Pagkatapos maligo at makapagbihis ay agad siyang nahiga sa kama, pero naka ilang ikot na siya ay hindi siya dalawin ng antok.
" Damn!" mura niya at bumalikwas ng bangon.
Lumabas siya ng kuwarto niya at nagpunta sa bar counter. Kinuha niya ang whiskey at nagsalin sa baso. Habang hawak ang inumin tinungo niya ang ceiling to floor na glass window wall at binuksan ang black out curtains. Tanaw mula sa kinaroroonan niya ang kahabaan ng highway na may mangilan-ngilan na ring sasakyan. Tanaw din niya mula rito ang nagtataasang building na may mga christms lights at decorations.
" Its almost christmas." kausap niya sa sarili at napangiti.
May na alala kasi siya. Last year they celebrated Christmas together dahil na rin sa kakulitan ng mommy niya. Medyo nahiya pa nga siya ng magpumilit talaga itong magcelebrate ng pasko sa bahay nina Sam.
" Sige na anak, tayo-tayo lang ni Manang Celing at Manong Gener ang magpapasko. Tapos sina Sam lang din sa kanila. Dun na lang tayo." pangungulit pa ng mommy niya
" Mom, nakakahiya po. Saka hindi naman po tayo pwedeng pumunta ng walang pasabi." rason naman niya. Actually gusto niya din ang idea na iyon. Gusto niyang makasama ang dalaga sa araw ng pasko at personal na ibigay ang kaniyang regalo. Syempre binilhan din niya ng regalo ang lolo at lola nito.
Napairap ang mommy niya at namewang. " We won't go there empty handed,you silly. Syempre yung handa natin dito dadalhin natin dun. And our gifts as well." sabi pa nito
At ayun na nga at isang van ang sinakayan nila instead na yung maliit lang nila na sasakyan. Paano ba naman ang dami ng regalong dala ng mommy niya para sa family ni Sam. Isama pa ang mga pagkain at isang buong letchon.
Nagulat pa si Sam ng makita sila na bumababa sa saksayan nila at ang kanilang mga daladala.
Napakaganda nito sa suot na puting bestida. A-line cut ang ibabang bahagi ng damit at round ang neckline nito. Isang low heeled sandal naman ang sapin nito sa paa. Nakalugay lang ang hanggang balikat na buhok nito at may ipit na maliit na ribbon ang buhok nito malapit sa may tenga.
' God, she looks divine.' sabi niya sa isip.
Agad naman itong sinalubong ng yakap ng mommy niya.
" Merry Christmas hija." sabi pa ng mommy niya.
Gulat man ay niyakap din nito ang mommy niya at ngumiti ng kimi , "Merry Christmas din po Tita."
Tiningnan siya nito ng may pagtataka?
Nagpatiuanang pumasok na ang mommy niya habang binababa naman nina Mang Gener at Manang Celing ang mga dala nilang pagkain at regalo. Naiwan silang dalawa sa labas ng bahay.
Ngumiti siya at napakamot sa batok.
" Si mommy may pakana nito. Gusto daw niyang kasama ka sa pasko." nahihiya pa niyang sabi
" Sana tinawagan mo ako at sinabihan. Para nakapaghanda din kami." sumbat nito sa kaniya.
" Ayus lang yun." sabi niya at giniya ito papasok " Andito na kami eh. Saka kaya nga surprise di ba." sabi pa niya ngingiti-ngiti at kinindatan pa ito
" Loko-loko ka talaga '. at kinurot siya nito sa tagiliran.
Parehong nagulat din ang dalawang matanda sa pagdating nila.
" Merry Christmas po, Nana Caring" bating yakap ng mommy niya sa abuela ng dalaga.
" Merry Christmas din po Maam Joyce." magalang na sabi ng lola nito. " Bat biglaan po kayong napasugod dito sa bahay?" takang tanong nito
" Nana, Joyce nlng po, wag ng Maam. Saka po malungkot kung kami kami lang sa bahay kaya sabi ko dito kay Ethan eh dito kami magpapasko." nakangiting paliwanag ng mommy niya.
" Naku, Maam Joyce ang dami ho nitong dala ninyong pagkain." sabad ng abuelo ng dalaga habang magkatulong at si Mang Gener na buhat-buhat ang lechon.
" Konti lang po yan, Papu. Saka Joyce na lang po itawag ninyo sa akin." sagot naman ng mommy niya.
Nakamasid lang silang dalawa ni Sam sa pag-uusap ng mga matatanda. Nagtataka man pero ngumiti na ito habang nakikinig sa usapan.
" Ayusin lang po namin yung mga pagkain." biglang sabi nito at hinila siya papuntang kusina.
Ngingiti-ngiti siya habang nasa kusina sila at inaayus ang mga pagkain. Bukod sa lechon may dala silang baked spaghetti na luto ng mommy niya, hamonada, nilasing na hipon at cake. May dala din silang isang basket ng sari-saring prutas. Nakita din niya sa mesa ang handa nina Sam, adobong baboy, chicken cordon bleu at pancit. May fruit salad din daw sa ref sabi pa nito.
" Anong ngingiti-ngiti mo jan?" tanong nito sa kaniya.
" Wala. Masaya lang." nakangisi niyang sagot.
" Baliw." sabi nito na natawa.
' Sa'yo.' gusto niya sanang idugtong sa sinabi nito.
Actually hindi rin niya maipaliwanag ang nararamdaman. Excited siya na kinakabahan. Excited siya na masaya na kasama ito sa araw ng pasko. Kinakabahan naman siya dahil panay ang tingin ni Papu sa kaniya mula sa sala. Puro nakaw tingin lang ang ginagawa niya sa dalaga dahil baka wala sa oras makauwi sila.
" Oh, tapos na ba kayong dalawa jan? Bilisan na at ng makapagsimba tayong lahat." sabi ng abuela ng dalaga.
Sabay-sabay silang nagpunta sa simbahan. Nagvolunteer siyang magdrive dahil nagpaiwan si Manang Celing at Manong Gener para bantayan ang bahay at pagkain. Marami rami na ding tao pagdating nilansa simbahan. Hindi na sila pumasok at mas piniling pumwesto na lang sa gilid ng simbahan tutal may dala naman silang tig-iisang banko. Magkahilerang nakaupo sa harapan sina Nana, na napapagitnaan ni Papu at ng mommy niya. Sa likod naman ng mga nakakatanda pumwesto silang dalawa ni Sam. Nasa kaliwang side siya ni sam at ang kanang side ng dalaga ay may espasyo pa na kasya ang tatlo hanggang apat pa na katao.
Limang minuto bago magsimula ang misa ay mag dumating na isang ginang at ang dalawa nitong anak. Sa tantiya niya ay kasing edad ni Sam ang binatang lalaki at nasa sampung taon naman ang batang babae.
Magiliw na nagbatian ang mga nakatatanda. Nakita niyang ningitian si Sam ng lalaki. Agad namang umigting ang panga niya.
" Merry Christmas Sam!" matamis ang ngiting bati nito sa dalaga.
' Anong ngingiti-ngiti mo jan?' sa isip niya.
" Merry Christmas din Lennard." kimi ang ngiting ganting bati din ng dalaga.
" Aba dalaga na pala itong apo ninyo Mang Constancio." puna ng ginang " Ikaw ba ay may boyfriend hija?" walang gatol na tanong nito.
Namula ang dalaga sa tanong nito. Umiling-iling itong sumagot. " Wala ho, Aling Magda."
Mukhang natuwa ang Lennard sa sinabi ni Sam dahil lalong nagliwanag ang mukha nito.
' Umayos ka lalaki ka baka masapak kita.' anang bayolente niyang isip.
" Ay mabuti naman, so may pag-asa pa talaga tong binata ko sayo. Ang tagal na niyang nanliligaw sayo." bulalas pa nito.
Namula ng husto ang dalaga. Halatang hindi ito kumportable sa naging takbo ng usapan.
" Ma,nakakahiya po." kunwariy saway nito sa ina.
Tumikhim naman si Papu at nagsabing, " Mga bata pa sila Magda. Unahin muna ang pag-aaral bago yang nobyo-nobyo na iyan."
" Normal lang po iyon sa edad nila Mang Constancio. Saka po, gwapo naman tong anak ko, maganda ang magiging lahi nila ni Sam kung magkataon man na magkatuluyan sila." walang prenong sagot nito nakapamewang pa.
Sobrang nagpupyos na talaga siya sa galit dahil sa mag-inang nasa harap niya. Gusto na niya talagang manakit ng tao kahit paskong pasko. Naikuyom niya ang mga kamao at huminga ng malalim.
' Isa pa at talagang makikita mo.' banata niya sa isip.
" Ano ba yang pinag-uusapan niyo at nilalagay nyo ang mga bata sa alanganin na sitwasyon.Tigilan nyo na yan at magsi-upo na." saway ng Nana ni Sam.
Sasagot pa sana ang ginang ng humudyat na para magsimula ang misa. Humilera sa pagkaka-upo ang ginang kina Papu sa harap nila. Ang mga anak naman nito ay umupo katabi nila sa likod. Sinadya ng lalaki na tumabi kay Sam at ang kapatid nito sa kabilang side naman. Pasimple niya itong tiningnan ng masama. Para namang walang epekto dito sahil ningisihan pa siya.
' Nananadya talaga,bwesit!' mura niya sa isip.
Ng tingnan niya ang dalaga ay nakayuko lang ito at halatang hindi pa rin komportable. Huminga siya ng malalim at inilapit niya ang mukha sa may punong tenga nito.
" Are you okay?" bulong niya dito.
Nagulat siguro ito sa pagbulong niya kaya bigla itong napalingon. Halos mahigit niya ang hininga ng lumingon ito sa kaniya at gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kaniya.
Nagulat din ito at namimilog pa ang mga matang nakatitig sa kaniya. Narinig din niya ang mahinang singhap nito.
' Oh, love please. Wag mo kong tingnan ng ganiyan. I want to kiss you right now.' sa isip niya.
Feel niya hindi na siya humihinga dahil unti-unting nagsisikip ang dibdib niya. Nanunuyo din ang lalamunan niya dahilan para mapalunok siya ng ilang beses.
Pinanatili niya ang titig sa mga mata nitong gulat pa rin dahil pag ibinaba niya ang tingin at makita ang naka awang na labi nito ay baka humagalpos ang gahiblang pagtitimpi niya at masiil niya ito ng halik.
Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat at nag-iwas ito ng tingin at tumatango-tangong habang kagat-kagat ang ibabang labi.
' Oh no, don't love. Don't do that baka halikan talaga kita Samuel Luna!' sigaw niya sa isip.
Marahas siyang huminga at itinukod ang mga siko sa tuhod at sinapo ang ulo. Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niyang nakatingin kaniya si Papu. Ipinilig nito ang ulo waring tinatanong kung ayus lang ba siya. Ngumiti lang siya dito at nagpatango-tango.
Wala sa buong misa ang atensyon niya. Nasa lalaking katabi ni Sam sa kanan nito. Panay kasi ang initiate nito ng usapan, buti na lang at masyadong focused si Sam sa misa at tango at iling lang ang sagot nito. Malapit ng maghawak kamay para sa pagsambit ng " Amanamin". kailangan niyang gumawa ng paraan para hindi man lang magkahawak kamay ang dalawa at magkalapit pag nagbigay na ng peace sign. Mahirap na matsnasingan ang dalaga.
Nag-iisip siya ng paraan ng biglang tumayo si Sam at magpasintabi ito na dadaan sa harap niya dahil naiihi ito.
Agad naman siyang tumalima at nag presintang samahan ito.
Madali naman silang nakabalik. pabalik na sila sa uupuan at akmang babalik si Sam sa dating pwesto nito ng unahan niya ito sa pag-upo. Nagtataka man hindi na lang ito kumibo ng makitang nasa gitna na siya at katabi na niya si Lennard. Nagulat pa si Lennard ng siya na ang katabi nito.
Sinipat niya lang ito ng tingin at ngingiti-ngiting tumingin sa harap. Nagkatinginan sila ni Papu at umiiling na napapangiti nalang ito sa ginawa niya.
Natapos na ang pag kanta ng "Amanamin" pero hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ng dalaga. Kasunod nito ay ang pagbati ng "Peace". Mabilis niyang binitawan ang kamay ng dalaga ng lumingon si Papu at batiin siya. Hinalikan naman ng dalaga ang abuelo at abuela nito at pati na rin ang mommy niya. Binati din nito si Lennard, akmang aabutin ito ng binata para sa isang yakap at halik sa pisngi. bigla siyang umabante at sumingit sa gitna ng dalawa at tumikhim.
' Oooops not too fast man. Not on my watch.' sambit niya sa isip habang ngingiti-ngiti.
Napakunot ang noo ng dalaga pero wala itong sinabi. Kumaway nalang ito kay Lennard na halatang nagtangis ang bagang dahil sa ginawa niya.
Natapos ang misa at nagpa alam na sina Lennard, ang kapatid nito at ang mama nito. Hindi nakaligtas sa kaniya ang sinabi nito bago ito tuluyang umalis.
" Sam, text text na lang ha. Kita ulit tayo sa New Year!" sabi pa nito
' Oh no no no. Asa ka pa!' sambit niya sa isip.
Magkasabay silang naglalakad ni Papu habang bitbit ang mga upuan nila. Nauna nang maglakad ang mommy kasama sina Sam at Nana.
" Nakita ko yung ginawa mo." biglang sabi ni Papu na ikinakaba niya.
' Lagot. Lagot ka talaga ngayon kay Papu' natatarantang sabi niya sa isip.
" Alin po dun P-papu?" kinakabang tanong niya.
Tumawa lng ito at sinabing " Dahan-dahan lang kid. Masyado kang halata sa pinagagawa mo." at tinapik siya sa balikat. Nagpatiuna na itong naglakad sa kaniya.
Hindi niya alam kung matutuwa ba or mas lalong kakabahan sa sinabi nito. Akala niya kasi pupunahin nito ang muntik nang halikan nila ni Sam kanina. Mukhang iba ata ang nakita nito na ginawa niya.
Masaya nilang pinagsaluhan ang hapunan. Pabida ng kuwento ang mommy niya. Likas na madaldal ang mommy niya pero pag sila lang sa bahay ay naiingayan siya. Malaki ang ipinagbago at isinigla ng mommy niya simula ng makilala si Sam. Mas lalo itong naging makulit at palatawa. Natuwa naman siya dahil kahit papaano ay nagiging maayos na silang mag-ina pagkatapos ng pag-iwan sa kanila ng daddy niya.
Napatingin siya sa dalaga. Makikita niya sa mata nito ang kasiyahan. Masaya ito kahit mga abuelo at abuela lang ang kasama nito at simple lang kanilang pamumuhay. Sabi nga sa kaniya nito minsan ' Simple lang ang buhay Ethan. Nakadepende yun sa lahat ng choices mo. Your choices and decisions in life defines your future. Kung gusto mo maging masaya sa hinaharap mo, piliin mo ang mga choices na sa tingin mo magpapasaya at makabubuti sayo na walang inaapakang tao.'
Alas dose na at pasko na! Nagbatian silang lahat. Ibinigay ng mommy niya ang mga regalong dala nito. Isang tool set ang ibinigay nito kay Papu. Marble granite cookware set naman kay Nana. Ibinigay din nito ang bonus at mga pamasko kay Mang Gener at Manang Celing. Panghuling binigay nito ang kay Sam, isang malaking paper bag. Nang buksan ito ng dalaga ay napanganga ito. Laptop ang laman ng bag.
" Tita, nakakalula naman po ang regalo niyo.' maiyakiyak pa n sabi nito
" Ay naku, ayan ka na naman ha. Sana naman wag mong tanggihan anak. Magagamit mo yan sa school." ngiting sabi ng mommy niya.
Napangiti siya.Talagang anak ang tawag nito kay Sam. Hay si mommy talaga.
" Thank you po." at mangiyak-yikan na yumakap ito sa ina niya.
" Eh nasan yung akin Mom?" biro niya.
Ngumuso ito " Naku, akala mo naman nakalimutan kita. Pwede ba yun eh ikaw lang ang unico hijo ko." sabay abot ng isang maliit na box.
"Ang daya naman Mom. Ako ang anak tapos ang liit ng regalo ko." biro niya " Tinitipid nyo ata ako." dagdag pa niya
" Aeggggg" sabay batok sa kaniya " buksan mo muna" dugtong pa nito.
Nakangiting binuksan niya ang kahon. Nang makita ang laman ay lalong lumawak ang ngiti niya. Susi iyon ng bagong sasakyan. Niyakap niya ang ina ng mahigpit at nagpasalamat
" Oh ayan bago na yang sasakyan mo. Ayaw ko kung sinu-sinong babae sasakay jan ha babawiin ko talaga!" sabi pa nito.
Natawa naman silang lahat sa sinabi nito.
Lumabas sila ng marinig na may susindi ng paputok sa labas. Sabay- sabay silang napatingala at nanood. Pagkatapos ng fireworks display ay pumasok na ang mga nakatatanda. Naiwan sila ni Sam na nakaupo sa bangko sa labas habang nag sastar gazing.
Habang nakatingin sa kalangitan hindi niya maiwasan na sulyapan ang dalaga. Sa langit lang ito nakatingin at parang nagbibilang ng bituin.
Habang tinititigan niya ito, alam na niya sa kaniyang sarili na malalim na ang pagtingin niya para dito. Nakikita na niya ang sarili na makasama ito habang buhay. Ano kaya ang pakiramdam na maging asawa ito, at maging nanay ng mga anak nila? Sigurado siya na magiging perfect na mommy ito.
" Ilang anak ang gusto mo?" wala sa sariling tanong niya.
Biglang napatingin ang dalaga sa kaniya nagtataka at nakakunot ang noo.
" A-anong anak?" takang tanong nito
Nagulat din siya sa tanong niya. Tumawa naman siya bago magsalita ulit.
" Pag nagka-asawa ka at nagkapamilya ilan ang gusto mong anak?" lusot niya at napalunok.
" Ahhhh" natawa pa ito bago dumugtong ng " lima." at tumawa ng pagkalakas lakas.
"Lima?" gulat na sabi niya " Bat ang dami?" dugtong pa niya.
" Para masaya. Di bale ng mag-away away kahit maliliit pa, ang importante marami silang magdadamayan pag may problema. Ang hirap kaya ng only child." sabi pa nito
nagpatango-tango naman siya ' Lima. Kaya yun, sisiw.hahaha' sabi niya sa isip at natawa.
" Ikaw? ilan gusto mo?" balik na tanong nito
Ngumiti muna siya bago sumagot. Nakaisip na namn siya ng kapilyuhan. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito. Di bale ng atakihin siya sa puso dahil di siya makahinga sa pagkakalapit nila. Halatang nagulat ito " Lima din. Sabi mo kasi lima eh, love." at ngumisi.
Namilog ang mata nito at walang anu-anong piningot nito ang ilong niya.
" Boang ka talaga! Montelebano!" sabi pa nito habang pinipingot siya sa ilong.
" Aaaaraaaay,." natatawa niyang sabi. Hinuli niya ang kamay nito at iniwas ang mukha niya.
" Loko-loko" sabi pa nito. at sumimangot.
Ngumiti lang siya at may hinugot sa bulsa niya. Iniabot niya ang maliit na kahon sa dalaga. " Merry Christmas love."
Tigagal ito. Wala sa sariling inabot ang kahon at binuksan. Napasinghap ito ng makita ang laman. Isang kwintas na may pendant na hoop. Nakakabit ang hoop sa kwintas at may tampok itong limang diamond stones. Napapagitnaan ang pinakamalaking diamaond ng tigdadalawang maliit na diamonds sa gilid. Kinuha niya ang kwintas at iainuot dito.
" Ethan..." mangiyakngiyak nitong sambit.
" Gusto ko laging suot mo yan. Pag nakikita mo yan sana you will remember kung gaano ako ka thankful na nakilala kita. And I'll forever be grateful for your existence." sabi pa niya. Hindi niya alam kung nakuha ba nito ang gusto niyang ipahiwatig. Alam niyang nangako siya kay Papu nag maghihintay pero somehow gusto niyang may hint ang dalaga sa nararamdaman niya. Lalo pat may umaaligid dito.
Two days after ng pasko ay kaarawan namna niya. Umandar na naman ang pagiging socialite ng mommy niya at naisipan nitong magdaos ng simpleng handa. Napailing siya sa sinabi nitong sisimplehan lang ang handa. Knowing his mom, wala sa bokabularyo nito ang salitang simple. Nakapasok na siya sa gate ng subdivision nila. Mangilan-ngilan lang ang bahay sa loob ng subdivision na kinakatayuan ng bahay nila. Ito kasi ang ikalawang pinaka exclusive na subdivision sa bansa. Hindi ka makakapabili at makakapagpatayo ng bahay sa subdivision na ito kung hindi aabot sa seven to eight digits ang gross income ng family mo sa loob ng isang taon.
Her mother was born with a silver spoon on her mouth, o mas tamang sabihin na golden spoon. Mayaman ang pamilya ng mommy niya, halos sakop ang mga negosyo nito sa kahit anong larangan. Pero itinakwil ang mommy niya ng lolo niya nung magpakasal ito sa daddy niya. Mabuti na lang at magaling sa negosyo ang mommy niya kaya nakapagpatayo ito ng sariling kumpanya at napalago.
Malapit na siya sa bahay nila at nakita niyang may ilang mga sasakyan na na nakaparada sa labas ng gate nila. Mukhang maraming inimbita ang mommy niya.
" What would you expect Ethan, your Mom is always over the top when it comes to parties." sabi niya sa sarili.
Ipinark na niya ang kotse at nagtungo sa entrance ng bahay nila. Agad siyang sinalubong ni Manang Celing na nakangiti.
" Happy Birthday Christpher." sabi pa nito
" Maraming salamat po Manang." at niyakap ito. Close siya kay Manang Celing dahil bata pa siya ay ito na ang tagapag-alaga niya.
Pumasok na siya sa loob at bumungad sa kaniya ang mga bisita sa malaking sala. Nakita niya ang kaniyang mommy na sobrang ganda sa suot nitong itim na gown. Agad siyang sinalubong nito ng yakap at binati. Isa-isa naman siyang nilapitan ng kaniyang mga bisita. Mostly sa kanila ang mga barkada niya at classmates sa highschool. Huling lumapit pinakaclose pero pinaka karibal niya sa lahat ng bagay, ang pinsan niya sa father side si Kenneth Justine Rio.
" Happy Birthday brother;" nakangiting sabi pa nito.
Niyakap niya ito dahil namiss din niya ito. Kahit naman magkaribal sila sa lahat ng bagay ay wala naman silang samaan ng loob. Ika nga nila pareho healthy competition iyon sa kanilang magpinsan. Solong anak din ito ng tita niya na kapatid ng daddy niya. Maganda ang relasyon nila ng family ni Kenneth despite sa paghihiwalay ng daddy at mommy niya.
" Buti naman naisipan mo akong puntahan at batiin." sabi niya dito
" Sorry, busy lang sa business. Alam mo naman si daddy tumatanda na kaya todo ang training niya sa akin." sagot naman nito. Nasa huling taon na ito ng kolehiyo at nag papractice na patakbuhin ang wine business ng pamilya nito. Ganun din sana siya kung hindi lang siya tumigil sa pag-aaral.
" Pati ba paghandle ng chicks ay tinuturo din ni Tito Miguel?" biro niya.
Sinuntok siya nito sa braso sabay sabing " Hoi goodboy na ako noh. Nagbago na ako." ngising sabi pa nito
" Go tell that to the marines!" biro niya at tumawa ng malakas. Alam niyang likas na babaero ang pinsan niya. Nung nasa highschool sila ay halos buwan buwan kung magpalit ng girlfriend.
Nagsimula na ang party at naging busy na ang lahat lalo na siya na celebrant. Masaya naman siya pero alam niyang may kulang. Alam niya kung sino ang kulang. Si Sam. Bakit wala ang dalaga sa birthday niya. Alam naman nito ang petsa ng kaarawan niya. Hindi din siya binati sa text or tinawagan nito kanina. May lungkot siyang naramdaman. Feeling niya hindi siya importante sa dalaga kasi hindi nito naalala ang birthday niya.
Nagtungo siya sa veranda na kadugtong lang ng sala. Tanaw mula rito ang malawak na gwaden ng mommy niya. Walang tao dito dahil nasa loob ang kasiyahan. Tumanaw siya sa malawak na hardin. Naamoy niya ang halimuyak ng mga rosas na tanim ng mommy niya. Huminga siya at pinuno ang baga niya ng preskong hangin. Napakunot noo siya ng may ma amoy na pamilyar na pabango. Mild, sweet, delicate and heavenly. Mayamaya pay biglang nagdilim ang paningin niya, may dalawang kamay na tumabon sa mga mata niya.
Hinawakan niya ang pulsuhan ng mga kamay na iyon at umikot para makaharap ang may-ari nito ng hindi binibitawan.
Mukha ng nakangiting si Sam ang bumungad sa kaniya. Sobrang ganda nito sa suot na black dress.Pinasadahan niya ito ng tingin. Sleeveless round neck ang itaas na bahagi. A-line naman ang cut sa ibaba. Pinaresan nito ng pointed nude three-inch heels. Nakaponytail din ang buhok nito. May make-up din ito pero light lang. Lumutang ang natural nitong ganda sa ayos nito ngayon. Suot din nito ang kwintas na binigay niya noong pasko.
Dahil sa nahipnotismong reaksyon niya, wala sa sariling hinapit niya dalaga para yakapin ng mahigpit.
" You came! You're here." sabi niya habang hinahalik halikan ang ulo nito.
Mukhang natigilan ito sa ginawa niya dahil naramdaman niyang nanigas ito. Walang isang minuto mukhang nakabawi agad ito.Hinampas siya nito sa balikat.
" Ang OA mo Montelebano! Chansing na yan ha!" sabi pa nito at kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.
" Hindi pa yan chansing love, ang chansing ay kung hinalikan kita." sabi pa niya sabay kindat.
Akmang susuntukin siya nito ng hulihin niya ulit ang kamay nito.
" Pasalamat ka birthday mo ngayon. Oh dali na Happy Birthday yakap ka ulit." at binuka nito ang mga bisig. " Chansing ka ulit!"
Natatawa man pero pumaloob siya sa yakap nito. Choosy pa ba siya eh yun ang gusto niya.duhhh...
" Wala bang kiss?" bulong niya sa tenga nito sabay ngisi.
Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at sinamaan siya ng tingin. " Abuso?" nguso nito.
Tumawa siya. Yung tawang sobrang lutong,totoong tawa. Sobrang saya na niya. Nakita na niya ang kulang kanina sa birthday niya. Nasa ganun silang eksena ng biglang may tumikhim.
" Ganda naman ng kasama mo jan brother. Pakilala mo naman ako." sabi ni Kenneth habang papalapit sa kanila.
Hindi siya kumibo, bagkus ay nagsalungat ang mga kilay niya. Kilala niya si Kenneth, alam niyang nakuha ni Sam ang atensyon nito.
Nang hindi siya kumilos para magkakilala ang dalawa ay ito na mismo ang nagpakilala sa sarili.
" Hi! Im Kenneth Justin Rio, pinsan ni Ethan. Can you be my girlfriend?"