little girl. Umiiyak ito habang nahiwalay sa kasama nitong yaya. Sa murang edad, he never thought he would fall for those eyes. They're big, round but determined. Umiiyak ito and looked so helpless pero her eyes were saying otherwise. Lulu was her name and she was his first love. Until Sam.
Saktong bumalik ang pag-iisip niya sa kasalukuyan ay nasa tapat na siya ng bahay nina Sam. Bumaba siya ng sasakyan at kumatok sa pinto.
" Tao po!" tawag niya mula sa labas.
Si Papu ang nagbukas ng pinto. Inaninag at sinipat pa siya ng matanda bago namukhaan.
"Magandang gabi po Papu." nakangiti niyang bati.
" Kenneth?Ikaw ba yan?Aba kailan ka pa dumating?" may halong gulat na sabi nito at iginiya siya nito papasok sa bahay.
Nadatnan niyang naka-upo sa sala si Nana at nanonood ng telebisyon. Lumapit siya dito, nagmano at nagbigay galang.
" Hay, kumusta ka na? Mas lalo kang gumwapo hijo!" bulalas ng matandang babae.
Napakamot sa batok at napailing na lamang siya.
" Mabuti naman po. Kayo ho kamusta?" sabi niya at naupo sa bankong gawa sa kawayan.
" Mabuti kami. Ang mommy mo kamusta?" tanong ni Papu.
" Mabuti na ho ang lagay ni mommy. Kasalukuyan ho siyang nagpapagaling sa America." nakangiti niyang sagot
" Hay naku mabuti naman. Salamat sa Diyos at magaling na ang mommy mo." sagot ni Nana.
"Si Sam ba ang ipinunta mo?" direktang tanong ni Papu
Nahihiyang ngumiti siya. " Opo sana, andiyan po ba siya?"
" Naku, nagkasalisi kayo. May graduation ball sila ngayon. Sinundo ni Ethan dito." sagot ni Papu.
" Ahhh, ganun po ba." may kiming ngiti niyang turan.
Mataman siyang tinitigan nga matandang lalaki waring may gustong sabihin sa kaniya pero nag-aalinlangan.
"Bumalik ka na lang bukas para mag kausap kayo. Pihadong miss ka na din non at ipagluluto kita ng minatamis na saging bukas." sabi ni Nana sa kaniya.
Matamis ang ngiting sinang-ayunan niya si Nana. " Gusto ko po yan Nana. Namiss ko din ho ang luto ninyo."
Pagkasabi niyon ay tumayo na siya at nagpaalam sa dalawa. Hinatid siya ni Papu sa labas.
" Balik na lang po ako bukas Papu. Sige ho, mauna na po ako." paalam niya sa matanda.
" Kenneth hijo, alam kong mahal mo ang apo ko. Malinaw at klaro mo yang sinabi sa amin noon at ipinagpapasalamat ko iyon. Sana kahit ano man ang maging desisyon ni Sam ay igalang mo iyon." mahabang saad ng matanda.
Ngumiti siya ng pait. " Nilinaw din po sa akin ni Sam ang nararamdaman niya para sa akin. Wag po kayong mag-alala dahil matagal ko na hong tanggap na magkaibigan lang ho talaga kami. Susuportahan ko po siya sa kahit na anumang desisyon niya." sagot niya
" Maraming salamat.Wag mo siyang pabayaan, kaakibat ng pagmamahal niya kay Ethan ang isang malaking pasakit. Kakailanganin ni Sam ang isang tulad mo balang araw. Sige na, humayo ka na at gagabihin ka pang lalo." sabi nito sa kaniya.
Nahiwagaan siya sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin? Malaking pasakit ang kaakibat ng pagmamahal ni Sam kay Ethan? Paano? Hindi niya mawari pero iba ang kutob niya sa sinabi ng matanda. O baka naman masyado lang siyang nag-iisip kaya ganun ang interpretation niya sa sinabi nito.
Sa halip na umuwi ay nagtungo siya sa hotel kung saan ginaganap ang graduation ball. Madali naman siyang nakapasok dahil kilala niya ang may-ari ng hotel. Pumasok siya sa loob ng function room at hinanap si Sam at ang kaniyang pinsan.
Maraming tao sa loob dahil andito lahat ng estudyante sa iba't-ibang departments. Nakipagsiksikan siya sa mga tao na nakatayo sa gilid habang abala sa paghahanap sa dalawa.
And then he saw Sam, looking so gorgeous in her icy blue cocktail dress.Nakatayo itong nakikipag chikahan sa mga barkada nitong sina Justine at Aria. Kumukumpas-kumpas ang kamay nito habang nagsasalita at tumatawa. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito dahil sa disco na background music. Akmang lalapitan niya ito ng matanaw si Ethan na mabilis na lumapit dito at ikinawit ang braso sa bewang ng dalaga.
" So possessive eh?" natatawa at napapalatak niyang sabi sa ere.
Biglang nag-iba ang music at napalitan ito ng kanta ni James Arthur na 'Say You Won't Let Go'. Nakita niyang niyaya ni Ethan si Sam na magsayaw.
When he saw them dancing biglang nagsikip ang lalamunan niya at pati ng kaniyang paghinga. Hindi niya mawari ang nararamdaman. He was smiling yet he's dying inside. He looked at them intently and he saw two people so in love with each other.
He saw how she looked at him. Punong,puno ng pagmamahal na tinititigan ni Sam si Ethan. Si Ethan naman ay ganun din. Parang sasabog ang dibdib niya ng dumagondong ang chorus ng kanta.
' I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go
I know I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you until we're grey and old
Just say you won't let go
Just say you won't let go'
Bago pa siya ipahiya ng nagbabanta niyang luha sa mga mata ay tumalikod na siya at umalis. He already knew he lost. She always belonged to Ethan. He's happy for both of them at dahil parehong importante sa kaniya ang dalawa ay susuportahan niya ang mga ito. He's happy for them even if it means he's killing himself inside.
Instead of going home, he found himself sitting in a bar. Kani-kanina lang ay masaya siyang umuwi ng Pilipinas pero ngayon ay parang sasabog ang dibdib niya sa sakit. Umorder siya ng hard drinks sa bartender. He plans of getting drunk tonight. Para kahit papaano ay maibsan ang sakit.
Natawa siya ng pagak. Kung maka asta siya ay para siyang napagtaksilang nobyo. Ni hindi nga naging sila ni Sam.
Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang pinsan. Nag ring ang kabilang linya at may sumagot.
[Hello?]sagot nito sa kabilang linya.
" Brother! I'm back!" masiglang sabi niya dito.
[Kenneth! Kailan ka pa dumating? Sandali lasing ka ba?], takang tanong nito.
" Tsss, nope! Sa'n ka ba? Inuman naman tayo." sabi niya dito.
[ Sige, saan ka ba? Puntahan kita jan.] sagot naman nito.
Sinabi niya ang pangalan ng bar. Walang twenty minutes ay dumating ito. Suot pa nito ang gray three piece suit. Mahigpit silang nagyakapan. Despite everything, they treat each other so well with respect. Parang magkapatid ang turingan nilang dalawa.
" Hanep ah, maka three piece suit ka naman!" kantyaw niya dito.
" Gago! Galing ako sa graduation ball namin." natatawang sabi nito at hinubad ang coat.
" Naks! Gagraduate ka na rin sa wakas! Congrats brother!" sabi pa niya
" Thanks! Nga pala, kailan ka pa dumating?Kamusta na si Tita?" tanong nito matapos makapag-order ni inumin.
" Kanina lang. Ayus naman si mommy. She's recovering and positive ang response ng katawan niya sa therapy." sagot niya at tinawag pa ang waiter at umorder ulit ng scotch.
" Mabuti naman kung ganun." tipid na sagot nito. Kinuha nito ang cellphone sa bulsa ng coat at nag reply sa nabasang text. Nasilip niyang galing ito kay Sam.
" Pinuntahan ko si Sam sa kanila, kaso nahuli na ako. Nagkasalisi daw kami sabi ni Papu kasi sinundo mo." pasimple niyang sabi sabay tungga sa inumin.
Alam niyang double meaning ang sinabi niya at wala siyang karapatang maghinanakit pero hindi niya napigilan ang sarili. God knows how much he's hurting.
Natigil ito sa pagtitipa ng menshae at hinarap siya. Seryoso ang mukha at titig nito. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.
" Kami na ni Sam. Finally I found the courage to say to her how I feel." seryoso nitong saad.
Dumaan ang lambong ng luha sa mga mata niya pero mabilis siyang ngumiti at niyakap ang pinsan.
" Finally! Akala ko kailangan ko pang umeksena ulit para matauhan ka!" pilit na pinasigla ang boses na sabi niya. Pasimple niyang pinahid ang mata habang yakap ang pinsan.
Tinapik siya ni Ethan sa braso at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
" Thank you, pero I got it all covered. She's my girl now kaya simula ngayon bawal mo na siyang tawaging 'babe'." seryosong turan nito.
Natawa siya sa hitsura nito. " Ang seloso mo naman."
" Im serious brother! You just don't have any idea how much I would like to smash your face everytime na tinatawag mo siyang 'babe' at hinahawakan".
" Woooaaaah! Okay fine, hindi na! I know you too well. You're possessive and obsessed with her. But I also know you love her a lot! Kitang-kita ko how desperate you were na sabihin sa kaniya ang totoo mong nararamdaman." he said sincerely.
" Was I too obvious back then?" natatawang tanong nito.
Sinimangutan niya ito. " Playing innocent eh? Wag ako oi Christopher Ethan Crisostomo Montelebano! Halos dukutin mo mga mata ko pag tinititigan ko si Sam. And I saw murderous eyes as well pag tinitingnan mo ang mga lalaking gustong pormahan si Sam. Katakot ka magmahal bro!" eksaherada niyang sabi.
Natawa naman ito sa mahabang turan niya. Ethan has no freaking idea how he looked like before and how he looks right now.
" Pero ngayon iba ang aura mo. You look like a man deeply and madly inlove na malayang naiiexpress ang nararamdaman. I'm happy for you brother!" galing sa puso ang pagkakasabi niyang iyon.
Tinitigan siya nito at ngumiti. " Thank you brother. And I'll make sure no one comes between us. Wala ding makakasira sa amin, sisiguruhin ko iyan."
" Dapat lang dahil oras na malaman ko na sinaktan mo si Sam, kukunin ko siya sayo at hinding-hindi ko na ibabalik. Tandaan mo yan." he said truthfully. It's not a threat but he will definitely do it.
"Is that a threat?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Seryoso niya itong tinitigan sabay sabing. " Nah, but I'm giving you a heads up just incase you opt to be a jerk someday."
Matagal silang nagsukatan ng tingin. Alam niyang sobra-sobra ang pagmamahal ni Ethan kay Sam at ganun din ang huli. Pero hindi maalis sa utak niya ang mga katagang binitawan ni Papu kanina. Somehow it got him worried for the both Sam and Ethan. He just hope that sapat ang pagmamahalan ng dalawa to overcome whatever they have to encounter.
*******
Samantala, abala si Joyce sa pag iinventory ng stocks nila sa isang branch ng fast food chain niya. My staff naman siyang pwedeng gumawa nito pero mas gusto niyang tutukan ang business ngayon. Nasa tabi lang niya ang manager at may kung anu-ano siyamg sinasabi sa manager ng biglang sumulpot ang isang tauhan niya.
" Ma'am may naghahanap po sa inyo?" pagbibigay impormasyon nito.
" Sino? Sa opisina mo na lang pag hintayin malapit na rin akong matapos dito." sagot niya.
" Sige po," sabi nito at umalis na.
Pagkatapos ng habilin niya sa manger ay agad siyang nagtungo sa mini office niya. Nagulat pa siya ng mabungaran ang taong prenteng nakaupo sa visitors chair sa harap ng mesa niya.
" Anong kailangan mo?" walang emosyong tanong niya habang isinasara ang pinto.
" We need to talk." sagot nito.
" Our talks has long been overdue Eduardo." sagot niya sa ex-husband habang naglalakad papunta sa upuan niya.
" Joyce, don't do this. I need to see my son." sumamo nito
" Hindi ko hawak ang desisyon ng anak mo Eduardo. Ilang beses ko na ding kinausap ang anak mo para magka-usap kayo pero ayaw niya. He was deeply hurt." mahabang sagot niya.
" I know and I'm sorry." mahinang sagot nito.
Tumawa siya ng mapait " We can't fix this mess just because we are both sorry Eduardo. Malalim ang sugat na iniwan mo sa anak mo." nagsimulang magtubig ang kaniyang mga mata
" Joyce, we also have another problem." may pag-aalala sa boses nito.
Alam niya ang ibig nitong sabihin. Walang ka alam-alam ang ex husband niya sa mga pinagagawa niya para lamang masulusyunan ang problemang dala nito.
" I know what you mean. I've been doing all my best efforts for the past three years to make it work." nahahapong sumandal siya sa kinauupuan.
" Do you think its enough to make it work? We both know how much he hates me. " may pait sa boses nito.
" You should pray its more than enough Eduardo, dahil kung hindi alam naman nating lahat na kung sino ang mas higit na masasaktan. And I don't want to see that day. Hindi ko kakayanin." tulyan ng bumagsak ang mga luha niya.
" Joyce, I'm really sorry about all this. Hindi ko rin ito inaasahan. Kung alam ko lang....." sabi nito at ginagap ang kamay niyang nakapatong sa mesa.
" Wala na tayong magagawa Eduardo. Nangyari na ang nangyari. What we can do is to lessen the damage and avoid the worst. Sooner or later they will know the truth. I just hope... I just really hope...." hindi niya kayang ituloy ang sasabihin hindi niya kakayanin ang magiging resulta.