Chapter 9

3379 Words
Nasa isang kiosk si Sam sa loob ng school. Iniintay niya sina Justine at Aria dahil nagkasundo sila na ngayon magpapasa ng portfolio nila. Natapos na rin sa wakas ang kaning pag o-OJT at ngayon nga ay kailangan nilang ipasa ang kanilang portfolio. Isa din kasi ito sa requirement para makagraduate sila. Dalawang linggo na rin ang nakaraan mula noong 'usapan' nila ni Ethan sa makipot na eskinita. ' Usapan my ass. Hindi naman kayo nag-usap! Correction hitad kang babae ka, naglaplapan kayo hindi nag-usap.' natatawa niyang sabi sa isip. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Simula nga noon ay hatid sundo na siya nito at kung may pagkakataon naman ay nag de-date sila. ' Naks naman, date! Gandang-ganda sa sarili tayo gurl?' sa isip pa rin niya. Oh well, normal na naman sa kanila laging pamamasyal noon at ang paghatid sundo ng binata sa kaniya pero ngayon ay iba na. Noon kasi lumalabas sila 'as friends' ngayon ay 'as secret lovers'. Oo secret lovers kasi wala pang nakaka alam sa kanilang relasyon at isa pa hindi pa pupwede. Usapan kasi nila ng Nana at Papu niya na kailangan muna niyang makagraduate bago siya mag nonobyo. Ganun din daw ang usapan ni Ethan at ng Papu niya. Wala pa din siyang nababanggit sa mga kaibigan. May tiwala naman siya sa dalawa na hindi siya ibubuking ng mga ito pero sa ngayon gusto niyang sarilinin at i-enjoy ang kung anong meron sila ng binata. Speaking of binata tumunog ang cellphone niya at ito nga ang tumatawag. Nakangiti niyang pinindot ang accept button. [ Love! San ka?] bungad agad nito sa kabilang linya. " Nasa school ako. Inaantay ko sina Justine at Aria. Magpapasa kami ng portfolio." sagot naman niya [ Ganun ba. Sige punta din ako dyan. May kailangan lang din akong ipasa sa admin.] sagot naman nito " Okay sige. Ingat sa pagmamaneho." malambing niyang sabi ng nakangiti [ Thanks. See you in a bit. Maniningil din ako sayo.] sabi naman nito at dinugtungan ng tawa. Namula naman siya. Alam niya kasi na pagsinabi nitong 'maniningil' ay walang pakundangan na naman siya nitong hahalikan mamaya. Hindi niya alam pero simula ng maging sila, pag nakahanap ng pagkakataon si Ethan na mapag-isa sila ay panay ang yakap at halik nito sa kaniya partikular na sa mga labi niya. "Tumigil ka nga! Mag behave ka andito sina Aria at Justine." saway niya dito. [Depende..] tudyo pa nito sabay tawa. " Ethan!" saway niya uli pero deep inside ay naeexcite naman siya. Di man niya aminin ng harapan ay gusto din naman niya ang ginagawa nito. Pakipot lang siya, dalagang pilipina ika nga. Tumawa ito sa kabilang linya at nagsabing [ I'll be there in a few minutes. See you, I love you.] malambing na sabi nito. Napangiti naman siya sa kilig. Parang gusto niyang maglupasay sa lupa dahil ramdam niya ang kilig mula anit hanggang talampakan! Sana all! " I love you too." pabebe niyang sagot at ibinaba ang tawag. " I love you too?! Hoi Samuel Luna sinong sinasabihan mo ng 'I love you too' dyan?" biglang sambit ng kaibigang si Aria mula sa kaniyang likuran. Nanlalaki ang mga matang napalingon naman siya kay Aria na nakapamewang na sa kaniya. 'Lagot! Nalintikan na!Kanina pa ba tong bruhang to sa likod ko?' sa isip niya. " Huh? Wala ah. Si Nana yun." lusot niya. Nagdududang tinitigan siya nito. " Bat parang feeling ko hindi si Nana yun." mataman siya nitong tinitigan sa mukha. Naging iwas naman ang mga mata niya dito. Paano ba niya lulusutan ang kaibigan. Alam niyang hindi ito titigil hanggang hindi siya napapa amin. Nakatitig pa rin ito sa kaniya ng dumating ang isa pang membro ng SOCO, isa pang usisera, si Justine. Dobleng lagot na talaga siya. " Oi bat ganyan mo tinititigan si Sam?" sabi nito ng mapansin ang tingin ni Aria. " Eh kasi to eh narinig ko na may ina 'I love you too' han." sabi pa nito at humalukipkip. Eksaherada naman napasinghap si Justine at sumali na sa pagtitig sa kaniya. "Sino?!" tanong pa nito. " Si Nana nga ang kulit nyo!" sagot naman niya at pinandilatan pa ang dalawa para hindi na siya kwestunin pa. " Saka ang tagal nyo ha. Kanina pa ako dito. Hali na nga kayo ng makauwe na tayo." sabi niya at nauna ng maglakad papunta sa building nila. Hindi na niya pinansin ang dalawa na nagbubulungan. Alam niya mahuhuli din siya ng mga ito pero hanggat maaari ay gusto muna niyang isekreto sa mga ito ang totoo. Bahala na kung anong klaseng palusot ang sabihin niya ang importante makalusot. Natapos na sila sa pag pasa ng portfolio nila at kasalukuyan silang kumakain sa canteen. Bigla kasing nagyaya si Justine dahil hindi pa daw ito nag-aalmusal. Nagkukwentuhan sila habang kumakain. " Anong isusuot nyo sa ball? May damit ka na ba bakla?" tanong ni Justine. " Wala pa ako. Sam ikaw?" sagot naman ni Aria. " Wala pa din. Sama ako sa inyo ha kung mamimili kayo." sabi naman niya Nawala sa isipan niya na mag graduation ball pa pala sila. Kung papipiliin siya ayaw na niya sanang mag attend pero pinilit siya ng mga kaibigan. Hindi siya kumportable sa mga magagarang kasiyahan pero last hurrah ika nga ni Justine bago man daw sila grumaduate at magkahiwahiwalay. " Eh date meron na kayo?" tanong ulit nito pero nangingislap naman ang mga mata. " Naman, si mylabs ko." nakangiti ring sagot ni Aria. Going strong ito at ang nobyong si Albert. " Luhh kayo pa din? Infairness ha tumagal kayo. Masarap sigurong umano kaya hindi napapalitan." hirit ni Justine. Ngumuso naman si Aria sa sinabi nito. " Malamang! Eh ikaw meron ka nang date?" tanong din nito sa bakla. " Oo naman, saka yummy ang date ko!" tili pang sabi nito. Nagtatawanan naman silang tatlo ng biglang may tumikhim sa likuran niya. "Eheemm.Ako kaya sino pwede kong date sa ball?" singit ni Ethan sabay upo sa tabi niya. Natigilan naman silang tatlo. Mistula naman siyang na estatwa sa kinauupuan at hindi magawang lingunin ang binata. Ang dalawa naman sa harapan niya ay parehong may ngiting malisyosa na nakatingin sa kaniya. " Sam, may date ka na sa ball?" hirit ni Justine ng nakangiti. Pinandilatan niya ito ng mata. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw niyang umattend ng ball ay dahil sa 'date-date' na yan. Bakit kakailanganin pa ng date kung mag-aatend ng ball. Pwede naman sigurong pumunta ng mag-isa. " Wala." maikling sagot niya. " Saka bat pa kailangan ng date pwede naman sigurong mag attend ng mag-isa." dugtong pa niya. " Eh ikaw ba Ethan may date na?" tanong naman ni Aria. " Gusto ko sana meron kaso, mukhang ayaw yata ng gusto kong yayain, kaya wag na nating pilitin." sagot nito. Nilingon niya ito at nakita niya ang mapanudyo nitong ngiti sa labi. Bigla siyang nainis. 'Bwesit din ah. Gusto ko lang naman magpapilit! Humanda ka sa'kin mamaya.' inis na sambit niya sa isip. Bigla niyang naramdaman na may naglalarong mga daliri sa ibabaw na bahagi ng likod niya. Pasimple niyang tiningnan ang katabi at nakita niya ang braso nitong nakapatong sa sandalan ng upuan niya. Napatuwid siya ng upo ng maramdaman ulit ang pagtaas baba ng hinlalaki nito sa likod niya waring may sinusulat. Nagsimula na ring magtayuan ang balahibo niya sa ginagawa nito. May kung anong hatid na sensasyon sa katawan niya ang ginagawa ng binata. Walang kamalay-malay ang dalawang kaharap niya sa pinagagawa ni Ethan sa likod niya. Panay lang ang chika ng mga ito. Hindi rin niya magawang lingunin si Ethan dahil hindi siya makapag-isip ng tuwid. Unti-unti ring kinakapos siya ng hininga. " Wait lang ha,kuha lang ako ng pagkain.Gutom na rin kasi ako." sabi nito lumakad papuntang counter. Nang tumayo ito ay humagalpos ang hangin na kanina pa niya pinipigilan. Malaking buntong hininga ang pinakawalan niya. " Okay ka lang bakla? Hindi ka ata humihinga kanina?" pansin ni Aria. " A-ayus lang ako." sabi naman niya " Masyado kang ng halata ha.Tumabi lang naman sayo yung tao pero hindi ka na ata humihinga." si Justine na pinandilatan pa siya. Kung alam lang nito na hindi simpleng pag-upo lang ang ginawa ni Ethan kanina. " Saka ano ng balita dun sa paglalandi na sinasabi mo? Gagraduate na lang ata tayo wala pa ring nangyayari." si Justine ulit. Gusto na niyang matawa, kung alam lang ng mga ito ang totoo ay malamang maglulupasay din ang mga ito sa kilig at tuwa. Nasa ganun silang usapan ng biglang dumating ang boyfriend ni Ariana si Albert. Agad itong sinalubong ng yakap ng maharot nilang kaibigan. Binati naman sila ng lalaki. Ningitian niya lang ito habang inirapan ito ni Justine. " Bat ngayon ka lang?" tanong nito sa nobyo na nakanguso. " Inantay ko pa si John. Saan na ba yun?" sabi pa nito at lumingon. " Pre!" sambit nito at kinawayan ang kaibigan. Napalingon naman siya. Nakita niyang nakangiting papalapit sa kanila si John. Si John na isa sa mga nanligaw sa kaniya. Bago sila mag OJT ay panay ang bigay nito sa kaniya ng kung anu-ano. Gwapo naman ito at sa taas nitong 5'7 ay hindi maipagkakaila na sa tikas at tindig ay tamang-tama ang pagkuha nito ng kursong Criminology. Kaso nga lang walang epek sa kaniya ang kagwapuhan nito. Alam naman nating lahat na kahit sino pang itabi sa kahit na sino ay si Ethan at Ethan pa rin sa huli. Speaking of Ethan, lumingon siya sa counter at nakita niya itong nakatalikod sa kanila at kasalukuyang umuuorder sa counter. " Hi Sam!" bati ni John nakangiti. " Hello." ganting bati niya. " May sasabihin daw tong kaibigan ko sayo, Sam." pasiuna ni Albert habang nakatayong magkayakap at si Aria. Umupo si John sa dating kinauupuan ni Ethan. Si Justine naman sa harap niya ay mataman lang nakatitig sa kanila. " Paano ba? Uhmmm.... Yayayain sana kitang date sa ball? Kung okay lang sayo? Sandali may date ka na ba?" mahabang sabi nito at kiming ngumiti, at nagkamot ng batok. Nagulat naman siya. Nagpalipat-lipat ang tingin niya kay John, tapos kay Justine na pinandilatan lang siya at kay Aria na nakanguso pa ring nakayakap sa nobyo. Sandali paano ba? Paano ba niya tatanggihan ang binata? Hindi siya pwedeng maging date nito dahil may date na siya. Malamang sa malamang si Ethan ang date niya dahil ito ang nobyo niya, given fact yun. " H-ha? Ano kasi John..Ahmm..." hindi niya alam ang sasabihin. "Sige na naman Sam. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo na ako." pakiusap pa nito at hinawakan ang dalawa niyang kamay. Malakas na dabog ng inilapag na tray ang pumutol sa usapan nila. Sabay pa silang napalingon at napatingala sa kung sino mang hudas ang nagdabog ng tray sa mesa nila. Tumalsik pa ang juice sa baso sa lakas ng pagdadabog nito. Hudas nga! Madilim na anyo ni Ethan ang nakita nila habang nag-aapoy ang mga matang nakatingin sa dalawang kamay niya na hawak ni John. Nakatiim bagang din ito at labas ang ugat sa mga braso nito dahil sa pagkakakuyom ng kamao. Mabilis pa sa alas kwarto niyang binawi ang mga kamay at sabay-sabay na paglunok ang ginawa niya. 'Lagot!' piping sigaw niya sa isip. " May problema ka ba pre?" nakakunot ang noong tanong ni John kay Ethan sabay tayo. " What do you think you're doing Gomez?" mariin ang bawat bigkas ng salitang sabi ni Ethan. Hindi man lang kumukurap ang nagbabaga nitong titig kay John. Natarantang napatayo siya. Humarang siya sa harap ni Ethan at hinawakan ito sa magkabilang balikat. " Nag-uusap lang kami. Kumalma ka lang." mahinang sambit niya. Pero mukhang galit talaga si Ethan ni hindi man lang natinag sa hawak niya. Ramdam niya ang namumuong tensyon sa dalawa kaya mabilis niyang pinadilatan si Justine at sinenyasan na umawat na din. Tumayo agad ang bakla at umabistre kay John. Si Aria naman ay tinapik si Albert sa balikat hudyat na pigilan din si John. "Papa John, ano, nagutom ako bigla. Halika order tayo ng food dun sa counter." sabi ni Justine dito na may ngiwi. Akmang hihilahin na ito ni Justine papuntang counter ng mariin itong hawakan ni Ethan sa balikat dahilan para mapahinto ito sa paglalakad at marahas na napalingon sa huli. " Next time I see you touching her, you're dead! Kung ayaw mong basagin ko yang pagmumukha mo, matuto kang dumistansya. Huwag kang hawak ng hawak sa hindi naman sayo." may galaiting bigkas nito sa bawat salita, may galit sa mga mata. Nakakalokong ngumiti naman si John. Si Justine naman na naka abistre dito ay bumitaw. Lalo siyang kinabahan dahil mukhang di rin papatalo ang isang ito. " Alam mo Montelebano, ang tagal ko ng nagtitimpi sa'yo. Wala kang pakialam kung hahawakan ko si Sam. Bakit, ano ka ba niya? Magkaibigan lang naman kayo ah.' sagot ni John at tinapik pa si Ethan sa balikat. Mabilis na kinwelyuhan ni Ethan si John. Agad naman napasugod si Albert para umawat. " What did you say? Kaibigan lang ako? Let me get this straight Gomez. I'm her boyfriend,so back off! Sam is my girlfriend! Don't f*cking touch her! Naiintindihan mo?!" tiim-bagang sabi nito sa binata pagktapos ay pabalyang binitawan ito. Pagkasabi niyon ay hinila na siya ni Ethan palabas ng canteen. Naiwang nakamaang at tulala ang mga kaibigan niya pati si John. Malalaki ang hakbang nito papunta sa parking lot halos tumatakbo na siya na habang hilahila nito. Hindi rin siya nito kinakausap. Padabog nitong binuksan ang pintuan ng kotse. Walang imik naman siyang agad na sumakay. Pagkaupo sa driver seat ay pinasibad nito ang sasakyan ng walang kibo. Nakatiim bagang pa rin ito at kung titingnan niya ang mga kamay nitong nakahawak sa manibela ay makikitang galit pa rin ito. Labas ang mga ugat nito sa kamay at braso. Pasimple niyang sinilip ang mukha nito, pulang pula pa ito at labas din ang ugat sa gilid ng noo nito. Nahintakutan siya. Kinakabahn din. Ito ang unang beses na nakita niyang galit ito. Alam naman niyang dati rati ay nagseselos ito pero iba ngayon. Lumiko ito sa papunta sa isang bakanteng lote. Malayo na pala sila sa highway walang mga sasakyan ang dumaraan dito.Inihinto nito ang sasakyan. Lumabas ito ng kotse at naiwan siya sa loob. Habang nasa loob ng sasakyan ay panay ang buntong hininga niya. Hindi niya alam kung papaano papayapain ang binata. Mula sa loob ng sasakyan ay nakita niyang nakapamulsa ito at may kung anong sinisipa. Bumaba siya. Nakatalikod ito sa kaniya. Mula sa kinatatayuan ay nakikita niya ang tensyonado pa rin nitong likod. Tumingala ito habang nakapamewang. Mayamaya ay yamot na kinamot nito ang batok at malakas na naglabas ng buntong hininga. "E-ethan." mahinang tawag niya dito. May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya ito naituloy dahil marahas itong pumihit papunta sa direksyon niya at walang babala na kinabig siya nito at siniil ng maalab na halik sa labi. Napaka init ng halik na iginawad nito sa kaniya. Napasinghap siya sabay kuyapit sa batok nito ng sapilitang ipasok nito ang dila sa loob ng bibig niya. Mainit, mapusok, mapang-angkin, mapagparusa ang halik na iyon. Hindi niya namalayan naisandal na pala siya nito sa sasakyan. Feeling din niya namamaga ang labi niya dahil sa gigil na halik nito. Habol ang hininga ng maghiwalay sila. Idinikit nito ang noo sa noo niya at marahang pinadaan nito ang hinlalaki sa mga labi niya. " Please don't let other men touch you or get near you. You have no freaking idea how angry I am." anas nito ng hindi humihiwalay ng tingin sa kaniya. " I-im sorry." tanging nasabi niya. " Now you know your boyfriend is a jealous man. I know its not your fault, I just don't like it when people touch something that is mine." mahabang sabi nito habang hinahaplos ang mukha niya. Napangiti siya. Akala niya kilalang-kilala na niya si Ethan pero mali pala. Alam niyang masungit ito at matampuhin pero hindi niya lubos maisip na sobrang seloso pala nito at possessive pa. Mahigpit na niyakap niya ang binata at hinagod ang likod nito. Naramdaman niya ang higpit din na yakap nito sa bewang niya. " Im sorry ulit. Hindi na mauulit." sabi pa niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nito kasabay ng unti-unting pagkalma ng muscle nito. Now that she knows na seloso ang boyfriend niya kailangan niyang mag adjust. Oo,siya ang mag-aajust kasi ayaw niya ng away. Ayaw din niyang bigyan ng dahilan ang binata para mabawasan ang pagmamahal nito sa kaniya. Hanggat maaari ay sisikapin niyang mas lalo pa siyang mapamahal dito at iwasan ang mga bagay na makakasira sa kanila. Gabi ng ball at nasa loob siya ng kwarto at nag-aayos. Hindi niya mawari kung bakit nagririgodon ang dibdib niya. Para ring may mga naghahabulang daga at pusa sa tiyan niya. Binalingan niya ng tingin ang damit na isusuot. Isa itong ice blue cocktail dress. Sweetheart ang neckline ng damit na napapalamutian ng mumunting bulaklak at kumikinang na beads ang buong bodice ng damit. Gawa sa layered soft tulle naman ang ibabang bahagi at umaabot lamang hanggang sa ibabaw ng tuhod niya ang haba ng skirt. Papasang ball gown ang damit dahil sa laki at fluffy na bottom nito. Napangiti siya. 'Magustuhan kaya ni Ethan yung damit ko?' tanong niya sa isip. Sinipat niya ang ayus ng mukha niya sa salamin. Light lang ang make up niya, at maayus na nakahigh bun ang buhok niya. May suot din siyang tiara at ternong pear shape diamond drop earrings. "Nakuuu, ang ganda-ganda talaga ng Luna namin." nakangiting sabi ni Nana ng makita ng hitsura niya. Tumayo siya at niyakap ang abuela. " Syempre namn po mana sa inyo Nana." sagot naman niyang nakangiti. " Kung makikita ka ng Tatay mo ngayon tiyak matutuwa at ipagmamalaki ka nun. Bukod sa lumaki kang maganda at matalino ay masipag ka rin at sobrang responsable." mangiyak-ngiyak nitong saad habang sapo ng dalawang palad nito ang mukha niya. " Nana naman, wag na po kayong magdrama. Alam naman po natin na kung nasaan man po si Tatay ngayon ay tiyak pong masaya po siya para sa atin. Silang dalawa po ni Nanay." nakangiting sagot niya sa abuela. Nag-iwas ito ng tingin. Matagal na siyang nagtataka kung bakit sa tuwing binabanggit niya ang Nanay niya ay biglang nag-iiba ang mood ng abuela niya. Wala rin itong masyadong kuwento tungkol sa Nanay niya, puro lang kuwento patungkol sa namayapa niyang ama. Hindi rin siya naglakas ng loob na magtanong dahil baka ayaw lang pag-usapan ng mga matatanda ang namayapa din niyang ina. Wala rin siyang nakitang larawan ng ina niya simula pagkabata. Ang sabi ng Papu niya ay nasunugan sila dati bago pa siya naipanganak kaya walang natirang mga larawan ang mga ito. Ang alam lang niyang kuwento dito ay ang pagkakamatay nito ng ipinanganak siya at ang sobrang bilog na tiyan nito ng pinagbubuntis siya. "Halika na at tutulungan na kitang magbihis. Baka dumating na ang sundo mo." mapanudyo nitong sabi sa kaniya. Pinamulhan siya ng mukha ng maalala ang nobyo. Nag-iwas siya g tingin dahil baka mabuking siya ng abuela. Hindi pa man niya nasasabi sa mga ito ang tungkol sa kanila ni Ethan. Natatakot kasi siyang pagalitan. " Sige po." sabi na lang niya at kinuha ang damit mula sa pagkakahanger. Tinulungan siya nitong isuot ang damit. Ang abuela niya ang nagsara ng zipper ng damit mula sa likod. Nang tuluyan ng maayos ang damit ay sinipat niya ang repleksyon sa full length mirror. Napangiti siya. Mukha siyang prinsesa, mula ulo hanggang paa. Paa? Wait lang may kulang sa outfit niya. Kinuha niya ang kahon na kinalalagyan ng nude strappy sandals. Nang maisuot ang sandals ay mas lalong lumawak ang ngiti niya. Kumpleto na ng OOTD niya. 'Ayan,perfect!Pak na pak Samuel Luna!Ganda mo gurl!' ngiting sabi niya sa isip. Ensakto naman may pumarada ng sasakyan sa ibaba at tinawag siya ni Papu " Luna andito na si Ethan.Bumaba ka na diyan!" " Opo andyan na!" pasigaw niyang sagot sa abuelo. Excited siya para sa gabing ito. Excited siya na makita ang reaksyon ng nobyo sa hitsura niya. May matamis na ngiting dinampot niya ng clutch bag at nilagay ang cellphone sa loob at lumabas ng kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD