Tunog ng tumatakbong mga yabag ang naririnig ni Ethan. Kasunod niyon ay ang pag bukas at pagsara ng pintuan ng kaniyang kwarto. Nanatili siyang nakahiga at nakapikit. Ilang minuto siya sa ganoong posisyon bago nag desisyon na idilat ang mga mata. Pinakalma niya ang sarili dahil init na init ang katawan niya sa nangyari sa kanila ni Sam kanikanina lang. Muntik nang may mangyari sa kanila kung hindi lang siya nakapagpigil at nagkunwaring nakatulog habang hinahalikan ito sa leeg.
' God, she smells so good and those lips.... damn!' napamura naman siya sa isip.
Pag binabalikan niya ang nangyari kanina nag-iinit ang katawan niya. Bumangon siya at nagtungo sa banyo at naligo. Kailangan niyang solusyunan ang init na naramdaman niya sa katawan.
Nasa office siya kanina at may nirereview na mga documents ng may tumawag sa cellphone niya, unregistered number. Sinagot niya at nagulat siya ng ang daddy niya ang nasa kabilang linya.
Gustong makipag kita nito para magka-usap sila. Masama ang loob niya sa ama dahil sa pag-iwan nito sa mommy niya noong nasa highschool pa lang siya. Hindi siya sumipot sa lugar kung saan sila magkikita ng daddy niya sa halip nagpunta siya sa isang bar at nagpakalasing.
Hindi siya madaling malasing dahil mataas ang tolerance niya sa alcohol. Walang tigil sa pag ring ang Cellphone niya at alam niyang si Sam ang tumatawag. Hindi niya ito sinagot dahil ayaw niyang malaman nito na may problema siya. Nakatulog siya sa bar counter at narinig na lang niya na sinagot ng bar tender ang cp niya. Walang isang oras dumating ang dalaga kasama si Mang Gener.
Nagkunwari lang siyang sobrang lasing at tulog habang nasa biyahe sila. Narinig din niya ang usapan ni Mang Gener at Sam sa sasakyan. Sarap na sarap siya habang nakasandal sa balikat ng dalaga at nagtutulog-tulugan.
Nang maiwan sila ni Sam kanina sa kwarto niya, ramdam niyang pinagmamasdan siya ng dalaga habang tulog. Naramdaman din niya ang mainit na hininga nito malapit sa mukha niya. Corny man isipin pero pinag dasal niya na sana hinalikan siya nito kahit smack lang.
Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman na babaligtad ang sikmura niya. Tumakbo siya sa banyo at nagsuka. Gusto niyang matawa ng maglitanya ang dalaga sa likod niya. Nang hatakin siya nito pataas ensakto namang tumayo siya kaya muntik na silang matumba. Nasubsub siya sa dalaga na naipit sa pagitan nila ng pader. Yakap-yakap niya ito sa bewang habang ang ulo niya ay nakasubsob sa keeg nito. Naamoy din niya ang mild na pabango nito.
' s**t!' sambit niya sa isip ng unti-unting uminit ang katawan niya sa amoy nito.
Nag angat siya ng mukha at nakita ang namimilog na mata ng dalaga. Halatang nagulat ito sa pagtingala niya.
Tinitigan niyang maigi ang mga mata nito na laging umiiwas pag nakatitig siya. Lagi itong nag iiwas ng tingin pag magkaharap sila,waring may tinatago. Dumako ang tingin niya sa mamulamulang labi nito.
Napalunok siya. Hindi mabilang sa daliri ang mga panahon na gusto niyang tikman at kagatin ang mga labi nito. At iyon na nga at hindi siya nakapagpigil at hinalikan ito.
Sandali lang sana ang plano niyang paghalik dito. Natakot siya ng bigla itong nanigas, baka sampalin siya pero unti-unti itong gumanti sa halik niya.
Ikinawit nito sa leeg niya ang mga baraso nitong nakalaylay kanina. Lumipat naman ang isa niyang kamay sa leeg nito para mas lalong laliman pa ang halik habang ang isang kamay niya ay hinapit pa ng mahigpit papunta sa katawan niya ang bewang ng dalaga. Natuwa siya kaya ang sandaling halik ay tumagal hanggang sa mas mag init ang pakiramdam niya at napunta sila sa kama.
Mas lalo siyang ginanahan ng umungol ito nang haplusin niya ang dibdib nito. Alam niyang walang kontrol si Sam sa nangyayari at unti-unti itong nilalamon ng pagnanasa sa ginagawa niya. Kaya masakit man sa puson, kailangan niyang pigilan ang sarili dahil mali at sa hindi ganitong paraan niya gustong may mangyari sa kanila ni Sam. Isa pa, nangako siya kay Papu na maghihintay siya hanggang sa makagraduate si Sam ng kolehiyo bago niya ito ligawan.
Oo, inamin niya kay Papu na may gusto siya sa apo nito. Naalala pa niya yung araw na yun. Sobrang kaba niya ng kausapin siya ng masinsinan ng abuelo ng dalaga.
Two years ago......
Nagpumilit siyang ihatid si Sam sa bahay nila sa kabilang bayan. Dapat maaga itong mag a-out sa trabaho dahil Friday pero alas 6 na sila ng gabi natapos mag ayus sa library. Wala nang biyahe ang mga bus sa mga oras na iyon.
Sakay ng motor niya, hinatid niya ang dalaga.Tama lang ang pagpapatakbo niya dahil alam niyang takot si Sam na umangkas sa motor. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa bewang niya na siya namang ikinatuwa niya.
Maganda si Sam,hindi maipagkakaila iyon. Simple lang ito kung manamit at kalog kung magsalita. Morena ito pero wala siyang nakitang ni isang peklat sa balat nito. Maganda ang mapupungay nitong mga mata na laging nag-iiwas ng tingin pag tinititigan niya. Cute na cute siya sa ilong nito na sa sobrang liit ng butas hindi ata kasya ang cotton buds dito. And those pouty pinkish lips na pinanggigigilan niya. Kung girlfriend na ito malamang minuminuto niya itong hahalikan.
Nung una niya itong nakita sa library natuwa siya hitsura nito nang makita siya dahil napatanga ito. Masaya siya lagi pag kasama ito lalo na pag sabay silang kumakain ng tanghalian. Dati rati bumibili siya ng pagkain niya tuwing tanghali, pero kalaunan sinasadya nyang wag magbaon dahil gusto niyang magshare sila ng pagkain ni Sam.
" Liko ka jan sa may kanto." sabi nito sa malapit sa may tenga niya.
Kinilig siya na hindi niya maipaliwanag ng maramdaman ang hininga nito nalapit sa mukha niya.
' Junior, maghunos dili ka. Behave.' sabi niya sa isip.
Huminto sila sa ikalimang bahay mula sa eskinita na nilikuan nila. Hindi mayaman sina Sam pero maayos at malinis ang dalawang palapag na lumang bahay na nasa harap niya ngayon.
" Nana, Papu andito napo ako." tawag nito sa mga matanda.
" Jusmio kang bata ka akala ko hindi ka uuwe." sabi ng matandang babae ng salubungin si Sam. Nagmano ang huli
" Pasensya na po naiwan ako ng bus. Matagal ako naka pag out sa trabaho." sagot nito
" Magandang gabi po." magalang niyang sabi.
Tiningnan siya ng matanda pagkatapos ay ngumiti. " Magandang gabi rin." tiningnan nito ang apo, waring nagtatanong kung sino siya
" Ah si Ethan po, kasama ko sa trabaho." anito. " Hinatid niya po ako kasi wala nang bus." dugtong pa nito.
" Ay ganun ba, tuloy ka dito sa aming munting tahanan." sabi nito at nagpatiunang pumasok.
Sumunod naman siya sa mag lola. Kung maganda ang labas ng bahay, maaliwalas naman ang loob. Makikita sa sala ang simpleng sala set na yari sa kawayan. Mula sa sala ay matatanaw mo ang kainan na may bilog na mesang plastic na natatabunan ng mantel at kaning mumunting kusina.
" Upo ka." sabi ni Sam sa kaniya.
" Salamat" tipid na sabi niya.
Pagkaupo niya may biglang bumaba galing sa itaas ng bahay. Isang matangkad na matandang lalaki. Bigla siyang napatayo sa gulat. Kinabahan din siya bigla.
" Sino yang kasama mo Luna?" anito sa mababa at buong boses.
' Patay, mukhang strikto ang lolo ni Sam.' sabi niya sa isip. Napalunok siya
" Papu, si Ethan po kasama ko sa trabaho saka hinatid niya ako dito." sagot ng dalaga habang nagmamano.
" Magandang gabi po. Ethan po, Christopher Ethan Montelebano" sabi niya at inabot ang kamay sa matandang lalaki .
Tiningnan muna nito ang kamay niya bago tinanggap iyon. Mariin ang mga kamay nitong nakipag kamay sa kaniya. " Maghapunan ka muna." sabi pa nito.
Tatanggi sana siya pero mariin siyang tinitigan ng matandang lalaki. " Sige po, salamat."
Simple lang ang hapunan nila, pritong tilapya at ginisang gulay. Masarap ang luto ng Nana ni Sam pero tipid ang kaniyang pagkain dahil panay sulyap ang Papu nito sa kaniya.
' Mukhang hindi ako matutunawan nito' aniya sa isip.
" Nag-aaral ka ba Ethan?" tanong nito kapagdaka
" Opo, mag-eenrol po ako ngayong pasukan." sagot niya
" Mabuti naman kung ganon hijo." sabad ng abuela ng dalaga.
" May nobya ka na ba Hijo?" biglang tanong ng matandang babae.
" Nana!" Saway ni Sam sa abuela, pinandilatan lang ng mata ng matanda ang dalaga.
Nasamid naman siya sa isinubong tilapya at nabilaukan. Agad namang inabutan siya ng tubig ni Sam.
Mataman namang nakatigtig sa kanya ang matandang lalaki at inaantay ang sagot niya. " Wala po." matipid niyang sagot matapos makabawi.
" Bakit naman?May hitsura ka naman. Baka masyado kang pihikan." si Papu
" Busy lang po sa buhay." matipid niyang sagot habang nahihiyang napangiti. Nang tingnan niya si Sam ay nakayuko lang ito at nag fofocus sa pagkain.
Masaya nilang natapos ang pagkain habang nag kukwentuhan. Pagkatapos mag hapunan ay nag kuwentuhan pa sila ni Papu sa sala habang tinutulungan ni Sam ang abuela na mag lipit sa pinag kainan nila. Di nagtagak ay nagpaalam na siyang uuwi.
" Balik ka dito hijo, tingnan natin ang makina ng sasakyan na sinasabi mo." sabi pa ni Papu.
" Cge po." sagot naman niya ng nakangiti. Nagpa alam na siya sa mga matatanda at nagpasalamat sa hapunan. Hinatid siya ni Sam sa labas ng bahay nito at nagpasalamt uli ang dalaga sa po paghatid dito.
Sabado ngayon, at nasa bahay siya nina Sam. Isang linggo na ang nakakaraan simula ng una niyang punta dito. Kasalukuyan silang nasa shop ni Papu at pinapatingnan niya ang makina ng sasakyan niya. Habang busy si Papu sa pagbutingting ng sasakyan niya, panay naman ang sulyap niya sa pintuan ng shop.
" Mamaya pa yun papasok dito.Abala yun sa pagtulong sa Nana niyang magluto ng miryenda." biglang sabi ni Papu.
Nagulat siya at tiningnan ito. Abala pa rin ito sa pagbutingting sa makina. " P-po?"
Tumigil ito sa ginagaw at hinarap siya at tinitigan. Kumabog naman ng pagkalakas lakas ng dibdib niya,parang gusto niyang magtatakbong palabas ng shop. Napalunok pa siya dahil mukhang ano mang oras ay bibigwasan siya ni Papu ng kung anong mahagip nito.
" May gusto ka sa apo ko." sabi pa nito.
Its more of a statement than a question.
Napalunok ulit siya ng sunod-sunod.Huminga siya ng malalim at tinuwid ang tindig. Wala na siyang choice, kailangan na niyang umamin.
" Opo, m-may gusto po ako kay Sam." sabi niya habang tinitingnan din ang matanda diretso sa mata.
Pinakatitigan pa siya nito pagkatapos ay nagsabi.
" Bata pa ang apo ko, kung seryoso ka sa nararamdaman mo para sa kaniya maghintay ka hanggang sa makagraduate siya. Yun lang pakiusap ko sayo." mahabang sabi nito
Sunod-sunod naman ang pagtango niya
" Oo naman po,hindi naman po ako nagmamadali pero..."bitin niya sa sasabihin.
" Pero ano?" tanong naman ng matandang lalaki.
" Pero wag niyo po sana akong pagbawalan na maging kaibigan po siya. Kahit yun lang po ok na po sa akin. Saka wag po kayo mag-alala babatayan ko din po siya,hindi po ako papayag na may manligaw sa kaniya." mahaba niyang paliwanag.
Natawa naman ang matanda sa tinuran niya. " Ayus ka din bata ka ah, bantay salakay yang ginagawa mo."
Napakamot naman siya sa batok sa sinabi nito. " Pasensiya na ho.Naniniguro lang." kimi niyang sagot
" Hindi ko hawak kung sino man ang gustuhin ng apo ko. Kung ikaw man ang gustuhin niya balang araw, swerte mo na siguro yun pero gaya ng sabi ko, sa ngayon na wala pa siya sa tamang edad, wag muna. Maging mabuti kang kaibigan sa kaniya sa ngayon." mahabang sabi nito sa kaniya.
" Salamat po Papu." nakangiting sabi niya.
Dahil din sa usapan nilang iyon ni Papu nag transfer siya sa school na pinapasukan ng dalaga. Ayaw sana ng mommy niya pero pumayag ito ng malaman na sa school ni Sam siya lilipat. Nakilala ng mommy niya si Sam nung minsan itong dumalaw sa kaniya sa library nung nagpapart time pa sila. Mabilis na nagkasundo ang dalawa at sa tingin niya ay mas mahal pa ng mommy niya si Sam kaysa sa kaniya. Ang sabi pa nga nito ay gusto nitong ampunin ang dalaga na hindi na niya ikinagulat. Sabik sa anak na babae ang mommy niya. Hindi na siya nagkaroon pa ng kapatid dahil naging kumplikado ang kalusugan nito ng mag ectopic pregnancy sa ikalawa sanang anak.
Kapag nag sashopping ang ina binibilhan din nito si Sam ng kung ano-anong mga gamit, mula sa mga mamahaling bags, damit at mga sapatos. Nahiya pa nga ang dalaga ng iabot ng mommy niya ang mga dalang shoping bags at ayaw sana tanggapin ito pero nagpumilit ang mommy niya.
" Tita, ang dami po nito, hindi ko po magagamit lahat." nahihiyang sabi pa nito
" Ay hindi pwede sayo lahat yan. Walang sulian. Saka pabayaan mo na ako, gusto ko rin mag thank you sa'yo kasi kahit papaano nakumbinsi mo si Ethan na mag-aral ulit saka umuwi sa amin." nakangiting sabi naman nito.
" Eh, tita ayus na po ako sa thank you nyo. Balik ko na lang po to lahat, sige na po." pakiusap pa ng dalaga.
" Hindi nga pwede, magtatampo ako kung ibabalik mo yan." sagot naman ng mommy niya.
Walang nagawa si Sam ng ipagpilitan talaga ng mommy niya ang mga gamit na pinamili nito. Alam niyang simple lang na babae si Sam, at wala itong luho sa katawan. Hindi ito sanay sa mga damit at gamit na pinamili ng mommy niya kaya nahihiya ito.
" Ma, wag nyo na kasi ipilit kay Sam yung mga gamit." sabi niya habang pauwe sila.
" Okay lang iyon anak, gusto ko siyang bilhan. Saka bagay sa kaniya lahat ng pinamili ko. Isa pa, magandang bata si Sam, sigurado akong mas gaganda siya pag yun ang mga sinusuot niyang damit." proud pa na sabi ng mommy niya.
" Ewan ko sa inyo ang kulit nyo." napailing nalang na sabi niya
" Saka anak sabihan mo rin siya na pwede siyang magbakasyon sa bahay. Pinahanda ko na yung isang kwarto dun sa mansion sa kaniya na yun. May mga gamit na din siya dun." nakangiti pa nitong sabi
" Ano? Ma?!Anong kwarto sinasabi nyo?" takang tanong niya. Teka lang, nung huli niyang uwe walang nabanggit ang mommy niya tungkol dito.
" Sa mansion, may sarili nang kwarto si Sam dun. Pinuno ko na rin ng mga gamit dun. Kung sakali dumalaw siya sa bahay or ano, she can stay there." magiliw na sabi nito
Binalingan niya ang ina ng nagtataka pa din. Minsan talaga hindi niya maintindihan ang takbo ng utak ng nanay niya.
Mukhang nagets din naman siya nito at nagsabing...
" Mamili ka Christopher, aampunin ko si Sam para maging magkapatid kayo at magkaroon ako ng anak na babae or liligawan mo siya at pakakasalan para maging daughter-in-law ko." nakamatang saad nito.
Nagulat siya sa sinabi nito kaya hindi agad siya nakasagot.
" Baka kako anak kailangan mo ng tulong, you know telling her that you like her." dagdag pa nito na nakangiti.
" Ma." mahina niyang sabi. Hindi niya alam kung paano mag rereact. Ganyan ba siya ka transparent at pati mommy niya alam ang nararamdaman niya?
" Alam ko. Anak kita, kaya alam ko. I'll support you one hundred percent or more pa kung si Sam ang magiging in-law ko. Ay mali, si Sam lang pala ang gusto ko maging in-law." natatawa pa nitong sabi
" Kaya naman anak, bilis bilisan din. Manligaw ka na habang maaga baka maagaw pa sayo."dagdag pa nito.
" Never going to happen Ma.Hindi pwedeng may ibang manligaw." sabi niya sa tiim na boses. " Saka nangako ako sa lolo niya na mag-aantay ako hanggang makagraduate siya ng college." dugtong pa niya
" Eh kung ganun,you better do a great job na bakuran si Sam. Malayo-layo pa ang hihintayin mo anak. But I really like her son, gusto ko talaga siya bilang anak."
" Oo na Ma, you made it very clear hindi lang sa harap ko pati na rin kay Sam." nakatawang sabi niya.
Speaking of manliligaw,simula ng magtransfer siya sa school ng dalaga ay may mangilanngilan na din siyang napansin na nagpapapansin sa dalaga. May iba na nagpapadala ng bulaklak at love notes, yung iba naman ay snacks at kung anu-anong mga gamit. Alam niya kung sinu-sino ang lumalapit sa dalaga at nanliligaw dahil na rin kay Justine at Aria. Laging tinutukso ng dalawa ang dalaga tuwing nakakatanggap ng sweet nothings mula sa kung sino. Agad naman umaandar ang pagkaseloso at init ng ulo niya kaya paminsan minsan ay nasusungitan niya ito.
Oo at nagseselos siya sa lahat ng gustong manligaw dito. Ang totoo natatakot siya na baka may magustuhan ito sa mga manliligaw nito. Paano na lang siya kung bigla itong magkanobyo? Mabababalewala ba lahat ng pinaghirapan niya?
Alam din niyang tumatawag siya ng pansin sa mga kababaihan sa school. Kulang na nga lang ay ipagsiksikan ng iba ang sarili sa kanya o di kaya ay maghubad sa harap niya para lang mapansin siya.
Minsan nga habang sabay silang naglakakad ni Sam, namataan niya sa unahan na may mga nagkukumpulang grupo ng mga education students. Grupo iyon nina Monica. Matagal ng nagpapapansin sa kaniya si Monica pero wala siyang pakialam dito. Maganda si Monica, ubod din ito ng sexy at halos lahat ng lalaki sa alinmang department ay may gusto dito. Pero hindi siya katulad ng lahat ng lalaki sa campus, si Sam lang ang gusto niya kaya kahit na anong pagpapapansin pa ang gawin ni Monica sa kaniya ay walang epekto ito.
My naisip siyang kapilyuhan, hinawakan niya ang kamay ng dalaga habang sabay naman silang naglalakad papunta sa canteen.
Nagulat naman ang dalaga sa ginawa niya pero hindi nito binawi ang kamay na hawak niya. Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak dito. Nilingon pa niya ito at ningitian. Kunot naman ang noo nito na nakatingin
sa kaniya.
Saktong dadaan na sila sa harap ng grupo nila Monica ng tanungin niya ito.
" Anong gusto mong kainin love?" halos matawa siya sa kilig sa sinabi niya.
" Ha?" nabiglang tanong nito sa kaniya.
" So totoo nga na sila?" dinig niyang sabi ng katabi na babae ni Monica
" Oh-my-gee Monica mukhang wala kang pag-asa kay Ethan." sabi pa ng isa
Nakikita niya sa kaniyang peripheral view na napatiim bagang ito at matalim ang tingin sa dalaga. Alam niyang nilalagay niya sa hindi magandang sitwasyon ang dalaga pero hindi niya hahayaan na may mangyari dito.
Nakapasok na sila sa canteen pero hindi niya pa rin binibitawan ang kamay nito. May mangilan-ngilan ding estudyante sa loob na kumakain at tumatambay.
"Ahhhhhhhh" sabi ng dalaga sabay ng pagtango-tango " kaya pala." dagdag pa nito.
Ng lingunin niya ito ay nakatingin ito sa kaniya na nakataas ang kilay at nakapamewang.
Gusto niyang humagalpak ng tawa sa hitsura nito dahil cute na cute ito sa paningin niya.
" Ang galing, magaling." panunuya pa nito. " Gusto mo talaga akong kalbuhin noh?" sabi pa nito.
" Ano na namang pinagsasabi mo jan, love?" pabiro at pag maang-maangan pa niya.
Binawi nito ang kamay na hawakhawak niya saka siya pinaghahampas sa balikat ng libro na daladala nito.
" Aray naman,love." sabi niya sabay salag sa mga hampas nito na tumatawa.
" Sira ulo ka talaga Montelebano! Papatayin talaga kita!" nangigigil na sabi nito pagkatapos ay iniwan siya. Nauna na itong umupo sa bakanteng mesa.
Nangingiting sinundan niya lang ito ng tingin. Nagpapadyak pa ito naglakad papunta sa mesa.
' Pikon talaga kahit kailan.' sa isip niya
Bumili siya ng dalawang sandwich at inumin at dinala ito sa mesa nila. Nakasimangot itong nagbabasa sa libro ng malapitan niya.
" Oh, kain na love." pamimikon pa niya sabay abot sa sandwich dito.
" Tumigil ka na, tatamaan ka na talaga sa'kin.' irap na sabi nito at kinuha ang sandwich at nag simulang kumain.
' Matagal na akong may tama sayo kung alam mo lang. Wag kang magminaldita,halikan kita jan eh.' ngingiti-ngiti niyang turan sa isip.
" Ano na naman?" painosenteng tanong niya.
" Ano na naman?'" panggagaya pa nito sa kaniya. " Ginagawa mo akong human shield jan sa mg nagkakagusto sayo ha. Lokoloko ka talaga. Baka sabihin ng mga yan binabakuran kita." dagdag pa nito
' Baliktad, ako ang nambabakod sayo' sagot niya sa isip.
" Wala na mang magagalit di ba?" biglang tanong niya
Nanahimik ito bigla at nag-iwas ng tingin. Kinabahan siyang bigla sa naging gawi nito.
's**t! May nakalusot sa higpit ng pagbabantay ko?' taranta niyang sabi sa isip.
" Wala, pero sa'kin marami ng galit." sagot nito.
Nakahinga naman siya ng naluwag sa sagot nito. May sasabihin pa sana siya ng tumunog ang cellphone nito, may tumatawag. Sinagot ito ng dalaga.
' Babe!' sabi ng boses lalaki sa kabilang linya.
Nanigas siya sa kinauupuan at napatiimbagang. Isang tao lang ang alam niyang tatawag kay Sam ng ganun. Siya ang taong nakakapagpakulo sa dugo niya sa kahit na anong bagay at dahilan. Ang karibal niya sa lahat ng bagay mula sa pagiging top student, sa gamit sa eskwela, sa mga naging girlfriend niya at ngayon nga kay Sam.
'Damn! Akala ko naka alis na siya papuntang States.' sabi niya sa isip habang kinukuyom ang kamao.