" Can you be my girlfriend?" nakangiti pero seryosong sabi ni Kenneth kay Sam.
"No!" sabay nilang sambit ni Sam. Nagulat pa siya at tiningnan ang dalaga. Nakakunot ang noo nito halatang nagulat sa sinabi ng pinsan niya.
Hindi naman niya maipaliwanag ang nararamdaman. Nagpupyos ang kalooban niya at unti-unting umuusbong ang galit niya para sa lalaking kaharap. Biglang humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga dahil feeling niya anytime ay pwedeng kunin ni Kenneth ang dalaga sa mga kamay niya. Akmang hihilahin niya ang dalaga para itago sa likod niya ng magsalita ito.
" I can't be your girlfriend kasi tomboy ako,yow! Presko." sabi nito sabay iwan sa kanila. Halatang nainis ito.
Naiwan siyang tigagal at sinundan lamang ito ng tingin habang papunta sa kumpulan nina Jay-jay. Hindi niya alam kung matatawa or ewan sa sinagot nito. Binaling niya ang tingin sa pinsan niya, matalim, nagbabanta.
" Don't you dare!" sabi niya sa matigas na boses
" Woaaah, easy brother. Its just a joke." sabi nito habang ikinukumpas ang mga kamay.
" Not her. Off limits si Sam." dagdag pa niya.
" Really?" sabi nito habang tumutungga sa beer at tumingin sa dalaga. " Let's see. Mukhang gusto kong subukang ligawan ang tulad niya. She' kinda cute, and looks challenging." dagdag pa nito.
Naikuyom niya ang mga kamay at nagbuntong hininga. Kilala niya ang pinsan, mukhang nakuha ni Sam ang atensyon nito.
' Oh,God mukhang ang pinsan ko ang una kong mapapatay.' sabi niya sa isip.
" Kenneth, Im dead serious. You can court other girls but not her." sabi niya. Feeling niya para siyang nakikiusap sa pinsan.
" Bakit? You like her?" tanong nito sa kaniya ng nakangisi.
Nagtitigan sila. Aaminin ba niya para matigil ang pinsan niya? Kabisado niya ang ugali nito. Pag may gusto ito, hindi ito titigil hangga't hindi ito nakukuha.Challenge fuels his cousins desires, wants and needs. Mas challenging mas gaganahan itong magpursige lalo na kung silang dalawa ang magtutunggali
" She's special to me." he said,instead.
Tumango-tango ito habang nakangiti. " Oh well, lets see brother. Lets see." sabi nito at tinapik siya sa balikat bago pumasok sa loob ng bahay.
Napailing na lang siya ng maalala ang tagpong iyon a year ago. halos sobrang sakit ng ulo ang inabot niya dahil sa selos at galit na naramdamam. Simula kasi ng magkakilala ang dalawa sa birthday niya hindi tinigilan ng pinsan niya si Sam hanggang sa pumayag ang dalaga na maging kaibigan din ito. At yun nga gusto niyang basagin ang pagmumukha ng pinsan niya every time na tinatawag nito si Sam ng 'Babe'.
Everyday halos may natatanggap ang dalaga na flowers and chocolates mula dito. Nung minsan valentines day may binili siyang white long stem roses at isang malaking mickey mouse stuffed toy para sa dalaga. Nasa parking lot siya at iniintay ito dahil usapan nila na ihahatid niya ito pauwi. Ngingiti-ngiti pa siya habang nag aantay sa labas at nakasandal sa kotse niya. Ilang beses din niyang pinag isipan kung sa loob ba ng kotse siya maghihintay o sa labas habang nakasandal. Kung sa loob siya mangagaling, lalabas siya ng kotse sa swabeng paraan at ibibigay ang regalo niya kagaya ng ginawa ni Park Seo Joon or mag-aala Lee Min ho na nakasandal sa labas ng kotse habang hinihintay ang dalaga.
Natatawa nalang siya sa mga pinagagawa niya. Nasa ganun siyang pag-iisip ng mamataan ang dalaga na papalapit sa kinaroroonan niya.
Nawala ang ngiti niya ng makitang may bitbit itong isang bouquet ng sunflowers at isang medium size na teddy bear.
Napatiim bagang siya. Alam niya kung kanino galing ang mga ito. Nagsisimulang uminit ang ulo niya.
" Kanino galing yan?" kunot-noo niyang tanong. Hindi niya tinago ang pagka irita.
" Kay Kenneth." nakangiting sabi nito
' Bat ka nakangiti?Kinikililig ka pa?' sabi niya sa isip na nanggagalaiti.
Inis na kinuha niya dito ang mga bulaklak at ang teddy bear at padabog na ipinasok sa backseat. Padabog din niyang isinara ang pinto ng sasakyan.
" Bat galit? May regla ka?" sita ng dalaga sa kaniya habang binubuksan naman niya ang pintuan sa passenger seat. Hindi siya kumibo.
Akmang papasok na ang dalaga sa loob ng kotse ng makita nito ang malaking stuffed toy sa passenger seat na may kandong na white roses. Natigilan ito at na estatwa.
' Jan ka dapat kinikilig hindi sa sunflowers at maliit na teddy bear.' pangungutya niya sa isip.
Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kaniya at sa malaking stuffed toy sa passenger seat. Ngumiti ito at kinuha ang stuffed toy at bulaklak.
" Sa'kin to?" tanong pa nito ng nakangiti.
Napakamot siya sa batok. ' Hay kahit kailan talaga loading tong babaeng to.' frustrated na sabi niya sa isip. " Hindi, para kay Monica yan."
Bigla itong sumimangot at inirapan siya. Akmang itatapon nito ang stuffed toy at bulaklak ng tumawa siya.
" Tuwang-tuwa?" naasar na sabi pa nito. " Pakain ko to sayo eh."
" Para kang bata. Malamang sayo yan. Sino pa bang pagbibigyan ko?" sagot niya ng nakangiti.
" Aba malay ko. Kainis ka din eh. Hindi naman ako assuming." nakairap na sagot nito.
" Wag kang selosa. Ikaw lang naman binibigyan ko ng bulaklak saka mga regalo bukod kay mommy." sabi niya habang tinutukod ang mga kamay sa pintuan at bubong ng kotse.
Nakanguso pa rin ito sa kaniya. Humakbang siya paharap para lalong magkalapit silang dalawa. Nakulong ito sa gitna ng mga braso niyang nakatukod sa sasakyan. Napakurapkurap ito habang papalapit siya habang nakatingin sa kaniya at halatang uneasy ito sa posisyon nila.
" Wag ka nang sumimangot baka hindi ako makapagpigil halikan kita." sabi niya habang titig na titig sa mga mata nito. Actually yun ang gusto niyang gawin kanina pa. Tinitibayan lang niya ang kaniyang will power para hindi siya matukso na gawin ang sinabi niya.
Halatang hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Namilog ang mga mata nito sabay hampas sa kanya ng mg bulaklak.
" Loko-loko! Baliw ka talaga Montelebano!" sabi nito.
Tumawa naman siya at sinalag ang hampas nito. "Pasok na sa sasakyan ng maihatid kita. Andami kasing arte."
He smiled when he remembered Sam's face nung sinabi niyang hahalikan niya ito. Everytime na may naisip siyang kapilyuhan or gusto niyang asarin ito, ginagawa niyang joke ang feelings niya para dito. Even ang pagtawag niya dito ng 'love' is his way to tell her he likes her. Simple things or gestures that would make her feel na in love siya dito. If only he could tell her.
Minsan gusto niyang magsisi kung bakit nangako siya kay Papu. Kung tutuusin pwede niyang ligawan si Sam at kalimutan ang friendship nila. He could do that dahil halos hindi niya kinaya ang selos nung makita niya kung gaano kalaya si Kenneth na iexpress ang nararamdaman para sa bestfriend niya. Halos kalimutan niyang magpinsan sila at muntik na niyang sugurin ang huli ng malaman na nililigawan nito si Sam despite his warning. Ang problema kasi, masyado niyang pinapahalagahan ang friendship nila. Ayaw niyang malayo sa dalaga at ayaw niyang makaramdam ito ng awkwardness sa kaniya kaya mas pinipili niyang ma friend zone, sa ngayon.
Naalala niya nung makita niyang magkayakap si Kenneth at Sam. Sabado iyon at naisipan niyang dalawin ang dalaga. Yun ngang yakapan scene ang naabutan niya.
Halos takbuhin niya ang dalawa pagkababa niya ng sasakyan. Agad niyang hinila ang dalaga ng makalapit sa dalawa.
" What do you think you're doing?" nakatiim bagang niyang sabi sa pinsan
" Chill brother nagpapaalam lang ako sa babe ko." nakangiting sabi ng pinsan niya.
Nakakunot ang noong tiningnan niya ang dalawa.
" Oa mo." sabi ni Sam habang binabawi ang brasong hawak niya kanina
" As you know, Im flying for the States. Nagpaalam lang ako kay Babe. Don' t worry babe balik din ako next year." sabi pa nito kay Sam at kumindat.
' Letcheng ' babe' yan!' galaiti niyang sabi sa isip.
Aalis ang pinsan niya papuntang states dahil sasamahan nito ang tita niya para magpagamot. Kahit bwesit siya sa pinsan dahil sa panliligaw nito kay Sam, naaawa naman siya sa kalagayan nito dahil may sakit na cancer ang mama nito.
" Ingat ka dun Kenneth. Ipagdadasal ko din na sana gumaling na si Tita." sabi pa ng dalaga.
'Tita? Si mommy lang ang Tita mo!' maktol niya sa isip.
" Oo naman babe, ikaw din ingat ka dito." sabay kuha sa kamay ng dalaga.
At para siyang bata na tinapik ang kamay ni Kenneth. " Kayo ang Oa. Pasok sa loob ng bahay Samuel Luna!" sabi niya sabay talikod sa dalawa at nagpatiunang pumasok sa bahay nina Sam.
Hindi sumagot ang dalaga kaya nilingon niya ito. Nakatingin ang dalawa sa kaniya na para bang iniintindi ang naging behaviour niya.
" Isa!" nagsimula siyang magbilang.
Natawa si Kenneth sa ginawa niya. " Oh sige na babe galit na si Lolo Ethan, alis na ako bye." sabi nito at humalik sa pisngi ng dalaga.
Nagulat siya sa ginawang paghalik ni Kenneth sa dalaga at hindi siya nakakilos.
" Brother, mamayang gabi na flight ko, baka gusto mo akong ihatid sa airport." sabi pa nito
" Sa cementryo kita ihahatid mamaya kung hindi ka lalayas ngayon!" galit na talaga siya.
Natatawang kumaway ito sa kaniya at sumakay ng kotse nito at tuluyan ng umalis.
Ng umikot siya para pumasok sa loob ng bahay nina Sam nakita niya si Papu na nakahalukipkip na nakatayo sa pintuan. Halata sa mukha nito ang pigil na pagtawa. Ng marealize ang naging behavior niya bigla siyang nahiya sa matanda. Pano ba naman kinain siya ng selos at halos magwala na siya.
Narinig niya ang padabog na paglalakad ni Sam papasok ng bahay. Hindi siya nito pinanain at naiwan silang dalawa ni Papu.
Lumapit si Papu sa kaniya at tinapik siya sa balikat.
" Dun tayo sa loob ng shop apo, mukhang malaki yang problema mo." sabi pa nito habang naka akbay sa kaniya at ginigiya siya sa papasok ng shop nito.
Napahugot nalang siya ng isang malalim na buntong hininga. Pag si Sam ang pinag-uusapan malaki talaga ang problema niya.
Ring ng cellphone niya ang nagpabalik sa kaniya sa kasalukuyan. Ng tingnan niya ang caller id numero ng mommy niya ang nakarehistro.
" Mom." sagot niya
" Anak, Im sorry. Okay ka lang ba?" tanong nito agad-agad.
" Im fine. Ma, andito na ako sa condo." sagot naman niya habang naglalakad papunta sa living room.
" Your dad called me also. He wants to talk to me as well." sabi pa nito
Napabungong hininga siya. Kahit gustuhin man niyang pigilan ang ina sa pakikipagkita sa daddy niya alam niyang nasa mommy pa rin niya ang desisyon. Malaki ang respeto niya sa ina at sa mga desisyon nito " And?"
" I declined anak. I know you wouldn't like it. Saka okay na naman tayo diba? Our divorce was finalized years ago. Wala na kaming dapat pag-usapan." sagot nito sa kabilang linya
" Mom, kung gusto mo siyang kausapin ay ok lang po sa akin. But for me mom, tama ka po, wala na po kayong dapat pag-usapan. Everything is over between you and him.Its also over between me and him." sabi naman niya at pagod na napaupo sa sofa.
" Anak, I know you're still hurt but he is still your dad. Ye, divorce na kami at hindi na kami mag-asawa pero hindi kasali sa divorce namin ang pagiging ama niya." mahinahong paliwanag nito
" Ma, matagal na akong walang tatay. Kung gusto niyang magpakatatay dun sa anak nila ng kabit niya." may hinanakit niyang sabi.
" Christopher...." napabuntong hiningang sabi ng ina sa kabilang linya
" Ma, we both know he stopped being a father when he cheated. Choice nya yun. Now, my choice is not to be his son. Sorry po pero hindi ko pa po siya napapatawad." mapait niyang sabi
Mukhang walang magagawa ang ina niya sa katigasan niya sa ama kaya nagpaalam na ito at pinutol ang tawag.
Napahilot siya sa sentido bigla siyang nakadama ng sakit ng ulo at kirot sa dibdib. Naa lala niya ang nangyari nung malaman niya ang totoong dahilan ng paghihiwalay ng mga magulang niya.
Nasa high school siya noon. Hindi bago sa kaniya ang gabi-gabing away ng mga magulang niya. Lulong sa sugal ang daddy niya at halos gabi gabi ay laman ito ng mga casino.Nagsimula itong magsugal ng makunan ang mommy niya sa ikalawang anak nito. Mas na depress ang daddy niya kaysa mommy niya kaya nabaling ito sa pagsusugal. Akala nga niya na mamumulubi na sila dahil sa bisyo nito pero mabuti nalang at magaling humawak ng pera ang mommy niya. Pina freeze ng mommy niya ang bank accounts ng daddy niya para matigil ito sa pagsusugal at paglulustay ng pera.
Pero hindi ito napigil hanggang sa mauwi sa divorce. Tinangka niyang kausapin ang mga magulang sa isyu ng hiwalayan pero naging pinal na ang desisyon ng mga ito. Pero duda talaga siya sa rason kung bakit naghiwalay ang dalawa. Kaya gumawa siya ng sariling paraan at nag imbestiga. Sa tulong na din ni Kenneth palihim nilang sinundan ang daddy niya. Nasa isang mall ito at nasa tapat ng isang restaurant parang may hinihintay. Nakakubli sila ni Kenneth sa mga halaman di kalayuan sa daddy niya.
Mayamaya pa may dumating na babae. Halos kasing edad lang din ng mommy niya. Maganda ito at balingkinitan ang katawan pero hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil nakasuot ito ng malaking sunglasses at natatabunan ang kalahati ng mukha nito. Pumasok ang dalawa sa restaurant at sinundan nila ito.
Bago pa sila makapasok ng tuluyan ay tinanong muna siya ni Kenneth
" Are you sure about this?" tanong pa nito
Napalunok siya bago tumango. Hindi rin siya sigurado kung makakaya ba niyang tanggapin ang katotohanan.
Tinapik muna siya nito sa balikat saka sila tuluyang pumasok sa loob ng restaurant. Nakatalikod ang daddy niya sa pintuan kaya hindi sila nakita nito. Pumwesto sila sa katabi na mesa. Umupo siya sa likod ng daddy niya nakatalikod din siya dito. Si Kenneth naman ay nasa tapat niya at sinusubukang aikipin ang mukha ng babaeng kasama ng daddy niya. Nadinig niyang umorder ang dalawa. Habang hinihintay maihatid ang order ay nag-uusap ang mga ito.
" Napirmahan na ba ng asawa mo ang divorce papers?" tanong ng babae
" Yes, it will be finalized in a few months time." sagot naman ng daddy niya.
" How about your son? Does he know?" usisa nito
Base sa pananalita nito halatang may class at breeding ang babaeng kaharap ng daddy niya.
" No, he doesn't. Ang alam niya we divorced dahil sa pagsusugal." sagot ng daddy niya
" Do you want to take him? I can make arrangements." sabi pa nito
" No, he will stay with Joyce. Yun ang usapan namin."
Mukhang ma impluwensya din ang babaeng kausap ng daddy niya. Patukoy ang pakikinig nila sa usapan.
" Eduardo, thank you at ako ang pinili mo. You just don't know how you made me so happy." madamdaming sabi ng babae
Hindi mapigilang makaramdam ni Ethan ng galit. So ang babaeng to ang ipinalit ng daddy niya sa kanila ng mommy niya. Seventeen years of marriage idagdag pang itinakwil ng lolo niya ang mommy niya dahil sa pagpipilit na makasal sa daddy niya. After all that ganito ang mangyayari? Hindi din niya maiwasang makaramdam ng awa sa ina. Malaki ang isinakripisyo nito para makasama lang ang daddy niya. He could not believe that the love his mother gave was not enough to make his father stay. Possible pala na ang sobra sobrang pagmamahal na ibinigay mo ay hindi sapat para mapanatili sa piling mo ang isang tao. Hindi na siya nakatiis at tumayo at hinarap ang ama.
" Really dad? Ipagpapalit mo lang kami sa babae mo?" galit na sambit niya sa ama
Halatang nagulat ito ng makita siya. Ang babae naman na kaharap nito ay yumuko at lalong itinago ang mukha.
" Ethan,anak anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ng daddy niya
"Saan nagkulang si mommy dad para magawa mo to sa kaniya?" tanong niya pa sa ama
" Ethan anak, let me explain..." tumayo ito at akmang hahawakan siya ng iniwas niya ang kamay.
" I don't want to see you ever again. Wag na wag kang magpapakita sa amin ni mommy or else God forbid hindi ko po alam kung anong magagawa ko sa inyo." pagkasabi niyon ay tulyan silang lumabas ng restaurant ni Kenneth.
Ng maka uwi siya sa bahay nila nagdalawang isip siya kung sasabihin ba niya s aina ang nalaman. Sa huli napagdesisyunan niyang kausapin ang mommy niya. Pinuntahan niya ito sa study room nila.
" Ma" bungad niya. Naabutan niya itong nagbabasa ng libro
" Oh anak, halika, may kailangan ka?" nakangiting tanong nito. Mukha itong okay pero hindi umaabot sa mata nito ang ngiti.
" Ma, sinundan ko si daddy kanina. Nakita kong..,.." hindi niya natapos ang sasabihin ng makutang isinara ng nanay niya ang librong binabasa nito at malungot na napangiti.
" Im sorry anak, I am not brave enough to tell you." simula nito may namumuong mga luha sa mata
" Ma..." tanging nasambit niya
" Your dad is having an affair. Akala ko kung sinu-sinong babae lang but its not." umiiyak nang kwento nito
" I thought it will just pass by since baka alam mo na , nakunan ako and all pero hindi. Dapat hindi ako nakampante at ginawan ko ng paraan. Partly to blame din ako kasi hinayaan ko lang." humagolgol na ito ng iyak.
" Ayaw kong malaman mo ang totoo kasi ayokong maging masama ang tingin mo sa kaniya. Problema naming mag-asawa ang pambabae niya at hindi kasali dun ang pagiging tatay niya sayo." dagdag pa nito
" Ma, don't blame yourself. Hindi ka nagkulang kay dad. He made his choice. He chose his woman over his family. And yes, galit ako sa kaniya kasi despite everything na ginawa mo, nagawa niya pa ring mambabae. That's cheating ma!" galit niyang sabi. " I wont forgive him!"
" Anak, he is still your father." sabi nito
" He made his choice. Now I'm making mine." pagkasabi niyon ay umalis siya ng mansion at nagtungo kina Mang Gener.
Kung may isa man siyang ipinagpasalamat sa nagyaring hiwalayan ng magulang niya yun ay ang paglalayas niya. Dahil kung hindi siya naglayas hindi sila magkakakilala ni Sam.
Bumalik sa balintataw niya ang imahe ng dalaga. Ang nakangiting hitsura nito, ang pagsimangot nito pag iniinis niya ang pamimilog ng mata nito pag nagugulat. He suddenly missed her. Natawa siya. Kani kanina lang ay halos may mangyari sa kanila sa mismong kwarto niya at kani kanina lang din ay binalikan niya lahat ng pangyayari simulan ng makilala niya ito. Ganun ba talaga pag mahal mo ang isang tao? Kahit magkasama lang kayo kanina at lagi mo siyang iniisip ay namimiss mo pa rin ito?
" You're crazy man.You're crazy." Sabi niya sa sarili habang iiling iling na napatawa.
Then he froze, the kiss. Oh yes the kiss. Bigla siyang napaayos ng upo. Paano niya pakikitunguhan si Sam bukas? Should he mention what he did?
" Nah, baka masampal ako nun wala sa oras." sagot niya sa tanong ng isip.
' Pano kung magpretend ka na lang na sobrang lasing tas walang maalala?' suggestion namna ng kabilang panig ng utak niya
" I could do that, let see kung aamin ba siya or magpepretend na walang alam." sagot naman niya sa sarili.
And then he realize how creepy he is right now. Sinasagot niya ang sarili niyang tanong. Mukhang nasisiraan na siya ng bait dahil sa pagmamahal niya kay Sam. And just like a mad man he laughed at his own thoughts....