Chapter 8

3053 Words
" Not so fast love." sabi niya kay Sam ng akmang tatakas ito at papasok sa kwarto. Hinaklit niya ito sa bewang at siniil ng maalab na halik sa labi. Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya ang ginawi ng dalaga. Alam niya na lasing ito at wala sa matinong pag-iisip at mali kung pagsasalamatahan niya ang kasalukuyang estado nito. Pero namimiss na niya ito. He misses her scent, her smile, her warm lips, her warm sweet lips. Simula ng aksidenteng nagkahalikan sila sa condo niya, kung matatawag nga bang aksidente iyon, ay hinahanap-hanap na niya ang mga labi nito. Kaya labis labis ang pagpipigil niya kanina habang nakayakap ito sa kaniya at gahibla lang ang layo ng mga mukha nila. Nabigla pa nga siya ng halikan siya nito kanina. It was very gentle, waring tinatantiya nito ang magiging reaksyon niya. Now he was kissing her like crazy, hungrily. She moaned and responded. Pareho nilang hindi namalayan na nakapasok na pala sila sa loob ng silid ng dalaga. He pinned her against the wall. He moaned when she tangled her fingers on his hair. Bumaba ang kamay niya sa pang upo nito and squeezed it. She moaned inside his mouth. " s**t! Love, your driving me nuts!" sabi niya in between kisses. He pressed his manhood against her while still squeezing her buttocks. Paulit-ulit niyang sinasabi sa isip na tumigil na pero hindi niya magawa, lasing na lasing na siya sa mga labi nito. He lifted her buttocks, agad namang ikinawit nito ang mga binti sa bewang niya. Naglakad siya papunta sa kama while there were still kissing each other. Inilapag niya ito sa kama at kinubabawan. He wants her. Alam niya yun sa sarili pero mali. Mali ang sitwasyon dahil lasing nga ang dalaga. He needs to stop. He has to stop. " Dammit love, I told you to behave." impit niyang sabi nito ng tuluyan na niyang bitawan ang mga labi nito. Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga. Nakatitig lng ito sa kaniya gamit ang mga malamlam nitong mga mata. Marahil ay dala ng kalasingan kaya ganito siya tingnan ng dalaga. Ngumiti ito pero hindi ito nagsasalita. Pinadaan niya ang hintuturo sa gilid ng mukha nito papunta sa mamasa masang labi. Napalunok siya. He wanted to kiss her again. Mabigat ang buntong hininga pinakawalan niya, pagkatapos ay ginawaran niya ng isang magaan at mabilis na halik sa mga labi. " I have to leave before I loose myself again. Lets talk when you're sober." aniya at inayos ito ng higa sa kama saka kinumutan. Hinalikan pa niya ito sa noo bago tuluyang lumabas ng silid nito. Pero ang "lets talk when you're sober' thingy ay hindi nangyari. Lumipas na ang dalawang lingo pero hindi sila nagkausap ng dalaga. Kinabukasan kasi pagkatapos ng nangyari ay maaga siyang naka alis sa mansiyon dahil biglang nag ka emergency sa kumpanya. Nasundan pa ito at halos hindi rin niya mahagilap ang dalaga. Sinubukan niya itong tawagan sa cellphone pero walang sumagot. Baka nasa locker kasi nga bawal magcellphone habang on duty. Nafufrustrate na siya sa sitwasyon at gusto na niyang magwala. Gusto na niyang magkaliwanagan sila ni Sam. Ayaw na niya sa ganitong laro na para bang nag papatintero sila. Ano yun hulihan ng feelings? Kaya naman sabi niya sa sarili,' Today is the day' kailangan niyang makausap ang dalaga. Lumabas siya ng opisina at nagdesisyon na puntahan ito sa bahay nito at doon na lang hintayin. Habang papunta sa sasakyan ay tinawagan niya ito. Nag ring ang kabilang linya. Nagulat pa siya ng sumagot ito. "Bakit? Problema mo?" casual na tanong nito. " San ka?" balik na tanong niya. " Pauwe." maikling sagot nito. Nakarinig siya ng busina ng sasakyan sa kabilang linya. Siguro lulan ito ng jeep pauwe. " Okay. Ingat." yun lang at pinatay na niya ang tawag. Sumakay siya sa sariling sasakyan at nag drive papunta sa bahay ng dalaga. Hindi niya binanggit dito na mag-uusap sila. Baka magdahilan ito na busy o kung ano pa man. Gusto na niyang matapos na ang taguan nila. ' Taguan? Wait,so feeling mo may feelings din siya sayo?' sabi niya sa isip. ' Oo nga naman. Baka masyado lang tayong assuming na gusto din tayo dahil hinalikan tayo?' sagot namn ng kabilang panig ng isip niya ' Then why did she kiss me that night?' depensa naman ng isa. ' Hello!She was drunk,remember?' ana ng isang panig ng utak niya. Hindi niya alam sa totoo lang. parang mababaliw na din siya sa nangyayari sa kanila. Nakarating na siya sa bahay ng dalaga. Pagka park ay bumaba agad siya ng sasakyan at kumatok sa pintuan. Bumukas naman iyon at nakangiting mukha ni Nana Caring ang bumungad sa kaniya. " Ethan,apo napadalaw ka?" magiliw na sabi nito. " Kamusta po Nana? Namiss ko po kayo." sagot niya rito habang nagmamano. " Mabuti naman. Ikaw ba?Si Sam ba ipinunta mo?" tanong pa nito. " Maayos naman po ako. Opo, andiyan na po ba siya?" tanong niya ng hindi man lang makita ang dalaga. Normally kasi pag dumadalaw siya wala pang isang minuto na nakarating siya ay sinasalubong na siya nito. " Ay sha sandali, tatawagin ko. Kakarating lang at nagbibihis pa sa kwarto niya." sagot nito at umakyat sa hagdan. " Maupo ka muna jan." dugtong pa nito bago tuluyang pumanhik sa hagdan. " Thank you po. Si Papu po?" pasigaw na tanong niya. " Andito ako." sagot ng matandang lalaki at lumitaw mula sa pintuan sa kusina. " Good afternoon po." sabi agad niya at nagmano dito. " Dito ka na maghapunan." agad na sabi nito. " Sige po, miss ko na din luto ni Nana." nakangiti niyang sagot. Pangiti-ngiti siya sa labas pero ang totoo sa kaloob looban niya ay kinakabahan siya. Hindi niya mawari kung papaano niya sasabihin sa dalaga. Teka wait, ano nga ba ang sasabihin niya? Paano nga ba niya sasabihin dito ang nararamdaman niya? Saan siya magsisimula? Dalawang pares ng paa ang nakita niyang bumaba ng hagdan. Naunang bumaba si Nana, alam niya yun dahil nakita niya ang laylayan ng duster nito. Sunod naman ang isang pares ng paa na nakatsinelas na pambahay. Hindi maputi pero makinis iyon. Kasunod ay mahahaba at makinis na biyas, kasunod ang tuhod hanggang sa maumbok at makinis din na legs. ' Legs?Yes legs. Yummy legs' malibog niyang isip. Ipinilig niya ang ulo dahil pumasok ang imaheng halikan nila ni Sam sa kwarto nito sa mansiyon at ang makasalanan niyang kamay na pumisil sa pang upo nito. Nakaramdam siya ng unti-unting pag-iinit ng katawan. 'Dammit! Baka masapak ako ni Papu nito.' kastigo niya sa isip. Nakashort-shorts ang dalaga na pinarisan ng loose white tshirt. Kitang kita niya ang katakam-takam na legs nito at ang pagkakaumbok ng pang upo nito. Napalunok naman siya. Bakit naman kasi lumabas itong nakashort shorts. Naghahanap talaga ng sakit sa puson ang babaeng to. " Napadalaw ka?" tanong nito sa kaniya. Tumikhim muna siya bago nagsalita. Baka mautal siya. " Bored na ako sa office eh." sagot niya at nilabas ang killer smile. Ngumuso lang ito at nag-irap. " Magaling din. Pag bored dito ang punta. Ano kami dito Punchline Laughline?" sabi nito at naunang umupo sa sala. " Hoy Luna, anong klaseng ugali yan?" saway ni Papu. " Pambihira kang bata ka. Hindi ganyan dapat na estima sa bisita." dagdag naman ni Nana. " Ayus lang po Nana, Papu. May sumpong ho ata." nakangiting saad niya. ' Sige lang magminaldita ka ngayon. Tingnan natin mamaya kung makapagminaldita ka pa pag pina-alala ko sayo ginawa mong paghalik sa akin.' sabi niya sa isip. " Umayos ka Luna ha. Ayaw ko ng ganyang ugali. Constancio, tulungan mo akong magluto." sabi naman ni Nana at akmang pupunta ng kusina ng may maalala. " Hay wala pala tayong isda. Luna, bumili ka nga doon muna sa palengke para makapagluto ako. Bilisan mo." sabi pa nito. " Sama na po ako Nana." prisenta niya. Nakahanap siya ng pagkakataon na masolo ang dalaga. Hindi rin kasi siya kumportable na sa bahay sila mag-usap dahil tiyak na maririnig ito ng dalawang matanda. " Nana, nilista nyo po ba lahat baka pabalik-balik pa po ako." sabi ni Sam habang tinitingnan ang listahan na inabot ng matanda. " Oo naman. Lakad na ng makabalik agad." taboy nito. Dahil malapit lang naman ang pamilihan ay naglakad lang sila. Ayus na din iyon para mahaba-haba din ang usapan nila. Sandali, Ano nga ulit pag-uusapan nila? Naglalakad sila ng walang kibuan. Para sa kaniya hindi normal iyon. Likas na matabil si Sam at lagi itong may baon na kuwento. Ngayon ay panay ang tingin nito sa listahan na binigay ni Nana. Nagsisimula na siyang mainis kaya hinablot niya ang listahan dito. " Akin na nga yan." sabi pa ng dalaga. " Ano ba kasing nilista ni Nana dito at paulit-ulit mong binabasa?" tanong niya at tiningnan ang kapirasong papel. Nang tingnan niya ang papel ay isda, mga sahog at sarisaring prutas at gulay ang nakalista dito. Tumigil sa paglalakad ang dalaga at pinamewangan siya. " Akin na!" sabi nito at nilahad ang kamay. Mula sa pagkakayuko ay nag-angat siya ng tingin at nakita na may mangilan-ngilang taong nakatingin sa dalaga partikular na ang mga lalaki. Saka lang niya napagtanto na naka short shorts nga pala ang dalaga. Biglang nagdilim ang mukha niya at agad na hinubad ang suot na coat at inabot dito. " Itapis mo nga to. Bat kasi nag suot ng ganyan." inis niyang sabi Takang inabot naman nito ang coat niya. "Bakit ba?" sabi pa nito. " Itatapis mo yan o sasapakin ko lahat ng tumitingin sa yo at sa legs mo?" galit niyang sabi at sinadyang lakasan ang boses para marinig ng mga tao. Nahiya naman ang dalaga at agarang itinapis ang coat niya sa bewang nito. " Happy ka na?" pang-uuyam nito at saka dirediretsong naglakad papunta sa isdaan. Nakabusangot naman ang mukha niya na sumunod dito. Bakit ba kasi nawala sa isip niya na nakashorts pala ito. Di sanay pinagpalit niya muna ito ng damit bago sinamahan sa palengke ' Eh kasi naman gusto mo rin naman na nakikita ang legs niya. You ingrate!' sabi ng isip niya. Oo nga gusto niya pero siya lang, sa kaniya lang. Possessive siya lalo na kay Sam. Sa isip at puso niya sa kaniya lang ang dalaga. Nakabuntot lang siya rito habang namimili ng mga rekado na nakalista sa listahan. Siya rin ang tagabitbit ng mga pinamili nito. Nasa may gulayan na sila ng biglang may sumulpot na asungot. "Hi Sam." malawak ang ngiting bati ng asungot. Si Lennard. " Hi Lennard." ganting bati at ngiti naman ng dalaga ' Seriously? Nag ngitian pa talaga kayo?' aniya sa isip. Nagsisimula nang bumangon ang inis niya. Napansin niya na sinuyod ng tingin ng binata ang dalaga mula ulo hanggang paa. Dumako ang tingin nito sa legs ng dalaga na bahagyang natatakpan ng coat niya. Sa inis niya pumagitna siya sa dalawa at tiningnan ng masama ang lalaki. " Problema mo?" asik nito sa kaniya. " Stop checking on her! Tusukin ko yang mata mo eh!" galit din niyang sagot. " Hoy! Problema n'yong dalawa? Bat kayo nagbabangayan?" takang tanong ng dalaga. Nagsimula na rin makiusyoso ang ibang mamimili at mga tindera. " Eh kasi tong kaibigan mo Sam eh, epal din." sabi ni Lennard at naghahamong nakatitig sa kaniya. " Bastos ka kasi. Kung makatitig ka sa legs ni Sam parang takam na takam ka. Basagin ko yang pagmumukha mo eh." sagot naman niya. Umawat ang dalaga at pumagitna sa kanila. " Tumigil na nga kayong dalawa. Pasensya ka na Lennard, mauna na kami." at hinatak siya ng dalaga palayo sa karamihan. Nakalayo na sila at nasa labas na ng pamilihan. Hatak- hatak pa rin ni Sam ang kamay niya. " Kanina ka pa Montelebano ha. Bat ang init ng ulo mo. Problema mo?" sabi nitong binitawan ang kamay niya at hinarap siya. Inis niyang nahilamos ang kamay sa mukha papunta sa buhok " Ikaw! Ikaw problema ko." sagot niya dito at tinitigan sa mukha ang dalaga. Natilihan naman ito at hindi nakapagsalita. Bigla din itong nag iwas ng tingin. Hinawakan niya ito sa pulsuhan at hinila papunta sa isang makipot na eskinita. Walang katao-tao roon at tagong bahagi iyon ng pamilihan. " Aray ko naman. Bat ba nanghihila ka." reklamo ng dalaga. " Bat mo ako iniiwasan?" biglang tanong niya. Kahit hindi man nito direktang sabihin ay napapansin niya ang pag-iwas nito. Hindi ito sumasagot sa text or sa tawag niya. " A-ano bang iniiwasan na pinagsasabi m-mo jan?" sagot naman nito kandautal at pilit binabawi ang kamay na hawak niya. Hinigit naman niya ang kamay nito dahilan para mapasubsob ito sa may dibdib niya. " E-ethan ano ba? Kinakabahan na ako sa p-pinagagawa m-mo." saad nito. halatang hindi ito kumportable sa pagkakadikit nila. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito at mataman itong tinitigan sa mata. " I told you, we'll talk when you're sober remember?" tiim-bagang na sabi niya. Kanina pa siya nagpipigil ng samut saring emosyon. Galit, kaba, inis, selos, gigil. Hindi na niya alam kung alin man ang mas higit at sumasakit na ang ulo niya. " A-anong ibig mong sabihin?" nagtatakang, takot na tanong ng dalaga. Pero bukod sa takot at pagtataka ay may nakikita pa siyang emosyon sa mga mata nito. Excitement? " You know what, I change my mind. Lets not talk. Instead..." sabi niya at humalagpos ang gahiblang pagtitimpi at hinalikan ang dalaga sa mga labi. Nanlaki naman ang mga matang napatanga lang ang dalaga sa ginawi niya. Bumuka ang bibig nito at sinamantala niya iyon para ipasok ang dila sa bibig nito at palalimin pa ang halik. Hindi na nila namalayan na nabitawan na nila ang mga plastic bags na bitbit. wala sa sariling ikinawit ng dalaga ang mga braso sa leeg niya at malayang tinutugon ang init ng kaniyang mga halik. Ang kamay naman niyang kaninay nakahawak sa pulsuhan nito ay napunta na sa bewang at leeg ng dalaga. At dahil makipot lang ang eskinita madali niya itong nasandal sa pader. Lalong lumalim ang halik at narinig niyang umungol ang dalaga ng mapadako ang isang kamay niya sa legs nito at hinimas iyon. Idiniin din niya ang unti-unting nabubuhay na 'alaga' sa may puson ng dalaga. Pareho silang napatigil at nahimasmasan ng biglang makarinig ng iyak ng pusa. " Ang isda!" gulat na sambit ng dalaga. " s**t!" usal lang niya at sabay pa silang yumuko at pinulot ang mga nahulog na plastic bags. Ang ibang gulay ay gumulong pa sa kung saan. Sabay din silang napatuwid at nagkatinginan. Nagulat pa ang dalaga ng magkatitigan sila. Akmang tatalilis ito ng takbo ng hawakan niya ang kamay nito at hinatak pabalik sa kaniya. " No more running. No more hiding. And most of all, no more short shorts pag lumalabas ng bahay. Get me?" ma awtoridad niyang sabi dito. Tumango lang ito, halatang nahihiya base sa pamumula ng pisngi nito. Napangiti naman siya at ginawaran ng isang magaan na halik sa labi ang dalaga bago pinakawalan ang kamay nito at hinayaang mag lakad takbo pabalik sa bahay. Nakasunod lamang siya ditong may ngiti sa labi. Hindi man sila direktang nag-uusap pero mukhang nagkaintindihan naman sila ni Sam. Nakauwi na siya sa condo niya ng may ngiti sa labi. Kanina kasi pagkatapos ng ' usapan' nila ni Sam sa makipot na eskinita at habang naghahapunan ay panay ang titig niya sa dalaga. Panay naman ang pandidilat nito sa kaniya dahil baka makita at mahalata sila ng dalawang matanda. Nang magprisinta itong maghugas ng plato ay tumulong naman siya. Ito ang tagasabon at siya naman ang taga banlaw. Ang dalawang matanda naman ay naupo sa sala at nanonood ng palabas sa telebisyon. Sinadya niyang pumwesto malayo sa paglalagyan ng mga plato. Kung isasalansan niya pabalik sa lagayan ang plato ay kailangan nya munang dumaan sa likod ng dalaga. Wala silang imikan habang naghuhugas ng pinggan. Para naman siyang timang na ngingiti-ngiti. Pag inaabot niya ang platong galing dito at sinasadya niyang hawakan ang dulo ng mga daliri nito at pagkatapos ay tititigan ng malagkit ang dalaga. Agad namang binabawi at nag-iiwas ng tingin ang dalaga habang punamulahan ng mukha. Sinalansan niya ang limang plato at sabay na ilalagay sa lagayan. Hawak niya sa dalawang kamay ang mga plato. Pagdaan niya sa likod ng dalaga ay sinadya niyang padaanin ang hintuturo sa likod sa may bra line nito. Napaigtad ito sa ginawa niya at sinamaan siya ng tingin. Pigil ang pagtawa naman niya habang tinutudyo ito. Actually nangigigil na naman siya.Kung wala lang sina Papu at Nana sa sala ay baka niyapos na niya ng yakap ang dalaga at hinalikan sa labi. Nang magpa alam naman siya kanina para umuwi ay hindi niya nanakawan ng halik ang dalaga dahil hinatid din siya ng tanaw ni Papu mula sa pintuan ng bahay nito. Kinuha niya ang cellphone at nagtipa ng mensahe para dito. To: My Luna ' Sunduin kita bukas love, hatid kita sa hotel.' Wala namang isang minuto nag reply ito: ' Wag na. Sanay naman akong magcommute. Saka mapapalayo ka pa.' reply nito ' I insist. Matulog ka na. Dream of me. I miss you and your sweet lips.❤️?' reply naman niya. ' Che! Mapang asar kahit kailan. Goodnight❤️?' reply nito. Napatawa siya sa reply nito. Naiimagine na niya ang hitsura nitong nakairap at pinamumulahan ng mukha. Muling bumalik sa balintataw niya ang tagpo kanina. They were kissing and the good thing about it is they're not drunk. Pareho silang nasa matinong pag-iisip. Ewan ba niya pero kanina pa hindi mapalis ang ngiti sa labi niya. Sobrang saya din ng puso niya. Masaya naman siya dati pero iba ang sa ngayon. Malaya na niyang nai-express sa dalaga ang nararamdaman at natutuwa naman siya na pareho pala sila ng nararamdaman. Bigla siyang napatigil ng marealize ang pangako niya kay Papu. Maghihintay siya. Pero sa kabilang dako naman ay buwan na lang ang bibilangin bago ang graduation nila. Siguro naman ay ayus lang dito na na advance lang ng kaunti. Gayunpaman matagal na niyang alam sa sarili na mahal niya ang dalaga at mamahalin niya ito hanggang sa huling hininga niya. Gagawin niya ang lahat para mapasaya ito at walang kahit na anuman o sinuman ang mamamagitan sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD